Nagising mula sa isang masamang panaginip si Superpekpek Orange.. pawisan ito at hinihingal... tumayo siya at pumunta sa ref, naglagay ng tubig sa baso at lumabas sa may terrace para manigarilyo.. Maya maya pa ay pumasok na ito dahil muntik na syang buhatin ng mga lamok duon. Sinubukan nyang matulog pero hindi sya dalawin ng antok.. naririnig nya ang hilik ng ibang Superpekpek... "tangna ang ingay" sabi nito sa sarili. Ng bigla nyang makita ang kanyang bagong bagong cellphone. Kinuha nya yun at nagsimulang mag-text. "uhmm.. sino kaya maitext ng ganitong oras?" tanong si Superpekpek Orange sa sarili. Wala syang maisip na numero kung kaya't nag-dial na lang sya. Sangkaterbang nilalang ang tinext ng ating bida.."ang unang sumagot sa text ko-- patay!" sabi nito sa sarili sabay tawa. Matama syang naghintay.. makalipas ang ilang sandali ay tumunog ang kanyang cellphone.. "Aahh, me tangang sumagot! patay ka ngayon!" sabi ni Superpekpek Orange. Hindi na nya pinansin ang mga iba pang sumagot at nag-concentrate na lamang sa unang sumagot. Tinanong sya nito ng.. "Hu u?" na sinagot naman ni Superpekpek Orange ng "secret". Sa madaling salita ay nagbolahan ang mga putaena. Hanggang mapagod ang mga daliri at makatulog si Superpekpek Orange. Kinabukasan...
Superpekpek Orange: Mia.. tubig...
Dali dali namang nagdala ng tubig ang dakilang kasama sa bahay ng mga Superpekpek Heroes.
Superpekpek Orange: Anong almusal? Umalis na ba sila?
Mia: Si Ate Lavander, Ate Red saka si Ate Yellow lang ate.. si Ate Green at si Ate Blue e nanunuod ng tv sa sala.... itlog at pancit canton ang almusal... kakain ka na?
Superpekpek Orange: *inat* paabot cell ko...
Inabot ni Mia ang cellphone .. ng wala ng maisip na iutos si Superpekpek Orange ay umalis na ito upang sabihin kay Brenda na maglaba na. Tuwang tuwa ang Superpekpek Orange dahil sangkaterba ang nagtext sa kanya.. ang iba ay mga makukulit na nagtatanong pa rin ng "HU U?". "Ahhh packinshet kayo.. letse.. pampasikip lang kayo sa sosyal kong inbox" sabi nito habang nanggigil na ini-erase ang mga message sa kanyang inbox. Nang mawala lahat ang mga di nya ninanais na text.. ay matama itong naghintay para sa text ni Larry. Ang pinakamabilis na nagtext back sa kanya. Ayon na rin sa kanilang walang kwentang pag-uusap, si Larry ay 28 years old at tubong Ilocos at taga kabilang bayan. Sya ay nagtatrabaho bilang assistant to the assistant of the assistant director ng kanilang kumpanya.( nagtatrabaho sya sa kuya nya na assistant ng nanay nya.. at nanay nya assistant ng tatay nya.. gets mo?) Sya ay may master's degree galing sa isang sikat na unibersidad sa may san andres bukid. Tuwang tuwa ang ating bida dahil na rin nababaitan sya kay Larry. Ng biglang pumasok sa kwarto si Superpekpek Green.
Superpekpek Green: Taena.. gisiiiiiiiing! *talon sa kama ni Superpekpek Orange*Tanghali na no! Magtatanghalian na di ka pa nagaalmusal!
Superpekpek Orange: *masayang ngiti* pakyu!
Superpekpek Green: Putah, nahawa ka na kay Blue ha, Orange.. itabi ba sa pagtulog ang cellphone?!
Superpekpek Orange: *tones of different peaks* bakit ka ba?! hihihihi
Superpekpek Green: Ay.. baket ganun? tawang mahalay! *halakhak* ano na naman ang gimik mo?
Superpekpek Orange: *tones of different peaks* wala lang...
Magtatanong pa sana si Superpekpke Green ng biglang mag-ring ang cellphone ni Superpekpek Orange.. Kaya masama man na makinig sya sa usapan ng may usapan ay tumahimik sya at nakinig. "uhmm... hindi naman..."sagot ni Superpekpek Orange..."hehehehe.. sure... oo naman... hindi ah..heheheeh" dugtong pa nito. "What time bale? aaaah... o sige... i'll text you na lang if ever ok? uhmmm oo naman.. he he he he*tirik mata* aaaaah... okies... alright.. ingat ka din" at binaba ang telepono... Nakatanghod naman si Superpekpek Green at naghihintay ng kwento.. Pero biglang tumalikod si Superpekpek Orange at nagtitili. Sasampalin na sana ni Superpekpek Green si Orange kung hindi lang sya tiningnan ng masama ng huli.
Superpekpek Green: *init na ulo dahil sa bitin* Putah.. ano yun? Sino yan ha?!
Superpekpek Orange: wala ngaaaaaa *kilig* NFF.
Pinilit ni Superpekpek Green si Superpekpek Orange na magkwento tungkol sa NFF na iyon.. lumipas ang mga oras... nainip ang ating mga bida sa Bathcave At dahil na rin masama na ang tingin ni Mia at ni Brenda sa kanila dahil oras na naman ng soap opera. kung kaya't nagkayayaang uminom ng Cacao Mint sa mall. Sa mall.. uminom ng kape at nagyosi ang 3 Superpekpek.. pinagdiskusyunan kung dapat bang i-meet ni Superpekpek Orange ang Larry na iyon. Habang nagkakape ay nabadtrip naman si Superpekpek Green.. dahil si Superpekpek Orange at Blue ay panay ang text, samantalang sya ay malolobatt ng walang kalaban laban. Samantala ay palandi ng palandi ang mga subject ng text ni Larry at ni Superpekpek Orange.. dahil na rin sobra talaga itong kinikilig! "Putah... dapat maging akin ang isang to" sabi nya sabay hithit ng yosi. Kaya ng gabing iyon sa harap ng hapag kainan.. ang napagkasunduan na i-meet na nga ni Superpekpek Orange ang nasabing lalaki.
Superpekpek Yellow: *nguya* chan mo cha meet?*nguya*
Superpekpek Lavander: *taas ang paa* O nga.. san?
Superpekpek Orange: E di sa bar.. bahala na.. ang importante... feel ko ang isang to! Wa ako care... saka baka sya yung crush ko sa kabilang bayaaaaaannn*different peaks*
Superpekpek Green: *sandok kanin* Sino? Yung maitim na nakita natin sa palengke? yung matangkad na naka-shades?
Superpekpek Orange: *hithit yosi* uhmmm-uhmm *tango sabay buga ng usok*
Superpekpek Red: Gosshh... I saw that guy already.. You really like him? Geee.. wala kang taste mare...
Superpekpek Orange: Ah, putah... pakyu..
Nang gabing iyon ay parang nasaniban ng ispiritu ni Superpekpek Blue si Superpekpek Orange-- dahil ang huli ay hindi nahihiwalay sa kanyang cellphone. Lagi itong nakasabit sa kanya kahit san sya pumunta. Lumipas ang mga araw at napapadalas ang tawag ni Harry sa Bathcave.. mabuti na lang at katatapos lang ng Balentaym's Day dahil karaniwan sa mga babae ay masasaya pa... Ang mga naloko naman ay nanahimik at nagpaplano palang ng paghihiganti sa mga etits na naloko sa kanila...At talaga lang tinatamad ang mga Superpekpek na tumulong sa mga nangangailangan. Isang gabi.. gumimik ang mga Lukaret na Superpekpek Heroes.. pumunta sila sa isang bar para magcelebrate. Ng ano hindi ko alam.. basta gusto nila magcelebrate.
Superpekpek Blue: *text ever*
Superpekpek Orange: *text din* sheett... Invite ko ba sya dito?
Superpekpek Red: Sure... sige let him join us...
Superpekpek Green: O nga ng makilatis ang hayup.. *toma*
Superpekpek Yellow: *bulong kay Orange* wag na.. dapat kayo muna dahil first time nyo magmemeet...
Superpekpek Orange: Ay oo nga.. mahihiya yun.. ano dapat kong gawin?
Superpekpek Lavander: Putah...sunduin mo tutal jan lang namna sya..
Sa madaling salita ay tinext ni Superpekpek Orange ang lalaki upang ayusin ang tagpuan nila.. Maya maya pa ay nagpaalam na ito sa ibang Superpekpek na lango na sa alak at amoy sigarilyo na. Habang nakasakay sa tricycle ay talagang nerbyos na nerbyos ang ating bida... napagkasunduan nilang magkita sa gotohan ni aling ilyang. Duon, ay matamang naghintay si Superpekpek Orange ng me biglang umalingasaw.. isang kaya-ayang amoy.. nanikip ang kanyang dibdib.. Putah... andito na. Paglingon nya ay nakita nya... PUTAAAAAAA!! ang lalaking crush nya! Kakaiba talaga ang isang to... kahit nognog sya.. magaling pumorma...at naka-shades kahit gabi, nanginig ang tuhod at nanghina si Superpekpek Orange.
Superpekpek Orange: *deadma* Larry?
Larry: *smile at nilabas ang ngiping ke puti* Yesstff..
Superpekpek Orange: *medyo nawala sa sarili at napabulong* puta.. tsumasavlay tsya.. so what.. yummy naman sya*smile parin* O san tayo?
Larry: *smile* Tsan pa..e di sa langit.. tara tsakay na tayo tsa tricycle..
Walang nagawa kundi sumama si Superpekpek Orange, matagal na din naman syang tinakam ng hayup na ito. At kahit sumasablay pag nagsasalita... ay ok naman.. mukhang mabango naman sya... hindi na lang nya kakausapin masyado at masakit sa tenga ang pag nagsasalita. Dinala sya ni Larry sa isang pribadong kuwarto... at duon ang nag-usap sila.. ukol sa buhay buhay.. nagharutan.. at tomoma.. Ng magkaron ng tama ay nawala ito sa kanilang mga sarili.. Naghubad si Larry... Takot na takot naman si Superpekpek Orange dahil sa malaking lalaki si Larry.. paniguradong malaki ang kanyang bird. Yun nga daw ang tukso sa kanya nuon-- Larry Bird. At matamang naghintay si Superpekpek Orange. Lumabas ang lalaki na naka thong! Hanep. lakas ng loob talaga ng hayup.. At tumambad sa kanya ang isang humongous na ... na... na.. putah... asan?
Superpekpek Orange: Putanginaaaaa!! Yan ang pinagmamalaki mo!? Kaya naman pala it's not the size ka ng it's not the size letse ka! Dahil wala ka naman talagang SIZE! Buti pa yung tabako ko sa bahay mas malaki pa jan!
Larry: It'sf not the sizeff it's how you useff itff...
Superpekpek Orange: *War mode* Ah putang ina ka!! Ang liit ng bird moooooooooo!! Hindiiii! hindi nangyayari sa akin to!! Bakit ako paaaaaaa!!
Larry: It'sf not the sizeff it's how you useff itff...
Superpekpek Orange: *wala na ang poise*Putangina ka!! Me lakas ka pang mag-inarte!! Ang arte arte mo... tapos yan lang ang bird mo!? Aanhin ko yan?! O baka naman nagpapatawa ka.. ilabas mo na yung tunay mong bird dahil umiinit na talaga ang ulo ko. *masahe ang ulo*
Larry: Papatunayan ko sayo na it'sf not the sizeff... *damba kay Superpekpke Orange*
Handa na sanang patawarin ni Superpekpek Orange si Larry dahil sa liit ng bird nito.. pero ano ito? Hindi pa nga naguumpisa ang ating bida ay patapos na sya? Lalong nagalit ang ating bida.. tinulak si Larry papuntang pader.. at tumayo ito sa gitna ng kama...
Superpekpek Orange: *galit na galit* Putah ka!! Wala kang silbi! inutil ka! ang liit na nga ng bird mo.. ambilis mo pa matapos!! Talagang ginagago mo na ako!! Hindi na ako makakapayag sa pangaaping ito! Tama na! Sobra na!! Wala ka naman palang silbi sa mundo... ang dapat sayo ay parusahan. *dampot yosi at lighter*
Nagulat ang lalaking me litel birdie sa tinuran ni Superpekpek Orange. Napatanga ito at tinitigan ang kanyang litel birdie... "Ano putang ina ka? Aarte ka pa jan? Akala mo kung sino kang magaling it's not the size ka jan, letse ka! Alam mo ba kung magkano ang ginastos ko para sa araw na ito? Putah ka... tapos yan lang kaya mo?" Sigaw ni Superpekpek Orange. Tuloy pa rin ang pagtanga ni Larry sa kanyang ga-nunal na birdie, napaluha sya sa masasakit na tinuran ng ating bida.. at natuluan ang kanyan bird. Nagpalit ito ng anyo at sya naging BIG BIRD. Hindi nya namalayan na itinaas ni Superpekpek Orange ang dalawa nitong kamay, tumingin sa kisame at sumigaw ng "Superpekpek Powersssss Combine!" Ng mga oras na iyon naman -- si Elsa ay himbing na himbing na dahil napagod sya sa pagkakayod ng nyog. Nagsipagilawan ang mga singsing ng mga lasing na Superhero.. Mabilis nilang tinugon ang tawag ng pangangailangan.. at sila ay sumanib sa katawan ni Elsa. Tulad ng dati, nagbago ang anyo ng ating bida-- sya ay naging isang giant pekpek... dala-dala ang panangga.. at iba pang kagamitan-- hinarap ang taong me kanserus litel birdie.
Elsa the Superpekpek: Aha! isa ka rin sa mga kauri nila.. mga lalaking mapag-imbot! Ni hindi man lang isipin ang kasiyahan ng inyong kapareha! At bakit ganyan ang birdie mo? Putah.. malaki pa yung sa aso ng kapitbahay namin! Kawawa ka naman... *labas ang laser lipstick* dapat sayo ay maging wholesome na lang habangbuhay.. para hindi ka na makapang-api ng babae.. litel birdie.. yikes! kadiri talaga... ang liit.. tapos bilis mag ejaculate! *nginig sa diri*
Larry: *hindi nakikinig sa sinasabi ni Elsa the Superpekpek* Bwahhahaha!! Ang haring labuyo ang nagsugo sa akin dito sa Earth para parusahan ang lahat ng mga babae! Para pasamain ang kanilang loob at patunayan na mga tanga ang mga pekpek dito! At tama nga... dahil me katangahan ang pekpek ni Orange... nahulog sya sa aking bitag.
Elsa the Superpekpek: Putah.. Anong nahulog?! ang bobo mo! Kaya nga ako andito ngayon dahil hindi mo nagago ang mga Superpekpek Heroes! Hindi mo sya napaikot dun sa it's not the size, it's not the size mo tarantado!
Larry: Pero... peroo...
Elsa the Superpekpek: AHHH SHUT UP! *at tinira ni Elsa ng laser lipstick si Larry Bird* Mula ngayon, wala ka ng babaeng mapwepwerwisyo... tangna ka...
Tinira ni Elsa si Larry ng Laser lipstick at ito ay tinubuan ng sangdimakmak na pakpak na dilaw.. at dahil na rin sa speech impairment ng gagong ito.. ay dinala sya ni Elsa sa National Children's Television Workshop para maging isang mascot. Mula nuon si Larry ay naging kapartner na ni Oscar the Grouch. Binalik ng mga Superpekpek si Elsa sa kanyang kama at umuwi na ang mga ito para pakalmahin ang natraumang si Superpekpek Orange. Tomoma sila hanggang umaga. Nagising si Elsa na me aral na bumabatingaw sa isip: This episode is brought to you by the letters F-A-Q! and the numbers 1,234,767.
Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:SINONG SUPERPEKPEK ANG BANTAY NG MAISIPANG SUBUAN NI BJ SI TERESA? SAGOT: SUPERPEKPEK LAVANDER AND SUPERPEKPEK YELLOW.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
Instant Quiz: ANO ANG KAPANSANAN NI LARRY? BAKIT KAYA ANG TAWAG SA KANYA SA KANILA AY LARRY BIRD?
Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!