(a tale of warning..syet!)
Napapunas ng mata si Elsa dahil sa napakalungkot at nakakaiyak na pangyayari sa buhay ng bidang babae sa nobela sa komiks na kanyang sinusubaybayan matagal na panahon na ang lumipas. Nangamatay at nangabuhay na muli ang mga tauhan ay hindi pa rin matapos tapos ang lecheng nobela. Marahang sumisinga si Elsa ng dumating si Baho... karay karay nito ang tatlong lalaking hindi gwapo pero malakas ang sex appeal (description nila sa sarili nila). Natanga si Elsa. Taena ngayon lang me dumayong mukhang kagalang galang sa kanilang baryo.
Baho: Mahal! Bakit umiiyak ka?! *akmang pupunasan ang mata ni Elsa*
Elsa: *hampas kamay ni Baho* Taena mo, wag mo ko pakielamanan! *singa*
Baho: Susme.. nagmamataray pa ito.. e tumutulo na naman yang sipon mo! Abah! Sino na namang bida sa komiks ang namatay?
Elsa: Alam mo Baho.. pakyu ka!
Tatlongari este Tatlong Lalaki: Ahem..
Elsa: Kita mo ka Baho! Pinapagalit mo ko.. me kasama ka pala...
Baho: E papakilala ko nga sayo kaso... tumutulo talaga ang sipon mo..haaaay.. kundi lang kita mahal.. pinagpalit na kita.
Elsa: Ano?! *lipat tingin sa 3 usisero sabay ngiti* Hello senyo.. *punas ilong*
Mahal na Ari 1: Hi.. you look very lovely today..
Elsa: *blush* Naku, di ako maganda.. kayo talaga mga bolero..
Baho: Taena mahal! Kumirengkeng ka na naman!! Andito ang mga yan dahil magtatayo sila ng business, ako ang ahente ng lupa na pagtatayuan nila ng bisnes! Mga taga maynila sila....
Mahal na Ari 2: Mga Manila Boys kami eh...*ayos ang kwelyo ng polo*
Elsa: Mahal mo muka mo letse ka! *tingin sa 3 hari* Naku.. hwag kayong maniniwala jan ke Baho na Giep nya ako.. Illusyonado lang talaga yang kupaloids na yan eh.. *ayos hair* Anong business naman ang pinasok nyo dito sa probinsya namin?
Mahal na Ari 1: Balak sana naming magtayo ng internet cafe dun sa tapat ng iskwelahan..
Elsa: Ganun ba.. mabuti naman at dito kayo magtatayo.. makakatulong yun sa aming economy..
Baho: Mahal.. me pa economy economy ka pa jang sinasabi di mo naman alam kung ano ibig sabihin nun!!
Elsa: *siko si Baho* Kung ano ano sinasabi mo... Nakakahiya ka.. Nga pala.. *tingin sa 3 engs* Gusto nyo ba ng BJ?
Mahal na Ari 1: Not in public...
Mahal na Ari 2: BAh... oks pala dito sa probinsya na to..
Mahal na Ari 3: Gusto ko din yun!!
Elsa: Sandali lang at kukuha ako ng malinis na baso...
Umalis ang Elsa at naiwan ang apat na ugok. Ang tatlong lalaki naman ay walang humpay ang pagtatanong ukol sa buhay buhay duon sa probinsya.. Lalo na ang populasyon at kaugalian ng mga kababaihan. Maya maya pa ay dumating si Elsa dala dala ang mga bagong hugas na baso. Sumandok ng Buko at binigyan ang tatlong lalaki.
Baho: Mahal! Bakit ako wala?!
Elsa: Hindi ka naman bisita!
Baho: Pero..
Elsa: Walang pero pero.. *ngiti sa tatlong lalaki* sige inom pa kayo.. gusto nyo pa?
Mahal na Ari 2: *bulong* Akala ko naman kung anong BJ.. buko pala.. na-araws pa naman ako! Chet!
Elsa: Ano kamo? *ngiti*
Mahal na Ari 2: *ngiti din* wala, sabi ko masarap ka Mag-BJ... expert ka na siguro sa pag gawa nito.
Elsa: Ah oo.. magaling din ako magkayod ng nyog.. gusto nyo papakitaan ko kayo!
Baho: Mahal! ano ka ba!!
Elsa: Wala kang pakielam! *kuha manual na kayudan*
Napatanga ang apat na lalaki ng biglang nagbiyak ng nyog si Elsa at sabay nililis ang kanyang daster... Sumakay sa kanyang manual na kayudan at nagsimulang magkayod. Ang apat na lalaki ang hindi makahinga..parang naiipit ang kanilang kwan... Syet ! Ang galing magkayod ni Elsa ng nyog... mabilis at may rythm. Si Baho ay di magkamaliw sa pagtitig sa mapuputing hita at binti ng dalaga.. Nagsimula namang tumulo ang laway ng herodes.. Kaya naman bago pa sya mahuli ni Elsa ay dali dali na nya itong pinunasan. Ng matapos sa pagkakyod ang dalaga ito ay tumayo at nag-bow.Ang tatlong dayuhan naman ay manghang mangha sa kanilang nakita.. napapapalakpak ang mga ito.
Elsa: Tsaraaaan! Tenkyu Tenkyu! *bow*
Mahal na Ari 2: *palakpak* Ang galing mo! Kakaiba ka!!
Mahal na Ari 1: Oo nga bayaw.. magaling ang isang to.. sya palang nakita ko na ganun magkayod ng nyog.
Mahal na Ari 3: Di ko masyado nakita..*kusot ang mata* malabo na kasi ang mata ako.. pero nakikita ko yung legs na tumataas baba.. *lunok laway*
Baho: Galing ng mahal ko noh! Kaya nga minahal ko yan.. kasi magaling na syang sumakay ng kayudan...e mabilis pa ang kamay..
Mahal na Ari 1: *tingin sa relo* Naku.. tignan mo nga naman ang oras.. nalibang kami masyado dito.. Di pa namin naiikot ang buong bayan.. *ngiti*
Mahal na Ari 2: Oo nga no.. di pa natin nakikita ang buong female population ng bayan na to...
Elsa: Bueno, sana ay matuloy ang inyong bisnes dito sa amin.. ako din naman ay marunong ng magchat. Paniguradong magiging suki nyo ako dun sa shop nyo.. Tinuruan ako nung kapitbahay namin. *ngiti*
Mahal na Ari 3: Ganun ba? Sa computer?
Elsa: Duh! syempre naman no! Alangan namang sa type writer! Ano ba tong kasama nyo.. slow!
Mahal na Ari 1: Pagpasensyahan mo na sya.. Am kasi ang ininum nya nung bata pa sya eh..
Elsa: Ah ganun ba..... kawawa naman pala sya.. O sya mag-iingat kayo sa inyong byahe at harinawang matuloy kayo sa inyong bisnes! *shake hands sa tatlong bisita*
Lumipas ang mga araw... namumuhay ng matiwasay ang mga tao sa bayan, ng biglang huminto ang isang magarang tricycyle -- sakay ng tricycle ang dalawa sa tatlong ari. Matamang nakamasid lamang si Elsa at pinanunuod ang bawat galaw ng naturang mga ungas. Naglabas ng yosi ang dalawang lalaki at tumayo sa labas ng kanilang magarang tricycle. Maya maya pa ay may babaeng lumapit.. nakipag-usap... nakipagtawanan.. at nakipagharutan sa dalawang herodes. Napatanga ang ating bida ng biglang sumakay ang babae sa tricycle. Tumungo ang tricyle sa restokwekkwekan..
Weyter: Ano ho ang order nyo?
Mahal na Ari 2: Tatlong beer at saka isang order ng kwekkwek..
Weyter: Yun lang po?
Mahal na Ari 1: Samahan mo ng astrey.. *labas yosi* Pakiuna yung beer ng makita namin kung talagang malakas uminom tong si Eng-Eng..
Mahal na Ari 2: Oo nga bayaw.. mukhang hindi naman sya malakas uminom... *tingin sa babae* Wala sa itsura mo eh..
Eng-Eng: Naku.. malakas ako uminom no..kaya lang pag umiinom ako e nagiging wild kasi ako.....
Mahal na Ari 2: *gulat* Ganuunnn?? *sigaw* Weyttteeeerrrrrr!!! 6 na beer agad dito!!
Eng-Eng: *hagikgik* hihihiihihihi.. kakatuwa ka talaga..*tapik braso ni Mahal na Ari 2*
Mahal na Ari 2: Wag mo ko masyado tinatapik..naaraws ako..
Enge-Eng: *hagikgik*
Lumipas ang ilang minuto ang nagsimula na ang inuman... Talagang nagpakitang gilas ang babeng probinsyana.. hindi na nito nakuha pang magbaso. Talagang iniinom nya ang serbesa mula sa bote. Kung ano ano na ang sinasabi ng babae...
Eng-Eng: Akala nila bobo ako?! Akala nila.. hindi ako nag-iisip.. Tang na nila.. *tungga* Nung nasa Grade three naman ako.. napunta naman ako sa row 3 ahh.. Anong tawag nga dun? *tingin ke Mahal na Ari 1* Ahhh.. accelerate! Na-accelerate ako nung grade three.. hehehehe
Mahal na Ari 2: E ano nangyari nung greyd por ka na? *hithit yosi*
Eng-Eng: anong greyd por? yung pers taym ako nag greyd por o yung sekon taym? *hagikgik*
Nagkatinginan si Mahal na Ari 1 at Mahal na Ari 2... ang kanilang mga mata ay nag-usap. Ito na ang oras.. oras na para iuwi ang babaeng slow. Magkatabi sa loob ng trike sina Mahal na Ari 2 at Eng-Eng..samantalang si Mahal na Ari 1 naman ay nagmamaneho. Dinaanan nila si Mahal na Ari 3 sa deyt nito.. Ng biglang...
Mahal na Ari 3: Huh? Ano yun? May kumakaluskos sa loob ng trike mo..
Mahal na Ari 1: Wag mo pansinin yun....
Mahal na Ari 3: Taena, linisin mo sasakyan mo.. me daga!
Mahal na Ari 1: Oi.. taena.. walang daga tong trike ko noh.. nililinis ko to araw-araw.. baka daga ni Mahal na Ari 2 yun! *tawa*
Eng-Eng: Puta.. lasang alak...
Inikot nila ng inikot sa bayan ang tricycle ..Nakauwi naman sila pare pareho ng maayos at matiwasay. Di naglaon ay panay ang tayo ng babaeng Eng-eng duon sa lugar na pinag-pik-apan sa kanya... nguni't hindi na nagpakita pa ang mga herodes. Isang araw.. nag-aayos ng kilay si Elsa ng dumating ang dalawang mahal na Ari, si 1 and 2.
Mahal na Ari 1: Hi Elsa.. kamusta na?
Elsa: Mabuti naman.. ito nagpipilit pantayin tong lecheng kilay ko..
Babae: Hey there.. can i make bili naaman one order ng buko juice?
Elsa: *tingin sa babae* Can't you see im busy tweezing my fucking eyebrows?
Babae: But.. you're a tindera.. you're supposed to make tinda to me..
Elsa: Pakyu ka.. leche! Wala kaming buko.. Ubos na!! dun ka bumili sa kabila..
Babae: *tingin sa galon ng BJ* But you have plenty naman of Buko Juice ahh...
Elsa: Pakielam mo kung marami? Pampaligo ko yan.. hala sige umalis ka na..iniistorbo mo na ako!
Babae: *inis* My god!! You're so rude..
Mahal na Ari 1: Naku..sasamahan ka na namin bumili..mainit ang ulo ni elsa kasi hindi pantay ang kilay nya..*hawak ang babae sa braso*
Elsa: Pakyu, God ko din yun ungas ka!
Mahal na Ari 2: Easy ka lang elsa... yan.. mas makapal na ang kaliwa sa kanan.. tsk *iling*
Elsa: Syeeeet! isasara ko na tong tindahan... sige.. babayu!
Dahil sa tromatising experiyens ng Babaeng Konyo sa kamay ni Elsa.. Siya ay pinakain nila Mahal na Ari sa sosyal na Isawan. Tuwang tuwa ang babae dahil after daw dun ay magkakape sila, sa kapehan..
Babae: My god.. the isaw is so yummy!! I'm glad that I met you guys talaga.. you're so mababait..
Mahal na Ari 1: Syempre.. alam namin ang nararamdaman mo..
Babae: Oo naman.. that girl kasi.. I was so takot kanina.. lalo na when she faced me.. and I saw yung kilay nya sa right eye is almost gone.. Grabe.. scary..
Mahal na Ari 2: *halakhak* Wawa nga si Elsa eh.. badtrip tuloy sya..
Babae: Anyway, after this cup of coffee.. where are we going ba?
Mahal na Ari 1: Anywhere you want..
Babae: Talaga? that is so ganda to the ears...
Maya maya pa ay nasa isang club ang tatlong sira ulo at nagpapaksaya.. Taenang babaeng konyo.. hindi naman umiinom e masyadong wild, tumuntong sa table at nagsayaw duon... kaya naman ng gabing iyun.. ay nagdiwang na naman ang mga daga sa loob ng trike ni Mahal na Ari 1.
Kinaumagahan....
Baho: Morning Ma.. *gulat* Haaaaaaaa....Uhmm ano nangyari sa kilay mo? Napeste ka ba?
Elsa: Taena mo Baho... tigilan mo ko! Sinubukan ko magahit ng kilay.. ito *turo drawing na kilay* nakuha ko..
Baho: *lunok* Ah..
Elsa: Anong Ah?!
Baho: Huh?
Elsa: Taena mo! kung makapagsalita ka kala mo ke gwapo gwapo mo ahhhh.. Kala mo ang bango bango mo!!
Baho: E wala naman akong sinasabi ah..
Elsa: Sabi mo AH! AH lang yun pero alam ko sa isip mo nilalait mo ko! syet ka!! *ngilid ang luha*
Baho: Sus.. ano ka ba..
Elsa: Sabihin mo nga sa akin .. *tingin ke Baho* Maganda pa ba ako?!
Baho: E .. ano.. oo naman..
Elsa: Kita mo!! *hampas si Baho* Pangit na akoooooo.. Waaahhh.....
Baho: Mahal! tutubo pa din naman yan. Bakit si Lavander.. Long hair na sya di ba? dumadaan talaga sa phase yan ng tao..
Superpekpek Lavander: Puta bakit nasabit ako sa iyakan na yan!?!?! Bakit umiiyak si Elsa?!! *tingin masama ke Baho*
Baho: E kasi.. inahit nya yung kilay nya tapos hindi nagpantay kaya ayan nangyari... nagmuka syang kurimaw.
Elsa: Saka nilalait ako ni Baho... Huhuhuhuhuhuhu... Salbahe nyan.. *singhot*
Baho: Ako?! E wala naman a kong sinasabi ah..
Superpekpek Lavander: Taena mo Baho ha.. Sabihin mo maganda sya!! Sabihin moooo!!
Elsa: Bakit ka napadalaw, Lavander?
Superpekpek Lavander: Wala lang.. yaya sana kita inom.. sama loob ko, si Supladong Adik me Giep na!!
Elsa: O sige.. dun na lang tayo sa restokwekkwekan... Sabihin mo nga Lavander kung maganda ba ako o hindi...
Superpekpek Lavander: Syempre maganda ka kahit na onti na lang kilay mo.. galaw ka kasi ng galaw.. Halika lalagyan kita ng kilay.. Sa susunod kasi.. sa propesyonal ka pupunta... sho-shonga shonga ka kasi!
Baho: PWede bang sumama?
Superpekpek Lavander: Bakit iniimbita kita?!
Baho: Pero.. mamaya malasing kayo.. me mambastos inyo.. sa lagay na yan ni Elsa eh di malayong maghanap yan ng away.
Superpekpek Lavander: O sige sige... nyeta, di ka naman kasama sa budget eh. Pero iba ka ng table ha!
Maya maya pa, nang mapantay na ni Lavander ang kilay ni Elsa, sila ay sumakay sa trike ni Baho papuntang restokwekkwekan... naupo ang dalawang babae sa pinakasulok at duon nagsimulang uminom. Pinagkwentuhan nila kung paanong napunta na naman ang adik sa pokpok na babaeng yaon! Si Elsa naman ay matamang tingin ng tingin sa salamin para i-tsek kung me kilay pa ba sya o wala na..
Elsa: Leche talaga tong kilay ko.. sumasama sa panyo pag nagpupunas ako ng pawis! nyeta.. *inom pa madami* Pano ko haharap sa mga suki ko..syet....
Superpekpek Lavander: Sinabi mo pa.. nakikielam ka kasi eh *yosi* Taena pakielam naman nila sa kilay mo... lasing ka na ata ah.. nagpapaapekto ka na sa sasabihin ng iba..
Babae: Hey look o! it's that tindera na masungit o..
Elsa at Superpekpek Lavander: Huh? *lingon*
Babae: *tawa malakas* Grabe you know when i first met her talagang super scary.. cause wala syang eyebrow..you know.. para syang uod really... Hey mamang weyter, isang order pa ng ng super delicious isaw nyo..
Lalaki sa dilim: Tama na ano ka ba.. nakakahiya ka .. hindi ka naman lasing...
Lalaki sa dilim 2: Oo nga.. taena kolesterol yan ng sandimakmak na isaw.. Buti pa alis na tayo dito.. Pero teka bayaw.. maganda ang waitress..
Lalaki sa dilim: Bah oo nga.. lipat na lang tayo ng table at baka tayo madamay dito.
Tumayo at lumipat ng table ang dalawang lalaki.. iniwan nila ang Babaeng dumadaldal habang nilalapang ang isaw.
Babae: Care ko.. e she's a tindera lang naman.. e nagmamasungit sya.. Hahahaha.. she looks weird talaga.. hindi pantay ang kilay grabe..
Superpekpek Lavander: King ina neto ah...
Tumayo sa kinauupuan si Superpekpek Lavander dahil ang feeling nya e sya yung sinasabihan ng Babaeng gahaman sa isaw.. . Si Baho na diumano ay magtatanggol sa mga babae pag napaaway ay lasing na lasing at natutulog na sa kanyang kinauupuan.
Superpekpek Lavander: *hila buhok ng Babae* O e ano ngayon kundi pantay ang kilay ko punyeta ka!
Babae: Oucchhhh , my god! Do you have to make hila my hair!? Let it go! Let it gooo... super saket na ha!
Superpekpek Lavander: Taena mo.. uod ako!? uod ako!? *sampal babae*
Babae: Ano ka ba... hindi ikaw... that girl with you.. Oucchhh Help! Help!! She's killing me.. Help!! Tolong.. Tolong....
Superpekpek Lavander: Ah syet ka.. Tolong tolong ka jan...arte mo magsalita e super Jologs ka naman syet ka!
Babae: Duh.. excuse me.. hindi ako Jologs.. Im what you call..socialite..
Superpekpek Lavander: Jologs kaaaaa *sampal kaliwa't kanan* At wala kang karapatan na mag-inarte dahil nagmumuka kang trying hard!!
Habang nagkakagulo naman ay naitable na ng mga lalaki ang waitress.. At dahil sa sobrang bayolente ng mga pangyayari ay napayakap ito kay Lalaki 1... ng biglang buksan ng me ari ang ilaw ng restokwekwekan upang magbilang ng boteng nabasag ng ating bida. Si Elsa ay nagpanic... taena.. makikita nila ang itsura ng kilay nya kaya dali dali syang tumakbo papuntang CR, At duon kinontak ang ibang Superpekpek. Samantala sa labas..
Nakarir na babae: Mahal na Ari 1!!!
Lalaki sa dilim 1: Huh?
Nakarir na babae: Tagal kitang hinanap... lagi akong naghihintay duon sa kanto... kailangan nating mag-usap..
Mahal na Ari 1: What for? *yosi*
Nakarir na babae: Alam ko naman na karir mo lang ako... pero naguguluhan ako..Ang bilis ng mga pangyayari..
Mahal na Ari 1: Anong mabilis ang mga pangyayari.. are u saying na sinamantala kita?
Nakarir na babae: Yun ba ang term dun? Oo.. kasi ambilis mo.. madaming kang ginawang bagay na nakapagpatanga sa akin..
Mahal na Ari 1: I don't think this is the appropriate place for that, Eng-Eng.. Hindi naman kita pinilit nung naglaro tayo.. you came on your own volition di ba?
Nakarir na babae: Bullshit! Wag mo ko inglesin!! dahil sa punyetang ingles na yan... kaya di ako nakapag-isip mabuti... *tulo luha* Niloko mo lang ako... kinarir mo lang ako...Taena ang gulo dito.. di kita maintindihan, kailangan nating magpunta sa lugar na tahimik...
Mahal na Ari 1: What are u suggesting? i-second time kita? Wag na uy!
Ng biglang bumagsak sa harapan nila ang Babaeng adik sa isaw na wala ng ulirat.. Taena dumating na pala ang ibang Superpekpek at dali dali silang pumasok sa katawan ni Elsa ,ang huli naman ay nagpalit ng anyo. Lumantad sa publiko ang isang giant pekpek na may suot na kapang pink. Syet.. binugbog ng husto ng ating bida ang babaeng mapanglait.. At medyo natawa si Mahal na Ari 2, ng makitang tinanggalan din ng kilay ng ating bida ang babaeng maangas.. Natakot si Eng-Eng kaya nagtatakbo itong lumabas ng restokwekwekan... . Hawak ang pananggang me tatak na "You can't have me.." ay hinarap nito si Mahal na Ari 2, hinila sa kwelyo at saka iwinasiwas sa ere.. nagulat ang huli..
Mahal na Ari 2: Huh? Taena bakit pati ako? Wala akong kinalaman sa away na yan.. nangangarir lang ako..nakikitawa din lang .. nakikishare laaaannnnnggggg..puta..
Elsa the Superpekpek: Huh? Ganun ba? Yaan mo na.. e bawas ka din sa masasamang tao.. pwede na yan.. *hampas ang lalaki sa pader*
Mahal na Ari 2: Bayaawwwww.. tulungan mo ko! taena napagtripan ako ng babaeng pekpek na to!! Ughh.. Taena ang sakit na ng muka ko..
Elsa the Superpekpek: I'm sure meron ka ding mga pekpek na inapi.. kaya for good measure lang.. *hampas panangga sa muka ni Mahal na Ari 2*
Mahal na Ari 2: E bayaw.. Ughhh.. taena! Tama na lecheng Pekpek to.. Ugggghhhh..
Elsa the Superpekpek: Leche pala ha.. *pukpok ng takong nguso ni Mahal na Ari 1* taenang to.. humihingi pa ng tulong...
Hinila ni Elsa the Superpekpek ang dalawang karir men at kinulong sa isang kwarto kasama ang mga babaeng naapi nila. Taena.. tinuyot ang dalawang lalaki ng mga babaeng nagnanais maghiganti. Lahat sila ay nagpalabas ng sandimakmak na daga at pinakain sa dalawang herodes na walang ginawa kundi magpasamantala sa mga babae. Ng wala ng lakas ang dalawang lalaki ay ninakawan ito ng mga babae-- iniwang walang salawal, walang sasakyan at walang ulirat sa loob ng bodega. Samantala, nagpalit anyo na ulit si Elsa at pinag-bayad ng me ari ng restokwekwekan ng mga boteng nabasag, ganun din ang isaw na nilapang ng babaeng adik duon. Puta, wag ba magbayad!?
Umuwi si Elsa ng may kakaibang aral.. "hindi lahat ng nagaayos ng kilay ay gumaganda.." Si Superpekpek Lavander din naman ay may aral na natutunan.."Ang pangangarir ay hindi isang uri ng trabaho.." Bah ok pala ang adbentyur na to... Maraming aral na mapupulot..
Hanggang sa muling pagbabalik ng The Adventures of Elsa and the Superpekpek Heroes!! (*echo:pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:ANONG KARUMALDUMAL NA BAGAY ANG GINAWA NG LALAKING NAGPAPAKYUT?! SAGOT: Kiniskis ang hinubad na damit sa kili-kili nya.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: ANONG MERON SA LOOB NG TRIKE NI MAHAL NA ARI 1?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!