butatoy: da manyak boy

Lumipas ang maraming araw, sumandaling nanahimik ang buhay ng mga Superpekpek Heroes. Sila ay nag-undergo ng yearly na recollection, ito daw ay para maiwasan ang tuluyang pagkawasak ng kanilang moral. Linggo, bumaba si Elsa sa trike... ke bango bango nya...umaalingasaw pa ito kaya naman natakpan ang amoy ng palengke. Ang mga langaw ay nahawi na para bang umiiwas dahil sa hiya. Napatanga na naman si Baho, pakinsyet.. ang ganda kasi ng babaeng ire.. at naisip nya na talagang sila ang bagay ni Elsa. Maganda si Elsa, Kyut sya. Mabango si Elsa... Baho ang pangalan nya.

Baho: Gandang umaga mahal..

Elsa: Pwede ba, Baho?! Nagpakahirap akong maging banal ngayong umaga.. lumayas ka sa paningin ko! *pikit mata*

Baho: Pero mahal.. di mo na kailangan pang magpakabanal.. Ay lab yu por wat yu ar.

Mumurahin na sana ni Elsa ang lalaki ng biglang tumunog ang cellphone nya. Kaya nginaratan na lang nya ang lalaki sabay tumalikod para kunin ang cellphone sa kanyang bag. Nagtext si Superpekpek Orange. "Bah! Dumating na pala ang bruha galing never neverland!!" Sambit nya sa sarili. Iniimbitahan sya ng mga Superpekpek Heroes para i-celebrate ang pagdating ni Orange. Naexcite ang babaeng palengkera. Me katagalan na din kasi mula ng huli syang lumabas at gumimik. Ang mga Superpekpek Heroes kasi ay napakahirap hagilapin, masyado na silang bisi sa trabaho... ang iba naman ay.. wala lang.. wala lang silang pera. Agad hinanap ni Elsa ang ama, nag-paalam sya dito at sya naman ay agad na pinayagan ng huli dahil gusto nitong dalin si Selya sa bahay mamayang gabi. Me ipapatikim daw itong ibang timpla ng BJ. Lumipas ang araw ni Elsa kakaisip kung ano ba ang isusuot nya sa toma session at kung ano ang pasalubong sa kanya ni Superpekpek Orange.

Kinahapunan, ay dali daling nag-sara ang ating bida. Kahit na me humahabol pa para bumili ng nyog ay walang awa nya itong pinalayas. Pag-uwi sa bahay ay dali dali nitong kinalkal ang kabinet. Kinuha ang hanging shirt at ang short na niregalo sa kanya nung ika-13th Berday nya. Ipinilit nya ang sarili sa damit, hapit na hapit ito. Pero hanep talaga ang lakas ng babeng ire, kahit nahihirapan syang huminga ay nakuha pa rin nyang mag-meyk up. Sinipat ang sarili sa salamin.. "medyo tisay ata ako ngayon ah.." bulong nito sa sarili. Bumaba sya ng hagdan at nakita ang ama na pasipol sipol..

Mang Gusting: Bakit ganyan ang suot mo?! Lintek kang bata ka... namumutla ka na sa sikip ng damit o. Palitan mo yan!

Elsa: Indi dadi, yan yung effect ng papaya soap na gamit ko.

Mang Gusting: Anong effect, ayan at di ka makahinga! nangingitim na ang labi mo o! di sapat ang hangin na pumapasok sa iyo... palitan mo yan.. *taas ang boses*

Elsa: Pero dadi, galing never neverland yung friend ko, kailangan kong maging in.

Mang Gusting: Wag mo kong subukan, Elsa ha. Pasasamahan kita kay Baho!

Elsa: Sabi ko nga magpalit na ako at di bagay ang damit na ito sa akin.

Ng tumalikod ang ating bida ay dali daling kinuha ni Mang Gusting ang cellphone at tinext na nya si Selya. Nagpalit ng damit ang lukaret, di kasing hapit ng nauna pero labas pa rin ang kanyang ganda. Dali dali nyang binaybay ang daan.. at sumakay sya ng trike at tumungo sa Bathcave. Dali dali din namang sinungkit ni Mang Gusting ang t-bak nyang nakasampay sa likuran-- Bah, taena iba na ata ang handa! Inabutan ni Elsang nagsisimula na ang toma session. Nagbeso beso ang ating mga bida at nagkumustahan.. medyo nairita ang mga lonkatuls dahil ke dami na namang hugasin at di na naman sila makakapanuod ng paborito nilang soap opera. Pagkatapos ibigay ang mga pasalubong ng mga Superpekpek at ni Elsa.. ay nagkwentuhan ang mga ito sa may sala.

Superpekpek Orange: O kamusta na kayo?

Elsa: Ok naman kami, medyo naging stagnant ang mga buhay mula ng magbakasyon ka kasama ang biep mo sa Never neverland!

Superpekpek Orange: O nga.. gago talaga tong si Superpekpek Yellow eh, kung kelan ako dadating saka naman sya umalis!

Superpekpek Green: O nga pala, sabi ni Yellow, itabi ko daw yung pasalubong nya...

Superpekpek Orange: Wala syang pasalubong...

Superpekpek Red: My god, mare.. thanks so much dito sa jammies (sleepwear yan, mga ungas) na pasalubong mo sa akin.. it's so sexy.. kaya lang.. di na to makikita ni Freddie.. *emote*

Superpekpek Blue: *tuwang tuwa* shitttttt!! ang ganda ng mga eyeshadow saka ng lipstick!! Dapat pala kanina mo pa binigay sa akin to..para katerno ng damit ko ngayon o!

Superpekpek Lavander: *titig sa bra* King ina ang laki naman neto.. Kasya ba to sa akin?

Superpekpek Green: E di sukatin mo! Syet.. Ganda ng pasalubong sa akin... *tingin sa bagong relo*

Matamang nakatingin si Superpekpek Orange sa mga kaibigang tuwang tuwa sa kanyang mga pasalubong. Si superpekpek Lavander naman ay nagborless at sinuot ang bra. Maya maya pa ay..

Superpekpek Lavander: Tsaraaaaan!! *pakita dibdib* kasyang kasya lang pala.. ganun na ba kalaki ang boobs ko?

Superpekpek Green: Yuck... tangna ang laki pala talaga ng boobs mo!

Nagtawanan ang mga Superpekpek at si Elsa dahil tumalon talon pa ang babae para subukin kung kaya ngang protektuhan ng brang galing never neverland ang kanyang dalawang bundok. Di lumaon ay nagyaya na si Superpekpek Orange magbihis para kumain sa labas. Tuwang tuwa ang mga longkatuls na sina Mia at Brenda, dahil lalabas ang mga superpekpek heroes.. makakatawag ang mga manliligaw nilang tricycle driver. Pumunta ang ating mga bida sa isang sosyal na kainan para maghapunan. Sinalubong sila ng waiter para tanunging kung ilan silang kakain..

Superpekpek Orange: Table for five please..

Weyter: smoking or non-smoking?

Superpekpek Red: *tingin sa waiter na nagtataray* Do u smoke? *napatanga*.. here?

Nagkatinginan ang mga Superpekpek Heroes dahil sa sinabi ni Red, nguni't dahil kaibigan nila ang huli ay pinilit nilang wag tumawa ng malakas. Nagsipag-upo na ating mga bida at umorder. Habang nagkukwentuhan ay muling naungkat kanilang mga nakaraan.

Superpekpek Red: As in talaga no.. *taray* Twing naalala ko yang Oman na yan.. talagang I want to totally forget all about him..

Superpekpek Orange: Bj mo sya?

Superpekpek Red: Di no.. asa pa sya ang liit ng bird nya letse.. talaga naman, i was just, you know, lying down and hintay for him to start na.. Before i knew it-- tapos na sya.. kainis talaga.. parang nyee? yun na? Di ko man lang na-feel..

Superpekpek Green: Yuckers.. Jutay amputs.. Sana you said to him, "Water it so it will grow!" o kaya," that's why people consider personality also... "

Tawanan ang mga pekpek.. ang ibang sosing kumakain naman ay napapatingin sa kanila na parang pumatay sila ng tao. Wala namang pakielam ang ating mga bida dahil me pambayad naman sila no!! Gusto ba nila ng sampal? Anyways, ang Elsa ay matamang nilulunod ang sarili sa iced tea.. iniisip ang pinag-usapan nila ng kanyang ama kaninang umaga.

Superpekpek Blue: Hoy, Elsa! ano iniisip mo ha?

Elsa: Kasi si dadi.. Pinag-aasawa na ako.. *inis* Haaaay...*sindi yosi*

Superpekpek Lavander: Kamusta na si Baho? Namiss ba nya ang sampal ko? Sabihin mo sa kanyan king ina nya ha.. Mamimili sya ng ginagago nya..

Superpekpek Orange: Bakit? Ano nangyari? Kwento nyo sa akin, puta..

Elsa: Naku, Lavander kaw na lang magkwento, *tingin kay superpekpek Green* Samahan mo ko sa CR?

Superpekpek Green: *tayo sa kinauupuan* Buena Que todits ekalum!! sige Kwento mo muna yan Lavander.. samahan ko lang tong babaeng ire.. inom kasi ng inom ng iced tea amputs.. di ko alam san ang CR dito Elsa.. itanong mo muna..

Elsa: Teka.. ayun weyter o.. *sigaw* Weeeeeytterrrr!!

Weyter: Yes ma'm?

Elsa: Saang kubeta dito? Naji-jingle na kasi ako..

Superpekpek Green: Taena ka, Elsa! Ke ganda ganda mong babae tapos ganun ka magtanong! Restroom no! Tandaan mo ha! Restroom! Wag ka masyado lumalapit kay Lavander! *iling*

Elsa: E sa talaga namang naji-jingle na ako eh..

Sa Restroom ay nagretouch si Elsa ng eye shadow kahit sobrang kapal pa nito. Pagkalabas nila sa CR ay napadaan sila sa CR ng mga lalaki, duon ay may batang lalaki na naghihintay. Napatingin ito sa kanya at dahil na din may wiknes si Elsa sa mga bata ay nilapitan nya ito.

Elsa: Hi! ano name mo litel boy?

Butatoy: Butatoy. Ikaw? *tingin sa cleavage ni Elsa*

Superpekpek Green: Ano ka ba Elsa! Mamaya makita tayo ng magulang nyan, mapagakamalan pa tayong kidnapper.. Saka di na ata bata yan noh.. prang gayot na eh! Matanda na yan..

Elsa: *bulong kay Superpekpek Green* Tange, bata pa yan, tignan mo o.. hanggang dibdib ko lang ata sya...

Superpekpek Green: Ganun ba? tignan mo nga.. parang bigote na yung nasa nguso nyan..

Ng lumabas ang hinihintay ni Butatoy, nagulat pa si Elsa dahil si Gorio pala ang kasama ng litel boy na yaon.

Gorio: O butatoy! sensya ka na ang haba ng ihi nung nauna sa akin eh! *tingin kay Elsa sabay blush* Ayyy.. Elsa anjan ka pala.. sino kasama mo?.

Elsa: Si Green, friend ko. Dumating na kasi si Orange galing never neverland.. celebrate lang kami

Superpekpek Green: Susme.. Mag explain ba?! Baka gusto mo pa i-share kung ano pasalubong sa atin ni Orange?

Gorio: Hi, Green. *Ngiting pakyut*

Superpekpek Green: *tingin sa kisame* Hello.. Elsa.. naghihintay na sa atin sila Orange..

Elsa: Oo na!! Ay Gorio, Kaninong anak kasama mo?

Gorio: Huh? Anak?

Butatoy: *sabat* Sa klasmeyt nya nung college.. ang ganda mo naman Ate Elsa.. pwede kumiss?

Gorio:*natanga* huh? Ano? Butatoy? Ano? Huh?

Elsa: Sure why not? Ang kyut kyut na bata talaga nitong si Butatoy.. malaki na sya pero nagpapakiss pa sya..

Kumiss ang Butatoy sa pisngi ni Elsa, pero bigla na lang nyang nilabas ang dila nya at dinilaan ang pisngi ng babaeng makapal ang eyeshadow. Nahumindik naman si Elsa dahil syet para syang hinalikan ng awaw. Nagpasalamat ang litel boy at nauna na kay Gorio. Si Gorio naman ay napatanga sa lahat ng nanyari, bago pa sya makapag-reak e binatak na ng nagmumurang si Superpekpek Green si Elsa.Bumalik na sila sa Kanilang upuan.

Superpekpek Orange: O-EY nyo ha!! Bakit di nyo pa flush sarili nyo?

Superpekpek Green: Ito kasi si Elsa eh.. nakita yung sinagip nating under the saya.. As usual nagpakyut na naman ampotah..

Elsa: Hindi ah.. yung kasing bata.. kakatuwa, nagpakiss ako.. dilaan ba ang pisngi ko!

Mga Superpekpek: Eeeeiiiiiwwwwwww....

Superpekpek Lavander: King ina, Elsa.. tigilan mo na yun! Di pa nun naoovercome ang traumataysing eksperiens nya no!

Elsa: E hindi naman ako sa kanya natutuwa eh... dun ako sa bata natutuwa...

Superpekpek Green: Alam nyo inde nga mukhang bata yun eh... teka ha.. *lingon sa mga tables* Taena, kapal talaga nung 2 yun o.. dun pala sila kumakain sa kabilang restoran eh dito nag-cr.. kapal amputs..

Elsa: *himas ang ulo* Syet.. nahihilo ako..

Superpekpek Blue: Naka.. sa sobrang caffeine yan.. panay ka kasi iced tea ng iced tea.. *kuha cellphone sa bag* ay... iba na nga pala ang number ko.. nagpalit ulit ako ng sim eh.

Superpekpek Red: My gossh, Blue that's your 3rd sim na this month ah.. Ano ba yan every week?

Superpekpek Blue: E roaming to eh! Elsa, Drink some water..

Superpekpek Orange: Nak ng puta o! Bakit sumakit ulo mo? Ibig sabihin uwi na tayo? Di na tayo dance, dance?

Elsa: Kayo na lang.. sakit talaga ng ulo ko..

Superpekpek Red: Gosh.. you're so kawawa naman.. Orange, pauwiin na natin siya.. tapos tayo na lang dance dance..

Superpekpek Green: Hahatid na lang namin ni Lavender si Elsa.. susunod na lang kami san man yun.

Pumayag naman ang ibang Superpekpek kung kaya't hinatid ng dalawa si Elsa sa bahay. Napakatahimik ng lugar.. parang walang tao. Ng biglang ..

Mang Gusting: Uhmm... iba ka talaga Selya... Syet!! Uhmmm

Selya: Ano ka ba.. nakakadalawa ka na.. baka masobrahan ka naman..

Mang Gusting: Wala akong pakielam.. ngayon lang ako nakatikim ng ganito..syet..sarap Selya.. You're the best!

Selya: *haigikgik* Sobra ka.. binobola mo ko.. O! o! hawakan mong mabuti..

Mang Gusting: Hindi ah.. uhmm... yum yum.. sarap sarap.. Isa pa nga..*tawa* Hawak ko naman ng mabuti ah..

Dahil sa narinig, biglang sinipa ng nanghihinang si Elsa ang pintuan.. at tumambad sa kanya ang kanyan ama at si Aling Selya na umiinom ng BJ. Hawak hawak ni Mang Gusting ang isang beer mug na me lamang Buko Juice.

Mang Gusting: Anak!! Bakit ang aga mong umuwi? Tikman mo to o.. me ginawa si Selya na BJ!

Selya: Ahh.. ehh.. nilagyan ko lang naman yan ng gatas..

Elsa: Gandang gabi ho.. mamahinga na ako.

Mang Gusting: Bakit anak? *tingin sa Superpekpek Heroes*

Superpekpek Green: E nahihilo daw ho sya.. e mag babar pa kami.. sayang naman kundi kami makaka dance, kaya hinatid na lang ho namin sya..

Superpekpek Lavander: Sige ho alis na kami.. Aling Selya.. babayuuuuu!!

Selya: O sige... enjoy kayo.. gus! tignan mo nga muna ang anak mo.. Baka kung mapano yun!

Mang Gusting: Dyan ka lang ? Promise? *pakita ang garter ng tbak*

Umakyat si Mang Gusting at tatanungin nya sana kung napapaano ang anak. Pero ang babaeng maganda e nakatihaya na sa kama at naghihilik na.. "Sobrang pagod siguro," isip ni Mang Gusting. Binalikan ng matandang haliparot si Selya at Nag Bj sila ng Nag BJ Magdamagan. Kinabukasan, Maagang nagising si Elsa. Wala na ang sakit ng ulo nya, si Mang Gusting naman ay natutulog pa kaya't hindi na nya ginising. Lumipas ang oras -- napakatumal ng delihensya nya.. wala masyadong bumibili ng nyog at buko, kung kaya't naisipan na lang nya na magrenta ng tagalog paketbuks. Matama syang nagbabasa ng..

Butatoy: Ate Elsaaaa!

Elsa: Ayyy! hello litel boy! Sino kasama mo huh?

Butatoy: *ipit ang boses* ako lang.. *kiss kay elsa* Alam mo ba kung san ang Cr dito ate?

Elsa: Bakit? Me bayad ang CR dito, Hala diretso ka lang tapos pag me nakita kang babaeng me hawak na walis tingting yun na!

Butatoy: Sige Ate Elsa.. pa-kiss muna..*karipas takbo papuntang CR*

Lumipas ang tatlumpung minuto -- ay nakita na ni Elsa na pabalik na si Butatoy mula sa CR, kausap nya si Superpekpek Blue sa selpon. Ng mapalapit sa kanya ang litel boy ay bigla na lang syang nanghina at nahilo.

Superpekpek Blue: Bakit? Napapano ka? Me kasama ka ba dyan? Basta.. ayun me nagpakilala.. kaso mga Jologs kaya sinunog nalang namin sila sa bakanteng lote. Kakapal ng mukha.. letse!

Elsa: Di ko alam, bigla na lang eh.. naalala mo ba yung pagkahilo ko dati sa bar ni kili? Ganun yung nararamdaman ko.. *Hwaaaarkkk* Syet.. me kasama ako dito, si Butatoy.

Superpekpek Blue: Sinong herodes yang butatoy na yan?

Elsa: Yung nakilala namin ni Green sa CR na kasama ni Gorio. Andito sya e, nakatanga sa akin. Sige na Blue, nasusuka na ..*hwaaaarrrrrkk* syet, butatoy, sensya ka na.. ito panyo ko punasan mo yang nasa mukha mo. Masyado ka kasing malapit sa akin e..

Superpekpek Blue: Yuck! O sige sige... pati ako nasusuka na din.. Butatoy huh?

Ng ibaba ang mga telepono ay inakap naman ni Butatoy si Elsa dahil diumano daw ay nakakaawa naman si Elsa. Lalong nanghina ang ating bida. Parang sinsipsip ang lakas sa katawan nya. Panay naman ang diin ng ulo ni Butatoy sa malusog na dibdib ni Elsa. Samantala, si Superpekpek Blue naman ay nag research ukol sa pangyayaring iyun. Kinuha nya ang magic botelya at duon ay nag bakgrawnd tsek sya ukol dito sa batang ang panagalan ay Butatoy. Nagilalas at nasuka si Superpekpek Blue dahil ang taenang Butatoy pala ay anak sa labas ni Haring Labuyo. At ang batang iyon ay di na bata.. taena, mag te-trenta años na pala ang kumag. Dali daling nag drop call si Superpekpek Blue sa iba pang mga superpekpek. Agad na rumesponde ang mga ito dahil tinatamad silang magtrabaho sa opisina. Sakay ng isang Fx, sumugod ang mga pekpek superheroes sa palengke. Nagsibabaan ang mga ito:

Superpekpek Orange: Superpekpek Powers combineeeee!!

Superpekpek Lavander: Bakit di pa tayo kanina nag powers combine, namasahe pa tuloy tayo!?

Superpekpek Orange: Taena, mamaya na pagusapan yan!

Nabalot ang buong paligid ng usok.. pumasok isa-isa sa katawan ni Elsa ang mga Superpekpek.. tumambad sa harap ni Butatoy ang giant pekpek, suot ang kapang pink.. inilabas nito ang kanyang laser lipstick at panangga. Nang makita ito ni Butatoy ay napraning ang lalaki.

Butatoy: huh? San si ate elsa ko.. *napatingin sa giant pekpek* syet.. *nginig katawan*

Elsa the Superpekpek: King ina ka.. kami pa lolokohin mo huh? Akala mo di namin alam na si Haring Labuyo ang tatay mo kumag ka! *ngarat*

Butatoy: I don't know what you are talking about..

Elsa the Superpekpek: Taena mo, gusto mo pa masaktan..

Butatoy: Hurt me and I will love you more!! Sige, spank meee.. spank meee.. syet.. yan gusto ko..

Elsa the Superpekpek: Huh? Tantado to ah... hurt you ha..*asinta laser lipstick*

Dahil sa di malamang dahilan, bigla na lang naghubad si Butatoy at nagsimulang kumanta ng Batibot. Taena, kaya pala nanghihina si Elsa dahil sperm carrier ang herodes na to! Kaya pala matagal sa CR si Butatoy ay... kwan ba? You know?!! At di man lang maghugas ang kamay ang hayup.. Yuck!

Elsa the Superpekpek: King ina ka.. carrier ka!! *nanghihina*

Butatoy: Hindi mo ko kaya Elsa.. Matagal akong nagtrain para patayin ka. Ayaw kong mapahiya sa tatay ko. He expect so much from me. Ako ang tutugon sa kanyang mga pangarap..

Taena, hindi malaman ni Elsa kung bakit lahat na lang ng kalaban nya mahilig mang-agaw ng eksena! Lagi na lang nagmomonologue ang mga syet! Tulad ng kups na to, feel na feel nya ang sinasabi nya.. hindi nya napansin ang pag-asinta ni Elsa the Superpekpek ng laser lipstick sa kanya. Pero dahil nanghihina na si Elsa... ay nadaplisan lamang si Butatoy. Nagulat ang huli, sa sobrang gulat ay tumakbo ito.

Butatoy: huh? syet!! papatayin mo ko.. mula ngayon di mo na makikita si Gorio!! *tawa sabay pindot sa relo na Casio*

Elsa the Superpekpek: Huh? Taena ka! Dudurugin kita!! Anong ginawa mo kay Gorio?

Butatoy:*bwahahaha* Maghabol ka sa tambol mayon, gaga!!! Hahahahaaa.. aaaaaaaaah....

Ang tangang lalaki, nagmamayabang sa kanyang ginawa hindi napansin ang inarkilang Fx ng ating mga bida na umaatras para iaayos ang parking. Nasagasaan si Butatoy ni Manong! Ng marinig ang sigaw, e inabante ulit ni Manong ang Fx, kaya doble ang sagasa kay Butatoy. Gutay gutay ang katawan.. Nilapitan ni Elsa the Superpekpek ang tangang bata na hindi tinuruan ng tamang pagtawid.

Elsa the Superpekpek: San mo dinala si Gorio!?

Butatoy: Uggggh.. dadi ko.. huhuhuh..*hingalo*

Elsa the Superpekpek: Taena, di ka sasagot? *lapirot ng stick ang mga laman na nakalabas*

Butatoy: Aaaaahhh.. dadiiiiiiiiii.... sasabihin.. ko...na.. *hingalo*

Elsa the Superpekpek: dalian mo! naghihintay ako! *ambang susundot na naman sa laman*

Butatoy: pektonia.... *last breath* bitch!

Elsa the Superpekpek: Bakit nasa pektonia si Gorio? *alog ang walang buhay na katawan ni Butatoy* Manong! Sige ho, sagasaan nyo pa...

Manong: ilang beses pa, anak?

Elsa the Superpekpek: Hanggang sabihin kong istap.

Sinasagasaan ni Manong paulit ulit ang walang buhay na katawan ni Butatoy.. Maya maya pa ay pinahinto na sya ng Superpekpek. Ang mga babae naman ay naglabasan na sa loob ng katawan ni Elsa... Muli silang lumapit sa katawan ni Butatoy.. walang pinagkaiba sa pusang nasagasaan ang naging itsura ng bastardo ni Haring Labuyo. Napaiyak si Elsa, dahil hindi nagbayad si Butatoy ng BJ, yun lang sana ang benta nya ng araw na iyon. Pag minamalas ka nga naman. Pinatsek ni Elsa kay Superpekpek Blue kung ano ang ginagawa ni Gorio sa Pektonia. Taena, may asawa na si Gorio! Ang taksil, nainlab sa new breed ng pekpek na nanay ni Butatoy.. pero taena.. under na naman sya! yehey! Umuwi si Elsang badtrip pero me aral na natutunan: "Kung tatawid ka, lumingon ka naman, tanga!"

Isang episode na naman ang natapos..Hanggang sa susunod na adventure ng Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek!!!)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1. ANO ANG IBIG SABIHIN NG NAGBABATAK? Ang ibig sabihin ng nagbabatak -- ay nag-aadik.

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: 1. BAKIT SUMANDALING NAWALA ANG MGA SUPERPEKPEK?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection