Naglalakad si Superpekpek Green sa bukid patungo sa bahay nila Elsa... nilalanghap ang sariwang hangin na amoy ebak ng kalabaw..ng biglang me namataang papable ang superpekpek... inayos ang sarili at nagmagandang kumatok sa pinto nila Elsa. Ng makita ng papable na kila Elsa sya huminto ay lumapit ito... nakangiti..
Bj: Hi miss...
Superpekpek Green: Hi miss din *ngiting parang tanga*
Bj: Kaibigan mo si Elsa?
Superpekpek Green: Oo.. kaibigan ko sya.. ikaw? kaibigan mo ba sya?
Ngunit bago pa ito nakasagot ay binuksan na ni Elsa ang pinto.. dali daling nagpaalam ang lalaki. Nang makita ni Elsa ang lalaki.. ay nag-iba ang itsura nito.. nawala ang ngiti at ang saya..
Superpekpek Green: Elsa... kaibigan mo ba yun?!
Elsa: Buhay pa pala ang hayup..
Superpekpek Green: Hmm... ano yan ha?! Bakit lost ako?
Elsa: Wala... wag mo na pansinin ang isang yun...
Superpekpek Green: Hmmmnn.. parang meron akong dapat malaman ah.. bakit inagrabyado ka ba nung lalaking yun?
Elsa: di masyado...
Superpekpek Green: Ano ba yan Elsa... Talaga bang gaguhin ka o likas lang ang katangahan mo? Di naman tanga ang mahal na reyna Mena...
Elsa: Wag na nating syang pag-usapan... asan ang ibang superpekpek? Akala ko sasama sila dito?
Superpekpek Green: Dumaan lang sa palengke at bumili ng turon at kamote-q... sabi ko kasi sa kanila na wala naman talagang pagkain dito sa bahay nyo eh.. isang antas lang itinaas nyo sa pagkajologs.
Elsa: Ano sinabi sayo ng lalaking yun?
Superpekpek Green: Kita mo ka.. wag na daw pag-usapan tapos magtatanong ka? shet!
Maya-maya pa ay nagsidatingan na ang ibang Superpekpek Heroes.. nilapang ang dala dalang turon at kamote-q habang nagkukwentuhan ng mga walang kwentang bagay... si Elsa naman ay matamang nanunuod sa kanila.. at naglalakbay ang isip...
Bj: Gandang umaga Elsa! meron na ba kayong Buko juice?
Elsa: Ikaw ba yan BJ? Wala pa eh... di pa dumarating si itay...
Dise-sais años palang sya ng makilala si BJ. Si BJ ay sikat na tambay sa bayan nila ... mahilig ito sa buko juice . Kung sikat na tambay si Bj,sya din naman ay sikat dahil na rin sa galing magkayod ng nyog de manual man o de makina. Si Bj ay tipikal na tambay, nag-yoyosi.. walang trabaho.. high school graduate. Pinag-aagawan sya ng mga beautician na bading sa bayan. Ma-el ang hayup na ito... malandi.. malambing.. at malakas. Isang araw, si elsa ay masigasig na nagkakayod sa kanyang manual na kayudan... taas baba ang lukaret.. ng dumating si BJ." Wala ba ang itay mo? Pwedeng pumasok sa tindahan Elsa?" tanong ng lalaki." Sure.. sige pasok ka lang.. dahan dahanin mo lang at baka masagi mo ang mga bao.. sinalansan ko pa yan.." sagot naman ni Elsa na kinikilig.
Superpekpek Green: *basa isip ni Elsa* tapos.. ano nangyari Elsa?
Elsa: Niyaya nya ako lumabas dahil may ipapakain sya sa akin... Sumama ako dahil minsan lang may magyaya sa akin ... piniringan nya ako ng magkasarilinan kami... tapos meron syang isinubo... sabi nya kasi Nga-nga.. e di nga-nga naman ako.. tapos meron syang isinubo... malaki... mahaba.. hindi ko alam kung ano.. muntik na nga akong mamatay dahil di ako makahinga.. putah isalaksak ba naman kasi sa bibig ko lahat!?
Superpekpek Orange: Putah.. kinain mo.. hindi mo alam kung ano?
Elsa: Masarap eh! Me kakaibang amoy pero masarap...Tinanong ko sya kung ano yun.. ang sabi nya lang eh, secret.
Superpekpek Red: Then what happened? What are you talking about ba?
Superpekpek Green: *tingin kay Red* Ssshhh!
Elsa: Tapos naulit yun ng naulit.. makulit si BJ eh.. gusto nya ako kasama pag gusto nya nun.
"Elsa" tawag ni BJ.."Is that you lolo?" tanong ni Elsa. "Yeah look at my mole?" sabay kuha sa kamay ni Elsa at pinahawakan ang kanyang mole. "BJ! lintek ka!! kung ano ano yang ginagawa mo!" sambit ni Elsa sabay tawa ng malakas. Muli syang niyaya ni BJ para kumain sa labas.. sumama na naman sya... at naulit ang nangyari. Lagi nyang tinatanong si BJ kung ano yung kinakain nyang yun dahil hindi nga nya nakikita... ang alam nya lang masarap talaga yung sinusubo sa kanya ng lalaki. Lumipas ang mga araw.. hinahanap hanap na nya ang kinakain.. putah.. baby i'm an addict na sya. Malugod naman syang pinagbibigyan ni BJ. Hanggang isang araw, nabalitaan nya meron na itong iba at na ikakasal na. Pero ng tanungin naman nya ang huli ay super mega deny ang malanjeeng lalaki. Kahit pa tsismis lang yun ay tinigilan na rin ni Elsa ang pagsama kay Bj.. kahit pa hinahanap hanap nya ang mga dating ginagawa nila....
Superpekpek Orange: Ano balak mo ngayon? Affected ka pa rin?
Elsa: Wala akong balak.. di ako affected.. saka matagal na yun ... me iba na syang kinahuhumalingan... gusto ko lang malaman kung ano nga yung sinusubo nya dahil iniisip ko parati eh.
Superpekpek Green: Gaano kasarap ba yan?! Parang sarap na sarap ka nga eh.. tumutulo ang laway mo o!
Elsa:*punas laway* Oi sobra ha.. nasalo naman ng panyo ah!
Superpekpek Blue: Hmm.. I think we better look for it para naman mawala na ang agam agam ni Elsa.
Superpekpek Green: *gaya gestures ni Superpekpek Blue* agam-agam... *tawa ng malakas*
Superpekpek Blue: Pakyu! *ayos ang buhok*
Superpekpek Green: Pakyu ka din!
Superpekpek Yellow: Hmmm... sige hanapin natin yan... sundan natin si BJ kung san man sya pupunta.
Napagkasunduan ng mga Superpekpek Heroes na sundan si BJ at bago nitong syotings na si Teresa kung san man ito pupunta.. upang malaman kung ano nga ba ang sinusubo ni BJ kay Elsa nuon. Ini-schedule ang pagmanman. Matamang nakatanga ang ating mga bida habang pinanunuod nila si BJ kasama si Teresa habang umiinom ng buko juice.
Superpekpek Green: Hanep ang sweet! Akala mo tunay!
Superpekpek Orange: *tawang me halong inis* Puta... di ko yata matatagalan ang ganito!
Superpekpek Green: *sourgraping.. bulong sa sarili* taena nyo.. di kayo magtatagal! Naglolokohan din kayo nyan!
Siniko ni Superpekpek Orange si Green para manahimik ito. Wala namang ibang pinuntahan ang magsyota ng araw na iyon, kung kaya't wala silang magandang report... sumunod na araw...
Superpekpek Red: Gosh.. blue! enough na nga yang text mo! We have something to do pa no?!
Superpekpek Blue: *tingin diretso sa mukha ni Superpekpek Red* Message Sending Failed!
Superpekpek Red: What? Gee.. I need to lubricate my contacts...
Sa madaling salita, wala ring saysay ang pagbabantay ng 2 Superpekpek na iyon.. kung kaya't sila Superpekpek Yellow at Lavander na lang ang nagbantay. Bising-bisi si Superpekpek Lavander sa pagyoyosi ng bigla syang sikuhin ni Superpekpek Yellow.
Superpekpek Yellow: Ito na ang araw! yahooooo!! Nakita ko sila pumasok sa isang kwarto... hmmmmn... pinirangan ang mata nung babae..
Superpekpek Lavander: Hanep ka talaga yellow!! galing mo! Anong ginagawa?
Superpekpek Yellow: Hinihimas ni Bj yung buhok ni Teresa... puta, tumalikod eh! pwet nakikita ko! Tawagin mo ang mga Superpekpek... para malaman na once and for all kung ano ba lintek na lihim ng BJ na yan!
Tinext ni Superpekpek Lavander ang ibang Superpekpek Heroes pati na rin si Elsa...
Superpekpek Lavander: Ano na ang nangyari?
Superpekpek Yellow: Teka.. di ko masyado maaninag.. nag-dim ng ilaw eh! Buti pa combine powers na tayo para mas maayos ang power of sight ko.
Tumingala ang mga Superpekpek Heroes, tinaas ang dalawang kamay at isinigaw ang command ng pag-combine ng kanilang mga powers. Nabalot sila ng usok at isa isang pumasok kay Elsa..nag-transform ang ating bida... suot ang kapang kulay pink na may tatak na "SP 4ever"... lumipad ang malaking pekpek papunta sa kinaroroonan ni BJ at ni Teresa... Sa labas ng pinto ng kwarto, nakinig ang Superpekpek.
Teresa: Ano ba yan? Ang arte arte .. me papiring piring pa kasi ng mata..parang gago... ano ba tong isusubo mo sa akin?
Bj: Secret. Anjan nga yung thrill eh... dahil hindi mo nakikita... O nga-nga.. lakihan mo... ayannnn.. lakihan mo pa...
Teresa: Uhmmpp--hmmppp....
Bj: Masarap yan... kaya mo yan... ayaaaaannn.. uhmmmm sige paaaa... ayannn...mas malaki pala bibig mo kesa kay Elsa.. heheheheh!
Ng marinig ang tinurang iyon ay dali daling sinipa ni Elsa the Superpekpek ang pinto ng kwarto.. at duon nakita niya si Bj , ang nakapiring na si Teresa... at isang malaking shawarma. Nagulat ang mga tao sa loob ng kwarto, inalis ni Teresa ang piring ng mata at ng makita si Elsa the Superpekpek ay biglang nawala sa sarili at tumalon sa bintana. Naglanding ang kanyang lasog-lasog na katawan sa Ground Floor. Samantala ay nasa state of shock naman si Bj dahil nuon lang sya nakakita ng kapang pink... at ng giant pekpek. Hawak ang malaking shawarma sa kamay... naupo ito sa sahig at umiyak ng umiyak.. dahil sa takot o dahil nabisto sya na ang isinusubo pala nya ay shawarma, wa ako care... Napahiya si Elsa kung kaya't dali-dali itong umalis ng kwarto.. pumunta sa isang sulok, at nagbalik sa dating anyo.
Superpekpek Orange: Putah.. shawarma pala eh!
Elsa: *ngiti* at least di ba? hindi na ako magwo-wonder kung ano ba yung sinasalaksak nya sa bibig ko nun...mahihimbing na ang tulog ko...
Superpekpek Green: Pero in fairness.. kakahiya yung ginawa natin ha.. kodak moments yun! *lakas tawa* kakahiya talaga..shet.. bwahahahaha!
Superpekpek Lavander: E ganun talaga.. para din naman sa ikabubuti ng mga mamayan ang ginawa natin di ba?
Superpekpek Green: *nawala sa sinabi ni Lavander* anong ikabubuti?
Superpekpek Lavander: Basta ganun na yun...
Umuwi si Elsa na matiwasay ang loob dahil kahit paano ay naipaghiganti nya ang mga babaeng naapi.. sa paanong paraan di nya alam. Ang alam nya lang meron syang aral na natutunan: Walang sikretong di nabubunyag. In english, No secret, you got Body Odor.
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:1. SAAN UMINOM NG TUBIG SI ELSA? 2. KANINONG ANAK SI ELENA? 3. ILANG ARAW NAWALA SI DOC? 4. SINO ANG NAGPAARAL KAY DOC SA MAYNILA? 5. ILANG ISTORYA MERON ANG EPISODE NA IRE? SAGOT:1. SA JOLOGS NA BASO. 2. KAY ALING SIONY 3. 7 ARAW/ISANG LINGGO 4. SI ELENA 5. DALAWA.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: SINONG SUPERPEKPEK ANG BANTAY NG MAISIPANG SUBUAN NI BJ SI TERESA?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!