The Yeba!Mailing List presents...

para sa mga di pa umaamin...

Pakisabi na lang...

"pakisabi na lang na mahal ko sha
di na baleng may mahal shang iba
pakisabing wag shang mag-alala,
di ako umaasa.
alam kong ito'y malabo
di ko na mababago...

ganun pa man, pakisabi na lang..."

di talaga pwedeng turuan ang puso. kung pwede lang eh di sana mas
maraming tao ang masaya ngayon kaysa malungkot. kung pwedeng turuan
ang puso, ang mamahalin lang ng tao eh yung pwede lang niya mahalin -
yung mahal na sha, o yung taong kaya shang mahalin. taong gustong
matutong mahalin sha.

pero hindi talaga natuturuan ang puso.

yung iba sinuswerte. kita na nila kaagad yung para sa kanila. tapos
ok na sila. siguro, lapitin lang talaga ng swerte. o malakas sa kung
sinong Diyos. o nasa tamang lugar sa tamang panahon.

yung iba naman, malas ng konti. nadadapa muna bago mabago nang
tuluyan ang perspective. kasi sila, kadalasan, ang hanap, perpekto.
eh wala namang perpekto dito sa mundo. "tama" lang, hindi "perpekto".
tapos kapag nadapa, nauuntog. natatauhang panahon na para maghanap ng
tama lang at hindi perpekto. kaya ayun. eventually, ok rin.

yung iba naman, forever na silang nadadapa. bumabangon, hindi
natututo, nadadapa uli. or, nadadapa, nasasaktan, at hindi na umuulit
pa. masakit yun. kasi naipagsapalaran na nila mga puso nila,
nasaktan - siguro grabe - kaya napilitang itago na lang ulit. kawawa
naman sila.

pero ang pinakakawawa... ay yung hindi man lang nadadapa kahit
kailan. kasi hindi pa nila naranasang makipagsapalaran. hindi pa nila
nilalabas ang puso nila. hindi pa sila nagmamahal. hindi pa sila
nasasaktan.

hindi pa nila nasisimulang turuan ang puso nila.

eh teka - di ba nga hindi natuturuan ang puso?

yun nga. dahil kusa siyang natututo. natututo sha sa bawat hinagpis.
sa bawat hagupit ng kamalasan. sa bawat pagkakataong kailangan niyang
kayanin ang sakit - sakit ng rejection, sakit ng pagkawala, sakit ng
pagkakadapa kahit makailang beses na rin siyang bumabangon.

dun natututo ang puso - sa sakit. kaya hindi dapat matakot masaktan.

paano matututo ang isang pusong nakatago?

"ganun pa man, pakisabi na lang..."

wag na.
ikaw na mismo ang magsabi.

ilabas mo ang puso mo -
may karapatan siyang matuto.



note to myself: ever heard of practicing what you preach? *yun na!!*
 


|Back|
 
 
 
 
 
 
 
 
 

all rights (and wrongs) reserved o achu the elder o copyright 2002 o
 
 

email: thegshift@yahoo.com