s.a.r.s.*

(*SEVERE ABSENCE OF ROMANCE AND SEX)

Lumipas maraming araw, matamang namuhay ng mapayapa ang mga kapekpekan. Ang mga bakasyonista ay nagkalat na naman sa lupain nila Elsa. Nguni't dahil sa paglitaw ang sakit na walang lunas -- medyo nabawasan na ang social life ng mga tao. Puta naman kasi.. alam na nakakahawa ang sakit e maglibot ba? Dahil na rin sa sakit na ito -- napilitan ang mga superpekpek na magtrabaho na lang muna. Iniwasan na nilang sumagip ng mga pekpek na naapi dahil baka nga naman may atipikal nomonya ang syet eh mahawa pa sila.

Baho: Gandang umaga, mahal! Kamusta ka na?! Namiss mo ba ako?!

Elsa: Oi! Kelan ka pa bumalik galing sa bakasyon mo?

Baho: Kahapon lang... namiss mo ba ako?!

Elsa: Hindi.

Baho: Kahit konti lang? Kahit ganito lang? *mwestra*

Elsa: O sige... konti lang... ganito lang...*mswestra sa hinliliit*

Baho: SYET! Sabi ko na nga ba matutunan mo na din akong mahalin...

Elsa: Taena mo, di ibig sabihin nun mahal kita.. hala sige pakisalansan ang mga buko..

Magsasalita pa sana si Baho ng dumating ang ama na me kayag kayag na babae..... Nagulat si Elsa dahil na din Syet, nag-iingles ang tatay nya!

Mang Gusting: Dis is awar store.. We sell Buko.. uhmm.. you know? Coconut? En dis is my dowter, Elsa. Elsa, anak sya ni Tito Gaspar mo. Lam mo yung nag Tnt sa Canada? ... and dis is awar boy, Baho.

Lyn: I see.. *tingin ke Elsa, Ngiti ke Baho*

Baho: Bah! Mang Gusting... marunong pla kayong mag-ingles ha.. Di bagay... *tingin sa babae* Hi to you Miss Beautiful Girl! *abot ang kamay*

Lyn: *titig ke Baho* Hi to you too.. Hihihihihihihi.. *shake hands*

Baho: Yu ar vacationing here? Yu... ahh.. ahhh... resting resting ha? Do you see the ocean deep? Ha? Beautiful waters..

Lyn: *tuwang tuwa ke Baho* Talaga? Masarap siguro maligo sa dagat...

Elsa: *bulong ke Mang Gusting* Sino naman yang babae na yan daddy? Ang arte arte feeling bakasyunista... hmp!

Mang Gusting: Bakasyunista talaga yan. Anak nga ni Tito Gaspar mo, yung bang barkada namin ng Inay mo nung mga bata pa kami.

Elsa: E bakit andito yan?

Mang Gusting: Nagbabakasyun sila dito anak.... e nakita ako ni Gaspar kanina.. sabi e gustong gusto na daw mamasyal.. e walang magsasama at dadalawin pa ni Gaspar ang dati nyang mga suki sa red house.

Elsa: Red House? Anong red house?

Mang Gusting: *inis* Wag ka na ngang madaming tanong! Lintek na!

Elsa: Malandi sya daddy...

Mang Gusting: Kuuuu... naiirita ka na naman at me nakita kang mas maganda sayo. Sanay ka lang masyado kasi na ikaw ang bida dito sa palengke.

Elsa: E ako pa rin namna pinakamaganda dito eh.

Driver ng tricycle: Mang Gusting!! Anjan ho ba si Elsa?! Kasi ho e.... *napatingin ke Lyn* Ahem... Hi miss.. Baka kailangan mo ng service..

Lyn: Huh? No thank you. I have Baho here.. he will show me around.

Elsa: *tingin ng me kasamang poot* O baket Jun?! Umalis ka na nga dito!

Baho: Elsa, ano .... aalis na muna kami ni Lyn... balik na lang ako mamaya...

Elsa: Bahala ka sa buhay mo.. wala akong pakielam...

Baho: Nakkkkuu... selos na naman...di bale ikaw pa rin mahal ko....*akbay ke Elsa*

Elsa: *bulong* Tang ina mo, gago!

Lyn: Ahemm.. Baho... *ngiti ng matamis* Alis na tayo?

Baho: yes yes yo!

Naiwanan naman si Elsa na nakatingin lang. Leche .. badtrip na naman sya. Nakasimangot at nagdadabog na inayos ang mga panindang buko. Ng maramdaman ni Mang Gusting na mainit ang ulo ng anak, ay naisipan nitong magpalamig muna sa piling ni Selya. Dahil talagang nakakatakot magalit si Elsa, nagliliparan ang mga buko... di maintindihan kung inaayos ba o lalong ginugulo ang pagkakasalansan nito. Tuloy ang paghagis ng buko ng dumating si Superpekpek Green, mainit din ang ulo.

Superpekpek Green: Hi Elsa....

Elsa: HI...

Superpekpek Green: Bakit badtrip?

Elsa: La lang nyemas kasi si Baho.... lam ng madaming trabaho dito... sumama pa dun sa balikbayan na yun..

Superpekpek Green: selos ka?

Elsa: King ina mo, pakyu! bakit ako magseselos? inis ako kasi me trabaho pa sye e inuuna yung pambabae. O ikaw? Bakit iikli ng salita mo? Badtrip ka din?

Superpekpek Green: Hindi naman.... inip na asi ako sa bahay, lam mo na summer e. Init lumabas...

Elsa: Maghanap ka kasi ng boylet...lintek na... *kuha mga komiks* Ayan! Magbasa ka ng komiks!

Superpekpek Green: Tangna naman Elsa.... si Green ako, di ako si Lavander!! *balibag komiks* Ano ba ang pwedeng paglibangan dito sa bayan..... mukang super jologs talaga dito....

Elsa: Meron jan sa tabi ng parlor, internet cafe... mag surf ka na lang dun till death do you part..

Superpekpek Green: ahhh.... me internet pala dito sa bayan no? High tech din naman pala..

Elsa: Oo naman no!? Palagay mo sa amin, Fur!?

Superpekpek Green: Taena mo! Anong Fur? balahibo ka ba?! Makaalis na nga at baka masaktan lang kita...

Pinuntahan ng ating bida ang internet shop na tinukoy ni Elsa. Nagulat ang bruha ng makita duon si Baho na may kasamang di naman ubod ng ganda... medyo sllight lang sa ganda na babae. Tinampal ni Superpekpek Green ang jologs na si Baho.

Baho: Arekup... *himas likod* Putang sino--

Superpekpek Green: O baket? Putang ina mo din! *dilat mata*

Baho: Ay! *ngiti* si Green pala.... kala ko kung sino na eh.

Superpekpek Green: Sino yan.. *nguso si Lyn*

Baho: Si Lyn, kinuha nya akong bodyguard..

Superpekpek Green: Ganda ah... kaya naman pala galit na galit sayo si Elsa eh. Hayup ka..

Baho: Yessss! Sabi ko na nga ba't me pagtingin din sa akin si Elsa...

Superpekpek Green: huh? Tange.... pagtingin ka jan, naiinis sya sayo dahil iniwan mo yung trabaho dahil sa babae na yan no! Hmp! Wag mo nga ako kukulitin ha... mangangarir ako..

Baho: Ganun din yun...Alam mo Green, dapat mag biep ka na.... ang sunget mo, grabe! Tigang na tigang ka na eh!

Superpekpek Green: *sampal Baho* Tana... sumasagot pa eh! Di ba sabi ko , wag mo ko kulitin.. akala mo ba si Lavander lang malakas sumampal?

Baho: *himas pisngi* suggest lang naman e....

Superpekpek Green: *ambang sasampal ulit* umm! uulit pa yan!

Natakot ang epaloids na si Baho kaya't umilag ito. Hindi naman tinuloy ni Superpekpek Green ang pananakit dahil excited na syang mag-internet. Taena, talaga nairita sya sa tinuran ni Baho... me punto naman kasi ang lalaki..... matagal tagal na din syang alang biep.. at matagal na din syang masunget. Kaya sinimulan nyang pumasok sa kung saang saang tsanel.. nag yahu sya, aysikyu, emesen, at ayarsi. Sa dinami dami ng nanguto sa kanya, ay feel nyang kausapin si Mandirigma. Dahil na din sa parang ang kyut kyut nya.. at mukang intelehente pa. Ang pinag-usapan nila ay ukol sa pulitika.. di tulad ng iba na, taena, seks chat ng seks chat ang hanap at pilit na tinatanong sa kanya.

Baho: Aalis na kami Green... magsasara na daw tong cafe.

Superpekpek Green: *ayaw tumingin ke Baho* Sige.. layas na.. wag mo ko istorbohin..

Me-Ari: Miss.. magsasara na kami.. bukas ka na lang bumalik..

Superpekpek Green: Sige sige.. *bulong* pakshet! Hmmm... *ngiti* magpapaalam lang ako sa kausap ko.

Baho: Bah.. mukhang nakadagit ka ah...

Superpekpek Green: Pakyu! *taas middle finger* hintayin nyo na ako... sasabay ako sa inyo.. papaalam lang ako.

Pumayag ang me ari at si Baho na hintayin si Green. Makalipas ang treinta minutos at di pa umaalis si Green sa tapat ng monitor, ay pinatay ng me ari ang plug at naghumiyaw na brown out. Kaya sa ayaw at sa gusto ng ating bida na dumaldal pa ay napilitan itong tumayo at magbayad. Di nakatulog ng gabing yun si Green.. napag-usapan kasi nila ni Mandirigma na magkikita sila.... syet... excited sya. Kinabukasan, kinuwento nya ang nangyari sa kanya sa iba pang mga Superpekpek. Masaya na din sila dahil kahit paano ay sumaya naman si Green, nagaka-ideya si Superpekpek Orange na dalhin ni Green si Mandirigma sa BathCave para makilatis. Lumipas ang araw.. di mapalagay si Superpekpek Green dahil gusto na nyang mag-online. Kaya naman pagtungtong ng alas 5-- dali dali syang tumungo sa internet kape at iniwan ang mga longkatuls na abal sa panunod ng meteor garden. Instik na soap naman ang kinababaliwan ng mga letse.

Mandirigma:[typed] Basta magkita tayo next week...

Superpekpek Green: [typed]O sige... magkita tayo sa istarbak.. tapos punta tayo sa amin kasi berday ng friend ko.

Mandirigma: [typed]Di ba nakakahiya yun?

Superpekpek Green: [typed] Di naman no.. saka berday naman eh. Ikaw nga jan baka, ayaw mo lang ako makita.. sabihin mo na ngayon..

Mandirigma:[typed] read my lips... never.

Talagang halos mawalan ng ulirat sa kilig ang gagang si Superpekpek Green. Umuwi syang me ngiti sa labi.. taena baka ito na eto! At naisip nya, Taena.. di nya lam kung ano itsura ng lalaking yaon.. baka muka itong halimaw? Di kaya? At naisip nya.. wala syang pakielam dahil masaya sya at yun ang importante. Lumipas ang mga araw, araw ng paghuhukom. Ekstra Eport ang ginawa ni Superpepekpek Green para sa pagpapaganda. Kahit walang ganda ay pinilit nyang magkaron. Me bak-ap na tip pa galing ke Superpekpek Orange. Nagmataray na naglakad ang babaeng berde patungo sa istarbak. Dire diretso sya at umorder malamig na kape at naupo na parang prinsesa sa sulok. Lumipas ang mga minuto.. me isang jologs na pumasok, me salamin... puta nerd ata... sabay umorder ng kape at naupo. Nilabas ni kumag ang selpon at tinext si Superpekpek Green. Katxt din naman ni Superpekpek Green ang mga Superpekpek Heroes.. maya maya pa ay lumapit si Mandirigma sa kanya..

Mandirigma: Hi.. kanina ka pa?

Superpekpek Green: Hindi naman .. kakaupo ko lang din..

Nagsimula silang magkwentuhan ukol sa mga bagay bagay. Ng papunta na sila sa BathCave, ay humingi ng kiss ang lalaki... e di binigyan ng isa ni Superpekpek Green ang jologs na yaon. Syadong nawili ang sira ulo sa halik ni Superpekpek Green at hanggang sa BathCave ay laplap ng laplap ang tarantado. Pinabayaan namna sya ni Superpekpek Green dahil gusto nitong i-check kung marunong pa syang humalik ng torrid. Lumafang, lumaplap..uminom, lumaplap ang ginawa ng gago. Nakipagkilanlan siya sa ibang Superpekpek Heroes.... at ng lumalim ang gabi, nagpahatid sa mga Superpekpek sa sakayan ng trike.. na talagan kinairita ng ating mga bida.

Superpekpek Orange: Puta.. anong klaseng lalaki yan... magpahatid ba?

Superpekpek Blue: Oo nga eh... taena, Jologs!

Kinabukasan.. di nag-online ang Green dahil feeling maganda sya. Lumipas ang ilang araw.. puta..walang Mandirigmang nagparamdam.. taena huh? Nakiss and run ata sya ah. Kaya minsan, nagonline ang ating bida.. ay hinarap nya ang lalaki.

Superpekpek Green: Nalilito ako letse... di ko alam kung ano nangyari..

Mandirigma: Di pa pala ako handa sa relasyon..

Superpekpek Green: Ganun?

Mandirigma: Di bale friends nalang tayo.. ok lang?

Superpekpek Green: Ok lang..

Mandirigma: Tara nuod tayong sine tapos .. ano... kiss tayo ulit.. sarap mo kumiss eh..

Napraning ang ating bida sa narinig, e putang inang lalaki pala to eh... Free ride lang pala ang gusto neto.. libre laplap ayaw ng giep? Sa sobrang galit ni Superpekpek Green, Hinampas nya ng bag sa ulo ang tarantadong Mandirigma sabay tinaas ang kamay.

Superpekpek Green: Superpekpek Powers Combineeeeeeeeee!

Natanga ang king inang lalaki at nagtatakbo sa sulok ng istarbak.. puta duwag pa! Ang mga superpekpek heroes naman ay sumakay FX patungo sa lugar na kinalalagyan ni Superpekpek Green. Napuno ang buong paligid nang usok at lumantad sa harap ng mandirigmang ewan, si Elsa the Superpekpek.. suot ang mabangong kapa at ang bagong linis na shield. Hinarap nila si Mandirigma..

Mandirigma: Huh?! Bakit? Wala akong ginawang masama.. Wala akong kasalanan! Hindi pa ako handa...

Elsa the Superpekpek: King ina mo! *sampal Mandirigma* Anong wala kang kasalanan? Nang-api ka ng pekpek gago!

Mandirigma: Inapi?

Elsa the Superpekpek: Ang kapal pa ng muka mo.... superpekpek pa inapi mo king ina ka! *tadyak Mandirigma*

Mandirigma: Inapi? e ako nga nanlibre sa kanya sa trike ah..

Elsa the Superpekpek: Pakyu! anong nilibre sa trike, nireimburse ka nya taena mo! Tama na paliwanag... isa kang jologs, sayang lang tong episode na to no!

Mandirigma: Pero.. pero..

Elsa the Superpekpek: Pero mo muka mo! Ayaw kitang kaeksena... ang kapal ng face mo na mag-inarte at mag free ride e muka ka namang tuko! *labas laser lipstik, asinta Mandirigma*

Mandirigma: Hindi!! hindi ako papayag na mapatay nyo.. *tayo sbay takbo.. lingon* bwahahahhaha..

Dahil sa paglingon ng tangang lalaki ay di nakita ang babaeng me dalang kape. Nabangga nya ito at tumapon sa kanya ang mainit na kape. Nagalit ang me ari ng kape kaya tinadyakan si Mandirigma, gulapay ito sa sahig.. kitang kita nya ang tumatakbong higanteng pekpek. Galit na galit naman si Elsa the Superpekpek dahil na rin tinakbuhan sya ng herodes. Kaya ng naabutan nya ito ay binitbit nya ito papunta sa gawaan ng korn bip at pinagiling, Pagkuwa'y pinakain sa aso ang giniling na laman. Nagpalit ng anyo ang mga Superpekpek Heroes at hinarap si Superpekpek Green..

Superpekpek Green: Taenang lalaki yun.. pinagtyagaan ko na nga lang ang itsura eh...

Superpekpek Orange: Ok lang yan... madami pang iba jan..

Superpekpek Green: To think na nilaplap ko sya.... yakkkkk...

Superpekpek Orange: Kaya wag kang laplap ng laplap.. mamaya me halitosis yun! puta, kadiri... eeeiiiwwww.. *akbay si Superpekpek Green* Ok ka lang.. di mo ba mamimiss yun?

Superpekpek Green: Di sya kawalan.. saka mahina sya humalik no...walang magic.. para ka lang nakikipag leps to leps sa puno. *kiskis lips ng damit*

Uminom upang magselebreyt ang mga Superpekpek Heroes dahil na din, nabawasan na ang masasamang etits sa mundo.. naka iskor pa si Superpekpek Green. Nagising si Elsa mula sa pagkakatulog.. at me pumasok sa kanyang palaisipan.. "Lumaplap ka nguni't kulang.."

Elsa: Hmmmm.. ano kaya ibig sabihin nun..?

Hanggang sa susunod na episode ng Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpek)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode: 1.SAN UNANG NAGKARON NG ENGKWENTRO SI EYRIN AT SI SUPERPEKPEK RED? SAGOT: SA CR NG RESTAURANT.

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: ANO ANG GUSTONG MANGYARI NG TUKONG SI MANDIRIGMA?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection