--™iN tHe hUZ™--

Seventeen-year-old Rainier Joseph Castillo had only set his sight on being a commercial model, but now that he has made it to the select Starstruck Final 14 he is ready to pursue the path to stardom. Although financial problems had forced him to quit school, Rainier is motivated to do his best to help his mother and older sister. He doesn’t mind if his father left them when he was three years old because he has always had a strong-willed mother who raised him and his sister righteously. He is grateful that his mother always reminded them to count their blessings and not to be envious of what other people have. Look at him now, he really doing his own stuff. This site is Dedicated to the one and only killersmile of StarStruck. Enjoy Clicking!!

 

--™NEWS/UPDATES™--

-†Rainier's TV Show†- 


  <IMG SRC="nonflash.gif" width=326 height=126 BORDER=0>

Do you have the Guts to say everything? be heard? be seen? well this is your chance to be a part of your killersmile family. Where lookin for a field reporter and a photograper. if u have wat it takes, Email us at survivor_rainier@yahoo.com with your name & contact number.  

Gonna hook up! Get In! Be on style! Be BAD! 

 

She's Hot, She's Irresistible and She's definitely an "IDOL" 

Powered by: Rap [markattack.tk] and Jam [killersmile.tk]

 

A New Star is Born...The Grand Questor!!! Sure you gonna love it

Rainier,  mapagkumbaba pa rin!

Gaya ng inaasahan, dinagsa ang fans day ng Click (napapanood tuwing Sabado nang hapon sa GMA 7).  Sa pangunguna nina Rainier Castillo, Jennylyn Mercado, Mark Herras at Yasmien Kurdi, umikot sa iba't ibang malls ang cast ng programa para pasalamatan ang mga sumusubaybay sa kanila. Ang fans day noong Linggo ay ginanap sa 8th Wave sa Bulacan kung saan nagpakitang gilas sa pagkanta at pagsasayaw ang mga artista ng Click. Buhay na buhay ang mga taong nanood nang gabing iyon. Medyo umambon man, hindi iyon naging hadlang para puntahan ng Click cast ang 8th Wave. Mula sa 8th Wave sa Bulacan, kahit wala pang tulog si Rainier Castillo ay dumiretso ito sa Tanza, Cavite kung saan naghihintay ang libu-libo niyang fans. Hindi ininda ni Rainier ang pagod. Okey lang sa kanya kahit parang butas ng karayom ang dinaanan niya para marating ang entablado. As usual, ang pamatay na ngiti ni Rainier ang ikinaligaya ng fans na umaga pa lamang ay naroon na. Nagpaunlak ng dalawang awit ang bagets at pagkatapos ay inumpisahan ang picture taking at autograph signing. Sa kabila ng mga birada ng iba na walang talent si Rainier, lalong dumarami ang mga humahanga sa kanya na sumasali sa mga organisasyon ng kanyang fans club. Nasaksihan ni Rainier ang dami ng humahanga sa kanya pero hindi siya  naging mayabang, bagkus, lagi siyang nagpapakumbaba at magalang. Hindi dapat ma-depress ang iba pang miyembro ng Starstruck. Kahit nawala ang Starstruck Playhouse Live ay ginawa silang permanente sa SOP linggu-linggo.

Posted by: RapRap [05-25-04

Rainier turns into a Recording Star?!

Kahit very excited si Rainier Castillo nang dumating sa Universal Records office, halatang medyo kinakabahan din siya. "Totoo ba `to," agad niyang tanong sa mga kaharap. Talagang ang expression ng maamong mukha ng StarStruck Final 4 ay tila nananaginip lang. Ang kwento pa ni Rainier noong unang sinabi sa kanya ng kanyang manager/discoverer na si Tom Adrales na inaalok siya ng isang recording contract ng Universal Records, nangiti lang siya. Ibang klaseng ngiti na may halong pagtataka. Noon pa man, nag-isip na ng malalim si Rainier. Tinanong niya ang kanyang sarili kung kakayanin niya ang pagre-recording. Pagtatapat pa niya, simula nga noong banggitin sa kanya ito ni Tom, madalas na siyang kumanta-kanta ng nag-iisa. Ang pagsasanay niya ng pag-awit, hindi lamang sa banyo kapag naliligo, kundi sa lahat ng parte ng kanilang bahay. Finally nga, dumating na ang araw ng pagpirma niya ng recording contract with Universal Records. Hanggang doon, hindi pa rin siya makapaniwalang nangyayari sa kanya ito. "Hindi kasi sumagi man lang sa isip niya na balang araw ay tatanghalin siyang isang recording star. Kahit sabihin pang pangarap niya ang maging sikat na artista, talagang wala sa kanyang mga immediate plans ang maging recording artist. Ngayon dumating sa kanya ang isa pang magandang break, masayang-masaya si Rainier at malaki ang kanyang pasasalamat kay Mrs. Bella Dy Tan ng Universal Records. "I'm so thankful for the trust she has given me," say ni Rainier. "She told me she has seen a great potential in me, sana nga magkatotoo." Ang magiging vocal coach ni Rainier ay si professor Anthony Salazar. Naka-schedule na ang kanyang mga vocal training at tiyak na haharapin ng husto ito ni Rainier. Si Mrs. Bella Tan naman, na-contract na ang karamihan sa mga leadingcomposers upang igawa ng mga bagong kantang babagay kay Rainier. Sa contract signing, masaya rin ang GMA Artist Center's manager na si Ida Henares. Isa na naman talent under her wings ang nabigyan ng pagkakataon sa recording. Ngayon ay isa na sa pinakasikat na young TV personalities si Rainier. Kilala na rin siya bilang commercial model. Susunod na ang paggawa niya ng pelikula. At malapit ng ilabas ang kanyang debut album. Well excited na ang kanyang fans... pati kami! 

Posted by: JamJam [05-17-04]

Stage 1 Starstruck Playhouse LIVE "SISIBAKIN"

Sa darating na Biyernes ay magpapaalam na sa ere ang Stage 1 Live ng GMA 7. Ang StarStruck Playhouse ay ililipat sa ibang oras at gagawin nang hanggang Biyernes. Nuong last friday  ay in-announce na sa mga taga-StarStruck ang nalalapit na paggu-goodbye ng kanilang variety show, kaya marami sa kanila ang nalungkot at may mga naiyak pa. Pati si Chynna Ortaleza, na isa sa tatlong hosts ng show (kasama sina Cogie Domingo at Raymond Gutierrez), ay nalungkot. Bago nagsimula ang live show nila last friday ay nakita namin si Chynna sa GMA-7 EDSA ay halata sa kanya ang sobrang lungkot sa balitang nakaabot sa kanya. Sabi namin kay Chynna, dapat ay huwag siyang masyadong malungkot dahil kahit mawawala na ang Stage 1 Live ay may bago silang show ni Raymond. Yes, dahil hanga ang GMA-7 management sa galing nina Chynna at Raymond sa pagho-host ng Stage 1 Live ay may bago silang show na iho-host. At si Cogie? May ibang plano raw ang GMA-7 management para sa binata. Anyway, sa darating na Biyernes ay isang bonggang pamamaalam ang magaganap sa Stage 1 Live, kaya dapat abangan ang farewell presentation nila

Posted by: Sianty [05-15-04]

Rainier Grand Slap Award

Last friday (May 14, 2004) Rainier got his 3rd Slap Award on "Stage 1 LIVE." Everybody was shock cause this is the 3rd time na siya nanaman ang na SLAP. But dont worry guys, he also won the CLAP award na ikinasaya ng kanyang mga fans. it only shows na kailangan pa talaga ni Rainier mag-improve even though that sa ibang larangan ay unti-unti na siyang gumagaling. gets mo na!

Posted by: JamJam [05-15-04]

Stage1 "TROPANG BAGETS 4EVER"

Becky, Lorna and Sylvia are golden girls. Becky is scared to death of growing old. Lorna is an old maid with no more hopes of finding love. And Sylvia is a bitter wife whose husband left her for a younger woman. Together, they find magic water from the fountain of youth that transforms them into younger versions of themselves. As their younger counterparts, they meet the men of their dreams – Paolo, Bryan and Jiro and they fall in love. However, the effect of the magic water is only temporary. Will love triumph over age? Have these long time friends finally found true love?

Posted by: RapRap of Markattack.tk [05-13-04]

Hapee Toothpaste Commercial

Alam ninyo ba ito, "Smile mo Kita ko, feel ko" la la la la. This is the jingle song of Rainier's Newest Commercial HAPEE Toothpaste. When i first saw it, hindi ko akalaing si Rainier yun kasi sa nasabing commercial eh medyo slim pa sya ng kaunti. But look at him now, hawig na nya si Yasmien (Chubby na!) bagay nga silang loveteam kasi pareho na silang malusog. But actually people loves him very much on that commercial. Sa palagay nyo anong channel station unang pinalabas ang commercial? Sino kaya?.

Posted by: Cleng [05-13-04]

Ranier as Rico Yan in "MAGPAKAILANMAN"

Balitang balita na diumano'y pagganap ni Rainier Castillo sa buhay ng namayapang batikang aktor na si Rico Yan. Pero ayun sa balita, hindi tiyak ang nasabing chismiss. Kung magkakatotoo man ito, isa na ito sa mga magagandang apportunity na puwedeng magpasikat pa lalo sa naturang Baguhang Aktor. Pero ayon sa mga nagmamahal kay "Buboy" (Rainier) susuportahan naman nila ito kung sakaling matuloy. Pero alam nyo mga chong and chang, bilib talaga ako sa karisma nitong si Rainier dahil isa sya sa mga napili para lang gumanap sa nasabing palabas. Anong say nyo mga friends?...

Posted by: Sianty [05-12-04]

Hindi lang KIller Smile... "PAMATAY DIN ANG WEIRD DANCE STEPS NI RAINIER"

Noong una, pinagtatawanan ang istilo ng pagsasayaw ng StarStruck survivor na si Rainier Castillo. Ang tigas-tigas daw ng katawan nito na mistulang kawayan 'pagnagsasayaw. badu'y na baduy din daw ang dance steps na alam nitona sinasabayan lang ng kanyang killersmile. Ang pagsasayaw kasi ang isang talent na dapat ay taglayin ng sinumang StarStruck Star. kaya kahit sinasabing parehong kaliwa ang mga paa ni Rainier sa pagsasayaw ay nagsikap naman siyang matuto. Nagklick naman ang kakaiba at pinagtatawanang dance step ni Rainier. Ngayon ay ginagaya na ng ilang dance groups sa telebisyon ang dance steps ni Rainier at patok na patok ito ngayon sa mga bata. In fact, mismo sa programang A.S.A.P. ay napanod ng fans ni Rainier na isinasayaw ng isang kilalang dance group ang "Rainier Dance". Malakas daw ang impact nito sa publiko kaya ganu'n na lang din ang katuwaan ni Rainier at ang mga nagmamahal sa kanya.

Posted by: JamJam [05-10-04]


 
 




† SITE © KILLERSMILE.TK - LAYOUT MADE BY JAMJAM | MAIN IMAGE FROM OKINAWA DESIGN
1