Tula at iba pa...
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->
dayalogo sa magdamag

kulisap,kulisap dalawang ipis nag-uusap
nagtatalo, nagbubuno sa diwang di ganap
hinalaw sa kung saan ang  tindi ng uyab
sa bawat salita tila magliliyab....

anito ng sinsin, dusa ng isipin
paano ang damdamin
kung bikig ay sapin
di makahulagpos ang puyos ng naisin

nagtatanong ako sa  tuya ng uang
bakit may salagubang
tuwing ika'y kadagang
mangungunyapit sa lundo ng baytang.....

ay, ay, ay alipin
kusa kang susundin
kung iyong wiwikain
lahat ng loobin....

ang simulang minsan ayaw pakawalan
sa paghuhulagpos  di rin maalpasan
sa loob-loobin tila di matawaran
ano bang salita akin ngang tuturan....

di ko na mabatid ang kagat ng lamok
tila nga ang dugo nanunuso-nusok,
gusto nang ipasok
ayaw lang maarok

sa magdamag na lumipas
ano bang palabas.....
pag-ibig bang walang kupas
o kulisap na lumilipas
walang kahulugan
ni walang batayan
lahat ng nararamdaman
ayaw nating patulan
libog  lang ng  katawan
o siklot ng isipan...
sagot ko tanong mo
tanong mo sagot ko
sagot mo  tanong ko
tanong mo sagot ko.....
alinman, saan man
una nating usapan
parang walang katuturan
subalit ang paraan
may iwing dahilan
aking taludturan tila walang tutunguhan....

magtatapat ako...sana pakinggan mo
surot lang ako sa singit ng kama mo
bukbok na indayog sa tinapay at puto
tipaklong na hari ng  dahon at damo
minsan ay lisa at kuto rin ako
makulit...naningkit  pag hindi inukit
ang silbi ng pisil at pagkalapurit
unang pagkikita laging ala-ala
damdamin ay walang kasing-saya
unang halik mo aking nadarama
baka sa yo'y walang pagnanasa
sa akin sinta, iba ang timpla
may halong saya at pagkabalisa
baka nga ano na itong nadarama....

nagtanong sa buwan
sa gitnang lansangan
walang kasagutan
ano bang aasahan
maglilimutan
isa't isa'y lalayuan
sa sidhi ng tulaan...
iyo bang nalaman
nasaan
nasaan
sa magdamag ikaw ang kapiling....
sa baguio....
mga tuluyan at tambayan
Tilit's Anmaniche
Yahoo! Games
Yahoo! Photos
Yahoo! Greetings
Ako ito...
Name: estelita isabel v. llanita
Email: tileng53@hotmail.com
< ------------------------------------------------------------------------------------------------------------------->