Elsa the
bida --Ang instrumento ng mga Superpekpek Heroes para labanan ang kasamaan.
Sya ang dalagang anak ni Mang Gusting. Maganda.. Masipag... Matalino (kung minsan).
Pinakasikat na tindera sa palengke dahil sa kakaibang kakayahang magkayod ng
nyog. Kaya nyang magkayod ng Nyog, Manual Man o de makina. Laging seksi ang
suot na dami pero galit sya sa mga lalaki dahil sa mga problemang idinulot nito
sa kanyang mga kaibigan at dahil na rin sa isang madilim na nakaraan... ang
lalaking pinakakamahal nya ay ang kanyang "daddy"... susunod dito
ay si DOC. Wala syang pakielam sa sasabihin ng iba.. ang importante sa kanya,
sya ay masaya. Matigas ang ulo ni Elsa.. at laging merong natutunang mga aral
sa bawat araw ng kanyang buhay. Laging sinasabi ang nasasaisip kaya naman laging
sabit sa gulo... Minsan walang masabi pero sabit pa rin sa gulo. Magulo talaga
si Elsa.
Mang Gusting
-- Ang nakagisnang ama ni Elsa... Mahal na mahal nya si Elsa kaya naman lahat
ng lalaki sa palengke ay inireto na nya sa kanyang anak... mga kargador, mga
mangangatay ng baboy, Mangangatay ng Baka... Mag-gugulay, Magi-itlog, Mga tricycle
drivers, Jeepney drivers... at kung sino sino pa. Sikat na magnyonyog si Mang
Gusting dahil magaling syang magkayod. Kaya nyang magkayod ng 2 nyog ng sabay
sa dalawang makina. Dakila si Mang Gusting dahil sya ang dakilang taga saing,
taga luto, taga pag laba sa bahay.
Baho -- Si
baho ay kababata ni Elsa. Meron syang lihim na pagtingin sa dalaga... kaya naman
kung ano ano na ang naiisip ng kolokoy na to pag kaharap na si Elsa. Naniniwala
sya na sya lang ang tunay na nagmamahal kay Elsa at sa kanya lang liligaya si
Elsa... ganyan kakapal ang mukha ng hayup na to. Likas ang baho nya.. walang
artipisyal na ingredients.
Doc -- Ang lalaking
pinagnanasahan ni Elsa... isang medicine graduate na hindi nagtake ng board
exam dahil akala nya madadaan lahat sa pagpapacute nya. Mahilig mag-ingles ang
isang to pero ang Ingles ayaw sa kanya... and that's the true! Galak na galak
ang hayup na to pag tinatawag syang doc.. dahil ang feeling nya nga e isa na
syang ganap na doctor... me kilig na kasama pa yun. Taken na si doc.. isang
taghyawat na tinubuan ng babae ang syota nya.. Engage na sila.. pero minsan
naisip ko pa ring sana sa bakla na lang napunta si Doc. Kaya minsan.. si doc
ay nagbabaybay ng ibang ilog kasi nga naman e nahahawa na sya kay Meldy sa dami
ng taghyawat sa muka nito. Si Meldy ang maswerteng nakabili ng pag-ibig ni Doc.
Bj -- isa sa
MGA letseng lalaking nanloko kay Elsa nung may kapansanan pa ang ating bida.
Sya ay suki sa tindahan nila Mang Gusting.. Dahil sa kanya kaya ang ating bida
ang nagpilit mag-pa opera upang makita kung ano nga ba talaga ang sinusubo ng
hayup na ito kanya. Isa din sya sa paghihigantihan ng Superpekpek dahil sa pang-aapi
na dinanas ni Elsa sa kanyang mga kamay. Nabubuhay ang isang ito para sa BJ..
Adik kasi sya sa Buko Juice. Anyway.. isang episode ko lang isasali ang hayup
na ito.. masyado akong imbyerna sa kanya.
Hari at Reyna
ng Pektonia -- Sila ang tunay na magulang ni Elsa. Pinagabayan nila si Elsa
sa mga Superpekpek Heroes ng malaman nilang sa Earth at hindi sa Mars napunta
ang kanilang anak. O di ba? ang saya-saya nila sa pityur, di halatang battered
husband si mister.
Haring Labuyo
-- ang bagong hari ng Pektonia... inagaw ang korona ng dating hari sa pamamagitan
ng Malakas at Matapang na Boses. Marami syang mga Higanteng Robot na hugis etits.
Di alam ng kanyang nasasakupan na gahinliliit lang ang laki ni Haring Labuyo.
Akala mo malaki bird nyan?! Hindi ah! Wala pang nakakakita kay Haring Labuyo
dahil ayaw na rin nyang mabisto na maliit sya... at maliit ang etits nya.
Superpekpek
Blue -- Taga gabay ni Elsa pagdating sa Pagtataray.. sya ang nagtuturo kay
Elsa kung pano sumagot sa mga taong nang-aapi at nanunukso sa kanya.
KAPANGYARIHAN: Stalking Power. Dahil sa kanya kaya naglabas ng CALLER ID ang mga kompanya ng telepono. Tatawag sya sa telepono para lang babaan yung tinatawagan nya o minsan pag feel nya.. me bonus na mura.. para naman di lugi yung tinawagan nya. Magaling syang magpakyut.
Superpekpek
Red-- Taga gabay ni Elsa pagdating sa PR sa mga Sosyalera at pasosyal. Madaldal
na superpekpek... parang walang bukas ang daldal nito.. Pinakasosyal na superpekpek
dahil me braces sya.. me bakal mga giladid at ngala-ngala nya.
KAPANGYARIHAN: Hearing Power. Akalain mo ang superpekpek na ito ay may kapangyarihang makinig ng usapan ng me usapan.. habang nagkukwento ng istorya nya. Kaya naman di pa tapos ang unang kwento, meron na syang pedeng isunod.
Superpekpek
Lavender -- Sya ang taga gabay ni Elsa pagdating sa PR sa Masa. Magaling
makibaka ang isang ito.. di sya natatakot! Sya ang nagtuturo kay Elsa ng lenguahe
ng mga bakla.. para naman di mahuli ang ating bida sa mga latest na tsismax.
Malaki ang kanyang hinaharap kaya malakas ang loob. Hairless na, Greaseless
pa-- Sya ay walang kilay, walang pilikmata.. kaya bilang paghihiganti... inalis
nya ang buhok nya sa iba pang parte ng katawan. OO pati dun inalis na
din nya.
KAPANGYARIHAN: Ipit power. Basta ipitan... hayup ang isang ito.. pero pinakamagaling syang umipit sa dibdib lalo na pag tinutugtog ang awiting "Love Moves".
Superpekpek
Yellow -- Sya ang gabay ni Elsa sa singing and dancing. Malupit sumayaw
ang superpekpek na to! Simpleng galaw pero mukhang kumplikado.. magaling umindayog
ang kanyang balakang..
KAPANGYARIHAN: Power of Sight. Kasi nga 4 ang mata nya kaya naman kitang kita nya ang mga taong naapi at mga taong may ginagawang kawalangyaan at kalaswaan. Minsan me pagkabingi din ang superpekpek na ito.
Superpekpek
Orange -- Ang gabay ni Elsa pagdating sa kalinisan. Hanep ang isang to...
walang pwedeng mabuhay na mikrobyo dahil laging nag-aalcohol. Mahilig syang
magbulwas ng kung ano anong kwarto at mahilig syang magtapon ng sangkaterbang
Clorox.. kaya naman palaging nag-aamoy kwan sa kanilang BathCave.
KAPANGYARIHAN: Ganda Power. Mukhang sing ganda ng anghel.. tuso ang face value ng superpekpek na ito. Parang ambait bait nya.. at wala syang pedeng gawing masama sayo. Hintayin mong magsalita para malaman mo kung gaano katapang tapos hintayin mo kung anong karahasan ang kayang gawin sayo ng isang to.
Superpekpek
Green -- Ang gabay ni Elsa pagdating sa buhay-buhay.. sya ang nag-ga-gabay
kay Elsa pagdating sa paiimbestiga ng kung ano-anong bagay. Pakielamera ang
isang to. Sya ang dahilan kung bakit minsan napapagkamalan si Elsang RETARDED
dahil isip bata kung minsan. Mahilig magpatawa at gawing simple ang pinakakomplikadong
buhay. Ang superpekpek na ito ang pinakamahilig mag-ayos ng buhok. Sya rin ang
make up artist ng mga superpekpek..Sya ang confidant ni Superpekpek Orange pagdating
sa mga damit na isusuot ng huli. Mahilig sa mga ipit at pabango. Basta gamit
sa pagpapaganda.. sa superpekpek na ito magtanong.
KAPANGYARIHAN: Touch Power. Magaling mag retouch ang isang to.. gamit ang laser lipstick, ang magic brush at magic mirror, mirror on the wall. Mahilig manghipo ng kung ano-anong bagay na dahilan kung bakit iba iba ang amoy ng kamay nya. Magaling magmasa, magmolde at magtrabaho ang mahiwagang kamay ng superpekpek na ito.
© Superpekpek inc. Series of 2002 [top][table of contents][home]
------------------------*Disclaimer: Ang pahinang ito at ang mga susunod pa ay naglalaman ng sekswal na termino, karahasan at mga pag-uugaling masama. Ang nilalaman ng site na ito ay gawa gawa lamang at di hango sa tunay na buhay... Ang mga pagkakahalintulad sa tunay na tao ay sinasadya. Kung nakikita mo ang iyong sarili sa mga kwento-- ay malamang na ikaw nga ang tinutukoy! Ganun pa man.. ang superpekpek Inc, ay hindi repsponsable sa anumang kasamaan na idudulot sayo dahil sa pagpunta mo dito. Hindi ka pinilit ugok! Ang laman ng site na ito ay di pedeng kopyahin sa anumang paraan. Mahiya ka namang hayup ka, tanda tanda mo na nagnanakaw ka pa ng gawa ng me gawa. Pinahihintulutan ang pag-li-link sa site na ito, yun e kung merong magnasang mag-link. Kung wala naman e OK lang.