baho sa magdamag

Isang umaga habang kumakain ng almusal ang mag-ama, ay napag-usapan nila si Baho.

Mang Gusting: Anak.. si baho ba ay nanliligaw sayo?

Elsa: *nagulat* huh? Bakit nyo ho naitanong?

Mang Gusting: Dangkasi ay lagi kong nakikitang nakatanghod sayo habang nagkakayod ka ng nyog... nanliligaw ba?

Elsa: *nairita* Hay naku dadi, pwede ba? kahit sya na ang nag-iisang lalaki sa mundo na earth.. di ko pa rin sya papatulan...

Mang Gusting: Bah anak... mag-iingat sa mga sinasabi mo at baka subukan ka ng kapalaran.. magising ka isang araw, ikaw na ang hahabol habol sa kumag na si Baho... Saka mabait na bata naman yun.... masipag.. mapagkakatiwalan...

Elsa: *sabat* Dadi, ubod sya ng baho! Sya na ata ang pinakamabahong nilalang na nakilala ko sa tanang buhay ko! *irita*Matatanggap ko pa sana kung mabaho lang sya.. kaso yung baho nya e dumidikit.. lumilipaaaaaat!

Mang Gusting: Hoy.. wag mo ko pagtaasan ng boses lintek ka... baka akala mo hindi kita kayang paluin kahit matanda ka na! Saka ang tinatanong ko sayo kung nangliligaw.. Oo at hindi lang naman ang sagot dun... *tayo sa hapag-kainan* Dyan ka na nga.. wala kang kwentang kausap..

Nililigpit ni Elsa ang hapag-kainan.. nang dumating si Baho....

Baho: Gandang umaga sa magiging misis ko!

Elsa: Gandang umaga mo your peys!

Baho: Uhmm.. mainit na naman ulo ng mahal ko... ano na naman ang ginawa ko sayo? *akap kay Elsa*

Elsa: *tanggal kamay ni Baho* Putangina ka.. ikaw malas sa buhay ko! Dahil sayo napagalitan pa ako ni Daddy... Shet ka.. Lumayas ka na nga.. binubwisit mo ko pa ako... shet!

Baho: *taka* Bakit ba? Ano ba problema? Mahal naman kita ah.. at alam ko, labs mo din ako... di mo palang naiisip yun.. pero handa akong maghintay... ganun kita kamahal...

Elsa: *inis* Putah, Baho.. di ka ba nangingilo sa sinasabi mo? Anong hindi ko pa naiisip.. hindi ko kayang isipin na ako, isang Dyosa ay iibig sa sang katulad mo na Dukha...

Baho: *kotong Elsa* Tanga.. nung Dyosa.. kapal ng mukha mo mahal... at sino nagsabing dukha ako? hmmn? Kaya kitang pakasalan kahit sang simbahan...

Elsa: *sigaw* Aaaaaah! whatever.. now go away you packingshet you!

Nasaktan si Baho sa tinuran ni Elsa.. lumayo sya sa dalaga at pumunta sa bintana... tumingin sa malayo.. at pagkuwa'y....

Baho: Alam mo Elsa... *hikbi* masakit isipin parang ayaw mo sa akin.. na parang nandidiri ka na sa akin... parang hindi mo na ako mahal..

Elsa: Putah.. anong parang? ayaw ko talaga sayo... nandidiri ako sayo.. at talagang hindi kita mahal gago!

Baho: Darating ang panahon... magigising ka isang araw na ang laman lang isip mo ay Baho! Baho! Baho!!! At mare-realize mo na mahal mo ko.. pero wala na ako nun Elsa.. nasa piling na ako ng iba.. *buntung hininga* Kaya bago pa dumating ang araw na yun... pakasal ka na sa akin ngayon!

Elsa: Tantado! Lumayas ka nga!! At tigilan mo ang pagtanghod sa akin twing magkakayod ako ng nyog!! Nakikita ka ng dadi ko e ang feeling nya nanliligaw ka sa akin..

Baho: Nanliligaw? Bah.. di ba alam ng tatay mo na gf na kita?

Ng marinig ni Elsa ang tinuran ni Baho ay dalidali nitong kinuha ang bambo at winalis si Baho palabas ng bahay. Ng mapag-isa... naisip ni Elsa ang mga tinuran ni Baho ng umagang yun.. "Putah.. parang sinumpa ako ah.. tarantadong yun, nakakagago..."pampalakas loob na sabi ng dalaga sa sarili. Dinatnan sya ng ama na nakatanga sa may bintana, tinanong sya kung magbubukas ba sila ng tindahan.. "Masama ho ang pakiramdam ko itay... magpapahinga na muna ako.."matamlay na sagot ng dalaga. Sumangayon ang ama na huwag na magbukas ng araw na iyon...tuwang tuwa ang huli dahil makakapunta sya sa sabungan... makikita na naman nya si Selya, ang babaing tindera ng isaw na kay linamnam..."Anak... punta muna ako sa sabong ha.. magpahinga ka na lang dito.. at uminom ka ng gamot..."sabi ni Mang Gusting. "Sige ho itay... ako na ho bahala dito.."sagot naman ni Elsa. Matamlay na gumawa ng mga gawaing bahay si Elsa.. ng matapos ang mga iyon ay tinira naman nya ang mga Tagalog Pocketbooks na naarkila nya sa may palengke.. Sumapit ang gabi, pinasalubungan sya ng ama ng sangkaterbang isaw.. isaw ng manok, ng baka at ng baboy.. me kasama pang dugo. Pero dahil wala syang ganang kumain, nilapang ng ama ang lahat ng pasalubong. Inayos nya ang higaan at sya ang nagpahinga... Samantala sa bahay nila Baho...

Amang: O tang-inang bata ka.. umuwi ka pa! Kanina ka pa hanap ng Inang mo!

Baho: E itang.. *hingal* dangkasi ho'y... *hingal*

Amang: Ayusin mo nga ang salita damuho ka! at bakit hingal na hingal ka.. para kang winalis na alikabok...

Baho: Oo nga ho.. *hingal*

Amang: Ano? winalis ka? lintek na bata ka... kung ikaw ba ay nag-iigib ng tubig e natuwa pa sayo ang inang mo! San ka ba galing lintek ka...

Baho: Sa bayan ho.. nagliwaliw.. nagpalipas ng sama ng loob...kaninang umaga ho eh, umakyat ako ng ligaw kay Elsa..

Amang: Ke aga-aga umakyat ka ng ligaw kila Elsa? E kahit ako babambuhin kitang bata ka... ni hindi ka pa ata naliligo.. ke antot antot mo! Mahiya ka naman!

Baho: E itang.. ayaw ho talaga sa akin ni Elsa.. ginawa ko na ho lahat ng pambobola pero ayaw nya akong pansinin.. lagi na lang nya akong sinisigawa na mabaho daw ako! maantot daw ako! Hindi nya palang kasi naiisip na ako lang talaga ang tunay na nagmamahal sa kanya... na sa piling ko sya liligaya...

Amang: *kuha ang Diaryo at nagbasa.. hindi pansin ang kups na si Baho* Whatever anak.. dun ka sa inang mo magtanong kung ano ang ginawa ko sa kanya at sya ay umibig sa akin....

Baho: Pero.. itang.. nakakahiya ke inang pa ako hihingi ng tip.. kayo na lang ho magkwento...

Amang: *irita* Don't you get it?! Nagbabasa ako ng Diaryo! Hala layas.. mamaya ipukpok ko pa sayo ire eh makita mo!

Walang nagawa ang baho kundi hanapin ang ina sa loob ng masikip at maliit nilang bahay... Ng mga oras namang iyon ay kasalukuyang nagvo-voice lesson ang ina.. kung kaya't madali itong nahanap.

Inang: *awit* I get knocked down but i get up again.. You'll never gonna bring me down... I get knocked down....

Baho: Inaaaaang! andito na ako!!! Me problema ako...

Inang: *hinto sa pagkanta* Bakit anak.. ano ang problema ng baby ko? *akap sa anak*

Hindi napigilan ni Baho ang sarili kung kaya't napaiyak sya ng akapin sya ng kanyang ina. Ikunwento nya ang nangyari ng umagang iyon... kung paano sya pinagsisigawan, at inalipusta ni Elsa. Kung paano niyurakan ang kanyang pagkatao.. at kung paano nya inubos ang perang pambili ng ulam....

Inang: Ganun ba anak.. alam mo kasi, hindi ko rin naman type ang amang mo nun.. Kasi hindi siya high society na tulad ko...

Baho: huh? high society?

Inang: Dati akong adik anak.. myembro ako ng isang gang.. at ang iyong ama ang sumagip sa akin... kaya natutunan ko na din syang mahalin.. *himas ulo ni baho* Binigyan nya ako ng isang anak na tulad mo.. kaya nga lang ay hindi ka nagmana sa akin kaya wala ring kwenta.. Daming kelots sa gang anak... kung ano ano ang tinitira namin, kaya naman lagi kaming high...

Baho: *iyak* Inaaaaaangg.. gusto ko si Elsa....

Inang: Ligawan mo!

Baho: Ayaw nya sa akeeeeen..... waaaah! lagi na lang *singhot* nya akong *singhot* sinisigawan!!

Inang: Naisip mo ba ang gayuma?

Baho: Rayuma? yung sakit ho ni itang?

Inang: Tanga! G-A-Y-U-M-A!

At inexplain na nga sa tangang si Baho ng kanyang ina kung ano ang gayuma. Sinunod ang payo ng ina.. dali daling pumunta sya sa kabilang bayan para bumili ng gayuma kay Aling Virgie... ng makabili ay pumunta sa tapat ng bintana ni Elsa at ibinato ang gumamela sa loob sabay nagtago sa likod ng puno ng saging. Tinamaan ang nakangangang si Elsa. Nagulat ito... at sumugod sa bintana.. at nagmumura ng bigla syang napatigil dahil tumambad sa harap nya ang isang makisig na lalaki... dali dali itong bumaba at binuksan ang pinto ng kanilang bahay.....

Elsa: Hi, binato mo ko ha.. you ha!! you're so bad ha!

Lalaki: Huh? Ale.. hindi ho!

Elsa: Hmmmm.. kunwari ka pa eh! Hindi naman ako galit eh! Pero dapat kiss mo kung saan tumama tong gumamela na to..

Lalaki: Ale... Inutusan lang ho ako ng itay ko na bumili ng gin... wala ho akong alam sa sinasabi nyo.

Elsa: Huuuuu!! halika.. hindi naman kita pahihirapan eh.. sasagutin kita agad. Me gusto ka sa akin eh. Amininnnnn!! *kindat*

Lalaki: *me halong takot* Ale...walong taon lang ho ako!! Wala pa ho sa isip ko pag-aasawa... *karipas ng takbo*

Nagtaka ang Baho kung sino ang kausap ng lukaret na si Elsa.. Ay shet! nakalimutan nya ang bilin ni Aling Virgie na ang unang lalaking makikita ni Elsa ang syang magugustuhan nito.. Puta ang tanga nyaaaa!! Lumabas sya at nagpakita...

Baho: ELSA! Tumigil ka!

Elsa: Pakyu! Huwag mo ko pakielamanan.. mahal ko sya!! *sabay turo sa batang tumatakbo papalayo*

Baho: Ako ang nagmamahal sayo!

Elsa: Taena ka.. hindi kita mahal.. ni hindi nga kita type eh!! Type ko yun o!!

Baho: *isip* kung me magagawa lang ako para patigilin ang lukaret na to na magnasa sa 8 taon na bata... shet! aaaah! alam ko na!!

Biglang pinagsasampal ni Baho si Elsa... Naghuhumiyaw naman ang ating bida dahil sa sakit ng palad ni Baho.. ang kanyang ama naman ay himbing na himbing sa pagtulog kaya hindi naririnig ang hiyaw ng anak... Samantala sa BathCave, katatapos lang ng toma session ng mga Superpekpek Heroes... si Superpekpek Green ay nasa banyo at naliligo habang ang ibang Superpekpek ay kumakanta pa rin ng Videoke. Ng biglang marinig ni Superpekpek Red ang iyak ni Elsa...

Superpekpek Red: Goooosh! guys! Elsa's in trouble!!! Lipat the channel to her house daliiiiiii!!

Superpekpek Blue: *text* What? at this time of day? Madaling araw na ah.. dapat sleep na sya...

Superpekpek Yellow: *lipat ang monitor* ay shet! si Baho! putangina.. sinasampal si Elsa!!!

Mga Superpekpek: Putaaaaaaaaaaaah!!!

Itinaas nila ang kanila mga kamay, tumingala sa langit at isinigaw ang command para magcombine ang kanilang mga powers... Dali dali namang sumanib sila sa katawan ni Elsa... at ang paligid ay nabalot ng usok.... Nagtransform si ELsa.. namamaga ang pisngi dahil sa dami ng sampal ni Baho... sya ay isa ng giant pekpek! Nagulat ang tangang si Baho dahil biglang nawala si Elsa.

Elsa the Superpekpek: Putang ina ka ah!! Inaano ka ni Elsa ha?! Bakit mo pinagsasampal!? Mang-aabuso ka ng babae no?

Baho: Ayaw nya kasi makinig at naghi-hysteria sya! Pinagnanasahan nya yung bata!!!!

Elsa the Superpekpek: Putah... bakit yung pagnanasahan ang bata?! Aber? *biglang nagkaidea* at bakit andito ka sa bakuran nila, tarantado ka?

Baho: *nataranta* ah... eh. pinadaan.. inang.. aling virgie.. ehhh...hindi ako makahinga..

Dinibdiban ni Elsa the Superpekpek si Baho dahil hindi daw makahinga.. pagkuwa'y hinatak ito at itinali sa bangko.. duon ay tinorture ang lalaki para umamin kung ano talaga ang ginagawa nya sa bakuran nila Mang Gusting... Pero matigas ang Baho.. hindi sya patatalo sa isang pekpek lang.. talking about male ego! taena...

Elsa the Superpekpek: Hindi ka aamin? *sundot tagiliran ni Baho*

Baho: *iyak* Anong aaminin ko? Napadaan lang ako.. plamis!!

Elsa the Superpekpek: Hmmmmmmmmmmmn.. taena ka ah.. tigas mo ha, ayaw mong umamin kung ano talaga ginawa mo ha!!

Nagkaideya ang lukaret nating bida, naisip nyang akitin ang tangang si Baho.. kaya ang ginawa nya, nag-concentrate sya at pilit naglabas ng isang amoy na kaaya-aya nabalot ang buong paligid ng bango.... amoy na hindi mapipigilang tanggihan... amoy na hindi mapipigilan ng kahit na sinong lalaki.... amoy.. amoy.. tangna amoy feminine wash!

Baho: *nagilalas sa amoy* Hindi.. uhmmmmmmmmm............ hindi nyo ako mapi...*singhot* uhmmm

Elsa the Superpekpek: Umamin ka na ugok!!

Baho: Tama naaaaaaaaaa!! hindi ko kaya.*singhot* ang bango.. uhmmm

Elsa the Superpekpek: *tawa ng malakas* Taena ka tignan natin lakas mo! *tawa malakas*

Baho: *na-obsessed sa amoy* uhmmm bangoo....

Elsa the Superpekpek: Dali na... sabihin mo sa akin bakit ka andito.. at ipagbobote pa kita ng naamoy mo..

Lalong pinagigting ni Elsa ang paglabas ng kaaya-ayang amoy.. kung kaya't nanghina ang gagong si Baho... Hindi nakayanan ni Baho ang offer ni Elsa the Superpekpek kung kaya't inamin nya na balak nyang gayumahin si Elsa....

Elsa the Superpekpek: *galit mode* E gago ka pala e!! ikaw pala me kasalanan ng lahat kung bakit hinahabol ni Elsa ang batang yun! ginayuma mo kong hayup ka!!

Baho: Huh? ikaw si ELSA? Patawarin mo ko Elsa.. ginawa ko lang naman yun dahil mahal na mahal kita.. at naiinip na ako sa paghihintay...

Elsa the Superpekpek: *nagulat* Tanga! anong ako si ELSA? hindi mo ba nakikita na ako ay isang giant pekpek? Tanga mo talaga ever! kainis! Ikaw lang nagmamahal kay Elsa? Sa yo lang sya liligaya? *taas kilay* Ah ganun! *batok si Baho* ito ang iyo, gago! *batok*

Dali daling nagmaakawa ang tangang si Baho sa ating Superhero, nangako pa ito na huwag na lang ipaalam kay Elsa ang kanyang sikreto at sya ay magsisilbi sa bayan para sa mga kababaihan bilang community service. Pumayag ang mga Superpekpek Heroes sa nais ni Baho.. pero pinaalam nila ito pagkatapos nilang gulpihin si Baho. Hinila ang buhok.. at inisprayan ng sangkaterbang clorox ang maantot na lalaki.

Elsa the Superpekpek: Pag ikaw hindi mo tinupad ang community service mo.. babalikan kita at dudurugin ko ang etits mong shet ka! At dahil me kasalanan ka, kami ang iisip ng community service para sayo... *isip* Taena.. wala ako maisip eh! Kinda slow today, you know?! *simangot*

Walang nagawa ang Baho dahil sa sakit na rin ng katawan... at malapit ng mag-umaga... "taenang magdamag ito"aniya "walang kasing malas".. Kinalagan sya ni Elsa the Superpekpek at sinapak ng isang beses pa para makatulog. Si Elsa naman ay dali daling nagbalik anyo dahil nasusuka si Superpekpek Red sa sobrang kalasingan. Binura lahat ni Superpekpek Yellow ang lahat ng nangyari sa loob ng magdamag na iyon...Kinabukasan, nagising ang gagong si Baho-- at hindi maintindihan kung isa bang panaginp ang lahat.. pero natakot ang ungas ng makita nyang me pasa sya sa gilid ng katawan... Dali daling nagtungo sa palengke at nag-serbisyo publiko kasama ang ina na kumakanta ng smooth criminal.

Moral Lesson: Putah. hanggang ngayon ba naman naghahanap ka pa ng moral lesson dito!?

Kahit anong lesson: Ang tamang lyrics ng Smooth Criminal ay: Are you ok annie? at hindi Are you ok any! Ok? OK!

Isang adventure na naman ang natapos.. Hanggang sa muling paglipad ni Elsa and the Superpekpek Heroes! (*echo: pekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpekpek)

Tanong sa quiz nuong nakaraang episode:ANO ANG KAPANSANAN NI LARRY? BAKIT KAYA ANG TAWAG SA KANYA SA KANILA AY LARRY BIRD? SAGOT: MALIIT ANG KANYANG BIRD. DAHIL ANG PATUTOY NYA AY ISMOL NA WALANG WENTA PA.

© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]

Instant Quiz: 1. ANO ANG KAAYA-AYANG AMOY ANG INILABAS NI ELSA NA SYANG NAGING DAHILAN NG PANGHIHINA NG BOPOL NA SI BAHO 2. ILANG BESES KUMANTA ANG NANAY NI BAHO? 3. TITULO NG MGA KANTA NA INAWIT.

Tang na dapat alam mo ang sagot kung hindi.. e di fine! di mo alam! shet! Kung alam mo naman, ipadala sa amin ang kasagutan.. isaad ang iyong pangalan, address, contact number, at pirmahan. Iniimbitahan ang lahat na sumali, lalo na ang mga binatang mayedad na 25-35 years old at may magandang hanapbuhay... Kung ikaw ang maswerteng magwawagi.. Ibig sabihin, Nanalo ka!

seal of imperfection