Hgeocities.com/Tokyo/Club/5615/patawad.htmlgeocities.com/Tokyo/Club/5615/patawad.htmldelayedxفJxOKtext/htmlx8xb.HWed, 29 Sep 1999 20:47:22 GMT"Mozilla/4.5 (compatible; HTTrack 3.0x; Windows 98)en, *؁Jx Patawad
PATAWAD

Patawad aking kaibigan
Labis ang aking nagawa;
Mali ang mga nasabi at
Iba ang naipahayag sa iyo.

Masyadong naging makulit,
Bumubuntot at nakikialam
Sa buhay na sadyang sa iyo;
Patawad, patawad ang aking hinihiling.

Hindi ko inakala na ganito
Ang kalalabasan ng mga nagawa,
Nagalit ka at umiwas;
Ako ay umaasa na pagbibigyan; patawad.

Sana iyong maintindihan
Ang nararamdaman ko ngayon;
Umaasa ako na makasama kayo
At maging kaibigan mo ulit.



UP ONE EMAIL