<%@LANGUAGE="JAVASCRIPT" CODEPAGE="1252"%> xciovolk89__God gave me the strength to accept those things I cannot Change...

 

     
 

xciovolk89__DELTAversion
"God gave me the strength to accept those things I cannot change..."

Hindi ko alam kung bakit. Ang daming tanong na gumugulo sa isip. Bakit, at ano ang dahilan... nakakainis, nakakabuwisit. Subalit ano ang magagawa? kung ang puso kong ito, ay di na masaya... sa kanyang palaging nakikita, kalungkutan, kaguluhan, at mga pangyayaring... biglaang darating... biglaang mawawala...

Sorry, hindi na talaga ako makasunod, hindi na makahabol... kaya sa huling pagkakataon, marahil, ang natatangi at nararapat gawin ay tahakin ang kabilang direksyon, Huwag mag-isip ng maaaring gawin, mabuhay ng normal, matino, at wag nang isipin pa... wala ring mangyayari, wala ring makakaalam.

Kung naging walang kuwenta akong kaibigan, patawad. marahil, ganoon talaga, subalit nagpapasalamat ako sa oras na binigay mo, sa wari ko, marahil sumaya ka rin sa piling ko, yun nga lang, nararapat magwakas ang isang bagay upang magbigay daan sa mas mahalagang simula.

Kung hindi ko natupad ang lahat ng pangako ko, patawad. Marahil, nasasabi ko lamang ang mga iyon para mapagaan ang loob mo, at kung di ko kinakaya, marahil, mahirap na ngang matupad iyon. Subalit di ko kelangan ng tulong mo para lamang maisakatuparan iyon. Ang sa akin nga lang, sana sa lahat ng iyon, naintindihan mo ako, at kung bakit at kung ano ang nangyari...

Sa kung anupaman ang mangyayari sa mga nalalabing oras, nais kong magpasalamat at sabihing marami pang bagay ang nararapat mangyari... wala nang oras para ibalik ang nakaraan, nakakasawa at nakakapagod. Subalit ang lahat ay di na mapipigil ang pagbabago, at di na kailangan pang sabihin o ipagsabi ang pagbabagong iyon, basta basta ito nangyayari... ng biglaan. At nagpapasalamat ako, binigyan ako ng Dyos ng lakas na tanggapin ang lahat ng bagayna di ko kayang baguhin... dahil kusa silang nagbabago.

xciovolk89

 
   

TAGBOARD______


 
       
   

~ blog ll ~ guestbook ll ~home