Ang Cartoons
an ABS-CBN tv cartoon series, Sarah Ang Munting Prinsesa
by: Con-Con Romero
Naaalala ko nung bata pa ko.
Magigising ako ng alas-9, para manuod ng TV. Paboritong paborito kong panoorin noon yung Peter Pan tsaka Princess Sarah.

Bakit? Siguro, kce naiinggit ako sa kanila. Siguro kasi napapasaya nila ko. Mas pinapanuod ko sila sa Transformers, Conan, atbp. Aanhin ko naman kasi nung mga panahon na yun makakita ng mga truck na nagkakatawang tao, o si Conan na kasali ata sa Muscolados. Eh lahat naman yun puro halimaw lang ang ipinapakita. Care ko don?
Siguro kasi sa Peter Pan tsaka Princess Sarah, mayroon akong nakikita at naiintindihan sa buhay na hindi ko maipaliwanag noon, pero nauunawaan ko. 30-minutos ko lang napapanood yung mga cartoons na yun, sa araw araw, kung tutuusin sila'y wala naman talaga kung hindi mga drawing na gumagalaw sa TV. Walang totoong emosyon, walang totoong luha. Puro kulay lang at linya. Pero bakit kaya hanggang sa ngayong pag-tanda ko, dala ko ang emosyon ng mga darawing na yun. Yung bawa't tawa't luha nila. Tandang tanda ko mapa-sa-hanggang ngayon. Bakit mas malaki ang naging bahagi nitong mga cartoons na to sa buhay ko, kaysa sa Mara, Clara, AnaLuna, atpb na may totoong taong umiiyak. May mas malalim na istorya. May mas matagal na air time. Bakit kahit ngyong matanda na ko, kung papipiliin ako, mas gusto ko manood nitong mga cartoons na to kaysa sa ibang mga telenovela nung panahon na yun?
Naaalala ko, tuwing manunuod ako ng Princess Sarah. Ibabalot ko ng kumot ang katawan ko, para kunwari meron akong magara at mahabang bestida. Yung para talaga sa Prinsesa. Yung parang sa kanya. Pag nanunuod ako ng Princess Sarah, nagpapanggap ako bilang siya. Nangangarap ako na meron akong magarang damit na hinahangaan ng lahat, at isang malaking kwarto at laruang bahay na kinaiinggitan ng lahat. Na isa akong Prinsesang mabait, maganda at pinangangalagaan ng lahat. Nung bata ako, pangarap ko talaga maging Prinsesa. Si Princess Sarah ang prinsesa ko.

Nung bata ako, mas matapang ako kaysa ngayon. Dahil kay Princess Sarah. Kasi tuwing may aapi sa akin, tuwing iiyak ako, iisipin kong ako si Princess Sarah. Isang yugto lang yun ng buhay ko, na parang sha, kaya nya. Si Princess Sarah, sa harap ng pagsubok, tumatawa. Dahil isa siyang bata. Tanggap lang ng tanggap, dahil iyon ang nasa kanya. Nasanay sa luho, pero nung nag-hirap ay hinarap pa rin ang buhay ng buong tapang. Ganon ko rin hinarap ang buhay ko nung bata ako. Hindi nawala ang tiwala at paniniwala ko, na pagkatapos ng lahat ng hirap, gaganda uli ang buhay, kung hindi lamang ako susuko.
Minsan, naisip ko rin na baka Prinsesa talaga ako na nawala sa magulang. Balang araw, mhahanap nila ko, at titira sa isang palasyo, at magsusuot ng magagandang damit. Siguro yun nag dahilan kung bakit hindi ko kailanman naisip sumuko sa buhay ko noon. Dahil lagi ako naghihintay matagpuan ng aking Haring Ama, at Inang Reyna.

Nung panahin pa lang na iyon ng aking pagka-bata nabuo ang pangarap ko na makapag-debut. Sabi ko kasi sa sarili ko, at least sa debut ko, pwede ako maging prinsesa, kahit isang gabi lang. Makakapag-suot ako ng magandang gown at haharap na tao na parang batong maningning. Hinahangaan. Ginagalang. Tinitingala. Sa isang gabi kong pagiging Prinsesa, maaalala ko sa buong buhay ko, na anumang hirap ang pagdadaanan ko. May isang gabi na parang magiging ari ko ang mundo.
next page
back to main