Isang umaga habang naghihintay ang Elsa sa kanyang mga suki, sya ay matamang nanunuod sa mga dumadaan.. at naisip nya, kay raming pangit na sa mundo at nararamdaman nya na malapit ng magunaw ang mundo dahil darating ang panahon na di na makakaya ang bigat ng kapangitan ng mga nilalang na nakatira duon... nakita nya si Doc Tarugo.. kay laki ng pinagbago nito mula ng mapunta ng maynila.. biro mo.. last week lang yun.. doctor na agad sya..Nagsaya ang buong barangay sa pagbalik ni Sitong.. me dala dala syang diploma na syang pinangsasampal nya sa mga taong kumukwestyon ang kanyang naabot... Kay Pogi talaga ng hayup... kundi nga lang ba... ahhhh puta.. Naalala nya ang nakaraan..
Malayo palang ay malagkit na ang tingin ni elsa sa paparating na isang magarang sidecar, sakay nito si Sitong Tarugo, nakangiti na ito sa kanya ng ubod ng tamis, halos malaglag na ang panty ni elsa, at sakitan ng panga sa kakangiti. Dahan-dahang bumaba ang binata, lumapit kay elsa habang ang isa naman ay nangangarap na ng kung anu-ano.
Sitong Tarugo: Hi Elsa!
Elsa: *Kukurap-kurap ang mga mata, halos magkanda-duling na* Hi Sitong Tarugo, napadaan ka.
Sitong Tarugo: Me gusto sana kong sabihin sayo.
Elsa: *nakonsyus* ano ba yon?
Sitong Tarugo: Yaman din lamang at dati naman tayong magkalaro, di na ko mahihiyang sabihing
Elsa: Sandali lang wag mo munang sabihin kung ano man yan..kuha lang ako na tubig at baka ikamatay ko pa yang sasabihin mo *bulong* Di pa kita ma-enjoy..
Pagbalik ni Elsa dala ang isang tubig sa jorlogs na baso
Elsa: Okey, game
Sitong Tarugo: Gusto ko sanang mamasyal sa dalampasigan, kasama ang isang dilag ..sakay ng sidecar ko. Kaso..me sira ang isang ilaw ko, gabi ko pa namang gustong pumunta para mas romantic. Anong oras ka ba nagsasara ng tindahan?
Elsa: *napalunok at nangiyak-ngiyak pa* alas siete.
Sitong Tarugo: *napalundag sa tuwa* Yahoo!!!!!! E di ibig sabihin pedeng dalhin yang lampara nyo?? Promise ha?! Alas siete ka magsasara?wag kang aalis mamaya, daanan kita. *dali-daling sumakay sa sidecar at umalis*Elsa: *deadma tone* sige.
Kinagabihan... Japorms na japorms si Elsa. Aba, naligo sya ng husto.. dahil ayaw nyang me maamoy na di kanais nais si Sitong Tarugo sa kanya. Hinihintay nya si Sitong Tarugo sa labas ng tindahan bitbit ang lampara na hinihiram ng huli.
Malayo pa lang ay tanaw na ng ating bida si Sitong Tarugo, panay ang sikad sa side car nya. Hanep ang gara talaga ng sidecar ni Sitong.. Kung sya ang mapapangasawa ni Sitong paniguradong kaiingitan sya ng mga kadalagahan.. dahil da-ko si Sitong sabi na rin ng mga bading.. at syempre pa.. ang ganda ng side car nila!. Ayos na ayos ang sidecar , me bubong at me kortina pa. Hindi makikita ang tao sa loob... Na-tense ang Elsa.. at pinagpawisan ang mga pasmadong kamay, paa at kili-kili.
Sitong Tarugo: Hi sorry I got late kanina ka pa?
Elsa: Di masyado. *abot ng lampara*
Sitong Tarugo: *inabot ang lampara* O pano.. salamat sa pagpapahiram mo ng lampara, Elsa ha! I owes you ones! Gusto ko lang talaga ipasyal si Elena eh.
Aamba na sanang sasakay si Elsa ng biglang pinaandar ni Sitong ang magarang sidecar.. Napatanga si Elsa dahil si Elenang anak pala ni Aling Siony ang ka-deyt ng hayup na ito!
Sitong Tarugo: Nagmamadali na kami e, *pasigaw na sabi ng kupal*baka gabihin kami sa daan, (sabay ngiti sa babae sa loob). Teka, *nag-break*mukhang me deyt ka rin huh? San ba kayo magkikita? Sabay ka na samen.
Elsa: *Tigas na iling*Ah, e, di na, malapit lang ako. Sige baka nainip na yung kausap ko. (sabay talikod)
Sitong Tarugo: Kei. Bye. Soli ko nalang mamaya! Ingat ka. Enjoys!!!
Elsa: *ngiting aso* Kayo rin *pabulong* mga paking siyet..
Naglakad ng kaunti si Elsa, kunyaring me lakad nga. Nang di na sya tanaw ni Sitong Tarugo, Umupo ito sa isang sulok at napatanga... napatingin sa pasmado nyang kamay... nalala nya ang saya nya habang naghihilod sya.. habang umaawit sya habang kiskis nya ang kilikili nya... di nya napansing tumutulo pala ang luha sa kanyang mata.. ng mapansin nya.. nilagyan na nya ng sound... ngumawa ng ngumawa ang Elsa sa sidewalk ng palengke.
Dahil na rin sa lakas ng ngawa ni Elsa.. ay narinig ito ni Superpekpek Red.. akala ng huli ay mayron silang sasagipin...Datingan ang mga superpekpek sa palengke. Ng makitang nakaupo sa sidewalk si Elsa, inakala ng lahat na nahold-up ito.
Superpekpek Orange: Nak ng puta! Ano namang katangahan yan????
Superpekpek Red: *awang-awa* Alam mo you're so rude superpekpek Orange, she's crying na nga, away mo pa. Can't you see she's in pain
Superpekpek Orange: O sya, anong problema Elsa?
Superpekpek Green: Pano, akala nya siya ang dadalhin ni Sitong Tarugo sa Dalampasigan. Hehehehe.. kanina pa ako nunuod sa gintong botelya eh.. kita ko lahat.. *tawa*
Superpekpek Orange: *tingin matalim kay Green* Puta tumahimik ka jan. Elsa, ano ba talaga nangyari? Di ka ba magsasalita? o gusto mong lasingin kita para bukas meron kang hangover at malaman ni Sitong na affected kang letse ka!?
Elsa: Pano, si Sitong Tarugo huhuhuhuhu .... akala ko shet... waaaaaaaahhh jumaporms pa naman ako huhuhuhu yun pala *singhot*
Superpekpek Orange: *sinampal si Elsa, kaliwa't kanan*Puta tumahan ka, papanoorin nalang namin. Blue, pakikuha yung gintong botelya.. alangan naman umuwi pa tayo para manuod sa monitor...
Superpekpek Blue: Huh? Bat ako, sandali reply lang ako sa ka-text ko.
Superpekpek Green: Ako nalang, alam ko kung san nakalagay.
Kinuha ni Superpekpek Green ang Botelya at iniabot kay Superpekpek Orange. Ang lahat ay tumahimik at pinanuod ang nangyari ng araw na iyon..
Superpekpek Orange: E gago pala talaga yang Sitong Tarugo na yan e.
Superpekpek Red: Gosh, saket!
Superpekpek Yellow: Elsa, hayaan mo na sya, ibaling mo nalang sa iba
Superpekpek Blue: Ano, lavender, say something!!!
Superpekpek Lavender: A ewan, putaenang siyet!!!!!!!
Superpekpeks Green, Red, Orange, Blue, at Yellow: Bwahahaha!!! Naka-relate ang gaga! Tigilan mo yan!!!!
Superpekpek Lavender: Pak you, kinalimutan ko na un!!!
Elsa:*tingin kay Superpekpek Lavander* Baket, nasubukan mo na bang paasahin?
Superpekpek Lavender: E gaga pala talaga to e.. *amba ng sapak kay Elsa* Gusto mo ba masaktan?
Superpekpek Green: Hay naku, lavender, kwento mo na, tutal tapos nayun di ba?
Superpekpek Lavender: Shut up!!!!!!!!
Superpekpek Green: Hay naku Elsa, kse dati yan si Lavender, nahibang sa isang oportunista. Akala nya, un na, akala nya sya na
Elsa: tapos---
Superpekpek Orange: Ayun, sa sobrang oprtunista nung kupal na yun, nauntog din bandang huli yan gagang yan, kaso matagal bago nya na-realized na tinatarantado na sya
Elsa: anong nangyari? Nasan na ung kupal na un?
Superpekpek Yellow: Oo nga, ano ba talaga nangyari? Di ba sabi mo ok na ulet kayo?
Superpekpek Lavender: Akala ko nga din.. kasi nagtetelegrama sya.. sumasagot naman ako.. akala ko ok na.. akala ko .. ah puta! Mali lahat akala ko! Syet na malagkit!
Superpekpek Orange: Puta.. affected ka pa rin ah.. mukhang merong nangyari?! hmmm..
Elsa: Ikuwento mo naman Superpekpek Lavander.. para naman marealize ko na hindi lang ako ang tanga sa putang inang world na ito..
Superpekpek Lavander: Ay naku putaenangshet talaga.. pede ba wag na natin pag-usapan kasi masakeeeett!! naalala ko na naman ang nakaraan! puta..
Superpekpek Orange: Puta ka! magkwento ka!
Superpekpek Lavander: O sya sya.. ikukwento ngaaaaa!! dun tayo sa tindahan nyo Elsa....
At nagpunta nga ang mga Superpekpek Heroes kasama si Elsa sa tindahan ng nyog.
Superpekpek Orange: O game.. kwento.. puta pag me nagsalita maliban kay Lavander, mamamatay!
Sa hudyat na iyon, sinimulan ni Superpekpek Lavander ang kwento ng kanyang buhay... kung paano sya nag-volunteer sa mahal na reyna at hari ng pektonia upang maging gabay ni Elsa at ng maipaghiganti nya ang kanyang mga kasawian.
Superpekpek Lavander: Nagsimula ang lahat nung mga bata pa kami ni Iowi.. walang malisya.. pero ako meron na para sa kanya... naalala ko naglalaro pa kami ng walang salawal.. *mapait na ngiti*pero di namin alintana yun dahil mga bata pa kami. Ang naalala ko la-lalawit lawit yung batutoy nya... *kilig*Tapos.. napagkasunduan ng aming mga magulang na kami ang dapat maging mag-asawa dahil bagay na bagay kami.. da-ko sya.. malaki naman ang akin.. so patas ang laban. Ng mag-aral kami, nagkahiwalay ang aming landas... natututo ako ng kung ano anong bagay.. umibig kung kani-kanino.. *naluha* nagpakaligaya sa piling ng kung sinong herodes... hanggang tumanda kami... at nagkatagpo muli ang aming landas... Tulad ni Sitong.. meron din syang sidecar... Sa aming muling pagkikita... pure friendship lang.. nakikisabay lang ako sa kanya... hanggang isang gabi.. di ko alam kung ano ang nangyari.. niyaya nya akong mag-kape. Nagtelegrama sya sa akin ng"COFFEE". Syempre, pasosyal na ako nun.. at gusto ko rin namang makalibre ng kape... kaya nagtelegrama din ako, sabi ko "SURE". Sinundo nya ako ng magara nyang sidecar.. nilagyan nya din ng kurtina at pabango. Akala ko magkakape kami, kasi di naman pedeng date dahil meron syang gelplen.. at ako ay kakahiwalay ko lang sa aking boyplen. Pero hindi ganun ang nangyari.. di kami nakapagkape.. dahil ang gusto pala talaga ni Iowi ay magsirko. Sa sidecar palang ay kung ano-ano na ang ginawa nya.. kaya di ako nakatutol ng dalhin nya ako sa kubo sa bukid.. duon sumirko.. tumalon.. tumuwad at kung ano ano pa ang ginawa ng hayup na lalaking yun. tangina... talaga naman.. ang galing galing nya..*ngiti sa magandang ala-ala*. nun lang ako nalampaso ng husto.. Pagod na pagod ako after.. at ilang araw ko ring ininda ang mga pasa at sakit ng katawan. Lumipas ang mga araw.. lumalalim ang nararamdam ko para kay Iowi.. Lagi kaming nag-co-coffee.. lagi nya akong nilalampaso.. pero ok lang dahil nga me halong pagmamahal yun sa akin, pinilit kong isinaksak sa isip ko na mahal ako ni Iowi kahit na.. kung kailangan nya lang ako saka nya ako tinetelegrama at wala akong karapatang magdemand ng kung ano man sa kanya.. di ko sinabi sa kanya ang nasa loob ko.. akala ko, ok na yung ganun... pasirko sirko.. patalon talon. *punas luha* pahagis hagis.. pakagat kagat...Akala ko, isang araw magugulat ako na bigla nyang iiwan yung tang-inang girlfriend nya para ipalit ako...pero hindi ganun ang nangyari.. niloko pa ako ng traydor... sabi nya nag-ka-cum daw ako.. pero sabi naman ng friends ko e hindi daw cum yun! Putang ina.. laki-laki ko na nagoyo pa ako! Tapos one day, hiningan ako ng ginto ng tanginang lalaki... *me galit sa mga mata* as if meron akong bibigay sa kanyang letse sya.. sabi nga ng friends ko... tigilan ko na sya.. dahil wala syang kwentang lalaki... I tried for a while na tigilan sya.. pero hindi ko nakaya.. I have to say aylabyu.. hehehee!
Napantanga at napangiwi ang mga Superpekpek sa narinig... nandiri ang iba ang iba naman ay nainis.. itinuloy ni Superpekpek Lavander ang kwento..
Superpekpek Lavander: Ng sinabihan ko sya ng aylabyu sa telegrama ang sabi nya lang sa akin eh "That's not the point!" na talaga naman ikinapraning ko.... di ko ma-gets ang gusto nyang sabihin... nalito ako.. kaya nagtelegrama ako ulit..pero di na sya sumagot. Ng di na sya sumagot.. na realize ko na tama ang mga kaibigan ko-- hindi na sya ang Iowi na kalaro kong walang salawal.. nagbago na sya.. Kaya tumoma ako... nagyosi ako at nalaman ko nga na naghahanap ang mahal na Reyna Mena at Haring Tolome ng mga gabay--Nag-apply ako at natanggap..mula nga nun ay pinoprotektahan ka namin, Elsa mula sa mga higanteng Etibots ni Labuyo..Anyway,matagal ang proseso para makalimutan ko ang putanginang yun! Pero ngayon.. napatunayan kong tanga sya.. Ay taena, putaenangshet nya! any questions?
Superpekpek Green: Magaling ba talaga sya sa sirko?
Superpekpek Orange: *ngiti at nagblush* hehehe.. puta.. walang kaparang.. nag-try akong tapatan ang lakas nya.. nag-try akong lumaban.. pero natatalo ako lagi.. ang nasasabi ko lang.."huwag po, huwag po.. ayaw ko na!"
Nagtawanan ang mga Superpekpek at si Elsa sa tinuran ni Lavander.. dahil me aksyon pa ito..
Elsa: Dapat ko bang kalimutan si Sitong?
Superpekpek Orange: OO.. puta.. kalimutan mo yan..
Superpekpek Lavander: O di ba, pareho ang mga putangina... hay naku Elsa.. wala syang kwentang lalaki... papasakitan ka lang nyan.. kita mo nangyari sa akin.. Naghihiganti ako.. dahil ang Superpekpek na ito *turo sa sarili* ay naapi! Naapi ng isang etits na walang kwenta at mahina ang IQ. Di pa lang nagku-krus ulit ang landas namin pero.. pag dumating ang panahon na iyon.. alam ko na ang gagawin ko.. di na ako magpapakatanga. ever..
Superpekpek Yellow: Dapat lang.. biro mo-- niloko ka.. nagcum ka daw! shet!*tawa ng malakas*
Superpekpek Blue: Pano pag niyaya kang mag-coffee?
Superpekpek Lavander: Putah.. join ako! *halakhak* pagkakataon ko na kasing gumanti.. *kamot ng ulo*
Elsa: E ano gagawin ko pagsoli ni Sitong ng lampara?
Superpekpek Green: E ano pa? e di kuhanin mo! tapos sabihin mo next time, me bayad na! Be calm.. be smart.. be beautiful, dahil isa lang yang tang-nang lalaki!
"Ay, sige.. ganun na lang gagawin ko!" Matiim na sabi ni Elsa. Ng umagang yun... dumaan si Sitong sa tindahan para isoli ang lampara... ang saya saya ng mukha nito.. mukhang solved ang letse.
Sitong Tarugo: Elsa.. ito na ang lampara nyo.. salamat ng marami ha! *tamis ng ngiti ni kups*
Elsa: Walang anuman.. *check ang lampara kung me sira*
Sitong Tarugo: Ah..eh.. Elsa... sa susunod ulit ha? *nahihiyang sabi ni kups*
Elsa: *mataray mode* tangna naman Sitong.. siguro naman bago mo pagsirkuhin si Elena ulit e nakabili ka na ng bagong lampara.. di naman pwedeng habang buhay kong ipahiram sayo itong lampara namin no! Ni hindi mo pa pinalitan yung gas na nakonsumo mo!
Sitong Tarugo: Ouch ha.. that's hurts! Ang sakit mo magsalita Elsa.. minamaliit mo ko.. parang dun lang ako magaling.. sa pang-gamit ng tao! Anong palagay mo sa akin manghuhuthot?!
Elsa: *sa loob-loob* di nga ba?!
Sitong Tarugo:*me himig ng pagtatampo*Hayaan mo Elsa.. di mo na ako makikita dito.. dahil binigyan ako ni Elena ng pera pangluwas sa maynila! Duon mag-aaral ako ng medisina.. at ibibili nya ako ng bagong sidecar ...pagbalik ko dito.. bibili kita ng sangkaterbang gas, ipaligo mo sabay magyosi ka!!! At for your informing, di ako manggagamit!
Tumalikod di Elsa.. masakit para sa kanya ang mga tinuran ng lalaki.. pero wala syang magagawa... hindi pwedeng habang buhay na magpakatanga sya sa isang low-iq na nilalang tulad ni Sitong... Matapos ang isang linggong pagtira sa Maynila nagbalik si Sitong.. me titulo na syang Doc. Ahh.. si Elena? Wala na si Elena, nagbreak sila ni Sitong ng makatapos ito ng pag-aaral..kung nag-aral nga talaga ang kups.. ngayon ang syota nga ni Sitong ay si Meldy. Alam ni Elsa na may iba kay Doc Tarugo... Iba na ang tindig nito.. Pero hanggang ngayon ay di pa rin nito pinapalitan ang gas na nakosumo-- manunuba ang talaga ang putah! Pero kahit ganun.. hindi pa rin nagbabago ang pagtingin nya kay Doc.. para sa kanya ito pa rin si Sitong Tarugo.. ang lalaking habambuhay ata nyang pagnanansahan at di matitikman.. Nagulat pa ang lukaret at hapon na pala.. nagsara ng tindahan ang ating bida.. Umuwi si Elsa na may dala na namang isang aral: Ang magaling magsirko ay isang sirkero!
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode: ANO ANG SALITANG KINABUBUSWITAN NI SUPERPEKPEK ORANGE NA NAGING DAHILAN NG KAMATAYAN NG ISANG BOBONG NILALANG? SAGOT: PANGET. Ang nagwagi sa patimpalak na ire ay walang iba kundi si JAIME HOWEYTS. Taga-ilalim ng Escalator sa SM. Jaime, hintayin ang email kung pano ka makakakubra ng premyo. Pumangalawa naman sa sumali ay isang dilag mula ata sa Europa, Si Dimplets. Nahuli ng isang araw ang kanyang entry. Ganun pa man, Sumali ka ulit! Nais magpasalamat ng Superpekpek Inc, sa mga taong patuloy na sumusubaybay , tumatangkilik at nakikilahok sa ating patimpalak. Shet, touch kami!
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: 1. SAAN UMINOM NG TUBIG SI ELSA? 2. KANINONG ANAK SI ELENA? 3. ILANG ARAW NAWALA SI DOC? 4. SINO ANG NAGPAARAL KAY DOC SA MAYNILA? 5. ILANG ISTORYA MERON ANG EPISODE NA IRE?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!