Greenbelt 3 with Elmer and Chichi: January 17, 2003

Attendance:

Ruth with Erica, Girlie, Loida, Francis, Elmer, Chichi, Ana B. Ericson, Dennis, Felix, Luis with Ennah and daughters Trix and Louise showed up at Greenbelt 3’s Sentro 1771 Restaurant (serving Pinoy food with a twist).

Benjamin called up, Pat texted (they were tied up in Eastwood).

Quarter to six ako umalis sa office. 10 to 7, nasa Buendia na ang bus so tuwa ako at di male-late. Sus, e 25 minutes pala bago makaliko at makababa sa Rustans. Proceed to Glorietta. Nakita pa ang Photoworld, nabati ang mga fellow photographers. At naligaw konti, kasi Greenbelt pala dapat ang punta. Pleasant ligaw naman, kasi na-case ang ambiance ng Glorietta 2 dahil sa paghanap ng Glorietta 3.

Hangos, lakad. To New World. Tapos tawid na to Greenbelt. Powdered my nose, bago tuloy sa Sentro. Iba ang ambiance, parang may fiesta at ang lahat ay naghihintay ng umpisa ng stage show. Kumpol-kumpol ang mga tao, umuugong ang salitaan. Full of activity, ika nga.

Ayun sila, sa outdoor seating ng Sentro. Ruth, Erica (who got that last table, thank you!) Girlie, Loida, Francis (who was in NFA the day before). Kinuwento ko muna ang aking pagka-traffic at pagkaligaw. Sino ang mga darating, tanong nila.Sinabi ko.

Ipinasa sa akin lahat ng natirang pagkain. Sinigang na corned beef, specialty of the house, ani Elmer. Uy, buti na lang familiar na ako sa corned beef ng New York na chunky (hindi corned tulad ng alam natin dine) kung hindi iisipin ko pang binibiro ako ni Elmer. Masarap! Crispy pata. Uy, malutong! On the sour side ang sawsawan niyang bagong refresh. Gusto ko raw ba nung green mango juice na di na kayang i-consume ni Chichi, kasi bottomless na yung kanyang iced tea? Sige. Ano’ng tawag dun sa pusit dish? Masarap din. Ang rice nila, sa kawayan cans naka-serve. At ang appetizer na butong pakwan, bottomless din yata.

Eto na si Ericson. Sa kabisera namin ni Ruth naupo. Nag-order ng hito (catfish). Fillet naman. Saka nagpapadala ng taga-kukot ng butong-pakwan. Ang tawa lang ng waitress! Tinawagan na raw niya si Felix (nasa klase pa) at sinabi niyang, "I-dismiss mo na yang mga estudyante mo! Wala namang natututuhan sa iyo!"

Nakagat ata ang dila, eto na po ang Felix. Sunod lang sila ni dennis. Took the other kabisera and ordered sinigang din ba? Silang tatlo nina Francis ang nag-caucus ng basketball on that side.

Sa side namin, ang topics ni Ericson ay ang very successful bypass ni Daddy Marquez sa Asian Hospital. Abot daw ang puso ni great lolo sa debut ni Little Miss Gaby (precious apo sa tuhod) 18 years from now. Of course, d doting lolo had lots of stories about Little Miss Gaby. Mahilig manood ng ballet, pag may hinawakan, kahit papel, di mo makukuha, at pag naka-block sa kanyang view, ikaw ay malakas na tatabigin.

May sequel na raw ang Inay joke, pero di niya kabisado, claimed Ericson. Naghanap ng joke sa celfone. May nag-aaway na mag-asawa sa car, nakakita ng mga baboy sa dinaanan. Your relatives?, asked the wife. No, my in-laws, replied the husband.

Kumusta naman ang New York, Elmer? Oks na ang everyday life pero siempre di pa nakabawi ang economy. Bagong American citizen daw siya nung mag- 911, and in his anger, he wanted to enlist!

Elmer is here for yet another family wedding. He prefers to go to weddings rather than to wakes, siempre naman! Paalis na sila Sunday. Si Mylene left earlier. Si Sarah naiwan sa Taytay.

Ang reaction naman ni Loida sa 911, buti nga raw sa Kano, kasi ang higpit sa Asian immigrants, na siyang nagpupunas ng mga puwet nila, samantalang very hospitable dun sa mga Iraquis.

Nagiging heavy. Balik sa tsismis. Hoy, ang tataba nung mga dating sexy sa prep 67! At nga pala, a-attend ako ng reunion ng prep 66 next week. Wedding ni Modesta Orque.

"Ana B., may pag-asa ka pa!" exclaimed Girlie, nagni-ningningang mga mata, may patapik pa sa balikat sabay hagikhik pa!

Napag-usapan ang prospective in-laws. Si Ericson, di alam ang apelyido ng boyfriend ng anak. "Di ka boto doon, ano?", derecha ni Ruth. Okay naman yung bata, kaya lang ballet dancer. But recognized as one of the more serious ones daw, naka-feature na dun sa book na "Sayaw". Si Lucas Pakaskas daw ang tawag niya sa bata. Si Erica ay graduate na and is already working in their corporation.

Pinaka-maganda yung joke ni Loida: ang term daw ng iniwanang asawa sa philandering husband: sumakabilang-bahay na! Hagalpakan!

 

Review ng messages sa celfone, baka may naliligaw. May missed call pala ako. I called back. "Bakit mo ako tinatawagan?" sagot ni Dennis. Number pala niya yun!

Konti lang ang storage ko, kaya maraming wala sa address book ko. Ibinigay ni Girlie ang number ni Noel, insinulat ko muna sa napkin.

Pinaka-maganda yung joke ni Loida: ang term daw ng iniwanang asawa sa philandering husband: sumakabilang-bahay na! Hagalpakan!

Napag-usapan rin ang trips to China nina Ruth and Eric in April and May of 2002, respectively.

Elmer, ano na ang napanood ninyong mga shows? May Jose Mari Chan nga raw sa Onstage, pero alanganin na ang oras.

Nag-text na ang sundo ni Girlie. Mauuna na siya.

Nag-text si Luis kay Eric. Inabot sa akin ang phone. Bakit ikaw ang sumasagot, taka si Luis. Nasa The Fort. Papunta na sa Greenbelt 3. Si Jimmy, unattended ang phone. Text ang Pat, nandiyan pa ba kayo? Oo.

Nag-compress kami. Lipat ako dun sa end nina Dennis.

Nadaanan daw niya ang grupo ng prep 67 dun din sa Greenbelt the week before, despedida kay Leith and Toby Cava. Tinawag siya ni Mike Pedero. He joined the group as puzzle of the night.

Dumating si Luis, galing sa concert ni Regine Velasquez. Hinayang si Elmer. Dun naki-umpok sa side ni Ericson, di ko madinig ang pinag-kuwentuhan. Hinanap ni Luis si Sixto.

Napag-usapan uli ang wedding ni Modesta. May pag-asa ka pa, ulit ng mga unggoy.

Ang tsismosong Felix, 29 year old daw ang future husband ni Modesta, interesado sa visa, theory niya. Hoy, di siguro ganoon, kasi ka-e-mail ko si Myrna. Theory ko, widower.

Kaharap daw siya nung tawagan ni Modesta si EQ. Andun din si Jess Lucas. To verify, tinawagan niya si EQ. "Napapasubo ako dito, pinagtatawanan na ako nina Ana at Dennis, pare!", nadinig kong sabi.

May mga off the record pang tsismis about prep 66 and prep 67, di ko na sasabihin at baka batukan ako ni Ericson, Florante at Rudy Victoriano.

Dumating ang pamilya ni Luis. Sinusundo na siya. Ops, 11:30 pm na, baka wala na akong masakyan. Nag-break-up na ang group. Puwede daw ako i-drop-off ni Elmer sa Megamall. Okay.

Silip muna kami nina Chichi dun sa lagoon below. Ganda. Gusto ko rito, ani Chichi. Tingala sa cinema on the 3rd floor. Gusto pala ni Chichi manood ng "Mano Po". Ang ganda, sabi ko.

Lakad kami to Shangri-La parking area. Shoemart pala ang gustong puntahan ni Chichi earlier, wala silang time.

Tentative ang driving ni Elmer, naninibago sa road. Akyat ako dito (sa Ayala flyover). Biglang lumiliit ang kalye, comment niya dun sa may Boni MRT. Ihahatid na raw ako hanggang bahay. Puwede ba ako sa overpass dun sa Ortigas? Oo. Ops, kumaldag, kasi kumaliwa. Napunta kami sa Greenhills. Namamasyal lang tayo, said Elmer. Saan lulusot, ay di ko alam, di ako driver. Bumalik kami sa Edsa, nag-U turn. O, ibabaw sa Crame, ilalim sa Cubao. Kanan ka na paglampas ng Nepa Q, baka ma-miss ang East Ave.

Asan ang Sulo Hotel? Diyan sana kami che-check-in. Nakarating na sa amin. Derecho na diyan kung pupunta kayo sa UP. Nagbibiro lang daw. Pabalik sa Sikatuna ang hinanap.

Nakakatuwa ang extra time with Elmer and Chichi. Pati ang pag-safety pin ng pera sa undies, napag-usapan.

O, kelan at saan tayo for Sixto?