Pagkatapos ng mahabang panahon ng paghahanap ng
magandang site ng journal.. dito rin ang bagsak ko... bakit ganun walang nag-ooffer
ng ganung service? Sabagay ok lang naman ito, yun nga lang mas matagal nga lang
dahil iba pa yung pag-compose iba pa yung pag-post.
Alam nyo ba kung anong araw ngayon??? It's January 4, 2003... or 1-4-3... haaay.
Its time to tell those people you love what they really mean to you... kaya sa
inyong mga kaibigan ko at sa ispesyal sa buhay ko... I LOVE YOU!
Astig ano? di na darating ulit yan.. next millenium na ulit... buhay pa kaya ako
non? siguro itong site ko buhay pa... hehe sa archives..
Ay... gusto ko pala i-share sa inyo itong sobrang galing na natuklasan ko.. sabi
nga nung friend ko na sinabihan ko nito... "coolness". Basta since online din
naman kayo try nyo puntahan tong site na to...
http://stardust.jpl.nasa.gov/overview/microchip/names2z3.html
tapos search nyo (by control f) -- "wilmer zuniga".... galing diba? actually,
kaming magkapatid andun... si wilson katabi ko yung name.. iniisip ko lang na
napadala pangalan ko... wooooohh astig!
Ayan, ito pinaka-una kong entry.. sort of a diary/message ko sa mga visitors ng
site ko o labasan ng sama ng loob.. hahaha! kaya wag kayo magulat kung may entry
ako na puro mura hehehe. gusto ko nga rin magpost ng pag-criticize sa mga
punyemas na pulitiko.. at sa
mundo nating ginagalawan.. sarap siguro maging columnist sa dyaryo ano? yun nga
lang laging may banta sa buhay mo... mon tulfo idol! hahaha.
Di ko alam kung kaya ko araw araw gumawa ng entry pero habang may panahon at
kung may nasasaloob ako ipo-post ko na lang!
Kung may reaksyon kayo e-mail nyo ko o kaya post nyo sa guestbook.. sobrang
matutuwa ako nun.=) salamat sa pagbabasa!
Nakakainis talaga ang buhay, ang hirap
tantyahin ang mga tao! ...ang mga magulang to be exact. Meron ba talagang rule
na bawal humingi ng paumanhin ang mga magulang sa kanilang mga anak? Yung kahit
na alam nilang mali sila, gagawa at gagawa sila ng rason para di lumabas na sila
ang may kasalanan. Kung masama loob mo, papakita nila na mas masama loob nila.
Kung wala na talagang lusot, tatahimik sila at bahala ka na sa buhay mo, basta
sila hindi sila maaaring magkamali. Tila baga sa mata ng mga anak dapat ang
magulang di nagkakamali kaya parang di nila ipapakita ang ganito.
Nakakasawa na. Di naman yata tama yun. Kung talagang isa kang huwaran at
mapagmahal na magulang dapat ipadama mo na minsan nagkakamali rin ang magulang
at di naman masama kung umamin sa pagkakamali. Sa mga anak naman hindi bumababa
ang tingin kapag ganun, sa halip matuturo pa ang tamang kaugalian ng paghingi ng
tawad.
Basta ako, sa mga magiging anak ko, magiging isang mapagmahal akong ama at di
ikakahiya ang paghingi ng tawad kung talagang ako ang may kasalanan. itaga nyo
yan sa bato.
Matagal tagal na rin na wala akong entry
dito, kahit busy ako di ko talaga maiwasan na ilabas ko ang nasasaloob ko. OO,
tungkol to sa war against IRAQ. Nakakalungkot talaga, kanina nanonood ako ng CNN
tapos pinakita dun yung isang pack ng mga iraqi(?) tapos takot silang lahat..
may mga sundalong lumapit sa kanila tas nakita nila na may mga patay sa grupo na
yun. Yung iba naman natamaan ng
bomba at bala. Ilan pa ba ang magiging biktima ng digmaan na to? Meron naman ako
nakitang mga iraqi na parang nagdidiwang tapos sinasabi na katapusan na ni
Saddam.
Kahit saang anggulo mo titignan ang digmaan na ito.. o kahit ano pang digmaan,
wala talagang magandang idudulot ito. Oo nga aminin na natin na tarantado talaga
si Saddam pero ito ba talaga ang pinakamagandang paraan para sya ay matanggalan
ng kapangyarihan? kapalit ng buhay ng maraming tao, masaktan ang mga inosente at
masira ang buong iraq?
Sinasabi ng US na may tinatagong makapangyarihang mga destructive weapons ang
iraq pero sila mismo, sila ang may pinakamalalakas na weapons sa buong mundo.
Ano gusto nila? sila lang ang may power? tapos para silang bully na kung ano
gusto nila dapat sundin? ito namang si GMA kagaya ng lahat ng presidente ng
pilipinas ay sobrang sipsip. Hindi ko alam ang rason nya para maging boto sa
digmaan na to except sa pagiging sipsip at siguro sa paghangad na magantimpalaan
ang pilipinas ng mga gamit pang-digma, pera at maging
kakampi sa kahit anong laban sa hinaharap.
Marami sa atin dito sa Pilipinas ang di naman natin masasabing walang paki pero
kahit sympathy eh wala akong nakikita. tuloy pa rin ang natural na buhay.. akala
mo eh walang digmaan na nangyayari. Ako, oo nga at di ako sumasali sa mga rally
rally na yan.. pano wala naman talagang mangyayari dyan, kagaya ng ibang mga
rally except sa EDSA at EDSA Dos (na sinalihan ko).
Sa totoo lang, pakiramdam ko rin wala akong matutulong kundi dasal at siguro
itong pagpapahayag ko ng pagtutol ko.
Subukan nyong manood sa TV ngayon.. yung iba siguro inaabangan yung paglusob at
tinitignan kung ano mangyayari sa iraq... pero sana naman kahit papano
nalulungkot kayo.. isipin nyo kung kayo yung nasa lugar ng mga iraqi..
nakakalungkot talaga.
Kung sinasabi nila na dapat mag-disarm ang IRAQ, dapat mag-disarm din ang US.
Set an example! kagaguhan talaga to eh, tapos lahat pa ng tao sa mundo apektado
dahil syempre tataas na naman ang mga
bilihin pati ang presyo ng crudo. putek talagang buhay to.
Kung makakaharap ko lang tong si bush eh sinapak ko na eh... pero si Saddam,
pagnakaharap ko, sasaksakin ko na talaga. Pareho silang sira ulo. Napakapikon
kasi ng US, dahil natamaan sila noong Sept 11 akala mo eh kung sinong gusto
gumanti sa lahat ng kalaban nya. Pataasan ng ihi. Syempre sino bang di
malulungkot sa 911? pero isipin naman natin, ang isang pagkakamali, di na
maitatama ng isa pang pagkakamali! Sige dito muna, parang sasabog na dibdib ko
dito eh...
Kakatapos lang ng summer 2002-2003, pagkatapos
ng araw-araw na pagpasok ng umaga at ilang puyatan..heto nakaraos din!!!
Pagkatapos ng ilang pagpapahiya sa akin ng teacher ko sa 110.1 at pagtitiis
dahil syempre siya ang teacher. (at laging tama sila diba?) Masasabi ko na rin
na tapos na ako! wuhoooo!
Parang di ako makapaniwala na wala akong iniisip na dapat aralin sa susunod na
semestre hehehe. kaya heto inaayos ko na ang mga gamit ko, mga libro at kung ano
anong may kinalaman sa eskwela. 16 years din ako sa UP, grabe dapat bigyan
ako ng loyalty award dun. Nagsilibi pa ako sa UPIS ah... hehe.
Gusto ko magpasalamat, unang una na, sa Panginoong Diyos na di nagsasawa na tumuong sa akin. Oo nga, may mga pagkakataon na parang di na ako naniniwala sa kanya.. pero sa huli, kapag ibinigay mo ang iyong buong sarili sa kanya, di ka niya pababayaan. Pangalawa sa mga magulang ko, lalo na sa Mommy ko, Mi, salamat sa walang sawang pag-intindi sa akin at pagmamahal sa akin, sa kabila ng marami kong kakulangan. Sa mga kapatid ko, salamat din sa suporta nyo. Meron ba? hehe. At syempre sa mga kaibigan ko, alam nyo na kung sino kayo. Sa ABM,sa SMMART, sa mga CO-STs, mga teachers at mga estudyante ko sa UPIS, sa OUR, at sa lahat ng nakasama ko sa college... di ko kayo makakalimutan, salamat sa mga magagandang alaala.=) Grabe parang mamamatay na ako ah at ito yung farewell letter. hehe. *katok**katok**katok*
Ngayon, pwede na akong mag-move on, naaalala ko nung mga panahon na gusto ko na mag-give up... parang di ko na kaya noon... siguro tama yung kasabihan na, hangga't may buhay- may pag-asa. Pero di pa rin tapos ang laban, ngayon pa lang ako nakakaahon.. at pinapangako ko sa sarili ko na mas pagbubutihin ko na at kahit ano pa ang pagsubok na dumating sa buhay ko, kakayanin ko na yun. Sa pagtatapos ko ng entry na ito, gusto ko iiwan sa inyo ang isang quote mula sa "cast away" na nagsilibing inspirasyon sa akin... nagpapaalala na huwag susuko...
"I have to keep on breathing,
tomorrow the sun will rise, who knows what the
tide could bring"
August 24, 2003(1:24 am)
Matagal tagal na rin ako di nakakasulat dito, iba na ang buhay ngayon di na
May mga tao na talagang di mo makakasundo. Ika nga "you can't please everyone".
Ok, naglabas lang ako ng sama ng loob. ang sarap pala non ano? isa pa nga..
*&&*(#&*(*(&$*(*(@#*$(#&$*(#@&$@#$#(()*@#$!!!!!!!!!!!!!!!!!!
walang kukotra. website ko naman to.
kagaya dati na maraming panahon... Kahit di wednesday o weekdend dati kayang
kaya na mag-update ng site...
Ok naman ang buhay heto, medyo nakakaahon na at masaya... Parang lahat umo-ok
na.. at may mga bonus pa...
Pero sadya yatang di mawawalan ng problema ang isang tao, matanggal man ang
isa, may kapalit na agad at minsan marami pa.
At para sa inyo na masyadong bilib sa sarili, eto lang masasabi ko. TANGINA
NYO MAY ARAW DIN KAYO. NAGKATAON LANG NA SINUWERTE KAYO AT GANYAN KALAGAYAN
NYO PAGKAPANGANAK NYO. PERO DARATING DIN ANG ARAW NA LULUBOG DIN KAYO. TIGNAN
KO LANG.
September 23, 2003(11:36am)
Guess where i am? Nasa work... ayos ba? If my employer finds out about this
im going to be kicked out! hehehehe...
First of all, i would like to apologize for what i have written in
my last entry. I do not wish to frighten any of you who reads my entries..
again, im sorry.
Malapit na naman mag-paskoooo! Ambilis ng panahon ano? Parang kailan lang
na todo aral ako (as if) at todo Dasal din.. tapos ngayon nagtatrabaho na
at parang ambabata na ng tingin ko sa mga college students.. (oo mer,
matanda ka na)...
Sa aking pinakamamahal, alam mo naman siguro na ikaw yon noh... I LOVE YOU!
(feeling ko nga ikaw lang nagbabasa ng mga kabalbalan ko dito eh hehe)..
O sya, hanggang sa susunod na makabagbag-damdaming entry ko... PEACE OUT.
I'm happy to say that i finally found a good journals site!
hehe... kakapagod kasi mag-update nito kaya matagal bago ako maka-add. with this site hopefully marami na ako madagdag na entries..
pls click the following link to go to my journals site