ay,robot!

Sa planetang pektonia, matamang nakamasid si Haring Labuyo sa kalawakan habang nagyoyosi. Nag-iisip. Nag-mumuni muni kung kelan ba nya talaga makakamit ang tagumpay. Napakahirap patayin ni Elsa, ang bukod tanging tagapagmana ng kaharian sa pektonia. Buwisit kasi ang mga Superpekpek na iyuon. Kung sila ba ay sumapi na lamang sa kanya e di sana'y wala na si Elsa sa kanyang landas. Magiging matagumpay na ang pag-gawa nya ng new breed of pekpek.

Alalay: uhmm.. Haring labuyo...

Haring Labuyo: Di ba sinabi ko na ayaw kong papaistorbo kapag yosi break ko?! Ito lang ang pahinga ko mga punyeta kayo...

Alalay: Importante po kasi ito haring labuyo... natapos na po si dr. tarugorio ang sex robot na ipapadala sa earth.

Haring Labuyo: Ganun ba.. Mabuti naman, maaga nating masisimulan ang oplan tsugi. Sige, sabihin mo kay Dr. Tarugorio kakausapin ko sya pagkatapos ko ng isa pang yosi. *labas yosi*

Alalay: Sige po Haring Labuyo...*tayo lang sa pinto*

Haring Labuyo: Ano pang tinatayo mo jan? *sindi yosi,hithit* me kelangan ka pa?

Alalay: e.. bossing.. makikisindi sana ako eh.. *pakita yosi* yosing yosi na din kasi ako..

Haring Labuyo: Pakyu ka no? di ba't kasama sa uniform ninyo ang lighter? *labas lighter sabay bato sa alalay*

Alalay: E luma po kasi yung lighter na binigay sa akin, naubos na po..*sindi yosi* Maraming Salamat po Haring Labuyo! Aalis na po ako..

Haring Labuyo: Sige... syanga pala..sabihin mo rin kay Dr. Tarugorio gusto ko makita ang features ng sex robot nya.

Tumango ang alalay at dali daling umalis. Napakabihira ng mga ganung moments sa palasyo dahil napakalikas na masunget ni Haring Labuyo. Kunsabagay kung laging palpak ang mga plano, lahat naman siguro ay magiging masunget. Paglipas ang ilang minuto, tumulak na si Haring Labuyo tungo sa laboratoryo ni Dr. Tarugorio.

Dr. Tarugorio: Magandang Araw sayo Haring Labuyo *tuwad*

Haring Labuyo: Totoo ba ang balita na natapos mo na ang robot na ipapadala sa earth?

Dr. Tarugorio: Opo mahal na hari..

Haring Labuyo: Magaling.. napakabilis mong magtrabaho, isang araw na palugit lamang at natapos mo na agad ang iyong proyekto.

Dr. Tarugorio: Ganyan po talaga ang nagagawa ng me internet connection mahal na hari, napapabilis ang mga trabaho.

Haring Labuyo: Ganun ba... *kamot ang tyan* San mo naman nakuha ang idea na iyan aber?

Dr. Tarugorio: Sa isang site sa internet mahal na hari, duon sa nagtitinda ng mga sex toys! Napakaraming mabibili dun mahal na hari.. tiyak na me magugustuhan ka! *tuwa*

Haring Labuyo: Akala ko naman e original ang idea mo! Bueno, ipakita mo nga sa akin kung ano ng kaya nyang robot mo!

Dr. Tarugorio: Naku mahal na hari... *nataranta* Eh.. kukunin ko muna yung alcohol at kakatest ko lang din kasi... Sige habang ina-alcohol ko si Dong e maghubad na kayo...

Haring Labuyo: Bakit kailangan kong maghubad?! *galit*

Dr. Tarugorio: E sabi nyo eh susubukan nyo? E sige na ho, Mahal na Hari kahit na yung pang ibaba nalang ang alisin ninyo... alam nyo magaling ho si Dong, subok na matibay, subok na matatag! *yabang*

Haring Labuyo: Sino ba yang Dong na yan? *inis* Pakielam ko sa kanya leche sya?! Gusto ko makita kakayahan nyang Robot!

Dr. Tarugorio: Si Dong ho yung Robot..*bulong* taena slow...

Haring Labuyo: At san mo naman nakuha ang lekat na pangalan na yan?

Dr. Tarugorio: Ah eh..sa kahon ho, me pangalan na talaga sila mahal na hari. Kaya naman napabilis talaga ang trabaho ko't di ko na kailangan pang mag-isip ng pangalan. *abot kahon na pinaglagyan ng robot*

Haring Labuyo: *basa* Jelly-Suckable-Dong. Ang bobo mo Tarugorio! Jelly kaya ang pangalan nya at Dong ang apelido nya! Magbabasa ka lang.. *ikot mata* O sya, ipakita mo kung paano gagamitin yan.

Dr. Tarugorio: Ganito ho yan mahal na hari.. ilalagay lang ang batterya dito.. Tapos, *ayos ang robot* i-click mo lang itong switch na to..

Biglang me sumiklot siklot sa ibabang parte ng robot, tumaas ang dalawang kamay nito at animong naglalambing na pusa.

Haring Labuyo: Magaling! Magaling! *palakpak* Patingin nga ng sumisiklot na iyan..*kilig*

Dr. Tarugorio: Sandali lang ho, Mahal na hari..*lapit sa robot, baba ang salawal* Ayan ho mahal na hari, TSARAAAAAN!! *sigaw*

Haring Labuyo:*galit* Tangna, bakit ang laki nyan? Ang bobo mong hayup ka!! *balibag baso* Imbis na maghiganti ka e lalo mo pang paliligayahin ang lekat na babaeng yan!

Dr. Tarugorio: Pero mahal na hari, yaan na nga ho ang pinakamaliit na size. Saka me twist naman tong si Dong. Pwede na syang magsalita, maari nyo rin controlin ang kanyang emosyon. Actually, magkakaron ka ng total control dito mahal na hari..

Haring Labuyo: *sabat* Wala akong pakielam, basta ayaw ko nyan! Palitan mo yan! *tingin sa kwan ni Dong* Pano ka makapaghihiganti nyan? E sa size palang nyan e solb ka na! Palitan mo yan Tarugorio, kundi yang ulo mo ang ipapaalis ko!

Dr. Tarugorio: *takot* Opo mahal na hari, ngayon din ay kokontakin ko yung pinag-orderan ko nyan. *himas ang leeg* Hwag na po kayong magalit sa akin-- gagawin ko yan ora mismo!

Haring Labuyo: Dapat lang!*taas boses* Bueno, lumabas ka na.. I-lock mo ang pinto!

Dr. Tarugorio: Opo mahal na hari.. *switch off si Dong*

Haring Labuyo: Iwan mong naka-on si Dong!

Napatanga si Dr. Tarugorio, pero dahil sa takot dadali itong lumabas ng laboratoryo. Ngunit bago ito tuluyang lumabas ay inilapit nya kay Haring Labuyo ang isang rolyo ng tisyu at isang botelya ng alcohol. Lumipas ang ilang oras ay bumalik na si Dr. Tarugorio sa kanyang laboratoryo. Kumatok sya, ngunit walang sumagot sa loob. Kaya naman napilitan syang buksan ang pinto. At duon nya naabutan si Haring Labuyo na nahimbing sa kanyan kinauupuan at akap-akap ang rolyo ng tisyu.

Dr. Tarugorio: Mahal na Hari... di ko ho makontak yung pinag-orderan ko, kaya pinaayos ko nalang ho ito. *pakita kay mahal na hari ang bitbit*

Haring Labuyo:*alimpungantan* Nakatulog pala ako.. Tapos na ba? Mabuti naman kung ganun. Patingin nga... *hawak* bah.. ok na ok to, di kami nagkakalayo. Sana ninipisan mo pa, para naman mas malaki yung akin!

Dr. Tarugorio: E mahal na hari, di na ho kakayanin ng wiring.. baka ho magka short circuit.

Haring Labuyo: Ganun ba?! di bale.. *hinayang* sige, ikabit mo na yan sa robot mo at ipadala ASAP ang pakshet na robot na yan sa bayan nila Elsa! Ipadala mo nalang sa kwarto ko ang remote, ok? *labas yosi*

Dr. Tarugorio: E mahal na hari, dapat po ninyong pag aralan muna kung paano to controlin.

Haring Labuyo: Wa ka care! Yosi break ko na kaya Magyoyosi na ako! *labas lighter* Amin na nga yang remote na yan leche ka! *kuha remote* Saka yang manual *dakot manual mula sa table*

Dr. Tarugorio: Basahin nyo hong maigi mahal na hari...

Haring Labuyo: Oo na! daldal mo! para kang nanay ko! *labas*

Pumunta sa kanyang kwarto ang pasaway na hari. Duon, ibinasura nya ang manual. "Basahin nyong maigi my pwet!" bulong nito. Dali daling ipinackage ni Dr. Tarugorio si Dong at ipinadala sa kanyang kaanib na si Berto. Madali naman itong naprogram kung kaya't parang tao na itong umakto.

Isang gabi, napagkasunduan ng ilan sa mga Superpekpek Heroes na pumunta sa isang videoke bar. Isinama na rin nila si Elsa dahil asa bahay na naman nila si Aling Selya. At tiyak dun na naman matutulog ang babaeng isaw. Dahil sawa na sila sa kwekkwekan sa bayan (at dahil me coupon si Superpekpek Lavander), dumayo sila sa kalapit na munisipyo. Sa bar na ang pangalan ay Merto.

Superpekpek Lavander: Ask mo nga beybi kung ok tong mga passes na nakuha ko..*abot passes kay Superpekpek Green*

Superpekpek Green: Ok..arte arte naman dito.. me pa-passes passes pa eh krimas lights naman ang gamit na ilaw!

Superpekpek Lavander: Wag ka na reklamo..yaan mo na.. at least bagong ambience..

Elsa: Oo nga.. Sama ko sayo.. kakaburaot dito me kasamang papa si lavander! Sana naman me papalisyus dito!

Superpekpek Yellow: Ako din sama ako!

Superpekpek Lavander: Kasalanan ko ba kung patay na patay sa akin si papush ko? *kunyapit sa papa nya*

Maayos namang tinanggap ng mga bouncer ang naturang passes, kung kaya't pumasok na ang grupo ni Elsa sa Merto. Ang naturang estabilishimento ay may dalawang palapag. Nguni't walang tao sa second floor,kahit na siksikan na ground floor at halos magkapalitan na ng mukha ang mga tao duon. Lumapit ang weyter sa ating mga bida.

Weyter: Good Evening Ma'm, ilan ho?

Elsa: Pito.

Weyter: Sa likod nalang po ma'm... Puno na po sa unahan eh.

Superpekpek Green: Obvious ba? e Parang row 4 tabing basurahan ang dating sa akin neto..

Superpekpek Yellow: Di ba pwede sa itaas?

Weyter: E Pang special show po kasi yun... di po ako pwede magdecide..

Superpekpek Lavander: di ka namna namin pinagdedecide, gusto namin dun. Tara dun tayo..

Superpekpek Yellow: Oo nga.. e bakit yung mga Jologs na yun? sila pwede, kami inde?!

Weyter: Sabi ko nga po, di po ako pwedeng magdecide.

Superpekpek Green: Sino nga nagpapadecide sayo aber?! Elsa? Pinagdedecide mo ba sya!? ikaw, Superpekpek Yellow? *bitbit bag* Tara lipat tayo..

Superpekpek Blue: Yellow! di ba naka line ka? Pasaload naman o!

Superpekpek Orange: Tanga tanga nyang weyter na yan, naiirita na ako ha!! Puta..*labas yosi*

Walang nagawa ang eng-eng na weyter kung sumunod sa ating mga bida. Naupo ang mga ito at inabutan ng listahan ng mga inumin at pulutan. Maya maya pa ay lumabas sa stage ang isang grupo ng mga bakla.

Superpekpek Lavander: Yey! me show pala ngayon...*yosi*

Superpekpek Orange: Mabuti naman bago ko bigwasan ang tanga nilang weyter! *hithit-- buga*

Superpekpek Blue: *kalabit yellow* samahan mo naman ako sa Cr...

Superpekpek Yellow: Sure... *tayo sa kinuupuan nya*

Elsa: Tagal namna nung kukuha ng order natin.. Weyter!!

Weyter: Ano ho ang order nyo ma'm?

Elsa: Isang pitsel ng coke, isang bilog, saka 10 barbeque. Saka isang tapsilog. Yung itlog, well-done ha. Isang iced tea, yung inde bottomless... yelo... 7 baso.. isang ashtray saka maraming tisyu. Gets mo?

Weyter: Uulitin ko ho ma'm. isang coke...isang bilog, 10 barbeque, isang tapsilog luto ang itlog.. iced tea bottomless.. yelo... ashtray.. that's all ma'm?

Elsa: Hindi! mali eh.. isang pitsel ng coke! inde bottomless ang iced tea..saka tisyu pa.

Weyter: *lito* Ok ma'm. *alis agad*

Superpekpek Lavander: kuha nya kaya?

Elsa: Ewan..mukang tanga eh..

Superpekpek Yellow: Inorder nyo ba ako ng tapsilog?

Superpekpek Orange: Yep.. *hithit yosi* tagal naman..

Superpekpek Yellow: Shucks.. naiwan ko eye glasses ko sa Cr. Elsa, samahan mo naman ako!

Superpekpek Orange: Weyter! Follow-up naman ng order dito.. *irita*

Bumalik si Elsa at Superpekpek Yellow sa cr ngunit wala na duon ang kanyang eyeglasses, kung kaya't nagpunta sila sa opisina upang ireklamo ang naturang pagkawala. Humarap sa kanila ang GRO ng lugar na si Dong.

Dong: Ano po yun ma'm? ako po si Dong ang Guest relations officer.. me problema po ba tayo? *tingin ke Elsa*

Elsa: Oo kasi tong friend ko.. *pa-kyut* naiwan yung salamin sa Cr ninyo.

Dong: Ah ito ho ba? *labas ibat-ibang klaseng salamin* Wag ho kayong mag-alala basta taga rito sa amin ang nakakuha e sigurado hong maibabalik yun sa inyo. *ngiting matamis*

Superpekpek Yellow: ayy ang dami! *hanap salamin* ito yung akin, yung Armani .. Sige salamat ha!

Elsa: Armani?! *nahilo* syet! *bulong* yellow.. nahihilo ako..

Superpekpek Yellow: Sobrang pakyut ka kasi eh.. di kinaya ng powers mo..

Elsa: Di ko kinaya na kinuha mo yung Armani... ewan ko ba.. ni tubig nga di pa ako nakakinom sa sobrang bagal ng serbisyo dito...

Superpekpek Yellow: Tara na nga dun baka dito ka pa himatayin..

Nakabalik naman ang mga lukaret sa kanilang upuan. Makalipas ang isang oras, dumating na rin ang kanilang order. Dumating nga pero kulang kulang naman. Kung kaya't imbyerna to the max na talaga ang byuti ng ating mga bida. Naisip nilang wag ng umorder pa at ubusin na lamang ang nanduon dahil paniguradong aabutin sila ng madaling araw sa paghihintay. Masayang nagkukuwentuhan ang mga tao. Ang mga Superpekpek Heroes naman ay panay ang hagalpakan at walang pakielam kung maingay sila. Sa kabilang table ay nakaupo ang tatlong kababaihan at nagkukuwentuhan. Dahil alam na ni Elsa ang kwento ng buhay ng Superpekpek, ay nakinig nalang sya sa kwento ng mga babae sa kabilang lamesa.

Babaita 1: Ewan ko ba mare... dati naman ang sweet sweet nya.. ngayon, ni hindi nya man lang ako masabihan ng aylabyu.

Babaita 3: E baka namna kasi ikaw ang kulang sa sweetnes..

Babaita 1: Pag sweet kasi ako ang sinasabi nya, "anong nakain mo?" o kaya, "ikaw ba yan?"

Babaita 2: E gerpren ka nya no? ask mo sya bakit di na nya nisasabihan ng aylabyu..

Babaita 1: I asked him bout it nga.. sabi nya, di daw nya kayang sabihin.

Babaita 2: Ganun? Gago sya kamo! Bakit di pa kayo maghiwalay nyan, nagiging miserable ka lang..

Babaita 1: Ayaw din nya eh.. dati nga nakakaiskor pa ako sa kanya..galing nga nya eh.. kahit na maliit yun ano nya.. inaasikaso nya ako.

Humagalpak ng tawa ang mga kaibigan nya.

Babaita 3: Taena mare, di naman namin kailangan malaman yun no!!!

Babaita 1: Ewan basta.. nagiging miserable na talaga kami. Di ko alam kung ano nangyari..*naiiyak* kung gusto ko sya makita kailangan ko pa magpunta sa pinagtatrabahuhan nya.... wala na syang effort mare...

Babaita 2: San ba nagtatrabaho yan jowa mo?

Babaita 1: Dito sa merto. GRO sya dito..

Napatanga si Elsa. Ang gwapong lalaki na yaon?! Totoo kaya? Maliit? este...masama ang asal nya? Pero di maari yun.. di maaring magkamali ang langit duon!! Lalong sumakit ang ulo nya.. lalo syang nahilo. Samantala sa Pektonia.

Haring Labuyo: Ampanget ng ginawa mo!! Buti pa yung giant etibots ko! Bakit sa ibang babae sya nainlab?! Di ba sabi ko sayo dapat kay Elsa lang?

Dr. Tarugorio: Mahal na hari.. kayo ho ang me hawak ng remote.. hindi nyo ba inaral yung manual?

Haring Labuyo: Leche ka! ako pa ang sinisisi mo...

Dr. Tarugorio: E kasi mahal na hari, minsan kasi dapat nakikinig kayo sa sinasabi ko! Tigas tigas ng ulo ninyo.. akala ninyo lagi kayong tama! Kita nyo.. mali mali pihit ninyo..kaya ayan! Kasalanan nyo yan!

Haring Labuyo: Ganun? ako me kasalanan? ako? Buti nga't tinanggap kita! Walang utang na loob! *bato remote kay Dr. Tarugorio*

Nalaglag ang remote. Nasira. Samantala sa Merto Bar..

Babaita 1: Naku papalapit sya, ok ba ako?

Babaita 3: Oo naman.. sus..

Dong: Bakit konti ng order nyo? damihan mo yan, pano kami kikita kung konti ang kinakain nyo? Maraming tao ngayo o.. kung ayaw nyo nang umorder e umuwi na kayo..

Babaita 3: Pano kami oorder eh ang bagal ng Weyters nyo!

Babaita 2: O nga.. di pa sulit ang order ang konti ng servings.

Dong: *tingin kay babaita 1* Sige na umuwi na kayo.. papdala ko na yung bill nyo dito. Magagalit si Tito Berto nyan eh! *alog ulo* sige na babes.. gabi na o.. hahatid kita sa sakayan ng taxi ha baby ko? *kiss sa ulo*

Babaita 1: *medyo natuwa* E babes.. oorder pa naman ako ng iced tea eh..

Dong: *alog ulit ulo* Umuwi ka na! Ang tigas ng ulo mo! Bwisit!! *walk out*

Kinalabit ni Elsa si Superpekpek Yellow dahil din hindi sya pinapansin ni Superpekpek Blue dahil meron itong nakilalang nagtitinda ng cellphone sa Greenhills.

Elsa: Yellow.. nahihilo ako..

Superpekpek Yellow: Akala ko ba ok ka na? Puta naman elsa, iced tea lang tinira mo! Ano ka ba?!

Elsa: si Dong.. asa likod ko.. inaaway giep nya.. nahilo ako kakalingon...sakit pati batok ko.

Superpekpek Orange: Baket? Anong problema nyan?

Superpekpek Yellow: Nahihlo daw..

Superpekpek Green: Puta, Elsa ang Kj mo! dance dance pa tayo mamaya eh..

Superpekpek Lavander: *tawang me amats* Wahehehe...baka sperm carrier yang lalaki sa likod mo! Wahahaha papush... *tingin sa papa nya* Pakiss naman... *haba nguso*

Napatanga ang mga Superpekpek. Biglang niyaya ni Yellow ang mga Superpekpek na mag-cr. Bitbit ang nahihilong si Elsa at ang nakakunyapit na si Superpekpek Lavander. "Pakshet, ngayon pa kasi mawala si Superpekpek Red..wala tuloy power of hearing si Elsa" bulong ni Yellow. Sa Cr kinuwento ng hilong si Elsa kung ano ang istorya ng babaita sa kabilang table. Natahimik sila ng biglang pumasok ang pinaguusapan nilang babae. Umiiyak ito. Tumagas na ang mascara kung kya't muka na syang bida sa pelikulang The Crow. Nahimatay kakaiyak ang naturang babae, kaya naawa ang ang ating mga bida. Galit na galit na sumigaw si Superpekpek Yellow ng "Superpekpek powers combine!!!" Nabalot ang buong kasilyas ng usok. Isa isang pumasok ang Superpekpek sa katawan ng hilong si Elsa. Pumailanlang ang masamyong amoy ng feminine wash. Nang mawala ang usok. Lumabas si Elsa the Superpekpek, suot ang bagong labang kapa at bitbit ang bagong linis na shield. Bumaba ito para hanapin ang GRO. Nagsigawan ang mga tao dahil akala nila ay magshoshow ang babaitang naka-kapa. Pumunta ito sa opisina ng manager. Sa labas ng opisina, dinig na dinig ni Elsa the Superpekpek ang pakikipag usap ng Manager.

Manager: Eyo! O, Lamuyo! Amusta? O nga e.. Ngirap ontrolin... mingsan masaya..mingsan muraot! Uhmm? Oo ngaman.. Nagtayo ako ng mar.. MI AY AR! Empre galing sa pangalan o.. Merto! Mi E AR Ti O! Merto! kakabukas ngo lang last week. Oo.. ngito nga sila, bisita ko.. syempre pa. *tawang malakas* obrang bagal ng erbisyo sa teybol nila..Si dong? ito-- lobat.. ngumanganta..

Dong: *kanta* O what a night .. di ako makatulog.. namimiss ko si babes ko... kahit sarili ko'y ayaw maniwala..sa nangyayaring ito oohh..

Hindi na nakatiis ang ating bida kung kaya't sinipa nito ang pintuan at dire-diretso sa gitna ng opisina. Namewang duon at inirapatan ang manager.

Manager: Nyak! *bitaw telepono* langing mekmek!!

Elsa the Superpekpek: Kaya pala ang bagal ng service, me conspiracy kayo!! sino ka? ikaw ba ang me ari ng bar na ito? ikaw ba si Merto?

Manager: Inde Merto, Merto! Mi no inde Em!

Elsa the Superpekpek: Mirto nga!!

Manager: Momo ka! *kuha ang papel, sumulat* ayan o!

Elsa the Superpekpek: Ahhhhhhhh Berto! Leche bakit Merto nakasulat sa labas ?

Manager: Ewan ko ngun sa ngumawa!

Elsa the Superpekpek: Maski na! Kahit anong pangalan pa yan! Mga paying customers kami, kaya dapat maayos ang serbisyo ninyo sa amin lahat! ang tatanga ng weyters ninyo!

Dong: aylabyu babes.. if you only knew.. naiinis na ako sayo.. sobrang manhid ka di mo napapansin.. *hawak ang kwan*

Elsa the Superpekpek: Patigilin mo yang si Dong kundi pasasabugin ko yan..

Manager: Sowee.. wala nga akin ang ngontrol. Na kay Lamuyo...

Dong: *alog ulo* Elsa!! ito na ang oras mo! Oras na upang makamit ko ang aking tagumpay!! Dito na magwawakas ang lahi ninyo!

Elsa the Superpekpek: Ganun? Pakyu ka! kundi ka pa tanga at kalahati, di mo man lang makontrol ang emosyon nyang tang inang robot mo! Pagbabayarin kita sa lahat ng kahayupan mo Labuyo! Sa pagpatay mo saking mga magulang!! *labas baseball bat*

Dong: Wahihihihi...

Elsa the Superpekpek: Tangna mo! *hampas baseball bat sa ulo ni Dong* dahil sa pang-aapi mo sa kababaihan! *hampas* para sa liit ng bird mo! *hampas* para sa sama ng loob na binigay mo dun sa babaeng The Crow sa CR!*hampas* tangnaaaaaa kaaaa...

Dong: Robot lang yan Elsa.. di ako talaga yan...Wahihihi.. magalit ka ng magalit.. wala akong pakielam!

Elsa the Superpekpek: Ganun? *lipat tingin kay Berto* ikaw? Robot ka ba?

Manager: Inde..

Elsa the Superpekpek: Ikaw nalang ang papatayin ko! *hampas Berto ng baseball bat* Para sa panget niyong serbisyo! *hampas* Para... sa.. *isip* Panget niyong serbsyo! Leche kayo!

Dong: O what a night... Wahihihi

Elsa the Superpekpek: Putanginang robot to. ayaw tumigil! *talon sa ibabaw ng robot* tawa ka ng tawa jan labuyo! E palpak na naman ang plano mo! Hanggang buhay si Elsa, palpak ang new breed of pekpek mo! WAhahahahah! ikaw ngayon mamatay kakadinig sa tawa ko! Palpak.. palpak..palpak...

Dong: huh..Babalik ako ! At sisiguraduhin ko na mawawala ka na sa landas ko! Pakyuu!!

Elsa the Superpekpek: *kendeng* nakikita mo ba ako? palpak .. palpak...*sayaw* Wahahahah!! bobo mo talaga Labuyo..talo ka na nga, wahiihiii ka pa ng wahii hhiii!

Dong: Babalik ako... zzzhhrriik... sshhhiirrrkk...shhhrrkkk....

Tuluyang napikon at pinatay ni Haring Labuyo ang remote control. Nagpalit ng anyo si Elsa at mga Superpekpek Heroes. Bumalik sila sa kanilang upuan at inubos ang alak bago tuluyang umuwi. Nabadtrip sila sa tagal ng bill kaya naman iniuwi nila ang katawan ng robot. Ang manager naman ay tuluyang nabaldado at napipi. Magaan ang loob ni Elsa at ng mga Superpekpek heroes dahil nakasagip na naman sila ng isang naaping nilalang. Sinibak ni Elsa the ang katawan ng robot at ibinenta sa junk shop. "May pera sa basura" sambit ni Elsa. Samantala ang parte ni Dong na binili sa internet ay pinadala niya sa babaeng The Crow para souvenir at para na rin may mapaglibangan kapag malamig ang gabi.

Hanggang sa susunod na adventure ng Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:ANO ANG NAGUDYOK KAY JOPS PARA BASTUSIN SI ELSA? SAGOT: ANG MASARAP NA BUKO JUICE.

© Superpekpek inc. Series of 2002-2004 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: ANO ANG TUNAY NA PANGALAN NI DONG AYON KAY HARING LABUYO?

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection