|
Ang sumusunod ay mula sa polyetong Mga dapat malaman ng isang Overseas Filipino Worker (OFW) na nagtatrabaho sa Singapore bilang Domestic Helper , inilathala ng Embahada ng Republika ng Pilipinas (20 Nassim Road, Singapore 258395). Pasasalamat kay Ms Josephine M. Sanchez, Assistant Labour Attache Welfare Officer. Mga dapat malaman ng isang OVERSEAS FILIPINO WORKER (OFW) na nagtatrabaho sa Singapore bilang Domestic HelperMula ng mabuo ang Migrant Workers and Overseas Filipino Act of 1995 o Batas RA8042, tiniyak ng Pamahalaang Pilipinas ang pagbibigay ng mataas na antas at sapat na proteksyon at pangangalaga sa kapakanan ng lahat ng manggagawang Pilipino sa Ibayong Dagat kasama na ang kanilang pamilya. Alinsunod sa nasabing batas at upang maitaguyod ang kagalingan at karapatan ng mga manggagawang Pilipino sa Singapore at maiwasan ang mga pang-aabuso lalo na sa mga kababaihan, ipinatupad ng Philippine Embassy ang "Agency Accreditation Scheme". Sa bagong patakaran, kikilalanin lamang ng Philippine Embassy ang mga recruitment agency sa Singapore na tumatanggap at sumusunod sa regulasyon nito at ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA). Ang mga "Singapore Accredited Agency" lamang ang pahihintulutang kumuha ng manggagawa sa Pilipinas at magproseso ng "Standard Employment Contract" sa Philippine Embassy. Ang sumusunod ay mga karaniwang katanungan tungkol sa pagpapatupad ng RA8042 at sa "Monitoring and Protection Scheme" na ipinapatupad ng Philippine Embassy: Bakit kailangan ng manggagawang Pilipino ang "Standard Employment Contract" mula sa Philippine Embassy at ano ang kahalagahan nito? Anu-ano ang mga benepisyo ng "Standard Employment Contract"? Papaano magkakaroon ng kontrata ang mga manggagawang Pilipino sa Singapore na hindi dumaan sa POEA? Magkano ang "Placement Fee" ng bagong manggagawa na nais magtrabaho sa Singapore at dumaan sa POEA? Ano ang mangyayari sa mga turista o manggagawang Pilipino na nananatiling "Illegal" o walang "valid visa" sa Singapore? Bakit kailangan ng manggagawang Pilipino ang "Standard Employment Contract" mula sa Philippine Embassy at ano ang kahalagahan nito?Sa simula't simula pa ay kailangan na ang kontrata para sa lahat ng manggagawang Pilipino na nais magtrabaho sa ibang bansa. Batay sa batas RA8042, tinitiyak ng Philippine Embassy na ang lahat ng Pilipino sa Singapore ay may "Standard Employment Contract". Ang kontratang ito ay nagbibigay ng pantay na karapatan sa employer at worker at karampatang responsibilidad sa ahensya na siyang nagdala ng mga manggagawang Pilipino sa Singapore. Ang nasabing kontrata ay may bisa ng dalawang (2) taon at maaaring magpanibago ng kontrata (contract renewal) ayon sa kasunduan ng worker at employer. Anu-ano ang mga benepisyo ng "Standard Employment Contract"?
Ang mga nilalaman at benepisyo ng "Standard Employment Contract" ay ang mga sumusunod:
Papaano magkakaroon ng kontrata ang mga manggagawang Pilipino sa Singapore na hindi dumaan sa POEA?Ang mga manggagawang kasalukuyang nagtatrabaho sa Singapore na walang kontrata o hindi dumaan sa POEA ay inaanyayahang makipagtulungan at magparehistro sa Philippine Embassy at kumuha ng "Standard Employment Contract" upang sila ay maging documented worker".
Bukod pa sa mga benepisyo at karapatan na makukuha ng isang "documented worker" base sa kanyang
kontrata, marami pang benepisyo na higit pa sa nakasaad sa nasabing kontrata ang ibinibigay
ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA). Ang ilan sa mga benepisyo na matatanggap
bilang miyembro ng OWWA ay ang mga sumusunod:
Sa bagong "Standard Employment Contract" nakapaloob dito ang pagbabawal sa mga Singapore Employment Agency sa pagkaltas ng pera sa mga manggagawang Pilipino para pambayad ng placement/ renewal/transfer at processing fee. Sa ngayon nayroon ng isang daan (100) accredited employment agencies sa Singapore na kumikilala sa patakaran ng Philippine Embassy at POEA. Ang mga ahensiyang ito lamang ang pinapayagang magproseso ng "Standard Employment Contract" sa Embassy. Ang nasabing kontrata ay mahalagang "requirement" para sa "passport renewal or amendment" at sa pagkuha ng "exit pass" sa POEA ng isang manggagawa na magbakasyon sa Pilipinas. Sino man sa mga ahensiyang ito ang magdadala ng "tourist worker" o "undocumented worker" o magkaltas ng pera sa suweldo ng manggagawa ay mawawalan ng accreditation sa Philippine Embassy at mapapabilang sa listahan ng "blacklisted agency."
Batay sa bagong patakaran ng Department of Labor (DOLE Department Order No. 34) ang "placement fee" sa Pilipinas ay nagkakahalaga ng isang buwang suweldo (S$300) ng isang worker. Hindi pa kasama dito ang mga sumusunod na "processing fee" na babayaran naman ng Employer:
Marami ng masamang karanasan ang Pilipinong domestic worker na pumasok sa Singapore bilang turista. Ilan sa mga kahirapan nila ay ang halos walang suweldo sa loob ng lima hanggang pitong buwan dahil sa "salary deductions" sa ahensiya, "contract substitution", mababang suweldo ngunit mahabang oras na pagtatrabaho sa dalawang bahay o shop. At kung minsan kasama ang pananakit o pagmomolestiya ng amo. May mga Pilipino rin na pumapasok ng Singapore bilang turista ngunit hindi para magtrabaho bilang katulong. Sila ang mga pumapasok ng trabaho bilang "guest relation officer" sa mga pub at karaoke bar. Ilan sa kanila ay nagiging biktima ng prostitusyon. Batay sa Section 19d (SERVICES) ng RA8042, maaring kanselahin ng Philippine Embassy ang pasaporte ng manggagawang Pilipino na hindi dokumentado .
Ang sino mang turista o manggagawa na namamalagi sa Singapore na walang "valid tourist visa" o "work permit" ay magmumulta at mabibilanggo. Sila ay kakasuhan ng "overstaying" at babawalan na makapasok muli sa Singapore. Sign
My Guestbook
Click on the graphic to vote for this cyberwanderers have surfed to this page since 19 Jan 97 Last updated 22 April 1997 Copyright(c) 1997 mtbattad.E-mail me for comments and contributions. This page hosted by Get your own Free Home Page |
||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||||
|