Napagkasunduan nga ng ating mga bida na sabihin na kay Elsa ang istorya ng kanyang buhay.. para na rin sa pansariling kapakanan ng ating mga superheroes. Gusto nilang ma-experience maging tao... Habang si Elsa naman ay busy sa pagsakay sa kanyang kayudan.. ang ating mga superpekpek ay nanduon sa BathCave at nagpapakasarap sa buhay.. well.. ganun talaga.. di pa sya belong eh... Ng magkaron ng pagkakataong magpahinga, nakaidlip si Elsa.. at sa panaginip dinalaw sya ng mga Superpekpek.
Superpekpek Orange: Tandaan... dahan-dahan lang ang pagsasabi... dahil baka bangungutin si Elsa .. magkakaletse letse pa tayo...
Superpekpek Green: Sige.. Kukuwentuhan muna si Elsa...tapos saka sabihin ang kanyang kwento.
Kinalabit ng mga Superpekpek si Elsa na tulog na tulog... tumulo pa ang laway ng huli.. "Elsa! gising!! andito na kami!!" sabi ng mga superpekpek..
Elsa: Kanina pa ba kayo? napasarap ako sa tulog..
Superpekpek Yellow: Oo kanina pa kami. kanina pa agos ng agos ang laway mo...
Superpekpek Red: Meron kaming sasabihin sayo.. uhmm.. ah.. eh... kasi.... ganito yun Elsa.. *hinga malalim*
Superpekpek Lavander: HINDI KA TAO!
Elsa: *nagulat at napatayo* di ako tao?! Yeheeeeeey! sabi ko na nga ba isa akong Dyosa...
Superpekpek Orange: Tanga! di ka Dyosa.. ako ang Dyosa.. daldal ni violet eh!
Superpekpek Lavander: Putah.. di Violet pangalan ko!! ginagawa mo naman akong jorlogs Orange eh!! Lavander no! L-a-b-n-... uhmm a, b, c *ginamit ang daliri*.. ah basta Lavander!!!
Elsa: Kung di ako tao.. di ako dyosa? ano akooooo?! Fairy? *napraning*
Superpekpek Green: Hindi ka Fairy! me nakita ka bang pakpak sa likod mo!? Grabe naman ang kabobahan mo Elsa... *sabay tawa ng malakas*
Siniko ni Superpekpek Orange si Green at nanahimik ito... Si Superpekpek Blue and Red naman ay naupo sa isang sulok at nag-usap tungkol sa buhay buhay nila.. syempre pa.. walang hanggang pagtetext si Superpekpek Blue.
Superpekpek Orange: Mabuti pa Elsa.. maupo ka muna... tangna ka e.. pinatitingala mo pa ako!
Ang ibang superpekpek heroes ay naupo.. pinalibutan si Elsa na para bang hahatawin ito.. ninerbyos ng husto si Elsa.. Matagal na kasi nyang alam na di sya tunay na anak ni Mang Gusting... pero ito ngayon at kaharap nya ang mga taong nakakaalam ng kanyang istorya.. sabik na sabik na syang marining ang kwento ng kanyang buhay..
Superpekpek Orange: Kasi ganito yan, hindi Elsa ang tunay mong pangalan..
Elsa: Kung hindi Elsa... ano ang pangalan ko?
Superpekpek Orange: *me tono ng pagkainis* Tangna, dadarating tayo jan.. wag mo ko istorbohin sa pagkukwento.. o baka gusto mo ikaw na magkwento makikinig na lang kami.. *irap kay Elsa* Hoy, mga kapwa superpekpek... pag me nakalimutan akong sabihin kayo ng bahalang magdagdag ha! Saka pwede Elsa... patapusin mo muna ang kwento ko bago ka magsimula sa mga tanong mo... kakasira ka ng momentum eh.
Superpekpek Green: Gusto mo Orange, patahimikin ko ng tuluyan yan? *labas laser lipstick*
Superpekpek Orange: Huwag muna.. after na ng kwento ko... Anyway, balik sa kwento bago mo ako ininterrupt.. *tingin masama kay Elsa* Hindi Elsa ang tunay mong pangalan... si Mang Gusting na ang nagbigay sayo nyan.. dahil ang tunay mong pangalan ay NENA. Yun lang.. Nena, prinsesa ng pektonia. Pinganak ka through ceasarian section kasi ayaw umire ng nanay mo.. Any iyong ina ay si MENA... matapang si Reyna Mena... Lahat ng gusto nya ay nasusunod.. dahil na rin siguro mahal na mahal sya ng iyong ama. Ang pangalan ng iyong ama ay Tulome. Pag binaligtad mo ay Metulo. tsk.. di kasi nag-iingat. Mahal na mahal ka nila.. kungdi nga lang dahil kay Tom Labuyo.. ay di ka mawawalay sa kanila...
Di napigilan ni Elsa ang pagluha.. lalo na't ang pangit pala ng tunay nyang pangalan.. Ayaw naman nyang punasan ang luha nya.. dahil mas maganda daw ang effect ng tumutulo lang.. cinematic daw ang dating..
Elsa: Sino si Tom Labuyo? *tulo pa rin ang luha sa mga pisngi*
Superpekpek Orange: Sya ang nagtake over sa Planetang Pektonia... Ang laking lalaki siguro nyang si Labuyo.. dahil ang kanyang mga Robot na me hugis Etits ay malalaki.. pinapatay nya lahat ng mga tao sa pektonia.. at kasama sa napatay ang iyong ama't ina... Wala pang nakakakita kay Labuyo kaya huwag mo kong tanungin kung ano itsura nya... ang alam ko malaking boses na nakakatakot.. pero syempre di mo maaalis ang mga tsismax na nasagap namin bago ka sundan..
Elsa: Anong tsismax yun?
Superpekpek Green: Na si haring labuyo daw ay maliit na tao lamang.. kung di sya gumamit ng malalaking Robot... ay di sana nya makukuha ang Pektonia.. dahil paniguradong kayang kaya syang bugbugin ng Mahal na reynang Mena.
Superpekpek Orange: Alam mo ba Elsa na pagkatapos ng session nating ito.. ay mag-iiba na ang pakiramdam mo? Mararamdaman mo na ang lahat ng mga supernatural things na dapat mong maramdaman nuon pa... At kami ay magiging tunay na tao na.. yehey! teka nga muna, yosi ako.. tuloy mo Green ang kwento.... gandahan mo ha.
Tahimik na nakinig si Elsa sa kwento ni Superpekpek Green habang ang ibang superpekpek ay nakaupo sa isang tabi, ang iba ay nag-yoyosi.. ang iba naman ay tumotoma... habang ang ilan ay text pa rin ng text. Punyeta. Kinuwento ni Superpekpek Green na nung sanggol pa lamang si Elsa, upang masagip sa paghuhurumentado ni tangnang labuyo, inilgay sya sa isang condom at ibinala sa kanyon... papunta sanang Mars ang sinabing condom ngunit sa Earth nga bumagsak dahil na rin sa pagkataranta ng Mahal na Hari. Ng malaman ng mahal na reyna ang nangyari, agad na pinatawag ang mga Superpekpek heroes upang sundan ang anak...
Superpekpek Green: At ang paborito mong kulay ang itim... ang paborito mong alaga ay.. nak ng tuta, pussy cat...
Elsa: Peach..
Superpekpek Green: Itim.. *sabay laki ng mata* yan ang nakalagay sa record mo...
Elsa: Itim nga... *tulo ang sipon*
Biglang sumabat si Red at nakakuha naman ng pagkatataong magpahinga ang ngawit ng ngala-ngala ni Superpekpek Green... kaya kumuha muna sya ng maiinom at nag-yosi habang si Superpekpek Red na ang tumitirada ng kwento.
Superpekpek Red: Ay yes.. kilala mo ba si superman? He's the guy who's wearing a brief outside his pants.. Ex ko yun eh...anyway.. just like him kasi... meron ka ring weakness... katapat ng kryptonite nya.. ay Sperm.. so everytime na malalapit ka sa substance na yan ay meron kang kakaibang mararamdaman... at simula ngayon.. you should take care of yourself always kasi you'll be prone to certain situations na and you are obligated to serve humanity.. yung mga humans lang naman na feel naming tulungan so if we don't feel like helping anybody.. swerte mo kasi Rest day yun. Don't worry about anything.. we'll both learn as time passes by.. syempre magtutulungan.. and For your information.. magiging tao na kami after these.. so we don't have to visit you sa dreams.. pwera na lang kung emergency. *smile* uhmmm *isip* what else pa ba? Do you have questions pa ba?! gosh.. i need to lubricate my contacts na.. masakit na my eyes..
Si Elsa ay nanahimik lang at iyak ng iyak.. sinabihan na syang tumahimik pero umiyak lalo ng mas malakas... Nang ambaan syang sasapakin ni Superpekpek Orange ay nanahimik ng bigla ang lukaret.. Ng wala ng maitanong si Elsa.. dahil binigyan na sya ng listahan ng mga bagay na dapat nyang malaman... tulad ng paliligo at pagtututbras twing matatapos kumain.. at kung pano sya gagamitin ng mga superpekpek heroes bilang instrumento.... Handang handa na ang ating mga bidang sugpuin ang kasamaan.
Nagising si Elsa dahil sa lakas ng kalabog ng mga Nyog na dineliver ni Baho.. "taena ka baho! di mo ba nakikita natutulog ako!? letse ka ah.. "sabi ng ating bida. "Letse ka din, nakanganga ka pa jan..... hapon na.. dapat nga nagsasara ka na eh! Ang tatay mo nandun na naman kila Aling Selya.. mukhang sila na ata ah"sambit naman ni Baho sabay kindat na me kahulugan.. "Gago! di papatulan ng Daddy ko yun!! me taste ang daddy ko!" sagot ni Elsa.."Ang taste ng daddy mo-- ISAW!"Sabi ni Baho sabay kiss sa pisngi ni Elsa "Uhmmm.. bango! Amoy Baygon... uhmmm kakagigil!!" dugtung pa nito. Kumuha ng itak si Elsa at hinabol si Baho... mabilis na tumakbo ang lalaki dahil ayaw nyang maputol ang kanyang.. buhok.. at b*ya*.
Aral na matutunan sa kwentong nasaad: Ang lalaking matulin tumakbo, mahaba ang buhay.
Sagot sa mga katanungan nung nakaraang episode: Buhay as in Life ang tinutukoy sa aral.. at hindi buhay ang mga nyog na kinakayod ni Elsa... Ayon kay Elsa, mas gusto nya ang manual na kayudan.. dahil bata pa daw sya ay gusto nyang mangabayo.... kaya daw enjoy na enjoy sya pag kinakabayo nya ang kayudan.. at kumikita na din at the same time. Ayaw kumain ni Mimi dahil busog sya. Sino si Mimi? care ko.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: SINO ANG SUPERPEKPEK NA MAHILIG MAGTEXT?!
Tang na dapat alam mo kung sino kunghindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!