Isang araw ay nakatanggap si Elsa ng telegrama mula sa kanyang pinsan. Taena, ikakasal na daw si pinsanmahadera. Talaga namang ikinapraning ni Elsa ang balita dahil ke bata bata pa ng kanyang pinsan. At di lang yun.. Nagmamadali sila. Syet! Agad agad nyang tinelagramahan ang iba pang kaaanak upang linawin kung totoo nga ba ang balita na yaon. Agad namang tumawag ang kanyang pinsan na si Pinsanlukaret.
PinsanLukaret: *boses pakyut* Hello! Can I speak to ate Elsa?
Aling Nina: Sino to?
Pinsanlukaret: Pinsan nya.. pwede pakidalian kasi long distance tong tawag ko na to eh.
Aling Nina: Pwede tumawag ka na lang mga after 10 minutes kasi me tatawag eh.
PinsanLukaret: Hello?! E mas importante ako sa kanyan noh. Kung ire-rate ko ang sarili ko, 1 is the lowest.. and 10 is the highest. Nasa 8 ako. Kaya palayasin nyo na yan!
Aling Nina: Duh! Wala ako pakielam. Nakikitawag ka lang dito sa tindahan namin noh!
Pinsanlukaret: So?
Agad tinawag ni Aling Nina si Elsa dahil malapit ng uminit ang ulo nya. Naabutan nya ang ating bida na nakatanga sa tindahan at naglalaro ng snaken sa kanyang cellphone. Agad namang sumunod si Elsa kina Aling Nina pagkatapos ibilin kay Baho ang pamamahala ng tindahan.
Pinsanlukaret: Ate Elsa! Ano balita?
Elsa: Wala naman.. totoo ba? Bakit buntis ba?
Pinsanlukaret: Hindi naman daw eh. Gusto lang talaga nila mag-asawahan eh.
Elsa: E bakit ganun? biglang bigla.. naalala mo ba yung nangyari kay Pinsan12? di ba ganyang ganyan din.. Taena ang kakapal ng mukha ng mga herodes.. Di man lang nakipagbonding noh?
PinsanLukaret: Ano.. ate.. uwi ako jan. Magbabakasyon ako..
Elsa: Talaga? Sige .. basta tumawag ka lang dito para masundo ka namin sa terminal ha.
Pinsanlukaret: Hay naku, ayaw ko na tumawag jan no! King ina.. Ang sungit ng tao..wala pang manners.. di man lang naisip na importante akong tao.
Elsa: Gago ka ba.. di mo ba alam na nakikgamit lang ako telepono? Sabi ko naman kasi sayo tawagan mo na lang ako sa cellphone.
Pinsanlukaret: SO?! Hello!!! ang mahal kaya dun no! O basta uuwi ako jan, tawag na lang ako ulit.. bababa ko na to! babaaaaay!
Ibinaba ni Elsa ang telepono at nagpasalamat sa nakasimangot na si Aling Nina. Bumalik sya sa tindahan, pagkuwa'y pinalayas si Baho dahil nagsisimula na namang tumulo ang laway ng huli. Maya maya pa ay nakita ni Elsa na padating ang tatay nya na me dalang sobre.
Elsa: Ano na naman yan dadi?! Sino na naman ang sosolisit sa tin? Taena o.. nagpapakahirap akong magkayod ng nyog dito tapos sila kung ano anong sulat na me pirma ng kung sino sinong herodes ang hihingi ng pinagkayudan ko! Taena.. ano tayo mayaman?
Mang Gusting: Elsa! Tumahimik ka nga.. imbitasyon to. Dakdak ka ng dakdak. *abot ng sobre* Ayan, magkakaron ng meeting ang mga kabataan dito. Pag-uusapan daw ang Fiesta. Umattend ka jan.
Binasa ni Elsa ang imbitasyon at na-excite sya, dahil taena.. andun ang mga lalaking wala pang asawa. Pagkakataon ng makasilo ng papable! Naubos ang araw ni Elsa kakaisip kung ano ang isusuot sa meeting na yaon...Kinabukasan, ay naghahanda ng almusal ang ating bida ng dumating ang tiyuhin nya. Ang tatay ng kanyang Pinsanmahadera.
TatayniPinsanmahadera: Kuya.. magaasawa na si Mahadera.
Elsa: Bakit ang bilis naman tito!?
TatayniPinsanMahadera: E..ganun talaga..
Mang Gusting: Buntis ba?
TatayniPinsanMahadera: Hindi naman.. sabi ko nga kay Mahadera e mag-asawa na sya pagkatapos nya ng kolehiyo.
Elsa: E bakit hadalian di naman pala buntis..
TatayniPinsanMahadera: E matanda na daw si Billy eh..
Bago pa makapagatanong ang mag-ama ay lumabas na ng bahay ang tatay ni Mahadera. At habang naglalakad ito ay nagsasalita na sa Oktober 29, daw ang kasal.. at gaganapin yun sa bayan ng herodes na si Billy. Napatanga naman si Mang Gusting at Elsa. Maya maya pa ay may dumating na telegrama galing kay PinsanLukaret-- dahil me bagong labas na rason kung bakit magpapakasal ng biglaan ang mag syoting. Taena, walo ang rason kung bakit kailangan magpakasal ng agad agad at walang preparasyon. Binasa ni Elsa sa ama ang ilan sa mga rason.
Elsa: Nagmamahalan daw sila.. taena ang sweet..Hmm.. to pa dad..Matanda na daw si Ehman.. Taena, matanda na pala ang 27 ngayon! syet! malapit na akong tumanda dadi! Tapos, uhmm.. Baka daw magaawan pa si Ehman, nye! bakit? Gano ba kaganda si Mahadera at lahat na lang ng lalaki e magnanasa sa kanya? Ito pa.. ito napakabulok --dahil gusto na daw magseks ni mahadera! *halakhak* AS IS! amputah.. mga hipokrito.. di pa sabihin kung buntis kung buntis..
Mang Gusting: E mano naman kung gusto nilang itago.. e desisyon nila yun..
Elsa: Oo nga dadi.. desisyon nila yun pero.. wag naman sana nila tayong gawing tanga no! Ano ba akala nila sa atin, bobing? Taena nila!
Mang Gusting: *taas ang boses* Elsa! Ang bibig mo!
Elsa: E sensya na dadi.. bugso ng damdamin lang.. ayaw ko lang ng ginagago ako.
Mang Gusting: Kung sabagay.. tamo hanggang ngayon e usapan pa rin yan.
Elsa: Ah ewan, basta ako magbibilang ako ng buwan. Taena, pag ang batang yun e lumabas ng mababa sa syam na buwan... *irap* sisinelasin ko nanay at tatay niya.
Mang Gusting: Kaw talagang bata ka.. napakasutil mo! Nga pala anak.. Si George at May ay hiwalay na... akala nga namin ni Selya ay sila ang magkakatuluyan...biro mo halos isang taon ding binantayan ni May si George..
Elsa: Akala ko din dad.. akalain mo matingnan mo lang si George e, naghuhurementado na si May! Tsk..tsk.kung kelan dumating galing Saudi si George e saka sila nagkahiwalay..
Mang Gusting: Ewan ko ba anak.. me bago ngang manliligaw yung si May eh. At mukhang nagseselos naman tong si George..
Elsa: Ano ka ba dadi, napakatsismoso mo! Malay mo naman.. mahal pa ni George si May.
Mang Gusting: E, anak, mas pinaguusapan pa nga sila kesa sa mga soap opera eh. Balita pa nga ay may binigay na game and watch daw tong si May kay George. Kita mo kagagahan ng babaeng yun.. ipamigay ba ang game and watch na minana.. To naman si George, ke kapal ng mukha..
Elsa: E bakit dadi, tinanggap ba ni George?
Mang Gusting: Yun ang balita..
Elsa: Yuck.. kadiri talaga si george, manghuhuthot! Andun kaya yung dalawa na yun sa meeting? Syet.. kakaexcite talagang umattend.. *ngising aw-aw* Lahat ba ng kabataan ay nandun dadi? Pati yung pokpok na si Mariella at yung maarte na si Sienna?
Mang Gusting: Ewan ko anak, basta ang sabi ni kapitan sa akin.. lahat ng mga walang asawa, e kabataan daw.. kaya lahat ng kabataan ay dadalo. Kaya dapat ay huwag kang mawawala...Para naman madami kang maikwento sa akin..*higop ang serbesa*
Elsa: Syet! E ang tanda na ni Sienna no!
Sumapit ang linggo, maagang nagising si Elsa. Inilabas nya ang paldang asul, blouse na kulay dilaw at ang sinelas na kulay pink...nag-ayos ang ating bida. Naglagay sya ng eyeshadow... at nag-spray ng pabango. Taena, pagharap nya sa salamin ay nahintakutan sya.. dahil mukha syang bulaklak. Taena, para syang rainbow na nakatapak sa lupa. Kaya hinanap ang step-in na kulay asul at yun ang kanyang isnuot. Sinundo sya ni Baho at sabay silang pumunta sa may basketball court. Duon na gaganapin ang kanilang meeting dahil ang multipurpose hall daw ay gagamitin ng mga magseseminar sa pag gawa ng tinapa. Malayo palang ay humahalimuyak na ang mga kabataan. Nakita ni Elsa ang mga dati nyang mga kamag-aral. Marami pa din sa kanila ang wala asawa, pero karamihan sa kanila ay mukhang me asawa na.. Napatingin ang lahat ng dumating si Elsa at si Baho.. sabay nagkatuksuhan..
Klasmeyt: Uuuuuy.. si Elsa at Baho pa rin pala! Uuuuuuyyyyy! kakakilig!
Baho: Ano ba kayo..we're just friend.. to kasi si Elsa, ayaw pa akong sagutin.. e mahal ko naman sya talaga..
Elsa: *inis* King ina nyo! Tigilan nyo ko..
Mariella: What a word!! Grabe.. *sign of the cross*
Elsa: Bakit? Wag nyo nga akong ginagago!
Mariella: Elsa.. Mahiya ka naman.. yang bibig mo..sing dumi ng Buko Juice na tinitinda mo..
Elsa: At least ako hindi plastik at lalong hindi ako pokpok na gaya mo!
Baho: *hila si Elsa palayo* Tama na Elsa.. mapapaaway ka pa nyan eh..
Elsa: E mga tangnang yan.. akala mo di makabasag pinggan ang mga punyeta.. if I know.. *sindi yosi*
Baho: O! kelan pa natutung mag-yosi? Masama yan sa health mo mahal..
Elsa: Isa ka pa.. akala mo hindi kita nakikitang magyosi.. tigilan nyo nga ako! *hithit* Humanap ka na ng mauupuan, gusto ko yung malapit sa stage..*tulak si Baho*
Nakahanap naman si Baho ng upuan na malapit sa stage. Maya maya pa ay sumunod na si Elsa at naupo sa tabi ni Baho. In fairness, hindi masyadong maamoy ngayon tong Baho-- effective siguro ang tawas na nilalagay nito sa tubig pampaligo. Nakita ni Elsa si George at si May. Sila ay nakaupo sa magkabilang dulo, at dahil nga balita sila sa bayan ay... mas sila pa ang pinanunuod ng mga kabataan. Mga tinging me awa para kay May dahil niloko sya ni George.. at tinging me galit naman para kay George dahil sa panghuhuthot na ginawa nito sa babaeng nagmahal sa kanya. Nagumpisa ang programa, at nagsimulang uminit ang balitaktakan..di mapigil ni Elsa ang inis sa mga isyung pinaguusapan.
Elsa: King ina.. bakit ipapaalis ang ferris wheel sa perya? E yun nga lang ang masayang saksakyan eh.. Dapat tanggalin yung taenang Binggo na yun, dahil wala namang nanalo dun!
Sienna: Bakit ba ganyan yang si Elsa.. walang manners.. lagi na lang nagmumura.. as in yikes talaga..
Elsa:*lingon* Wala kayong pakielam taena nyo!
Baho: Mahal.. tama na.. masyado ka namang high blood.. O mahal, aalisin na din daw yung sirena at yung lalaking kumakain ng buhay na manok!
Elsa: *taas boses* Excuse me... Taena, wag nyong tanggalin yun dahil pinanonood ko yung taon taon!... anong lugi!? Bakit malulugi e nanunuod naman kami ni Baho nun ah!!
George: Wala namang kwenta yun eh... dapat ipalit dun toro na lang... mas marami pang sasaya..
Hiyawan ang mga kalalakihan..
May: Ewan ko senyo.. grabe talaga ang usapan dito..ang mamanyak nyo! *sign of the cross habang natatawa.. sabay tingin ng palihim kay George* Natatawa na lang ako sa inyo eh.. *pakyut*
Sienna: Oo nga.. at tong Elsang to, panay mura ng mura..
Tiningnan ng masama ni Elsa ang dalawang babae kaya napilitan silang tumahimik.. Dahil sa init ay tumitindi ang amoy ni Baho.. maya maya pa ay pinitisyon siyang palabasin na ng basketbol court dahil nagsisisakit na ang ulo ng mga tao dun. At ayaw na nilang maulit ang meeting kung kaya't napilitang umalis si Baho ng maaga. Ng mabakante ang upuan sa gilid ni Elsa ay dali daling lumipat si George at umupo sa tabi nya. Matamang nakatingin naman sa kanila sina May at Sienna. Hindi talaga malubos maisip ni Elsa kung bakit andun si Sienna e taena naman.. bata pa sya e nasa Batibot na tong babaeng to! Ng magbreaktime.. Nagkasabay sa pagkuha ng juice si May at si George..nagkatinginan ang dalawa.."hello babes" sambit ng babae.."hi babes" ang sagot ni lalaki..ang mga gagong nanunuod ay nanukso.. Kinilig si Babae dahil talagang labs pa nya si George.. si George naman ay.. wala lang..wala syang reaksyon..kumuha lang sya ng juice at umupo na ulit sa tabi ni Elsa.
George: Hello Elsa!
Elsa: Hello.. *wala sa mood magpakyut*
George: Grabe hanga ako sayo.. talagang pinaglaban mo yung ferris wheel ha.. Bakit hindi ka pumasok sa politiks.. ang galing mo lumaban eh
Elsa: *flattered* Eh... ganun talaga.. kung kailangan ipaglaban.. talagang pinaglalaban..
George: Buti ka pa..hindi ka galit sa akin, ang mga babae dito sa meeting akala mo kung makatingin.. akala mo nautangan ko sila..*iling*
Elsa: E sira ka kasi.. kunin mo ba naman yung game and watch ni Joy tapos nakipaghiwalay ka sa kanya..
George: Oiiii! hindi yun totoo ha!
Elsa: Taena, George.. ibahin mo ko no..Ayaw ko sa plastik..
George: Di nga.. nag-offer syang ibigay pero hindi ko tinanggap.. Totoo yan.. Kanino mo nalaman yan?
Elsa: E sana tinanggap mo na lang tapos binenta mo! Nagkapera ka pa.. Tanga ka din e no?
George: Di nga .. *serious mode* Sino nagsabi na kinuha ko yung popeye na game and watch?
Elsa: Naku, *lunok laway* George...Ano e..kalat na kalat na sa bayan no.. saka bakit ganun? di ba break na kayo, e bakit babes pa rin ang tawag sayo ni Joy..
George: Tantado nun ah.. *iling*E ayaw daw nyang mag share ng Ex-Biep eh.
Elsa: Yuck.. taena.. sabi ko na eh, yung mga tingin.. yung mga sulyap nya.. sulyap ng me pagnanasa.. Loko, tigilan mo na yung mga ganun gawain dahil kasamaan ng asala yang pag-papaasa gagi!!! *hithit yosi*
Nagkatawanan ang dalawa. Napatingin naman sina Sienna at Joy. Kaya pinag-usapan nila ng malakas na malakas ang isyu tungkol dun sa bagong manliligaw ni Joy. Maya maya pa ay nagsimula muli ang balitaktakan. At humingi ng mga suhestiyon ang Barangay Council ukol sa Play na gagawin sa Fiesta... nagtaas ng kamay si Sienna at sa kanya binigay ang microphone.
Sienna: Gandang gabi mga bata! Bueno, ukol sa palabas na gagawin natin.. nais ko sana na isang rehilyosong palabas ang gawin natin.. para naman matuto ang ating kabataang ng tamang asal *tingin kay Elsa* di lang yun.. maiiwasan pa natin ang pagsambit ng masasamang salita tulad ng *tingin kay Elsa* Gago, Tanga, King ina.. *sign of the cross* At kung ano ano pang kahalayan na napupulot sa mga taong walang pinagaralan..
Elsa: *tayo sa kinauupuan* Taena mo! kung me problema ka sa akin... diretsuhin mo ako di yang me pa speech speech ka pang letse ka! Taenang to.. akala mo hindi nagmumura.. Samantala nung isang araw lang e.. Hinihiyawan mo yung pamangkin mo.. Pakyu ka! *ngarat* Kung murahin mo yung pamangkin mo akala mo di mo kapatid yung nanay nya! E mas bastos pa sa akin ang alam mong mga salita eh..
Sienna: Di ko alam ang sinasabi mo.. *labas ang rosaryo at inilapit ito sa bibig*
Elsa: Anong hindi!? Anong hindi? Ikaw ang masama ang ugali dito eh.. di ba ikaw ang nagsabi sa bayan na manghuhothot si George? Sabi mo pa nga.. Talagang nirekwes pa ni George yung Popeye na Game and Watch para sa berday nya!!
George: Nak ng putah o.. *galit*
Sienna: Tumahimik kang hindot ka!
Nagulat ang lahat.. dahil talaga namang yuckers ang tinuran ng babaeng nagbabanal banalan... Namula sa galit at pahiya ang babae. Malakas ang loob ni Elsa, dahil alam nyang anytime ay dadating ang mga Superpekpek Heroes at ipaglalaban sya ng mga ito. Tinalon sya ni Sienna.. Taena.. bakit ang tagal ng mga Superpekpek Heroes?.. Sa BathCave:
Superpekpek Yellow: Syet! Elsa is in trouble!! Dali Superpekpek powers combine tayo!!
Superpekpek Orange: Tange ka ba? Darating sila Cita saka Amy noh! Ayaw mo palinis ng kuko saka pablower ng hair?
Superpekpek Red: Me I want!!
Superpekpek Yellow: Kunsabagay.. kaya naman siguro ni Elsa yun.. sus.. Si Sienna lang eh.. *tingin sa bintana*Aayyy.. ayan na si Cita!! Bagong kulot ang bruha!! Pasokkk!! Miaaa.. yung aso!!
Kitang kita ng mga kalalakihan ang salawal ng dalawang babae habang nagpapambuno ang dalawa. Tuwang tuwa ang mga lalaking mae-EL. Hawak hawak ni Sienna ang buhok ni Elsa.. mura ito ng mura ng kung ano ano..Hindi malaman ng ating bida kung ano ang gagawin nya.. kaya hinawakan nya sa boobs si Sienna saka nya pinisil ang mga ito. Taena bakit sa pelikula walang nakakaisip nito? E mas epektib pala ang ganun.. Kaya nang mapaibabaw si Elsa ay hinawakan nya sa ulo Si Sienna at iniuntog nya ito makailang ulit sa semento hanggang magkaroon na ng dugo ang sahig. Pagkatapos nun ay hindi na natuwa ang mga kalalakihan, taena.. kakatakot pala tong si Elsa... kaya hinawakan nila si Elsa sa magkabilang kamay para pigilin ang away. Tumayo si Sienna na naghuhurementado pa din..
Sienna: Kaputaputahan ka ng ina mo, hindot ka! Sinira mo lahat ng plano ko letse ka.. malapit na sanang mapasaakin si George! Dapat akin na sya..*sigaw* Malapit na syang mahulog sa bitag ko.. malapit na nya akong mahalin.. Matagal akong naghintay na makawala sya sa lintang si May na yan..*tingin kay George* Aylabyuuuu!
Elsa: AHhhhh putang ina mo din! Putang ina mo, one hundred times!! *sigaw*
May: (close up ang camera)Talaga palang sinira mo lang kami Sienna, akala ko pa naman kaibigan kita.. akala ko ikaw ang magbabantay sa kanya habang nagsasaka ako.. yun pala, Bantay salakay kang hayup ka!! *tulo ang luha* Mahal pa din kita George..
George:*feeling pogi na ala-cogie domingo* Huh? What the pack.. I'm out of cigarette..
Yun lang at tumayo ang lalaki mula sa kanyang kinauupuan at lumabas ng basketball court para bumili ng yosi sa vendor sa labas. Makalipas ang ilang minuto.... ng kalmado na ang lahat ay napilitang silang dalin si Sienna sa Ospital para matahi ang sugat sa kanyang ulo. Si Elsa naman ay may mga kalmot, masama ang kanyang loob dahil pinabayaan sya ng mga Superpekpek Heroes. Pinagmumura nya ito sa text. Pero ng niyaya sya ni Superpekpek Green na magpunta sa BathCave para magpapedicure, manicure ng libre ay nawala ang kanyang galit sa kanyang mga tutors.
Ginabi si Elsa ng uwi dahil pinagamot pa nya ang mga kalmot nya..pero nihintay sya ng ama ng gabing iyun.. Kinuwento nya lahat ng nangyari hanggang makatulog ang ama. Lumipas ang mga araw, usap usapan pa rin ang pangyayari sa meeting, ang mga lalaki ay medyo takot kay Elsa.. kaya't hindi na daw aalisin ang sirena at ang lalaking kumakain ng hilaw na manok. Si Sienna ay tuluyang nabaliw at pinadala sa Maynila upang maipagamot. Si May naman ay nawawala, nabalitaang nakita daw itong sumama sa ermitanyo papunta ng bundok. Si george na estregan pala ang apelido ay lumabas sa ilang penekula (pinoy xxx) bago magtungo sa Saudi upang magtrabaho ulit. Isinoli nya ang Popeye na game and watch na hindi daw nya hiningi kundi "hiniram" lang. Hanggang ngayon ay dala pa din di Elsa ang aral na kanyang natutunan: "Siksik, Liglig at umaapaw ang mga plastik at ipokrits sa mundo..syet!"
Isang adbentyur na naman ang natapos.. Hanggang sa muling pagbabalik ng The Adventures of Elsa and The Superpekpek Heroes! (*echo:pekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1. BAKIT SUMANDALING NAWALA ANG MGA SUPERPEKPEK? DAHIL SILA AY NAGKARON NG YEARLY RECOLLECTION.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: 1. MAGBIGAY NG 3 RASON BAKIT MAG-AASAWA ANG PINSANMAHEDERA NI ELSA.
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!