Isang araw, Habang me toma session sa BathCave.. napagusapan ng mga Superpekpek ang bonding ritual na gagawin nila para kay Elsa.
Superpekpek Green: Hmm.. kelan natin ilalabas si Elsa? Binisita ko sya kanina sa palengke.. sabi nya naiinip daw sya sa bahay nila. Nagsasawa na daw sya sa mukha ni Mang Gusting...
Superpekpek Yellow: Kayo kung kelan kayo free.. ako anytime pede naman ako..
Superpekpek Red: Where are we going to make her pasyal ba? You want sa Place to be of the Rich and Famous? I know a place kasi..
Superpekpek Blue: Teka.. wag sa Richie Rich land.. no money involved ako ngayon.. dun na lang sa dati nating tinatambayan..
Superpekpek Lavander: Hay naku, wag na kayo magtalo kung san tayo gigimik.. cause I know a place... Tapos Singles Night nila.. ibig sabihin dami papables!
Napraning ang mga Superpekpek pagkarining ng salitang Singles Night.. Feeling Heaven ang mga ilusyonada.
Superpekpek Orange: Puta.. Single's night.. single's night! Mamaya puro matatanda naman ang makikita dun!!! *hithit yosi* Saka san ba yan?
Superpekpek Lavander: Kasi yung NFF (New Found Friend) ko.. me bar.. *abot yosi mula sa lamesa*
Superpekpek Green: Sino naman yang NFF mo?! *taas ang kilay*
Superpekpek Lavander: Si Kili... di nyo ba sya know? Di kasi kayo nanunuod ng soap opera eh! Di nyo ba alam na si Kili ang Reyna ng Drama!?
Superpekpek Orange: Ngiiii.... putah.. tigilan mo na yang kinasasadlakan mo ha, lavander!! putah.... pati ba naman soap opera... *iling sabay tingin ng masama kay lavander*
Superpekpek Red: Sorry, Lavander.. I don't watch kasi Soap Opera ng Pinoys eh.. Alam mo naman na mga low quality ang production nila.. and besides... kaya nga tayo me cable for us to watch foreign sitcoms and shows noh!
Superpekpek Green: Tangna.. si Kili? hmmmnn.. sino si Kili?
Superpekpek Lavander: Di mo kilala si Kili? Sya ang kapartner ni Sergio sa Marimar.
Superpekpek Green: Putah.. Si Tahlia yun eh! Kami ba tinatarantado mo?
Superpekpek Lavander: Huh? Tanga! Si Kili yun!!
Superpekpek Yellow: Foreigner si Kili? Kili pala pangalan nun.. akala ko Tahlia rin eh.
Superpekpek Lavander: Hindi.. putah..
Superpekpek Blue: E panong naging sya si Marimar kung hindi sya yun?
Superpekpek Lavander: E mga shunga-shunga pala kayo eh!! Sya yung boses ni Marimar dun!! Grabe ang galing nya mag-paiyak no? Everytime napapanuod ko sya.. di ko mapigilan na mapaluha talaga... as in! Parang binibiyak ang pu... *hithit yosi habang nakatingin ang ibang Superpekpek at hinihintay ang kasunod ng PU-* so ko. *buga usok*
Superpekpek Green: Ayaw na kita kausap, shet ka.. umalis ka sa harap ko... nagdidilim paningin ko! Sarap mong saktan..
Superpekpek Orange: Putah.. ayaw ko sumama sa inyo.. ganda ganda ko eh!!
Ang ibang Superpekpeks ay walang pakielam at tuloy lang ang walang hanggang pagwasak sa kanilang mga baga at atay... Sumapit ang hatinggabi ay di pa rin tapos ang toma session ng mga Superpekpek Heroes... ng mapansing tahimik na ang buong paligid at tulog na ang kanilang kapitbahay. Binuksan ni Superpekpek Orange ang kanilang bagong bagong component... at nagpatugtog ng mga masasayang kanta.. Di pa nakatiis.. isinaksak ang mic at nagkantahan pa ang mga lasinggera! Kundi ba naman talagang masasama ang ugali ng mga babaeng ito...
Superpekpek Yellow: Baka pabarangay tayo.. *Sabay tawa ng malakas*
Superpekpek Green: Sus.. subukan nila noh! Minsan lang naman ang ganito ah! *tuloy sa pagkanta*
Superpekpek Orange: Puta.. subukan nila noh! Hoy, Green.. pahiram naman ng mic! Dupang ka din eh!
Superpekpek Blue: *text forever*
Superpekpek Red: Hehehe.. as if they would pakielam us... Subukan lang nila to yell at us.. talaga naman.. I will make them sabunot like I've never sabunot before.. gosh.. I'm drunk na! *giggles*
Nagkatawanan ang mga Superpekpek Heroes dahil alam nilang lasing na nga talaga si Superpekpek Red.. Napagkasunduan din sa huli na ituloy at subukan ang bar ni Kili tutal ay mayron daw libreng palabas at meron ka pang pagkakataong pahiyain ang sarili sa harap ng maraming tao sa pamamagitan ng pagtula o pagkanta. Makalipas pa ang ilang minuto ay opisyal na tinapos ang toma session.. Isa isa ng nagsipagligo ang mga Superpekpek dahil isa yan sa house rules: BAWAL MAHIGA SA KAMA NG HINDI PA NALILIGO. Kinabukasan ay tinext nila si Elsa para ipaalam ang balak at upang makapagpapaalam na din ito kay Mang Gusting.
Elsa: Daaadddddd!
Mang Gusting: *nagising mula sa pag day dream* Linsyak kang bata ka!! Kay sarap sarap ng iniisip ko.. biro mo si Aling Selya mo daw .. nagiihaw ng isaw ng halos walang saplot!! Talaga naman.. kakagigil!! Sarap sarap ng isaw!! Tapos ginising mo ko! lintek... o baket? Ano ang problema mo?!
Elsa: E daddy.. di naman panaginip yun eh!! Ganun ho talaga mag-ihaw si Aling Selya.. kaya nga sya syota ng bayan eh!! Anyway, e kasi.. nagtext ho sa akin ang mga kaibigan ko..... niyayaya akong lumabas mamayang gabi.
Mang Gusting: Ganun ba?! O e di sumama ka.. isama mo si Baho para meron kang kasabay sa pag-uwi...
Elsa: *nayamot* si BAho?! hindi pede dad... kasi all girls ang lakad.. bawal ang lalaki.. saka buti sana kung si Doc yun.. e kaso si Baho yun.. akalain ng mga tao ako yung nangangamoy...
Mang Gusting: Asussss... mano naman kung akalain nilang ikaw yung maantot na nilalang?! Ikamamatay mo ba yun?! Saka anak.. iba na ang panahon ngayon.. dapat nag-iingat ka..
Elsa: Dad, mas safe ako ng hindi kasama si Baho.. at ikamamatay ko kung aakalain ng mga tao na ako ang maantot! Hirap na hirap akong maghilod araw araw para lang mawala mga libag at banil ko! Tapos ng dahil lang kay Baho.. mapapahiya ako?! Papatayin ko muna syang hayup sya bago mangyari yun!
Mang Gusting: *tawa malakas* o sya.. sya.. kung ayaw mo e di ayaw mo... meron ka na bang damit na isusuot? San ba kayo pupunta ng mga kaibigan mo?
Elsa: Sa kabilang bayan ho siguro.. dahil dun lang naman buhay ang night life eh.. meron na ho akong isusuot... saka... *ngiting aso sabay akap sa tatay nya* saka dad.. penge akong pera ha?! Labyu...
Mang Gusting: O sige.. bibigyan kita ng pera.. kaso me dumating na order ng 3 kilong nyog ngayon.. kayudin mo muna bago ka umalis ha? Me lalakarin ako sa munisipyo...
Elsa: *tuwang tuwa* Sige daddy.. ako ang bahala.. magaling ata ako magkayod ng nyog! *kiss sa ama*
Ang lukaret na Elsa ay nagkayod ng nyog ng buong saya.. kumakanta pa.. walang kasing galing sa pagkayod ang ating bida. Gamit nya ang manual nyang kayudan dahil gusto nyang pawisan di ata sya nakapagworkout ng umagang yun. Hala.. bayo.. kayod ang ginawa ni Elsa.. sa sobrang libang lumampas pa ang nyog sa 3 kilo dangkasi'y kasama na dun ang pawis nya. Nang matapos sa pagkayod.. ay buong saya syang nagbantay ng tindahan, excited na syang makalabas at ang kasama pa nya ngayon ay ang mga Superpekpek Heroes.. di katulad nun.. lagi na lang si Baho ang kasama nya.. kaya tuloy nahahawa na sya sa baktol ng hinayupak na si Baho eh. Sumapit ang dapit-hapon.. nagsara ang ating bida at dali-daling umuwi. Ng makapaligo, nagbihis at nag-ayos sya.. Tumunog ang cellphone nya.."taena, wer r u? khpon pa us here.." text ni Superpekpek Red. Putah.. nalibang pala sa pagtitig sa sarili ang Elsa ... dangkasi'y kakaiba ang itsura nya..feel nya ay Gandalicious sya! Ng makita ang text.. nagreply sya.."traffic.. w8 4 me.. " na sinagot naman ni Superpekpek Blue ng "Putah.. traffic ka jan! Nsa bukid ka tugak! dadaanan k nmin jan!". Sinundo ng mga Superpekpek si Elsa.. at tumungo na nga sila sa bar na pag-aari ni Kili. Ang pangalan din ng bar ni Kili ay Kili. Sa loob umorder ng toma ang mga bida.. si Elsa ay nagpaka-inarte at ang inorder ay iced tea.
Elsa: *sip* hmmm... what time yung film showing?
Superpekpek Lavander: Maya maya pa.. tapusin mo na yang iced tea mo at mag-beer ka na!!
Naghintay ang mga Superpekpek at si Elsa sa film showing.. Sa wakas after 48 years, ay pinalabas na rin ang mga pelikula.. Iba't-ibang kapraningan tungkol sa pag-ibig ang pinalabas.. Feeling tuloy ng Superpekpek ay gabi ng parangal. Feeling nila ay nabunyag na ang lihim nila... naging tensyonado ang ating mga bida...
Superpekpek Green: Puta.. lavander, parang para sa atin ang film showing ah... prang ikaw yung pinatatamaan sa unang pelikula.. *tawa ng malakas*
Superpekpek Lavander: Tanga... anong ako.. di ko naman sinunog sarili ko noh!! Sinunog ko yung guy! After ko syang halayin to the max! gago ba sya... sinaktan na nga nya ako.. tapos sasaktan ko pa rin sarli ko? tang-ina nya! *inom beer*
Superpekpek Red: Gee.. I feel like making a poem.. *naglabas ng ballpen at nagsimulang sumulat*
Superpekpek Green: Taena, ang morbid naman gumawa ng pelikula ng director nyan.. gusto ko tuloy sya ma-meet.
Superpekpek Orange: Putah ka, Lavander.. Singles Night nga ito.. E puro Single na Babae naman ang andito.. *irap*
Superpekpek Lavander: Yaan nyo na.. ganda naman mga movie di ba?! Prang pinalabas para lang sa atin... Ano pinakagusto nyo?
Nagbigay ng kanya kanyang haka-haka ang mga Superpekpek.. Si Superpekpek Red ay umakyat ng stage at tumula.. Hanep.. ang saya..Kapal talaga ng mukha ng Superpekpek na ito. Samatantalang si Elsa ay nagmamasid lang.. at nagpapakyut. Ng mga oras naman iyon... ang tang-inang director pala ng pelikula ay nag-iikot at nangangalap ng impormasyon ukol sa pelikula na kanyang ginawa.. Ng pumunta ito sa mesa katabi ng mesa ng Superpekpek... biglang nanghina si Elsa at nahilo... naloka ang mga Superpekpek na lasing na ng mga oras na yun..
Superpekpek Orange: Ano? tang-ina, Elsa ha! Iced tea lang ininum mo bakit ka nahihilo?
Elsa: Di ko alam.. bigla na lang ako nanghina...
Ng umalis ang director ay biglang lumakas ang Elsa.. ng makita ito ni Superpekpek Blue.. ay alam na nya agad kung ano ang nangyayari.
Superpekpek Blue: Puta.. mga mare.. carrier si Director X ng Sperm.. kaya nanghihina si Elsa.. Isa syang sugo ni Haring Labuyo... Kaya siguro ganun na lang ang pelikulang pinalabas nya... alam na alam nya ang mga ginagawa natin sa mga etits na magpalaro.. sa mga lalaking manloloko.. sa mapang-api at abusadong etits! puta...*hinga*
Ng marinig nga mga senglot na Superpekpek ang naturang sinabi ni Superpekpek Blue.. ay nagsitayo ito at pinalakpakan sya.
Superpekpek Blue: Ano ba kayo?! Hindi nyo ba naiintindihan na maaring mamatay si Elsa? Kailangan na natin i-combine ang ating mga powers para masugpo ang kasamaan.
Ng maintindihan nila ang sitwasyon ay sabay sabay na tumingala ang mga superpekpek, itinaas ang dalawang kamay at sumigaw ng "Superpekpek Powers combineeeeeeeeeee!" Ng makita ng mga tao dun ang nangyari ay nagtawanan sila at pumalakpak. Nabalot ang buong kapaligiran ng usok at isa isang pumasok ang mga lasing na superpekpek sa katawan ni Elsa... nag transform ang ating bida at sya ay naging isang malaking pekpek...
Elsa the Superpekpek: Director X! Tang-ina mo! hehehehehe
Director X: Tang-ina mo ka rin!
Elsa the Superpekpek: Mas tang-ina mo ka! hehehehhe
Director X: Inaano kitang tang-inang pekpek ka!?
Naloka ang Elsa dahil hindi nya alam ang isasagot sa tanong ni Director X, dahil wala naman talagang ginagawa ito sa kanya...
Elsa the Superpekpek: ah.. eh.. basta tang-ina ka!! heheeheh
Director X: Lukaret ka palang pekpek ka eh!
Elsa the Superpekpek: ah.. ayun.. tang-ina ka kasi.. uhmmm*isip* kasi... tang-ina yung pelikula mo!
Director X: *Naimbyerna* Tang-na ka... latiin mo na buo kong pagkatao, tawagin mo na akong puta.. tawagin mo na akong bakla! Huwag na huwag mo lang tatawaging tang-ina ang mga pelikula ko!
Sa sobrang galit ni Director X ay umitim ito... at biglang nagbagong anyo... naging isang multong bakla ang baklutay.
Director X: Tang-ina ka Elsa... di ko mapapalagpas ang ginawa mo na ito! Sa gabi pa man din ng aking palabas!! Masyado kang attention grabber bruhilda ka! Dapat sayo ay mamatay!! *labas ang sperm gun*
Elsa the Superpekpek: Heheheeh.. care mo kung attention grabber ako... hehhehehe... pakyu!
Talagang galit na galit si Director X kay Elsa dahil binabastos sya ng ating bida sa harap pa man din ng mga manunuod.. at di lang yun.. meron pang mga nagtatrabaho sa TV.. mga future companies na pede nyang pagraketan. Ang Elsa naman ay walang pakielam dangkasi nga ay lasing .. pinagtatawanan lang ng huli ang galit na galit ng director.
Director X: Packingshet! Akala mo ba ay hindi ako na-orient bago malaman nila Haring Labuyo na bakla ako!? Bago nila ako pagtangkaang halayin at patayin?! Akala mo ba na hindi ko alam na Sperm lang ang katapat mo?
Elsa: Whatever... hehehehehe
Inasinta ni Director X si Elsa ng Sperm gun nya... pero mas mabilis ang ating bida.. dala na rin siguro ng alcohol na natoma ng mga Superpekpek...
Elsa the Superpekpek: *sigaw* Magic mirrrrrrroooooorrrr!
Nagulat si Director X dahil di nya akalaing na kay Elsa pala ang magic mirror... natakot sya... pumikit... dahil alam nya ang kapangyarihan ng magic mirror na yun. Itinapat ni Elsa ang magic mirror kay Director X... nang nakita nyang nakapikit ang hitad na bakla.. ay pinukpok nya ito ng magic mirror. Natumba ang Director... at nawalan ng malay..
Elsa the Superpekpek: um! Yan ang bagay sayong bakla ka! sa pagbisto mo sa mga ginagawa ng Superpekpek sa mga kelots na traydor.
Director X: Patayin mo na akoooooo.... *unti unting nagkamalay.* Patayin mo na akoo... wala na akong mukhang maihaharap sa kanila.. sa bayan...*iyak* wala na... taon ang binilang ko para maaabot ang kinatatayuan ko ngayon....tapos dahil sa kagaguhan mong lasing ka.. nawala ng isang iglap...*hagulgol*
Elsa the Superpekpek: Panong di kita haharapin eh.. sperm carrier ka...
Director X: Panong di ako magiging sperm carrier.. Bakla akooooo!! kakahada ko lang kasama ko pa nga si piolo..
Elsa the Superpekpek: *medyo huminahon ng konti* Si piolo? si piolo? tangna bading ba yun?! Tangna bading si piolo.. hehehehhe.. pakyu kayo mga bakla..
Director X: Patayin mo na ako... wala na akong mukhang ihaharap sa kanila...
Elsa the Superpekpek: Sabi mo ha! okey sa alright.. your wish is my fucking command! hehehehhe
Pero may ibang plano si Elsa sa Multong bakla na si Director X. Ang lasing na si Superpekpek ay inilabas ang laser lipstick at inasinta ang sperm gun ni Director X.. pagkatapos ay naglabas ng duster ang ating bida.. inabot ito kay Director X... isinuot ng huli ang nasabing duster at tuwang tuwa ang bakla dahil paboritong kulay pa nya yun. Isinunod na inilabas ni Elsa ang magic make up kit at inayusan si Director X. Pagkuwa'y.. hinipan ni Elsa ang bakla.. at sa isang iglap ay nawala na ito. Ng matapos ang lahat... isa-isang umalis sa katawan ni Elsa ang mga Superpekpek.. Ang mga tao naman ay natanga at ang akala ay parte pa rin iyon ng pagsasaya... walang humpay ang palakpakan at sigawan. Pinauulit pa.. tangina talaga! Tinuloy ng mga Superpekpek ang pagtoma.. si Elsa naman din ay umorder na ng beer.. dahil na rin wala na raw iced tea.
Superpekpek Yellow: Green, san mo pinadala si Director X?
Superpekpek Green: Dun sa lugar na palagi syang masaya at sya ng Reyna....
Superpekpek Orange: San nga?! puta..
"Puta ka, Bobby! wala kang galang sa Prinsesa natin ah! Lumuhod ka! Pag sinabi ni Princess na tumuwad ka tutuwad ka! Pag sinabi ni Pricess na tumalon ka at kumandong sa kanya.. kakandong ka ng nakahubad!" sabi ng isang inmate. Tuwang tuwa naman si Princess.. ang bagong pangalan ni Director X. Sa loob loob nya ay ambait ni Elsa... dahil dinala sya sa paraiso, kung saan sya ang nasusunod at lahat ay alipin ng kanyang ganda at alindog... salamat sa duster na kulay pink.. at sa make-up.. si Princess na ang bagong Reyna ng Selda 14.
Umuwi ang mga Superpekpek na mas close ang bonding... at si Elsa naman ay umuwi na may aral na namang natutunan: Ang iced tea ay tsaa, di ka dapat malasing.
Hanggang sa pagbabalik ng The adventures of Elsa and the Superpekpek Heroes!!!(echo:pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode: SINONG SUPERPEKPEK ANG MAHILIG MAGTEXT? SAGOT: Si superpekpek Blue. Ang nag-iisang sumali ay walang iba kundi si JOEY GARCIA. Nguni't dahil sa ilang teknikalidad... ay di sya pedeng kumubra ng premyo.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: ANONG HOUSE RULE ANG MAHIGPIT NA PINATUTUPAD SA BATHCAVE?
Tang na dapat alam moang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!