*Disclaimer: Ang mga nagdaang pahina, ang pahinang ito at ang mga susunod pa ay naglalaman ng sekswal na termino, karahasan at mga pag-uugaling masama. Ang nilalaman ng site na ito ay gawa gawa lamang at di hango sa tunay na buhay... Ang mga pagkakahalintulad sa tunay na tao ay sinasadya. Kung nakikita mo ang iyong sarili sa mga kwento-- ay malamang na ikaw nga ang tinutukoy! Ganun pa man.. ang Superpekpek Inc, ay hindi responsable sa anumang kasamaan na idudulot sayo dahil sa pagpunta mo dito. Hindi ka pinilit ugok! Ang laman ng site na ito ay di pedeng kopyahin sa anumang paraan. Mahiya ka namang hayup ka, tanda tanda mo na nagnanakaw ka pa ng gawa ng me gawa. Pinahihintulutan ang pag-li-link sa site na ito, yun e kung merong magnasang mag-link. Kung wala naman e OK lang. Para sa mga gustong mag-link.. sabihin naman sa amin para mapasalamatan kayo! Wag nyo kaming hingan ng pangbayad dahil wala talaga letse!
Pagkapananghalian, si Elsa ay matamang nagbabasa ng komiks ng dumating ang ama... Agad binalita ni Mang Gusting ang biglaang pagpapasya ng mga kaanak nya na umuwi para duon mag-undas.
Elsa: Ano dadi?! Akala ko ba di na sila uuwi dito at dun na lang sila mag-aaraw ng mga patay?
Mang Gusting: E nagsipalitan ng isip eh.. alangan namang ipagtabuyan natin..
Elsa: Ang labo talaga kausap ng mga kamag-anak mo! Daig pa mga adik! Uuwi ba ang bagong kasal?
Mang Gusting: Hayaan mo na ngang bata ka... Uuwi daw si PinsanMahadera mo kasama si Billy.. Magmamano ata sa akin..
Elsa: Dapat lang no! Baka gusto nyang makatikim sa akin.. magbigay galang naman sila. Haay.. dapat pala makapagpalengke..
Mang Gusting: Ang bilis ng araw no? Undas na naman pala.. Haaay naalala ko na naman si Amparo..*lungkot*
Elsa: Kuuuu... naalala daw ang mami e di mo nga mapunasan yung litrato nya sa kwarto mo.. puro agiw na!
Mang Gusting: Tumigil ka ngang bata ka at baka marinig ka ng kaluluwa ng mami mo! Multuhin pa ako nun..
Elsa: Pano.. lagi ka dun sa kandungan ni Aling Selya! Sana nga multuhin ka.. tapos hawakan ang paa mo! *tawa* Ano kaya gagawin mo pag nagpakita sayo si Mami, dadi?
Mang Gusting: E tatakbo ako at maghuhubad..hehehe matagal tagal ko na din namang di nayayakap ang mami mo.. miss na miss ko na sya..
Nangilo si Elsa ng ma-imagine nya ang kanyang dadi at mami na naglalabing labing... Kaya naman pilit nyang inalis yun sa kanyang isip at itinuon ang pansin sa pamamalengke, pagkuwa'y ipinauwi kay Baho ang mga pinamili. Lumipas ang maghapon ni Elsa ng kaayos ng menu para sa Undas. Ayaw nya kasi ng hindi pinaghahandaan ang mga ganitong okasyon. Isa isang nagdatingan ang mga kaanak nila Elsa, ang bagong kasal ay susunod na lang. Talagang napakawawalanghya ng mga pinsan ni Elsa... Tulad ng kinagawian, tuwing sila ay darating -- dire diretso sila sa kwarto ng ating bida. Duon inabutan ni Elsa si Lukaret na nangkakalkal ng lalagyan ng ipit.
PinsanLukaret: Ateeeee.... ano musta na? *beso*
Elsa: Huh.. Lukaret anjan ka pala.. akala ko nasa likod bahay ka eh.. San sila Ninang?
PinsanLukaret: Sila Mama... saka si Ate nasa likod bahay kausap si Tiyo Gusting..
Elsa: Ganun ba.. magbibihis muna ako bago ako magmano.. O ano balita dun sa bagong kasal.. Umatend ba kayo?
Pinsan Lukaret: Hindi.. Ok naman siguro mamayang gabi darating sila Pontyus Payleyt..
Elsa: Gagi.. Tiyahin mo din yun no.. walanghya mo talaga..
Dali daling nagbihis ang ating bida upang matulungan ang ama sa pagluluto... Nagluto sya ng Inihaw na Bangus na me lamang kamatis, sibuyas at luya. Nag ihaw din naman sya ng pusit at nag adobo ng baboy. Bago mahapunan ay dumating na sina Pontyus Payleyt sampu ng kanilang kaanak. Sabay sabay silang kumain.. napakagulo sa hapag kainan.. ang magpipinsan ay di magkamayaw sa paglafang sa hinandang pagkain ng mag-ama. Mabuti na lang at sa dahong saging sila kumain..Wala masyadong huhugasan.
Elsa: Taena sino kumuha ng ulam ko?
Pinsan Taksil: Ewan ko ate.. basta tong ulam na to.. akin to!
Pinsan Lukaret: *baon ang ulam sa kanin* Mamatay na makielam ng ulam koooo!
Elsa: Syet.. napalingon lang ako, nawala na ulam ko.. *subo ng kanin*
Pinsan Tanda: Anong oras tayo pupunta ng sementeryo bukas? *tingin sa mga kamag-anak*
Nanay ni Pinsan Lukaret: Maaga.. para di masyadong mainit. Kaya maaga kayong magsipagtulog! Mamaya tsittsitan kayo ng tsittsitan...
Tita Pontyus Payleyt: Oo nga.. ang mga bulaklak ba naayos na? *kanaw ang kamay sa tabo*
Tito Pontyus Payleyt: Daliin mo naman jan sa tabo! Najejebs ako!!
Elsa: Meron na ba tayong baon?
PinsanLukaret: Ayos na ba yung mga tsi-tsiriya natin ate Elsa?
Elsa: Ewan ko.. di namna ako ang in-charge dun eh... Tanong mo ke ByetKong..
Pinsan Byetkong: Oo ayos naaa.. wala lang yelo.
Elsa: Hanep... prang ekskarsyon..
Nang gabing iyuon ay nahirapan sina Elsang matulog dahil na din napakadami nila sa kama. Maaga syang bumangon para magluto ng almusal. Ang tatay nya pala ay duon natulog sa pinagdugtong dugtung na upuan sa kusina. Ipinirito ni Elsa ang lahat ng itlog at lahat ng hotdog na binili nya sa palengke. Maya maya pa ay gumising na ang mga kamag-anak ng ating bida. Pakensyet.. nagkagulo na naman sa bahay.. Kalamapagan ng kalampagan.. Ang CR ay hindi na nawalan ng tao.. magbibihis na si Elsa ng..
Elsa: Syet! Bakit mo gamit ang sapatos ko?!
Pinsan Lukaret: E ate mas bagay sa damit ko..
Nanay Ni Pinsan Lukaret: Hubarin mo alahas mo lukaret!! Pupunta tayo ng sementeryo eh naka alahas ka pa..
Pinsan Lukaret: AKo bahala dito... Hindi yaan.. *tigas ulo*
Nanay Ni Pinsan Lukaret: Bahala ka nga!! ang tigas ng ulo mo! Pag nawala yan ha! Sinasabi ko sayo.. sasabunutan ko bulbul mo...
Pinsan Lukaret: Oo naaa.. sasabunutan na.. kulit ni mama...
Sumakay sa mga trike ang pamilya upang tunguhin ang sementeryo sa bayan. Ang kanilang sementeryo ay nasa likod ng simbahan, sa may gitna ng bukid. Marami ng tao sa sementeryo. Ang mga barangay tanod ay di magkamayaw sa pagbabantay.. dala dala ang kanilang pamukpok ay nagsimula nang magroronda ang mga ito. Sa isang sulok, ay mga lamesa kung saan nakalagak ang mga kutsilyo, radio, baraha at alak na nakuha sa mga tanga at matitigas na ulong mamayan... Tulak dito at tulak duon ang ginawa ng mga magpipinsan para naman mapadali ang pagpasok nila sa sementeryo. Taena, wala silang pakielam kung me masaktan.. dahil ang feel nila ay Jologs lahat ng nasa kanilang paligid. Maya maya pa ay narating na din nila ang kanilang museleo. Duon nakalibing ang lahat ng kaanak nilang natsugs na. Sa sementeryo ay madaming nakitang mga suki si Elsa.. matamang ngitian nya ang mga bumati sa kanya.
Elsa: *suot ang shades* Ang ineettt!!
Pinsan Lukaret: Grabe ate.. daming Jologs... *paypay*
Elsa: Tado.. madinig ka ng mga yan.. mapapaaway pa tayo.. *agaw pamaypay*
Pinsan Byetkong: Syet... Wala man lang kyut dito...
Hindi maintindihan ang trip ng mga tao sa sementeryo pag undas.. Sandimakmak ang dalang pagkain, pagkuwa'y walang humpay na kwentuhan lang naman ang gagawin. Kwento ukol sa latest na chismis, artista at mga kwento ukol sa mga yumao na. Ang museleo nila Elsa ay may sekon flor duon nakatanga ang magpipinsan at duon din naghahanap ng mabibiktima. Ng biglang.....
Pinsan Byetkong: Lukaret!! Ayun o.. yung sa tapat.. mukang kyut..
Pinsan Lukaret: *tingin* Oo nga ate... teka.... kakaririn ko to.. *pakyut*
Elsa: Pra kang gagi.. masyado kang obyus no!!
Pinsan Lukaret: Ay ate.. sinuot nya ang shades nya.. teka sasabayan ko sya *suot din ang shades*
Matamang nagpakyut sa isa't isa ang mga luret.. Nagtataka naman si Elsa kung bakit ganun ang tao sa kanilang bayan.. Taena.. Wala syang nakikitang nagdarasal.. ang bata ay takbuhan ng takbuhan.. ang mga binatilyo naman ay bising bisi sa pagpapakyut... Ang kadalagahan ay walang humpay ang paglalagay ng pulbo.. Pagkuwa'y napatingin si Elsa sa isang banda ng sementeryo.. at duon ay nalibang sya sa isang pamilyang salo-salung lumalafsung sa ibabaw ng puntod.. Taena, gawin bang la mesa ang nitso?
Elsa: *labas yosi* Taena... tigilan mo nga yang pagpapakyut mo!
Pinsan Lukaret: Bakit ate? *hila damit ate Elsa* Kyut syaaaaaaa...
Elsa: *tingin sa lalaking tinutukoy ni Lukaret* uhmm.. me potensyal pero.. uhmm..
Matamang tinitigan ni Elsa ang batang lalaki na tinutukoy ni Lukaret. "Bah! Taena, me taste din naman pala tong babaeng to.. "sabi nya sa sarili. Malapit na nyang makumbinsi ang sarili na kyut nga ang lalaki ng bigla itong naghubad at pinunas ang damit sa ilalim ng kili-kili nya. Napraning si Elsa...
Elsa: Yaakkkk! Taena, wala ba syang panyo? *tapon yosi... nawalan ng gana* Kadiri.. kyut sana pero.. eeeiwwwww.....
Lalaki: Araaaaay!! Nak ng puta o! Patayin nyo muna sigarilyo nyo bago nyo itapon! Taena.. sakit ahh!
Elsa: Huh? Ano yun? Grabe no.. me mga tao talaga na walang isip.. tsk..
Byetkong: *tawa* Aheeee....
Pinsan Lukaret: Ay.. Ano ba yun? Di tama yun...
Byetkong: Ate, Manlibre ka naman ng samalamig... kakasawa na ang Buko Juice ...
Elsa: Kaps ng peys mo, syet ka!
Pinsan Lukaret: Ate sama ako!!
Elsa: Me choice ba ako ha?! Sabihin mo nga sa akin kung me choice ako!!!!
Pinsan Lukaret at Byetkong: Wala...
Dali daling bumaba mula sa sekon flor ang magpipinsan upang bumili ng samalamig.. Matamang naglakad lakad si Elsa..Nakita nya ang mga suki sa palengke at mga dating kakilala.. Napadaan sila sa isang grupo ng mga lalaking mukhang barakuda na mukhang mga lasing...
Senglot 1: *pito* ang ganda naman...
Senglot 2: Ano pangalan mo?? Abeylabol ka ba? Abeylabol ako..
Byetkong: Ate tayo ba kausap nung mga mukhang mongoloid na yan?
Elsa: Wag patulan dahil Jologs ok?
Pinsan Lukaret: Pagsasampalin ko yan ate...
Hindi pinansin nina Elsa ang mga lalaki.... dire-diretso sila sa kanilang paglakad.. Ang mga tarantadong lalaki.. sumunod at panay parinig. Pagdating sa tindahan ng samalamig...
Elsa: Pabili nga ho ng samalamig.. tatlo.
Senglot 1: Ahem.. ano pangalan mo miss? Yan ba pamasko mo pare?
Elsa: *tingin lang*
Senglot 2: *tawa* Pare bakit ang suplada mo... pangalan lang nagdadamot ka pa.. Kundi lang kita pamasko..
Senglot 1: Ako nga pala si mike..
Elsa: Magkano ho yung tatlong samalamig? *irap sa mga lasingero*
Tindera: Kinse pesos..
Nagbayad ang Elsa, sabay tumalikod.
Senglot 1: Ay maganda sana... bastos pala...
Senglot 2: Oo nga.... di naman pala ganun kaganda sa malapitan....
Elsa: *bulong* At least di namna ako kasing pangit nyo.. mukha kayong mongoloid! *sipsip samalamig*
Pinsan Lukaret: *tingin sa mga lalaki* Tumigil nga kayo mga mukhang magnanakaw! Akala nyo kung sino kayong kyut muka naman kayong kalyo!
Byetkong: *tawa malakas* Ok yun ahh..
Senglot 1: Bah.... matapang pala to.. di naman kagandahan..
Elsa: *alis straw sa bibig* Ina mo! *bato supot ng samalamig sa muka ng dalawang lalaki*
Senglot 1: Kungdi ka lang babae sinapak na kita..
Elsa: E di kunwari hindi ako babae.. *sampal Senglot 1*
Senglot 1: Bah.. sumosobra ka na.....
Elsa: O sumosobra ako, care mo? *sampal ulit Senglot 1*
Senglot 2: *tawa malakas* wala ka pare.. babae lang papaapi ka! Syet!
Elsa: Oo nga naman babae lang papaapi ka.. *talikod sabay sampal sa pagmumuka ni Senglot 2* Taena nyo.. mga dayo lang kayo dito ha.. wag kayo mag-inarte.. hindi nyo teritoryo to..
Himas himas ng dalawang lasing ang kanilang pisngi.. Taena ke lakas ng kamay ng babaeng yaon. Nguni't dahil pinagtitinginan na sila ng mga tao, biglang namula sa pagkapahiya ang dalawa. Syempre asa ka pa.. ipagtatangol ng dalawang tanga ang kanilang napirarat na ego. Kaya dali dali nilang hinabol si Elsa na nuon ay nasa tapat ng lamesa ng mga punyal, alak at iba pang deadli wepons.
Senglot 1: *dakma ang balikat ni Elsa* Tangna ka ah..
Nagulat si Elsa at ang kanyang mga pinsan naman ay nagpanic at humiyaw upang humingi ng saklolo.. Niyugyug ng mga lasing si Elsa at angkang sasampalin ng biglang me pumigil sa kamay nila.. Syet... si Superpekpek Orange!
Superpekpek Orange: *ayos nagulong hair* Putang ina ka! Bakit mo niyuyugyog si Elsa?
Senglot 1: *nabighani sa ganda ni Superpekpek Orange* Bah.. miss maganda.. wag kang makielam, mamaya de-date kita..
Superpekpek Orange: Gago ka ba? *sampal Senglot 1*
Ang ibang Superpekpek Heroes ay matamang nagmamasid habang kumakain ng Banana-Q at umiinom ng samalamig. Dinakma ni Senglot 2 ang kamay ni Superpekpek Orange upang pigilan ang pagbagsak ng palad nito sa pangit na muka ni Senglot 1. Bago pa mangyari ang di dapat mangyari.. Sumigaw si Superpekpek Red ng Powers Combine habang nag-aalis sya ng tinga sa kanyang brace. Napuno ang paligid ng usok.. Ang mga taong nagdarasal ay nagsialisan sa kanilang mga puntod at nanuod ng bakbakan. Sinamantala naman ito ng mga batang nangunguha ng tunaw na kandila.. Kaya kahit di pa tunaw ay pinaghahatak nila ito. Tuwang tuwa sila dahil makakarami sila ng kandila. Pumasok ang mga Superpekpek Heroes sa katawan ni Elsa.. ito ay nagpalit ng anyo.. at lumantad sa harap ng marami, ang isang giant pekpek na me suot na kapang pink.
Elsa the Superpekpek: Taena ka! akala mo kung sino kang makapintas! Ke pangit mong hudas ka! *tadyak Senglot 1* Wag kang bastos! Kung makikipagkilala ka sa mga babae.. Ayusin mo!
Senglot 1: *yabang* E manila boys kami.
Elsa the Superpekpek: *sampal Senglot 1* Pakielam ko kung Manila boys kayo...
Senglot 1: *himas ang namamagang muka*Bakit ako lagi ang nasasaktan? Bakit si Senglot 2, isang beses lang nasampal?
Elsa the Superpekpek: E tang ina ka kasi... Napakaepal mo!
Senglot 2: Oo nga.. saka, bakit nila ako sasampalin.. bihira lang ako magsalita..
Senglot 1: Tangna mo pare, traydor ka!
Senglot 2: Pare.. di lahat ng bagay dapat nating pagsaluhan.. *lakad palayo*
Elsa the Superpekpek: *kuha baseball bat sa lamesa* Sa susunod.. kung makikipagkilala ka.. makipagkilala ka ng maayos..*hampas baseball bat sa ulo ni Senglot 1*
Senglot 1: AhhhhHhhhhhhhhh!
Elsa the Superpekpek: Hwag kang mambabastos! *hampas ulit si Senglot 1 ng baseball bat*
Senglot 1: Tama na..... Ughhh..
Elsa the Superpekpek: At hwag kang pintasero dahil hindi mo carry.. *labas magic mirror sabay tapat sa muka ni Senglot 1*
Napapikit si Senglot 1 dahil ang akala nya ay babasagin ang salamin sa muka nya, kaya naman naghumiyaw sya na hindi na sya uulit.. Mga ilang hampas pa ng baseball bat (pang kwits sa natapong samalamig ni Elsa) ay tinigilan na ni Elsa the Superpekpek ang lalaking halos nabura na ang mukha. Pagkuwa'y nagpalit na ng anyo si Elsa.. Bumalik sa kanilang museleo at itinuloy nila ang kanilang kwentuhan. Ang mga tao naman ay nagsipagbalikan na sa kani kanilang pwesto na may bagong pagtsi-tsismisan, Ang mga Superpekpek ay umuwi na dahil busog na sila sa Banana-Q. Kinagabihan, Ang mga magpipinsan ay uminom at hindi nagpatulog ng kapitbahay. Habang pinanunuod ni Elsa ang kanyang mga pinsan ay pinag-iisipan nya ang aral na kanyang natutunan,"Hindi lahat ng kyut ay malinis."
Isang adbentyur na naman ang natapos.. Hanggang sa muling pagbabalik ng The Adventures of Elsa and The Superpekpek Heroes! (*echo:pekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1. MAGBIGAY NG 3 RASON BAKIT MAG-AASAWA ANG PINSANMAHEDERA NI ELSA. Sagot: !. Dahil Nagmamahalan sila ng kanyang syoting. 2. Dahil gusto na nilang magseks. 3. Dahil matanda na si Billy.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz:ANONG KARUMALDUMAL NA BAGAY ANG GINAWA NG LALAKING NAGPAPAKYUT?!
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!