ang nagugulong daan

Isang araw matiwasay nagbabasa ng komiks si Elsa ng dumating si Baho.

Elsa: Oi Baho.. mamaya pa ako magsasara bakit ang aga mo?

Baho: E kasi Elsa me lalakarin ako mamaya eh… kaya gusto ko sanang isara na tong tindahan nyo para di ka mahirapan.

Elsa: E tanga ka pala eh, alas 3 ng hapon lang!! Madami pang bibili ng BJ no!

Baho: Pero mahal mahihirapan ka sa pagsasara …

Elsa: E taena mamili ka! Ipagsasara mo ba ako o pupunta ka jan sa lecheng pupuntahan mo…

Baho: Mahal… kabanalan ang pupuntahan ko..

Elsa: Banal? Kabanalan? Maliligo ka na?

Baho: Ano ka ba naman mahal.. aatend ako ng Bible Studying no! Ano bang tawag dun? Karisma.. hehehe.. syet..

Elsa: Tanga.. Karisma ka jan.. Karismatic engot! Magba-Bible Study ka pa jan! *siko sa tyan si Baho* Di ka na magbabago ungas!

Baho: Kita mo yang ugali mo…di pa man ako nagsisimula sa pagbabago ko sinisiraan mo na ako ng loob! Nak ng puta..

Elsa: *sampal si Baho* wag mo kong minumura taena mo ha! Sige kung gusto mong magpakaloko jan sa banal banalan na yan.. humayo ka.. *talikod* Kaya kong magsara mag-isa ng tindahan…

Baho: Mahal .. di ba sabi sa TV dapat sentro ng relasyon nyo si God.. e kung sumama ka sa akin para maging matatag tayong dalawa..

Elsa: *harap ulit kay Baho sabay sampal* Pakyu ka! Wala tayo relasyon!

Baho: *himas pisngi* taena sakit nun ah… Wag na lang kaya ako umatend.. magsasara na lang ako ng tindahan… saka nalang ako sasama kila pedring.

Elsa: *ngisi ng nagwagi* Sino kasama mo sa karismatic?

Baho: Si Pedring..

Elsa: Si Pedring Tutok? Taena Baho.. Sigurado ka bang sa karismatic kayo pupunta nun? E holdaper yung hayup na yun eh.

Baho: Ano ka ba naman Elsa.. Bigyan mo naman ng pagkakataon ang mga taong gustong magbago..

Elsa: Baho.. E ilang beses na bang nagtry magbago yang si Pedring.. 10 beses ng napasok yan sa kulungan dahil pinapatay yung mga hinoldap nya.. Nagbago ba sya? *sigaw* Hindeeeee!

Baho: Malay mo.. sa dasal sya matuto ng tunay na pagbabago.. *sandok BJ sa baso*

Napatanga si Elsa dahil taena… me point nga naman si Baho. Hindi sya sanay na me sense ang sinasabi ng kababata. Dahil ang alam nya sa kanilang dalawa e mas hamak na matalino sya. Hindi na lang nya pinansin ang tinuran ng binata at tinuloy ang pagbabasa ng komiks. Ng sumapit ang dapit hapon, tinulungan sya ni Baho na magsara ng tindahan at pagkuwa’y hinatid na sya sa bahay.

Mang Gusting: O anak.. anjan na pala kayo… Me luto ng pagkain sa kusina, pagsilbihan nyo na mga sarili nyo..*titig pa rin sa tv habang bisi ang mga kamay*

Baho: Gandang gabi ho Mang Gusting! Di ba napapagod ang kamay nyo? Panay kayo ganyan eh..

Elsa: Itay! Naglalaro ka na naman ng Play Station? Ang laki laki ng kuryente natin ah..

Mang Gusting: O weno naming bata ka? E wala nito nung kabataan ko.. Saka sino ba nagbabayad ng kuryente?

Elsa: Ikaw ho..

Mang Gusting: Hindi ah..

Elsa: E sino ho?

Mang Gusting: E jumper ang kuryente natin anak.. *turo ang sentido* Matalino ang ama mo.. ano ko bale?

Baho: Ang galing nyo Mang Gusting!! Kaya iniidolo kita eh.. Hayup kayo!!

Mang Gusting: *nagulat* Ano kamo?

Baho: Ang sabi ko ho.. Hanep! *pabulong* bungol!

Mang Gusting: Ano kamo? Lintek kang bata ka.. made-dead ako sa pinagsasabi mo eh!

Baho: Huh? Wala ho akong sinasabi.. Elsa! Kakain na tayo?

Elsa: sandali lang nagbibihis pa ako! Ikaw na maghain!

Baho: Ako? E bisita ako eh..

Elsa: Ulol! Di ka bisita.. Dalian mo .. gutom na ako!

Kakamot kamot ng ulo na nagtungo sa kusina si Baho upang maghain. Naisip nya taena mahirap palang mapangasawa si Elsa dahil paniguradong aalipinin sya neto. Nuon din ay nagdesisyon na si Baho na titigilan na nya ang panunuyo kay Elsa.. ng biglang umalingasaw ang pagkabango bangong amoy. Natigalgal si Baho dahil pumasok si Elsa, bagong ligo at pagkabango bango. “Taena..” sabi nya sa sarili nya “Di bale ng maging alipin taena talaga.” Sobrang kilig ang naramdaman nya. At nagsimulang tumayo ang kanyang mga balahibo.

Baho: *tumikim ng ulam* Hmmm ang bango bango naman.. sarap sarap!

Elsa: *taas middle finger* Anong bango bango? Gagu ka ah..

Baho: Sabi ko, Sarap sarap! Mana ka sa tatay mo, bungol! Ehehehhehehe

Elsa: *sampal si Baho* Taena anong bungol?

Baho: Kundi lang kita mahal.. *himas pisngi* nakakadami ka na ng sampal ah.. masakit yun!

Elsa: E kasi kung ano ano ang tinatawag mo sa amin ni dadi

Baho: ang ibig sabihin lang naman nun, BINGI!

Elsa: Ah… pasensya ka.. di ko alam yung salita na yun. Tara na kain na tayo. *upo*

Naupo na rin si Baho at pagkatapos ay tinulungan nya si Elsa na magligpit ng pinagkainan.. Nagpresinta din syang tulungan sa paghuhugas ng pinggan si Elsa pero naawa na ito sa kanya at hinayaan na syang ayusin ang iba pang gusting gawin ni Baho. Umistambay muna si Baho sa sala kasama si Mang Gusting na adik na adik sa Play Station. Maya maya pa ay tumayo na si Baho at nagpaalam.

Habang naglalakad ay nakasalubong ni Baho si Pedring, taena bihis na bihis ang kolokoy. Binati ito ni Baho.

Baho: Oi Pedring! Para kang ibuburol ah..

Pedring: Kapatid na Baho! Galing ako sa karismatic.. at kami ay nag-aral ng biblya. Sabi mo kanina sasama ka sa akin..

Baho: Pasensy ka na Pedring, e me importanteng bagay akong inasikaso eh. Saka na lang siguro ako sasama syo pag ok na ang iskedyul ko.

Pedring: Ah.. sige.. sana naman sa susunod e sasama ka na sa akin.

Baho: Bah oo naman.. para naman magbago na ko di ba? Maiwasan an ang pagsisigarilyo at pag inom inom..

Pedring: O sige kapatid na Baho.. mauna na ako sayo at hahabulin ko pa ang last full show..

Baho: Manunuod ka pa ng sine sa bayan?

Pedring: Hindi.. maghahanapbuhay ako.. alam mo na.. *taas ang barong sabay pakita ng balisong*

Baho: Akala ko ba nagbago ka na? E bakit ganyan pa rin trabahos mo?

Pedring: Wala pa naman sa hanapbuhay ang aralin eh. Hehehe.. saka enrollment na naman ni Junior, ang mahal pala sa La Salle.. putaenang iskwelahan yan. Ay…*sampal bibig*

Baho: *ngiti* sige Pedring mauna na ako sayo.. Maaga pa ang lakad ko bukas eh.

Isang gabi nanunuod ni Baho ang nag-aasahawanag aso sa kanto habang kumakain ng isaw, nadaan sya ni Pedring. Napilitan syang sumama sa sesyon ng magsimulang ipagsigawan ng lalaki na inuubos lang nya ang kanyang panahon sa panunuod ang pag-aasawahan ng aso. Pagdating duon ,tumayo ang pinuno ng naturang karismatic..

Brod: Mga kapatid.. ito ang tunay na simbahan.. dito, di kami nagtuturo ng kamalian dahil na rin ang batayan dito e ang bibliya. In English .. baybol. Di kamuka nyang taga kabila. Puro kagaguhan ang tinuturo. Mga bwakanang iyan…

Nagulat si Baho… dahil di nya akalain na pwedeng magmura sa naturang karimastic. Nabuhayan siya ng loob. Umuwi sya ng gabing iyuon na may ngiti sa labi dahil feel nya “he belong” talaga.

Pedring: O di ba ang saya?!

Baho: *deadma kunwari* ok lang.. Dami ko nakita dun huh…

Pedring: Talaga?!

Baho: Puta pare.. si Totoy Mola pala kasapi no?! Saka si Boy Bato.. Taena di ko maisip pano mo nahila ang mga hayup na yun..

Pedring: Tanga ka pala pare.. saka di ko hinila yun no.. Sa pagsali sali mo sa ganyan?! dyan ka makakakuha ng mga customer!

Baho: E bakit ako pinilit mo sumali duon? Wala naman ako business…

Pedring: Wala lang.. e nuod ka lang ng nuod ng asong nag aasawahan eh.

Baho: Taena mo Pedring! Pakyu ka!!

Minsang nagsasalansana ng buko si Baho ay tinanong sya ni Elsa…

Elsa: Bakit ba hindi ka na nadadalaw sa bahay?

Baho: Uyyyyyy miss na nya ako! Sabi ko na nga ba mahal, mamimiss mo ko..

Elsa: Taena mo.. miss ka jan.. pano ako na lang naghuuhgas ng pinggan! Leche! San ka ba kasi naglalagi pag gabi? Siguro me iba kang nililigawan.. siguro… siguro.. lagi ka sa beerhouse! *sampal Baho*

Baho: *himas muka* Awwwwww! Nak ng puta talagang buhay to.. sabing nag kakarismatic na ako! Wala akong ibang babae! Ikaw lang ang mahal ko.. ikaw ang aking destiny…

Elsa: Destiny mo muka mo.. *punta ng salas, binuksan ang TV*

TV: Oo nga kapatid .. Biro mo yang Pinunong Palamura, Palahingi e kung ano ano ang sinasabi tungkol di to sa simbahan natin.. Panuorin ho natin at kayong mga manunuod ang humusga..

Baho: Ano bang palabas yan at tawa ka ng tawa?

Elsa: Kita mo tong mga gago na to.. Mag-away ba sa TV. *lipat tv sa ibang channel*

TV: Mga gago kayo! Kayo ang tanga! Nagpalabas pa kayo ng komiks! Idedemanda ko kayo mga tarantado!

Elsa: Kundi ba naman.. *hagikgik*

Baho: *na-offend sa sobrang tawa ni Elsa* Ngayon lang kita nakitang ganyan kalakas tumawa… Talagang walang poise!

Elsa: E pakielam mo?! E sa natatawa ako eh..Bwahahhha! bwaahahahha!

Baho: *galit* E di lahat ng bagay dapat pagtawanan! Dapat nga iniintindi mo si brod pete! Dahil sya ang magliligtas sa atin! Sya ang magdadala sa atin sa dating daan!

Elsa: *lipat ang tv sa kabilang tsanel* Ito ba yung karismatic na sinapian mo? Yakkk!

TV: Tama ka dun kapatid na Simon, dahil sabi nga nitong Pinunong alanganin, Palahingi at Palamura na tayo daw ang me gawa ng komiks! Mga kababayan.. di ho gawain ng aming simbahan ang ganun..

Baho: *sigaw* Hindi yan! Yung kabila…

Elsa: Yan! Yan! Sali ka kasi ng Sali.. di mo naman alam ang sinasalihan mo!

Baho: Pwede ba elsa?! Dakdak ka ng dakdak… saka kahit na ganun dun, I belong dun! Welcome ako!

Elsa: E bakit mo ko sinisigawan leche ka!? Bahay nyo ba to?! Lumayas ka nga!!

Tumayo si Baho at nagwalk-out. Sa tanang buhay ni Elsa… nun lang umalis si Baho ng di nagpapaalam sa kanya. Dati rati kahit saktan nya si Baho.. kahit awayin nya ng awayin e nagpapaalam pa rin. Mukang napikon ata ng husto ang binata sa kanya. Napatingin sya sa TV.. at duon nagtatawanan ang dalawang lalaking nagdidikusyon ukol sa pinuno ng kalabang nilang relihiyon. Nabwisit sya.. Nagalit!

Elsa: Mga bwakanang syet kasi tong mga to eh! Kundi dahil sa inyo di kami mag aaway ni Baho! *sigaw* Superpekpek!!

Sa Bath Cave, matamang nagyoyosi ang mga pekpek na superhero ng biglang lumabas sa bote si Elsa na malungkot at naiiyak.. Nagtaka ang mga Superpekpek at naexcite sila dahil matagal tagal din silang walang labas. Kung kaya't bago pa alamin ang problema.. ay nagpowers combine sila at pumasok sa katawan ni Elsa... pagkauway sumugod sa Sentral. Pagdating dun ang dinukot nila ang mga lalaki na inuubos ang oras sa pagdakdak... ganun din ang ginawa nila sa taga kalabang relihiyon..sinaksak nila ang mga ito sa isang malaking kahon.

Simon: Nagkaharap din tayo sa wakas ! Pinunong nagpapakilalang Diyos!

Michel: Oo nga.. tong Pinunong walang paninidigan!! Sa simbahan ni Ya-A-wa-Ah-Eh-Ah-Eh Ahh!

Brod Pete: Tarantado ka Simon! Tarantado ka!! Ikaw din Michel! Anak ka ng pitong demonyo!

Elsa the Superpekpek: Mga bwakanang ina nyo! Tumigil kayo jan!

Natahimik ang mga lalaki.. sabay sabay silang nagtanong: SINO KA?

Elsa the Superpekpek: *taray mode* Wala kayong pakielam! Dahil sa inyo.. daming tao ang naguguluhan! Dahil sa inyo..dami nag-aaway! Kaya para wala ng mag-away.. dapat sa inyo patahimikin na! *labas laser lipstik*

Brod Pete: E ikaw naman pala eh.. Nung kekang keng kengkang... (kampangpangan)

Elsa the Superpekpek: Pakyu ka din! Leche! Di ko naiintindihan sinasabi mo.. *asinta*

Simon: Tumahimik ka nga jan! *siko si Brod pete* Sige Michel, magbasa ka ng baybol..

Brod Pete: Taknay damo ka!

Elsa the Superpekpek: Tama na to.. maaga pa pasok ko bukas di ko carry magpuyat ngayong gabi!

Inasinta ni Elsa ng laser lipstick ang kahon at sinilaban ito..hanggang sa huli ang nagtatalo talo pa rin ang tatlong itlog kung sino sa kanila ang tunay na masasagip pagdating ng paghuhukom..

Elsa the Superpekpek: Ngayon natin malalaman kung sino sa inyo masasagip... mga ugok... *lipad pauwi*

Moral Lesson: Bawal ang mga pribadong sasakyan sa yellow lane!!

Isang adbentyur na naman ang natapos.. hanggang sa muling pagbabalik ng Elsa at mga Superpekpek Heroes!! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpek)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode: ANO ANG GUSTONG MANGYARI NG TUKONG SI MANDIRIGMA? SAGOT: Mag kiss and run ng mag kiss and Run!

© Superpekpek inc. Series of 2002, 2003 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: SINONG KAIBIGAN ANG NAGDALA KAY BAHO SA KARISMATIC?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection