The Yeba!Logbook Part2 presents...

Snow White and the 3 bears of Wonderland (Ang Istorya ni Sleeping Beauty)

Part 1: (by Dadu)

    Minsang nagliilnis ng hardin ang ating bidang si... itago na lang natin sa pangalang Almi. Maganda ang sikat ng araw sa mumunting kubo nina Almi sa tabi ng isang mumunting burol. Sa tuktok ng munting burol ay isang mumunting balon na kung saan kumukuha ng tubig si Almi para sa kanyang pamilya. Pagkatapos maglinis sa hardin ay inakyat niya ang burol kasama ang kanyang mga alaga, ang 3 blind mice.

    Nang sila ay makarating sa tuktok, isang kagulagulantang na bisyon ang kanilang nakita!

    Sino kaya ang nakita nila sa tuktok? Abangan...

Part 2: (by Dadu)

    Sa tuktok ng burol ay nakatayo si Robin Moo(d) kasama ang one little pig. (one na lang kasi kinain na nang natitirang pig yung 2 nawawala...) Wala na namang magawa sa buhay itong si Robin Moo(d) kaya naisipan na lang niyang hold-upin si Almi.

    "Akina pera mo!" sabi ni Moo.

    "Ayoko nga!" sabi ng matapang (at cute) nating bida.

    Mula sa gilid ni Robin Moo nagsalita ang baboy, "Hoy babae *oink* mabuti pa *oink* ibigay mo na pera mo! Baka makatikim ka sa kin!"

    "Ano matitikman ko sa yo? Pata?" pabirong sabi ni Almi.

    "Aba loko tong batang to ah!" sigaw ng baboy.

    Sumugod ang baboy kay Almi nang biglang...

    *POP!* (may dumating!)

    "Ako ang iyong fairy godWendi!" sabi ng maliit na tutubi. Nagulat ang baboy at sabay nadapa ito! Humiyaw nang humiyaw *squeaal-squeaal*. Ayan kasi, ang laki ng pantalon!

    Balik tayo kay Almi...

    Habang gumapang papalayo ang baboy, si Robin Moo naman ay nagtangkang hulihin ang fairy godWendi. Di namalayan ni Robin na malapit na siya mahulog sa balon. Ilang segundo ang nakalipas at...

    "AAAAAALMIIIIII!!!" naku! nahulog na! iyan na nga ba sinasabi ko eh...

    Ngayon balik na talaga kay Almi...

    "Hoy tutubi!" sabi ng bida.

    "Anong tutubi? Fairy godWendi mo ako!" sagot ng tutubi.

    "O sha sha. Kita mong ginawa mo? Hinulog mo si Moo sa balon! Nagbibiro lang naman!"

    "Oo nga," pahabol ng 3 blind mice. "Sana yung baboy na lang hinulog mo!"

    "Shet naman o!" sabay sampal sa sarili ng godWendi. "Eh sha na nga tong nananakit eh!"

    "Hala ka! Kunin mo sha! Kundi may magagalit sa yo!" sumbat ni Almi.

    "Aber, sino naman ang magagalit eh bandido lang si Robin Moo?" tanong ni godWendi.

    "Yung iba john," kindat si Almi. "O pano, pumasok ka na sa balon at hugutin mo si Moo!"

    "Di pwede."

    "Bakit?"

    "Di pwede mabasa ang mga fairy na katulad ko, masyado kaming delicate. :)" (baka si limee pwede)

    "Pocha, arte nitong insektong to ah... sige na nga, ako na lang."

    Nag-swan-dive ang ating bida papasok ng balon a-la Lara Croft (w8! dadu, ako yan! ~achu) kasunod ang 3 blind mice na medyo natagalan hanapin ang butas ng balon kasi nga bulag sila...

    Ano kaya ang mangyayari? Abangan...

Part 3: (by Achu)

    Pagdating nila sa bottom ng balon (yuck konyo) eh nakita nila ang tunay na Lara Croft na si... *ahem* Angelina Jolie.

    "Nasan na si Moo?" tanong ni Almi.

    "Who Moo?" (pare, with the pouty lips - Dadu, this is for you!:)) tanong ni dropdeadgorgeous Tomb Raider.

    "Si Robin Moo... chaka si one little pig..."
 
    "There's no Moo here, just..."

    Sabay labas from the darkness...

    Si Catherine Zeta-Jones! (in Entrapment costume)

    "Moo? Ikaw ba yan?" tanong ni Almi.

    "Ako nga," sagot ni CZJ.

    "Wait... ikaw si Robin Moo kanina?" tanong ulit ni Almi. (kawawang bata, walang muwang.)

    "Ako nga sabi eh."

    Galing sa itaas, (meaning outside of the balon) sinigawan sila ni fairy godWendi -- kaliit na tutubi, kalakas ng boses... (baka dinubb ni Limee :))

    "HOY! BILISAN NIYO NA! MAY RIOT DITO SA TAAS!"

    So, sinet-up na ni Catherine Zeta-Jones ang climbing-gear chuva nila at inakyat sila Almi at ang 3 blind mice. Iniwan na nila yung iba JOHN dahil nabaliw na ata at puro "CHEMICALS CHEMICALS" na lang yung sinasabi. And besides, mashadong mabigat, baka di kayanin ng cord.

    Nang makalabas na sila ng balon...

    "AKIN SHA!"

    "HA! Feeling mo!? Eto ang IN-OUT KICK ko para sa yo!"

    "AAAaaggh!! Ang sakit nun ha! Eto, STRETCH KICK ko for youuuu!!"

    Hala! 2 miyembro ng notorious Chinese Society, nag-aaway!

    Ano ang pinag-aawayan nila? Sino ang dalawang member ng notorious Chinese Society? Ano ang gagawin nina Angelina Jolie at Catherine Zeta-Jones? May itatanong pa kaya si Almi? Abangan...

Part 4: (by Dadu)

    "Akin sha sabi eh!" sigaw ng matangkad.
 
    "Ayaw mo kong tigilan a. Kwang Shang Te!" sabi ng mas maliit.

    "Naku! Mukhang galit na galit! Nagmumura na ang intsik! Lara, pigilan mo!" sabi ni Moo.

    Umepal sa eksena si Lara Croft, ngunit ang kanyang western martial arts skills ay walang talab sa mga beasts from the east! Bumulagta si Lara nang di oras habang nag-aaway pa rin ang dalawa.

    Naisipan ng bebi na kausapin ang dalawa...

    "Excuse me, mga tita, ano ba pinag-aawayan niyo?"

    "Eto kasing si ChokCy eh!" sabi ng mas maliit.

    "Anong ako?! Tantanan mo nga ako Icepik! Sabi nang akina yung tikoy na yun eh!"

    "Pocha, yun lang ba pinag-aawayan niyo?! Tikoy?! Ni hindi niyo nga alam kung ano tatak nun eh!" sabi ni Moo.

    "Alam namin no!" sabi ng 2.

    "Sige nga. Ano?" sagot ni Moo.

    "PAPA PEP'S SPECIAL TIKOY!" sabay kinilig yung dalawang singkit.

    Sa tinagal-tagal ng awayang ito, mahigpit na titigan lamang ang namagitan sa dalawang singkit. Kinalabit ni Almi si Icepik at sinabi,

    "Ale, wag na kayong mag-away... pleeease?" sabay ngiti na parang infant.

    "ChokCy, nakikita mo ba ang nakikita ko?" sabi ni Icepik.

    "Nakikita ko pero I can't believe my ice!" sagot ni ChokCy na pawang gulat na gulat.

    "Ikaw nga! Ikaw nga!" sabay na sabi ng 2. "KAMAHALAN!"

    Sabay lumuhod ang dalawang singkit.

    Takang-taka ang moo't bebi.

    Bakit lumuhod ang dalawang pintsik. Abangan ang susunod na SW3B!

    P.S. bulagta pa rin si Lara! With pouted lips!

Part 5: (by Dadu)

    "Hoy! Tumayo nga kayo! Ano pinagsasasabi niyong kamahalan?!" sabi ni bebi.

    "Kamahalan! Di mo ba kami natatandaan?" sabi ni Icepik.

    "Ah eh.. hinde?" sagot nambebi.

    "Kami ang mga court generals niyo sa Palasyo!" pasimangot na sagot ni ChokCy.

    "K lang kayo? Isa lang akong hamak na babae! Di me princesa!"

    "Hindi ka nga princesa pero..." sabi ni ChokCy.
 
    "Eh ayun naman pala eh bakit..." hindi pa natatapos sumagot si Bebi ay biglang sumigaw si Icepik:

    "REYNA ka namin!!!"

    Natameme na naman ang bebi.

    "Reyna [chinese characters-ewan!]!!!" sabi ng mga pintsik.

    Itutuloy... Ano kaya ang ibig sabihin ng [chinese characters-ewan!]?


    Kelan kaya ang labas ng Part 6?? Hmm. Sisimulan ko na nga... =)
 
 

|Back|
 



 
 
 
 
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com