Unang Reunion ng Taon: Dancing with Debbie, January 3, 2003
Tinawagan ako ni Debbie para bigyan ko ng instructions kung paano pumunta sa opisina namin ang driver na si Joey. Basta i-text mo ako pag nasa Welcome Rotonda na kayo, bilin ko kay Debbie. Nagligpit na rin ako, at pumunta na sa jeepney stop ng QI. Buti na lang, kasi nalimutan mag-text. Biglang nandoon na lang sila, nag-pull over, sakay na ako, and off we went to Robinson’s Galleria where Bamboleo is located.
Drop off kami sa Galleria. As we were walking, biro ni Debbie, "mukha tayong mag-ina."Hagalpakan kami. Oo nga naman. Mataba ako, siya ay slim. Siya ay very Italian chic, ako ay plain. Ako ay naka-flats, siya ay nakasuot nung uso na extended square toe (natitisod nga raw sa suot niya ang mga pamangkin nung Pasko). Tapos may dala pa akong bayong bag.
Nakarating sa Bomboleo on time, kahit mabagal ang lakad ng kasama kong chic in high heels.
Wala pa ang barkada. Upo muna sa reserved table near the dance floor. Ayos. Nood. Uy, magagaling sumayaw ang nasa dance floor.
May bumati kay Debbie. Ang DI pala nina Ruth, si Rey. Naghihintay na doon.
Ibinigay na ni Debbie ang kanyang surprise package, a souvenir she said I will like. Naka-gold wrap with curled ribbons pa. Buksan mo na, sabi. Na-recognize ko agad ang painting dun sa package. Van Gogh’s bedroom, his most peaceful painting. It’s a calendar, one painting per day! Wow!
Eto na sina Ruth. Change agad sila into dancing shoes. Sayaw agad si Zeny K. May kani-kanya pala silang paboritong sayaw, kaya alam na rin ni Rey kung sino ang kukunin niya for which number.
Ang dancing shoes pala, suede and suelas, para maganda ang traction sa dance floor. Hindi ginagamit as walking shoes, kaya doon na isinusuot at doon na rin hinuhubad sa dance hall.
Ang mahal ng pagkain dun sa Bomboleo, Maripaz and I agreed. Nag-order muna ng appetizers. Masarap ang calamari, very spicy yung chicken wings. Maliliit ang servings. Iced tea is P90.
Bago nag-order ng main courses, nag-excuse muna kami ni Debbie para bumili ng laminating plastic, gagamitin niya to protect ang isang painting sa bahay nila. National Bookstore, wala. We were directed to a basement store. Wala. Directed to a store on the second floor. Meron! Buti nakalakad naman kahit high heels.
Bongo daw yung ibang dishes so gumaya ako dun sa siguradong masarap na salpicao ni Zeny K.
Nakasayaw na lahat. Si Debbie naman ang isinayaw ni Rey.
Eto na si Poochie, kasama si Bong, DI niya. Ayaw pa muna kumain. Change into dancing shoes, at sayaw na agad. Dito kayo sa tapat namin, para mapanood. Ayaw. Tinitingnan yata sa mirror walls ang steps nila.
Si Debbie, kukuha na raw ng DI niya. Inutusan ni Ruth si Rey to get a house DI from Bombeleo. Si Louie ang kinuha, na kumpare pala niya, we learned later.
Ako, daig pa ang nanood ng several TV shows!
Maya-maya, change outfit na si Debbie. Whereas yung iba nagpapalit lang ng blouse, siya pati pants and shoes, pinalitan!
Maraming tidbits si Ruth sa mga nagsasayaw. Familiar faces sa kanila yung mga magagaling sumayaw dun. Na-ke-keep track niya kung sino na ang nagpalit ng damit, pati kung ano ang dating suot.
May isang grupo ng mga lola na dumating. Banat din. "Kami kaya, pag ganoong edad na, magsasayaw pa rin?", mused Ella.
Iyong kasayaw nung isang ale, anak kaya niya? DI pala, sabi ni Rey.
Bading kaya si Bong? Siguro. Ang lambot ng katawan, pati mga daliri.
Finally, nagutom na rin sina Poochie. Pero habang hinihintay ang order, sayaw pa rin!
O Poochie, masarap ba ang pagkain? Hindi masarap, ipapaubos nga niya kay Bong. Sira!
Siya pa ang nag-explain sa akin na ini-steel bruch daw niya yung suede suwelas ng dancing shoes, para malinis at ma-revive ang pagka-suede after each use.
Hinhintayin daw namin si Poochie hanggang alas-dose.
Dumating na si Ernie, sundo ni Ella. Hindi pala sumasayaw. Nagpapaalam na ang barkada. Not till you see Debbie’s final outfit. Palit uli.Naks talaga.
Nag-settle ng bills (closely audited by Ruth) si Debbie. Halos 6T ang binayaran.
Nag-conference din ang barkada at nagsingilan ng bayad at Christmas gift kay Rey.
Naiwan kami. Nag-email ako kay Ataboy. Ang titibay daw namin, sagot niya.
Tumigil na rin si Debbie. Nakipag-kuwentuhan kami kay Louie.
Si Poochie at si Bong, halos paalis na kami ay humirit pa ng sayaw!
Lumabas na kami and got a cab. Si Debbie ang unang hatid. Nag-alas dose while we were cruising Araneta Ave, near my office. Happy Birthday, Debbie! Naman ano, inabutan ng birthday sa street of funeral parlors!
Naihatid safely and soundly si Debbie. Till summer! Every week daw mag-da-dancing.
Maraming tips si Poochie kung saan dapat magsayaw, at kumain. Once a week sila mag-dancing ni Bong.
Pagkagising, tinawagan ko pa uli si Debbie para ibigay ang telephone number na kailangan niya.