sori rison por humaniti

Isang dapit hapon, matamang nagyoyosi sa may veranda ang mga Superpekpek ng dumating si Superpekpek Green. Masayang masaya ang bruhita.. at nagmamadali itong bumaba ng trike at ngising ngisi na bineso beso ang iba pang kapekpekan.

Superpekpek Orange: *hithit yosi* Hiiii! Bakit ngisi ka jan?

Superpekpek Green: Guess what?!

Superpekpek Blue: Nagkipagseks ka?

Superpekpek Green: Nyek! Mas masaya dun no..

Superpekpek Yellow: Nakipagseks ka tapos me libreng merienda?

Superpekpek Green: Tadu! Mas masaya ba pag me libreng merienda? Taena neto...

Superpekpek Orange:*hithit yosi* taena naman o! Sabihin mo na! Kakairita ka eh!

Superpekpek Green: *hinga malalim* well... kasi.. I met someone!

Superpekpek Orange: *natuwa* Talaga?! Taga saan?

Superpekpek Lavander: Taena, magkakaron ka na talaga ng seks layp nyan... dapat matuto ka ng husay..

Superpekpek Red: Oo nga.. you should know what to do.. dapat armed ka, para di ka lugi.. *tawa ng malakas*

Superpekpek Green: Taena ang advance naman ng isip nyo.. kakakilala ko lang sa kanya , seks na agad nasa isip nyo! Paksyet.. *dampot yosi* Pero on second thought... magaling kaya sya? *sindi yosi*

Superpekpek Blue: Hay naku... maiwan ko na muna kayo't low batt na ako.. kailangan ko na mag recharge.. leche talaga tong mga piratang mga baterya.. lang tibay!

Superpekpek Lavander: Anong walang tibay? Lakas ka lang talaga sa Baterya.. lech! *buga yosi*

Superpekpek Blue: HEH! *pasok sa loob ng bahay*

Superpekpek Yellow: so ano yung nangyari sayo green? Di na natuloy ang kwento.. nyeta...

Itutuloy na sana ni Green ang kwento ukol sa bagong nakilala ng biglang dumaan ang Mia na umiiyak..kasunod si Brenda na mukang nag-aalala.

Superpekpek Green: O.. bakit umiiyak yun?

Superpekpek Orange: Baka me nangyari dun sa soap opera na pinanonood nila..

Superpekpek Lavander: Taena kasi, sinabi ko na wag na manuod ng soap opera-- mag tsinobela nalang.

Superpekpek Yellow: Tanungin ko kaya?

Superpekpek Green: Mabuti pa...

Superpekpek Yellow: *hiyaw* Miaaaaaaaaaaaaaaaaaa!! Bakit ka ngumangawa?

Katahimikan...

Superpekpek Green: Taena deadma ah.. *dampot magic bote*

Superpekpek Yellow: Oh! hahampasin mo ng bote? Taena mare, maawa ka naman dun sa tao -- baka sa sobrang iyak kaya di narinig ang tawag ko..

Superpekpek Green: Tange! kita mo kasamaan mo... mahihiya na yung lumapit dito no.. kaya silipin nalang natin sa bote..

Superpekpek Orange: Yaan nyo na yan si Mia.. lilipas din yun.. mag mud pack tayo!?

Superpekpek Green: Silipin lang natin... Tapos pasok na tayo sa loob..

Inilapag ni Superpekpek Green ang bote sa ibabaw ng lamesa at sila ay nagmasid kung bakit ngawa ng ngawa ang babaitang si Mia. Nakita nila ang huli sa may kama-- nakamasid sa kanyang cellphone.. Mukang me hinihintay..

Superpekpek Green: Puta.. nakikipag away ata sa text eh..

Superpekpek Orange: Kairita naman talaga kapag inaaway mo tapos di sasagot.. taenang yan..

Superpekpek Yellow: Pano kung naubusan siya ng load?

Superpekpek Orange: Taena nya! Di sya pwedeng maubusan ng load or ma low batt habang inaaway ko pa sya no!

Superpekpek Red: That's so true--- kakainis kasi pag gusto mo ilabas lahat ng sama ng loob mo then he's just there, staring at his fucking cellphone!

Superkpek Green: Tignan mo..tingin ng tingin sa cellphone nya.. mukang me hinintay talaga..

Superpekpek Red: Tawagin kaya natin si Brenda, para malaman natin kung bakit umiiyak ang isang yan.. *nguso sa bote*

Superpekpek Orange: *sigaw* Brenda!

Brenda: Ati...

Superpekpek Orange: Halika dito.. bakit umiiyak si Mia?

Brenda: e kasi po ati... nalaman po niya na break na daw si john lloyd saka si ciarara.

Superpekpek Orange: Yun lang? Kung makangawa sya akala mo pinalayas ko na sya?

Brenda: *tingin lang* ewan ko po..

Superpekpek Green: E bakit sya tingin ng tingin sa cellphone nya? ano naman hinihintay nya dun aber?

Brenda: ah.. nagtext po kasi sya ati sa startext..

Superpekpek Green: Nak ng puta.. akala ko naman naapi yang si Mia..*tingin ke Brenda* Puntahan mo si Mia..sabihin mo pag di sya umayos.. pupuntahan ko sya dun at sasapakin ko sya!

Brenda: Opo ati..*dali daling pumasok sa loob ng bahay*

Superpekpek Red: Grabe..akala ko naman kung ano na..Hayy..what a day no? Meme na tayo..

Superpekpek Orange: Oi! magsipagligo bago matulog ha! nak ng..

Samantala, Pauwi na si Elsa at matamang naghihintay kay Baho.. ng mapatingin sya sa kalapit na tindahan. Nagulat sya ng makita ang me ari ng kamotehan. Nahuli sya na nakatingin kung kaya't ngitian sya ng lalaki. Namula ang pisngi ni Elsa..at gumanti ng matipid na ngiti. Lalapit sana ang lalaki ng biglang dumating si Baho.

Baho: Mahal.. have you waiting a long time to me? Pasensya na mahal, si inang kasi nagpahatid pa sa bidyo-oke bar..di ko sana ihahatid kaso naghurimentado na naman..naatraso tuloy ako sa pagsundo sayo..

Elsa: *katingin pa rin sa kamotero* ah.. ok lang. Nalibang din naman ako kaya di ko napansin na wala ka pa...

Baho: Kaya mahal na mahal kita.. understanding ka..

Elsa: Taena mo, *siko sa sikmura* Uwi mo na ko..

Baho: Mahal.. di pa sapat ang ipon ko, di pa kita pwedeng iuwi sa amin.. sasakalin ako ni inang!

Elsa: Tangek! Sa amin no.. ibig kong sabihin ihatid mo na ako sa amin!

Baho: ahh.. lilinawin mo kasi... paamoy naman mahal.. *singhot ulo ni Elsa*uhmmm ambango... *nginig* Ano ba yang tinitingnan mo mahal... *sunod ang tingin, biglang naiba ang mood* Halika na uwi na tayo.. *hila kay Elsa*

Elsa: Nyak... Itulak ba ako sa trike?

Baho: E Nakikipaglandian ka dun ke kamote..kung kaya nga kitang isaksak jan sa trike, isinaksak na kita agad agad..

Elsa: Hoy! di ako nakikipaglandian, tadong to..Kasalanan ko ba kung magandahan sya sa akin?

Baho: Mahal.. syado kang bilib sa sarili mo e tayo nga ang magkabagay.. di sayo bagay yung si kamote.. kasi ang hininga nun amoy utot! Saka kilalang babaero yun... at balita pa nga me asawa na yun at sangkaterbang anak..

Elsa: Napakatsismoso mo.. Saka anong palagay mo sa akin? Kaladkarin? *irap*

Baho: Di ako tsismoso, inqui-- inquest.. imbestigador lang talaga ako..

Sasagot pa sana si Elsa ng biglang tumunog ang kanyang cellphone:

Elsa: Naku si Daddy siguro ito-- *tingin sa cellphone*

Baho: Baka si kamote yan mahal ha?! Ibabaon ko sya sa lupa gago sya..

Elsa: Tumigil ka nga jan Baho, para nagkatinginan lang kami... si Selya to.. yung classmate natin nung high school.

Baho: Si Selya?! Yung classmate natin na laging nalilislisan? iisang kulay lang ata ng salawal nyan mahal..

Elsa: Bakit mo alam ang kulay ng salawal ni Selya? *tingin masama* Siguro kasama sa mga naninilip sa kanya..

Baho: Ikaw talaga, kaya mahal kita eh-- ubod ka ng selosa..

Elsa: Ulul! Selosa ka jan... Tamang tama, dadarating si Selya mo sa isang araw. Magsama kayo sa salawal nya..leche..

Baho: Wala akong pakielam kung maghubad man sya sa harap ko mahal... wag lang bagong ligo sya, kasi mahina ako sa bagong ligo eh.. ska ang lakas ng baktol nya lalo na pag mainit.. grabe, nakakahimatay..

Lumipas ang mga araw, dumating si Selya. Palagi syang sumasama kay Elsa sa tindahan, dahil wala naman din lang syang gagawin sa bahay. Kaya tuwang tuwa si Elsa dahil pwede syang magikot-ikot sa palengke ng walang pinoproblema dahil me taong naiiwan sa tindahan.

Selya: Hayy.. wala pa ring pinagbago tong bayan natin no Elsa? Jologs pa rin amputa..*hithit yosi*

Elsa: E ganun talaga, nagbabgo ang tao pero ang lugar ganun pa rin. O sya maiwan muna kita, sasamahan ko lang sa mall mga friends ko. Sure ka na ayaw mong sumama?

Selya: Sa mall? Sawa na ako sa mall.. sa gilid kami ng mall nakatira, in fact yung isang pader namin gawa sa mall noh.. ikaw na lang magpunta sa mall, im sure bihira ka makapunta sa mall..

Elsa: Okey.. tandaan mo, walang pautang ha? Cash basis lahat, at pag hinapon ako, dadarating si Baho para isara ang tindahan. Kaya wala kang poproblemahin.... sandali lang naman ako, samahan ko lang sila orange pablower at pedicure.

Selya: Ok.. magbabasa muna ako ng tagalog pocketbooks dito, madami rin nito sa amin eh..

Tumango si Elsa at sumakay ng trike patungo sa mall kung saan kikitain nya ang mga superheroes. Samantala, sumakit ang ulo ni Selya kakabasa kung kaya't lumabas muna sya ng tindahan. Nagulat sya sa malakas na tawanan na nagmumula sa tindahan ng kamote. Napatingin sya. Ngumiti ang tindero. Ngumiti din sya. Nag ngitian sila. Lumapit ang kamote.

Jops: Hi miss byutipul.. I'm jops. Bago ka here?

Selya: Ako si Selya..

Jops: Ay ganun.. me text ka ba?

Selya: Oo naman..*bigay cellphone number* text mo ko ha? *ngiti*

Jops: Oo naman.. Sandali lang maiwan muna kita, me bumibili ng kamote eh..

Selya: Ok..ingat!

Lumipas ang araw na puro pagpapkyut ang ginawa ng babaitang si Selya..palagi syang load ng load dahil na rin nauubos agad ang mga credits nya dahil sa dami ng text nya kay Jops. Pinadadalan sya nito ng kung ano anong text message na minsan friendly.. minsan naman ay sobrang friendly. Isang gabi..

Selya: Elsa...aalis na muna ako, pupunta ako ng bayan...

Elsa: Sana sinabi mo agad para naman di ako nagpalit ng damit.. sandali wait mo ko ha, bibihis lang ako..

Selya: Di na..ano kasi..

Elsa: Ano? *irita* Ayaw mo ko kasama?

Selya: Di naman sa ganun.. pero ano kasi eh.. *hiya* date kasi yun..

Elsa: Nyakk.. sino? bakit di mo sinabi sa akin agad na me kalandian ka bruhita ka!!

Selya: E kasi, di sya rich eh.. isa lamang syang hamak na magkakamote..

Elsa: Kamote??? wag mo sabihin sa kin yung magkakamote sa palengke ang ka-date mo? *gulat* Naku, mag-iingat ka jan sa lalaki na yan ha. Babaero ata yan eh..

Selya: E date lang naman to.. mag di-disco lang naman kami...

Elsa: Ok sige.. magiingat ka ha.. wag kang tatang tanga..

Dali daling kumaripas ng alis ang Selya..at kinatagpo si Jops Kamote sa kanto, dala dala ang trike na nahiram nito. Nagtungo sila sa diskuhan sa bayan kung saan sumayaw sila at uminom. Lumipas ang oras, sobrang saya ni Selya dahil prang prinsesa ang turing sa kanya ni Jops..kaya naman ng biglang makabig ang trike patungo kung saan ay di sya nakatutol. Nagakaron ng mataimtimang pagsubok ng lakas. Di nakauwi ang bruhitang si Selya kaya nagtext nalang sya kay Elsa.

Kinabukasan..

Elsa: Nak ng tokwa Mare, bakit di ka umuwi? Kala ko ba sayaw sayaw lang? e nag tumbling tumbling ka na din...*tukso*

Selya: Gagi! di ko napigilan eh.. nalasing ako mare... Saka I feel naman he loves me..

Elsa: Hay naku mare.. I just hope na magiging masya ka..

Selya: Don't worry mare, masaya naman ako..

Naging madalas ang pagkikita sina Selya at Jops, bukod pa dito ay palagi rin silang nagtetext, kung kaya't masayang masaya si Selya, lalo pa't punong puno ng landi ang mga mensahe ni kamote. Dumating ang araw ng paglisan ni Selya.

Elsa: Sana naging masaya ang pagbakasyon mo dito sa amin..

Selya: OO naman mare, dito ko ata nakita ng tru lab ko.. pwera lang jan sa biep mo na si Baho.. lupet ng amoy pag sobra init elsa.. ibili mo ng tawas...

Elsa: Gagi, di ko biep yun.. paksyet na to. Pano na kayo ni Kamote?

Selya: Ang sabi sa akin ni Jops, mahal na mahal daw nya ako at di nya ako kayang mawala sa kanya..

Elsa: Oo nga.. mahal ka nya.. pero pano na kayo? Kayong dalawa?

Selya: Kaya naman nyang lumuwas luwas--

Elsa: ikaw ba kaya mo yung ganun?

Selya: kakayanin.. O sya sya mare.. Anjan na si darlin sa ibaba..hahatid nya ako sa bus station..salamat ng madami ha!! *beso beso*

Elsa: Ingat ka ha!! Ayaw mo pa kasi pahatid sa akin eh..

Selya: Wag na no.. mag sho-shortaym pa kami eh..

Elsa: Taena ka..*tawa* Ingat..

Natutuwa naman si Elsa sa naging kapalaran ng kaibigan. Lumipas ang mga araw, matiwasay na namuhay si Elsa. Normal na ulit ang ikot ng kanyang mundo. Minsan napapatingin sya sa tindahan ng kamote--at makikita nya ang si Jops, ngingiti ito sabay kikindat. "Putang ina neto ah.."sambit nya sa sarili pero gumanti sya ng ngiti. Isang hapon-- nilapitan sya ni Jops.

Jops: Elsang maganda, BJ naman oh! *ngiti*

Elsa: Maganda ka jan! Ikaw talaga ang bolero mo..

Jops: Maganda ka naman talaga ah.. saka masarap pa BJ mo.. Ano pa hahanapin mo di ba?

Elsa: Ah leche.. *sandok ng Buko Juice sabay abot* Ayan.. ang bayad amin na!

Jops: *inom ng buko* Aahhh... sarap ng Bj mo Elsa..Uhmmm..*dila ang upper lips*

Napatanga si Elsa sa ginawa ni Jops..

Elsa: Di mo ba alam na kaibigan ko Gf mo? Tapos ganyan ang akto mo sa akin?

Jops: Wala akong Gf.. lam mo ba ikaw talaga type ko? kasi ang sarap ng BJ mo..

Elsa: E Putang ina mo.. umalis ka nga jan sa harap ko..Di ka na nahiya kay Selya ang landi landi mo..

Jops: bakit ako mahihiya, wala naman sya dito..

Elsa: Umalis ka sa harap ko, pakyu ka!

Jops: Bakit ka naghuhurementado jan? Wala naman akong ginagawa sayo ah..kaya siguro galit na galita ka no? kasi wala ako ginagawa sayo..

Elsa: Umalis ka sabi jan, bastos!!

Narinig ni Baho ang ingay mula sa pilahan ng trike. Sumugod ito papunta sa tindahan nila Elsa.

Baho: Hoy Kamote! Inaano mo giep ko? Gago ka ah.. *sapak kay Kamote*

Jops: *himas muka* Di ko inaano giep mo gago! Nasarapan lang ako sa Bj nya...

Baho: Ganun? O gago ka.. masarapan ka dito, tang ina mo *sapak sa muka ni kamote* Ito pa.. sarap ba? *sapak*

Hiyaw ng hiyaw ang bruhitang si Elsa kung kaya't nagkislapan na ang mga singsing ng mga superpekpek heroes. Dalidali silang nagtungo sa palengke upang tulungan si Elsa. Isa isa silang pumasok sa katawan ng nagfe-freak out na si Elsa. Napalibutan ang buong paligid ng usok -- at sa isang iglap ay lumantad sa lahat si Elsa the Superpekpek.

Elsa the Superpekpek: Tang ina mo Jops.. ang mga uri mo ang isa sa mga rason kung bakit maraming jologs sa mundo.. dapat kang mawala! Traydor, Sinungaling, Manloloko!! Daig mo pa ang mga pulitiko hayup ka!! *sampal Jops*

Jops: Sino ka namang giant pekpek ka? Magsama sama kayong mga pekpek kayo.. dapat kayong magdusa!

Elsa the Superpekpek: Tang ina mo talaga no? tignan mo nga yang muka mo.. wasak na ang muka mo pero kami ang dapat magdusa!? Ikaw ang mukang nagdurusa Gago! *sipa itlog ni Jops*

Jops: Aargghh.. *impit na sigaw* Bakit? Biktima din namna ako ng babaing manloloko.. hayup kayong mga babae kayo... wala kayong kwenta.. pera lang katapat nyo..*iyak*

Elsa the Superpekpek: Well.. sorry ka nalang dahil wala kang superhero na gaya namin na pwede kang ipaghiganti, Ugok! Wala kaming pakielam kung naapi ka ng pekpek or sumtin.. ang alam namin, hinarass mo si Elsa.. en that is foul!! *sapak*

Jops: Minahal ko naman si Mamu... pero niloko nya ako.. iniwan nya ako.. *iyak*

Elsa the Superpekpek: Wala kaming pakielam!! Naririnig mo?? Wa kami care!! *sampal* Wala kaming panahon para makinig sa mala telenobela mong buhay!

Jops: *hagulgol* minahal ko sya.. pero pinagpalit pa rin nya ako...

Elsa the Superpekpek: Di mo ba gets?! SYAT AP! *labas laser lipstick at tutok kay Jops* Kakarindi na iyak mo.. kanina ang yabang yabang mo.. kala mo kung sino kang don marco jan..

Itinapat ni Elsa the Superpekpek ang laser lipstick kay Jops at ito ay sumiklab, may konting pagsabog.. naghagis na rin si Elsa the Superpekpek ng Asukal upang maging masarap at masustansyang Kamote que si Jops. Natuwa ang mga miron dahil me libreng merienda na naman. Samantala si Baho naman ay na-shock sa giant pekpek na kanyang nakita, naalala pa nya ang huli nyang engkwentro dito. Ng maging matiwasay ang lahat -- at habang bisi pa sa pag hakot ng sandimakmak na kamote que-- isa isang lumisan ang Superpekpek Heroes sa katawan ni Elsa.

Nagmerienda muna sila ng BJ at Kamote Que bago umuwi. Si Elsa naman ay hapong hapo dahil na rin sa mga pangyayari. Lubos ang pasasalamat nya kay Baho dahil sa pagtanggol nya dito.

Elsa: Baho.. thank you ha..

Baho: Saan?

Elsa: Sa pagsagip mo sa akin..

Baho: Wala yun.. lam mo naman gang kamatayan ipagtatangol kita eh..

Elsa: Basta thank you.. *kiss sa pisngi ni Baho* Puta baho, ang angot mo!! maligo ka nga!!

Isang adbentyur na naman ang natapos.. hanggang sa muling pagbabalik ng Elsa at mga Superpekpek Heroes!! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpek)

Moral Lesson: Tayo ay pantay pantay. Huwag papaapi. Taena.

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:SINONG KAIBIGAN ANG NAGDALA KAY BAHO SA KARISMATIC?SAGOT:PEDRING

© Superpekpek inc. Series of 2002-2003[top][table of contents][home]

Instant Quiz: ANO ANG NAGUDYOK KAY JOPS PARA BASTUSIN SI ELSA?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection