*Dahil ang episode na ito ay isineselebreyt ang unang anibersaryo ng The Adventures of Elsa and The Superpekpek Heroes sa internet, ang Superpekpek INC. ay nais maglahad ng maikling istorya na pamilyar sa ating lahat. Kami ay naghuhugas kamay pa rin sa lahat ng kasamaang idudulot sayo ng kwentong ito. Inuulit at pilit na sinasaksak sa ulo mo na ikaw ay hindi pinilit na pumunta dito! Ganun pa man, Nais naming magpasalamat sa lahat ng sumusubaybay sa Elsa and Superpekpek Heroes. Kung wala kayo... walang maaping pekpek, walang mapang-aping etits, Walang istorya ergo Walang Superpekpek. Kaya, Haberday sa atin!! KAMPAYYYYY! Huh? sa mga hindi sumusubaybay at maninira? Wa kami care, pakyu all!
Ay teka.. click mo to para sa beeday song ni Elsa!
Ang ating istorya ay magsisimula sa paghahanda para sa araw ng kasal ni cindy at ng kanyang prinsipe. Isang linggo na ang lumipas mula ang makita ang babaeng tanga na nakaiwan ng bakya nya sa hagdan ng palasyo.... Ng isukat nya ang bakya at magkasya ito,ay agad na sumgod ang prinsipe at nagpropose na magpakasal na sila.Ang buong palasyo ay abala sa kanilang pagluluto.. sa paglilinis at paghahanda.. Samantala ang buong pamilya naman ay nasa hapag kainan at nagkakaron ng miting de abanse.
Reyna: Junior.. Hindi mo pa nga sya kilala ng lubos..*singhot* saka napakabata nyo pa.. sigurado ka ba na sya na nga ang para sayo?
Hari: Oo nga naman anak.. me punto ang mami mo. Di ata tamang maging batayan ang sukat ng paa para mag-asawa.
Prinsipe: Pero mami .. Gusto ko sya talaga... ang liit ng paa nya.. grabe ang kyut!! *kilig*
Reyna: Ang bata bata mo pa anak.. kakatapos nyo lang ng tutor mo sa lesson ng grade six.. Baby ka pa.. *lapit sa anak*
Prinsipe: Mami naman.. di na ako baby.. Malaki na ako... talaga lang late na kami sa lesson ni sir. Syempre nag-aaral pa ako mangabayo saka yung ispadahan pa.. *akap sa ina* Lab pa din naman kita mami eh..
Reyna: *iyak* anak naman... baka pwede pagtanda mo na.. saka ka na mag-asawa ..
Hari: Oo nga naman anak.. di mo pa masyado kilala yang cindy na yan. Saka niloko ka nya di ba? Di pala sya mayaman.. isa syang social climber.. saka tinangay pala nya ang isang pares ng kubyertos natin.. susmaryosep! Mag-isip ka nga Junior!
Prinsipe: *galit* Basta!! Pag hindi ko sya naging asawa... Di ako kakain!! HMP!
Reyna: *iba tono* O wag na magalit ang baby ko.. sige kung ano ang gusto ni junior yun ang masusunod..Pero anak, dito ka na lang tumira ha.. Napakalaki ng palasyo..
Prinsipe: *ngiti* Yep mami.. sasabihin ko ke honey dito na lang kami tumira..
Hari: Pano kungdi pumayag ang asawa mo aber? Ano gagawin mo?
Reyna: *panic mode* Hindi pwede! hindi pwede!! Kailangan andito ang anak ko.. Sino na lang mag-aalaga sa kanya?
Prinsipe: Labyu mami. *kiss sa ina* Kakausapin ko si cindy mami... papayag yun mahal naman ako nun eh!
Samantala sa bridal shower ni Cindy...
Cindy: Syempre magsasarili kami ni Junior.. Alangan namang dun kami tumira sa nanay at tatay nya.. nakakahiya. Saka ang laki laki ng palasyo, Taena.. mahihirapan akong maglinis!
Daga: Bakit ka naman maglilinis e, madaming katulong ang mahal na hari at reyna.. saka magiging prinsesa ka na!
Cindy: Oo nga pala.. Yeheyyyy! magiging prinsesa na ako! Taena feeling ko ang gorgeous ko! *tingin sa salamin sabay ayos ng lipstick*
Usa: Di kaya nabibigla ka naman.. di mo pa sya ganong kakilala.. saka hindi ka sanay sa buhay na nakagisnan nila..
Fairy GodMother: Oo nga naman cindy.. Nga pala.. Yung damit na pinahiram ko sayo? Asan na? Due na nun nung myerkoles! Sabi mo nilaban mo lang?
Cindy: E ninang... ano eh.. binenta ko ho kasi me date kami ni honey. E alangan naman yun na lang lagi suot ko.. kaya pinagbili ko at bumili ako ng madaming daster, iba't ibang kulay pa..
Fairy GodMother: Nak ng ... Benta Kristo!! Makapagpahinga na nga't mahi-high blood ako sayo!! *disappear*
Ibon: Hindi mo pa masyadong kilala si Junior, Cindy..
Cindy: We have the rest of our lives to get to know each other... Saka walang kaso yun.. Mahal ko sya.. mahal nya ako..
Usa: *silip sa bintana* Papadating ang mahal na hari at mahal na reyna!
Cindy: Naku, lumayas na muna kayo!!
Ibon: Palayasin ba kami? shet! nga pala..... bakit wala kang friends na tao?
Cindy: E kasi, insecure sila lahat sa akin ayaw nila umattend ng bridal shower ko.. e care ko sa kanila.. wait sila pag ako e princess na.. yari talaga sila sa akin... O sige na alis na kayo!! Wag nyo na kainin nyang pudding!! Itira nyo nalang yan sa mga byenan ko!
Kumaripas ang takbo ang mga kaibigang hayup ni Cindy. Lumipas ang ilang minuto ay kumatok na sa pintuan ang kanyang future in-laws. Ngumiti ng pagkatamis tamis sabay ayos ng buhok, binuksan ni Cindy ang pintuan.
Cindy: Mabuhay!! *salubong sa future inlaws*
Reyna: *pasok dirediretso sa gitna ng barung-barong* Kasama ko ang gagawa ng gown mo..
Cindy: Naku hindi na ho kailangan ang gown.....
Reyna: Bakit? Me gown ka na ba?
Cindy: Bumili ho ako ng isang dosenang daster sa tiangge.. iba't ibang kulay..
Reyna: Hindi maari ang daster.. dapat ay gown na gawa sa mamahaling bato at ginto!! Minsan lang ikasal ang aking baby.. Hindi pwedeng pagatawanan sya..
Cindy: Pero...
Reyna: Walang pero pero.. sige magpasukat ka na..
Walang nagawa ang ating bida kundi magpasukat ng gown. Ang mahal na Hari naman at matamang nakatanga sa kanila at nagbabasa ng balita mula sa ibang bayan. Lumipas ang ilang minuto, nagpaalam na ang mga taga palasyo at ito ay umuwi na. Sumapit ang araw ng kasal... matamang naghihintay si junior sa harap ng altar.. hinihintay ang kanyang kabiyak.. ng bigla syang mapatanga...
Prinsipe: Syet... ang ganda ng gown ni honey.. *hanga*
Reyna: Bah syempre anak.... ako pumili nyan...
Prinsipe: Galing talaga ng taste mo mami.. bilib talaga ako sayo.. at kita pa ang maliliit na paa ni honey... grabe.. *kilig*
Reyna: Labyu baby ko.... *singhot*
Prinsipe: Labyu mami....
Pagkatapos ng ilang minuto ay naabot na rin ni cindy ang harap ng altar....
Prinsipe: *bulong* You look like a princess.. Ang ganda mo... Nainip ako sa pagpunta mo dito sa harap ng altar.. muntik na kitang salubungin at kargahin..
Cindy: *bulong* E panong di ako matagal.. fuck... ang bigat kaya ng gown ko!! wag mo ko masyado ginagalaw baka ma-out of balance ako.. ampogi mo honey... para kang prinsipe..
Prinsipe: Honey.... prinsipe ako talaga.. Hehehe..
Matiwasay namang natapos ang seremonyas ng pari.. "and they live happily ever after.." sabi nito. Sa reception naman ay walang humpay ang sayawan at kainan. Ang bagong mag-asawa ay sumayaw, uminom, at nakisaya sa kanilang mga bisita. Lumalim ang gabi niyaya na ni Cindy si Junior na magpahinga.. Sa kanilang kwarto..
Cindy: Grabe hon! ang ganda naman ng room natin.. *tingin* Gaganda pala ng gamit mo.. *himas muebles*
Prinsipe: *tingin sa asawa* Tama na yan honey.. magpahinga na tayo.. *kindat*
Cindy: *ngisi* Kaw talaga ang kwan mo..
Prinsipe: Halika nga dito.. kanina pa kita gustong halikan... *patay ilaw*
Sa gitna ng dilim ay kung anik anik na kababalaghan ang nangyari, hagikgik ng hagikgik ang bruhang si Cindy.. mamaya pa ay ungol at kung ano anong tunog ang maririnig mula sa kwarto ng mga bagong kasal. Pagkatapos ng ilang oras ay nakatulog na si Cindy.. samantalang ang lalaki naman ay nakatingin sa kisame at waring nirereview ang nagdaang event.
Prinsipe: *isip* Kunsabagay.. e wala naman kasi siya experience saka.. di nya alam na dapat nya akong i-blow out... taena.. ako me regalo sa kanya, siya walang gift sa akin. Araw pa naman ng kasal ko!! *inis*
Cindy: Ngorkk.. ngorkk...
Prinsipe: Huh? naghihilik pa pala tong babaeng to.. *yugyug ang asawa* Cindy.. cindy!! Gising...
Cindy: Huh? Baket.. *punas laway* ano ba.. di ko na kaya, pagod na ako...
Prinsipe: Tumagilid ka kung matutulog ka.. ang lakas mong humagok, parang magigiba ang palasyo sa lakas ng hilik mo...
Cindy: *inis* Excuse me! hindi ako naghihilik...
Prinsipe: Anong hindi eh, hindi nga ako makatulog sa ingay ng hilik mo.. sige na hon.. tumagilid ka na.. aakapin kita..
Cindy: *tagilid* Landi mo talaga.. *hagikgik*
Nakatulog naman ang lalaki ng tumagilid ang asawa. Kinabukasan, nagising ito na wala ang Cindy sa kanyang tabi. Tumayo ito at naglibot sa kwarto.. Hmm.... maayos na ang kwarto, ang kanilang pinaghubaran ay wala na. Jumingle ang lalaki, Pagkuwa'y nagbihis ito... At lumabas ng kwarto. Nakita nya ang asawa na naglilinis ng kusina. Inawat nya ang babae.
Prinsipe: Ano ka ba hon... Bakit ka naglilinis.. di mo na gawain yan.. Prinsesa ka na ngayon..
Cindy: E wala naman kasing magawa dito sa bahay nyo.. kakabored!
Prinsipe: Maraming pwedeng gawin hon... paligayahin mo ko..
Cindy: Bakit? Di ka ba sumaya? ang saya saya nga natin kagabi ah... I had fun talaga..
Prinsipe: E kasi ganito, merong kulang kasi hon.... *bulong sa tenga ng asawa*
Cindy: Yaaaakkk! I don't do that hon! Kahit naghihirap ako, di ko ginawang kumain ng...
Prinsipe: Di mo naman kakainin eh.. pero... Uhmmm *isip* pwede siguro yun..
Cindy: Basta ayaw ko! Never...
Prinsipe: Bakit ba ayaw mo? Masarap naman yun.. saka siguradong mag eenjoy ako..
Cindy: Maski na!! Ayaw ko.. imagine mo.. kakainin ko yun habang pinanunuod mo ko?? Eiwww..
Prinsipe: *inis* Bahala ka nga!!
Reyna: Ano bang sigawan kayo ng sigawan? Nagugulo ang palasyo sa ingay nyong dalawa..
Prinsipe: Wala ho mami.. me pinagtatalunan lang kami ni hon...
Reyna: *mahadera mode on* Away na agad? unang araw nyo palang bilang mag-asawa ah.. Ano ba naman Cindy.. di mo ba alam na asawa mo sya.. dapat sya ang nasusunod.
Cindy: Sige ho mami.. I will not promise anything pero i'll give it a try talaga...
Prinsipe: Talaga hon? Tenkyu!! Aylabyu hon!!
Cindy: Oo, sabi ko I'll try. Pero give me time.. Kailangan ko pa i-psychologize sarili ko!
Lumipas ang araw, Lagi na lang nakikielam ang biyenang babae sa mga pagtatalo nilang mag-asawa. Lalo na sa pagkain ng kanyang asawa.. Masyadong mahadera amputa. Ang kanyang asawa naman ay mukhang nageenjoy sa pakikielam ng kanyang ina.. hinihintay ni Cindy na pag-usapan ang paglipat nila sa ibang palasyo nguni't walang atang balak magsarili ng bahay ang kanyang asawa.. kaya isang gabi, inungkat ni Cindy ang topic na iyun...
Cindy: Hon.. di ba tayo lilipat ng bahay? Hindi ba tayo magsasarili....
Prinsipe: Bakit pa? Ke galing galing na wala tayong sakit ng ulo...
Cindy: Pero.. bahay to ng parents mo... nakakahiya namang makituloy tayo sa kanila habang buhay..
Prinsipe: Hon... malaki ang palasyo.. bakit pa tayo aalis samantalang ke dami ngang nakikitira dito sa amin tapos ako na anak e lilipat ng bahay? *himas likod ng asawa*
Cindy: Wala lang.. kasi yang nanay mo lagi nalang nakikielam.. sa pag-aayos ng damit mo... sa pagkain mo...
Prinsipe: *sabat* E hon unico iho kasi ako..
Cindy: Pero pati ba pagligo?! puta naman Junior!! ang tanda mo na pinapaliguan ka pa ng nanay mo!! Saka naalala mo ba nung sabay tayo maligo..... Bah muntik na akong himatayin ng pumasok ang nanay mo ah!!
Prinsipe: Hwag kang sumigaw..
Cindy: Hindi ako sumisigaw.. Pero para kasing di mo ko naririnig eh!! Nak ng puta..
Prinsipe: Wag kang magmura!
Cindy: *tayo* Wala kang pakielam kung gusto ko magmura!! *sigaw* Puta! Puta! PUTAAAAAAA!!!
Prinsipe: Wala ka palang breeding .. Ibang-iba ka dun sa babaeng nakilala ko sa ball..
Cindy: Dahil iba din ang nakilala kong Junior dun!! Saka nagpapakyut pa ako nun... Akala ko pa nama me balls ka..
Prinsipe: Meron naman..hawakan mo pa! *dakma kamay ni Cindy*
Cindy: Letche ka! *batak kamay* Kung ayaw mo magsarili, maiwan ka dito sa panty ng nanay mo! Binireyk mo ang promise mo sa akin na papaligayahin mo ko always!! Asan yung sinasabi mo na happily ever after ha? Tantando ka! Sinungaling! *kuha muebles bato kay Junior*
Prinsipe: *ilag* Bakit ikaw? Di mo din naman tinupad ang pangako mo sa akin na you'll give it a try ah... Hanggang ngayon di mo pa din..
Cindy: Tumigil ka!! *takip tenga* ayaw kong makinig sa mga sasabihin mo dahil wala ka namang sense!!
Prinsipe: Di ba? Selfish ka.. gusto mo ikaw lang!!
Sasagot sana si Cindy ng biglang dumating ang Mahal na Reyna..
Reyna: *taray mode* Anong kaguluhan ito?!
Prinsipe: Wala naman mami.. nagdidiskusyon lang..
Reyna: Lagi nalang kayung nagdidiskusyon! *tingin ke Cindy* ikaw cindy, hindi ba sinabi ko naman na sayo na dapat mong asikasuhin ang asawa mo?! Hindi mo sya dapat pinapagalit...
Cindy: E kasi naman ho tinatanong ko lang kung magsasarili ba kami o ano..
Reyna: *pasigaw* Anong magsasarili? Nungka!! Hindi ako makakapayag!!
Prinsipe: You broke naman din yung promise mo ah..
Cindy: E wala ka palang kwentang kausap eh! *kuha babasagin, hagis sa flooring*
Nahintakutan ang mag-ina, taena warfreak pala ang babaeng lumaki sa gitna ng bundok. Hindi nila akalain na ganun pala magalit ang babaeng yaon.
Reyna: *taray* Ano ba ang promise na yan...
Prinsipe: Wala naman mami...
Cindy: Anong wala.. Gusto mo sipsipin ko paa ko sa harap mo?! Gusto mong kainin ko ang paa ko habang nanunuod ka?! *bato si Junior*
Prinsipe: *ilag* E ang liit nga ng paa mo eh... ang kyut..
Reyna: Yun lang pala Cindy.. hindi mo pa magawa para sa kasiyahan ng asawa mo? Anong klaseng babae ka??
Cindy: Sa ngayon, Normal at galit na babae ako! Nak ng puta.... di ko alam na me sayad pala yan! Tangna.. me topak! Lahat kayo dito sa palasyo me topak!
Reyna: Que barbaridad... tignan mo ang babaeng pinakasalan mo iho.. ke dumi ng bibig..
Prinsipe: E maliit nga ang paa nya mami...
Cindy: E ano kung madumi bibig ko.. kayo may mga topak kayo!! ikaw! *tingin sa byenan* Mahadera ka.. Pwede ba pakielaman mo buhay mo!! Dahil yung asawa mo kinakabit na lahat ng katulong na babae dito sa palasyo.. *kuha pamalo*
Reyna: *naloka* Hindi totoo yan.. Hindi totoo yan.. *takbo palabas ng kwarto*
Prinsipe: *sigaw na pagalit* Tumahimik ka Cindy!! Sinaktan mo feelings ng mami ko...
Cindy: At ikaw naman... *tingin sa asawa* Sawa na ako sa pakikielam ng nanay mo!! *hampas pamalo sa mga figurines* sawa na ako sa kabobohan mo *hampas mga flower vase* At sa pagpilit mo sa akin na kainin ko ang paa ko!! *hampas ang plorera sa gilid ng ulo ng asawa*
Nagwasak pa ng ilang gamit ang babae at ito ay tumalikod at nagsimulag magbalot.. Lalayasan na nya ang asawa.. hindi na nya kaya ang ganung buhay. Mabuti pa nuong nasa poder sya ng kanyang madrasta, kahit panay ang utos dun e panay din naman ang dura nya sa ulam na niluluto nya. Nakakaganti sya kahit paano. Samantala ay tinawag naman ng mahal na reyna ang ilang mga sundalo upang dakpin ang babaeng naghuhurementado. Nagsidatingan ang mga ito at tangkang dadakpin si Cindy, ng biglang dumating ang kanyang mga kaibigang hayup at ang kanyang Ninang na Fairy GodMother. Dahil sa pagtatangol ke Cindy ay napilitang i-masacre ng grupo ang pamilya nila Junior. Walang awang naramadaman si Cindy dahil hindi naman nya talaga kilala ang lalaking naging asawa. Bukod sa mga iilang maiinit na sandali nila ay wala na itong naidulot sa kanya kundi sakit ng ulo at pagkapahiya. Lagi kasi nitong kinokorek ang kanyang grammar...mamas boy pa! Kaya bago pa malaman ng ibang kaanak ang nangyari sa pamilya nila Junior ay dali daling ninakaw ni Cindy ang ilang gintong gamit sa bahay at nagtago sya sa ibang bayan. Duon, Sya ay nagpalit ng anyo at namuhay ng matiwasay.
Lumipas ang ilang taon.. naubos na din ang mga ninakaw ni Cindy kaya pinalayas na sya ng may ari ng condominium na kanyang kinuha sa bayan. Nalulong ang babae sa masamang bisyo at kung saan saan napadpad.. hanggang umabot sya sa ika-pitong bundok. Mayron syang natagpuan nya ang maliit na kubo.. Pumasok sya at nakatulog sa kama.. maya maya pa ay....
SnoWayt: Nak ng.. sino ka?! Nagpakahirap akong maglinis ng buong kabahayan tapos uunahan mo ko sa kama?
Cindy: Huh? *galit* Gagi ka pala e.. sinabi ko ba sayo na linisin mo ang bahay? Masyado kang maepal! *sampal ang babae*
SnoWayt: Awts!! E di iyo na!! *iyak sabay takbo palayo ng bahay*
Cindy: Ha! akala nun mauutakan nya ako.. *hikab*
Dwarfs: *kanta* Hi ho.. hi ho.. skin lagot kayo~~~
Narinig ni Cindy ang kanta ng mga maliliit na mama kung kaya't ninakaw nya ang mga palakol at piko ng mga ito ng biglang pumasok ang isa sa mga dwarp.. at nakita si Cindy na hawak hawak ang mga palakol at piko...
Dwarf: Hoy!!! san mo dadalin yan punyeta ka?! *taray mode*
Cindy: E itatabi ko lang... ang gulo kasi ng bahay... *kindat* nililinis ko lang.. ito naman.... saka nagluto pa ako...
Dwarf: *kilig* ahhh, ganun ba... ano pangalan mo?
Cindy: Snowayt....
Moral Lesson: Wala pa rin.
Kahit anong lesson: Too many to mention.
© Superpekpek inc. Series of 2002, 2003 [top][table of contents][home]
![]()