AKO, ANG PAGSUSULAT AT ANG BALOT

here i go again doing nonesense on my page. Matgal na akong aspiring writer. Hilig ko talaga ang mag sulat.. pero ang pag susulat wala yatang hilig sa akin. Nagsusulat ako kahit saan. Sa bus, sa mga tiket, sa upuan hehehe, sa cr nagsusulat din ako, hahaha!!! Pero kapag pinapabasa ko ang mga sinulat ko sa mga frens ko, nawawalan ako ng gana, sumasama ang loob ko. Sabi nila, puro kalokohan lang daw ang alam kong isulat. Walang sense.. Halimbawa... kalokohan bang isulat ang tungkol sa pagkain ng balot? Eh sa gusto kong malaman kung paano kumain ng balot ang ibang tao eh.. Magugulat ka nga, yung iba, gusto kumain ng balot, pero kumakain sila sa dilim, ayaw daw kasi nila makita yung sisiw. Kalokohan!! Meron namang iba kumakain ng balot, pero di kinakain ung sisw, mas malaking kalokohan!! Para kang kumain ng kare kareng walang bagoong, o kaya naman sushi na walang wasabi.. Walang buhay, walang kwenta!! Pasensya na sa mga taong ganito kumain ng balot, pero wag ka na lang kumain kung hindi mo gusto ang kabuuan nito.. Nilaga at niluto na nga ang pobreng sisiw na hindi man lang nasilayan ang mundo, tinangihan mo pa.. Tangapin mo kung ano ang meron ka ngayon, ng buo, ng walang hinahanap pang iba, nang walang reklamo!.. O ano, kalokohan ba yun? Teka anu na ba tong sinusulat ko... eto nanaman ako...



0o0_ULAGA_0o0