Ang opisyal na website ng UP Ibalon
NO TO TAMBAYAN EVICTION!!!

[ Home ][ Milestones ][ Officers ] [ Members ][ Burabod ] [ Pictures ]

[ Sign our Guestbook ] [ View Current Posts ] [ View Old Posts ]

PADUNUNGAN

Ang PADUNUNGAN ay isang taunang paligsahan ng mga pangsekondaryang paaralan sa buong Kabikolan na inoorganisa ng UP Ibalon simula pa noong 1981. Ginaganap ito sa tuwing sasapit ang sembreak ng unang semestre sa UP at kadalasan ay inaabot ito ng tatlong araw.
Bawat taon ay nagkakaroon ng tema ang PADUNUNGAN na siya namang dinadala sa kabikolan. Bawat tema ay tinitiyak ng organisasyon na naangkop sa mga kasalukuyang isyu at direkta o indirekta na nakakaapekto sa buhay ng mga Bikolano.
Ang paligsahan ay binubuo ng essay writing, poster making, impromptu speaking, quiz bee, at t-shirt painting. Mayroon ding mga discussions, forum, at film showing na tumatalakay sa tema nito.

BICOL WEEK

Ang Bicol Week ay isang linggong selebrasyon sa loob ng UP na kung saan ang kulturang Bikolano ay dinadala ng UP Ibalon sa Maynila. Kadalasan, itinataon ito sa kapistahan ng Our Lady of Peafrancia (Mahal na Ina) sa Kabikolan tuwing Setyembre. Kabilang sa pagdiriwang ng Bicol Week ay ang pagkakaroon ng exhibit, cultural presentation, misa, sportsfest, at pakain ng mga pagkaing Bicol sa tambayan ng Ibalon.

ANIB

Ang ANIB (ikli ng anibersaryo) ay isang linggong paggunita sa pagkakatatag ng UP Ibalon noong 1974. Tuwing unang linggo ng Disyembre, ang Ibalon ay abala sa pagdiriwang na kinabibilangan ng Boy's and Girl's night, cultural presentation, open tambayan, misa, at ang napakatanyag na Miss Ibalon.

Community Integration

Ang Community Integration (o mas kilala sa tawag na CI), ay ginaganap tuwing bakasyon ng summer. Dito, ang mga kasapi ng organisasyon ay nakikihalubilo sa mga karaniwang tao at naninirahan sa pamamagitan din ng pamumuhay ng mga taong kanilang dinadamayan sa loob ng ilang araw. Dito nakikita ng organisasyon ang reyalidad ng kung ano talaga ang kalagayan ng nakararami sa atin.

[ Home ][ Milestones ][ Officers ][ Members ][ Burabod ] [ Pictures ]