The Yeba!Mailing List presents...
para sa mga nahiritan ng "hanggang friends na lang" ...
Lang
Sabi nila hindi ako makuntento. Dahil
hanggang dito na lang tayo.
Hanggang dito na lang ang samahan
natin; ang turingan natin. Hindi na
lalagpas sa pagiging magkaibigan.
Naging kaibigan kita sa hindi inaasahang
pagkakataon. Noong unang
nagkasalubong ang landas natin,
hindi kita pinansin. Eh ano nga
naman, hindi nga kita kilala. Ang
atensiyon ko noon ay nasa ibang tao.
Pero nang lumaon, nagkakilala tayong
mabuti, at nabuo ang isang
relasyong hindi ko inakalang mabubuo
sa pagitan natin.
Ikaw ang naging pader sa mga panahong
ako ay napapagod at kailangan
ng masasandalan. Ikaw ang nagbigay
ng mga salitang nagbibigay init sa
damdamin ko tuwing ako ay nalulungkot.
Ikaw ang nagbigay sa akin ng
pakiramdam na ako ay minamahal,
inaalagaan, pinoprotektahan. Kaya
itinuring kitang kapatid – na alam
kong makakasama ko, matatawagan ko
at mamahalin ko.
Subalit ang akala kong damdaming
hindi magbabago ay unti-unting nag-
iba. Ang unang pagkikita ay inasam,
ang unang sulyap ay pinanabikan,
ang unang ngiti mo ay nagpahina
sa mga tuhod ko. Hindi lang kasi
ugali mo ang maganda, pati pisikal
mong kaanyuhan, nakakapang-akit.
Pero hanggang doon na lang ako. Sa
tingin, sa sulyap. Dahil hindi
naman magkakaroon ng katuparan ang
mga pangarap ko. Hindi ba sabi
mo, "I love you my little sister"?
Eh wala, hanggang kapatid na lang
ako sa'yo. Dahil alam ko, may iba
kang minamahal at nasasaktan ka sa
pagmamahal na iyon.
Wala akong lakas ng loob na sabihing
"Ako na lang ang mahalin mo!"
dahil imposible. Hindi pwede. Kaya
ko kayang ibigay ang pagmamahal na
inaasam mo sa kanya? Siguro naman
oo. Kaya ko namang pasayahin ka,
hindi ba? Masaya naman tayo kapag
magkausap tayo. Pero bakit kaya
ganoon? Pinagkakait ka ng tadhana
sa akin.
Sana naman magkatotoo ang mga pangarap
ko. Hindi yung umaasa nalang
ako dito, naghihintay sa wala. Masakit
tanggaping magkabigan tayo.
Magkaibigan lang.
|Back|
all rights (and wrongs) reserved
o achu the elder o copyright 2002 o
email: thegshift@yahoo.com