MAHAL KITA 
Andrew E. 


Pag-ibig yeah! hinahanap-hanap kita 
Uubusin ko ang aking oras matagpuan ka lang 
Lahat ay aking gagawin 
Lahat ay aking ibibigay 
At kung sa kabutihang palad ika'y matagpuan, 
Umasa kang hindi kita iiwan 

Pambababae ko ay kinalimutan ko na 
Mula pa noon na araw na nakilala kita 
Sa aking puso, hinding-hindi maalis 
Ang iyong halik na walang kasing tamis 
At ang tibok ay walang kasing tindi 
Nang halikan ko ang iyong kamay at pisngi 
Kaya't magmula ngayon magpakailan man 
Ikaw at ako... nagmamahalan 

CHORUS: 
Mahal kita...yeah 
Mahal kita...ahuh 
Mahal kita...yeah 
Mahal kita...ahuh 

Pag-ibig...yeah diyan lahat nag-umpisa 
Kaya't ang pag-ibig na aking hinahanap 
Isang babaeng may pagtingin 
Siya ang aking magiging lahat 
Liwanag ng aking pag-unawa 
At kung sakaling ikaw ang may taglay 
Hayaan mong hawakan ko ang iyong kamay 

Puso ko'y iaalay ko sa'yo sinta 
Ikaw lang at wala nang nanaisin pa 
Pinapangarap pagka't ikaw ang nasa isip 
Ikaw ang hanap, maging sa panaginip 
At sa pagtinginan nating dalawa 
Para bang ang buong mundo ay limot ko na 
Tandaan pag-ibig ko'y walang hanggan 
Ikaw ang mamahalin...magpakailanman 

Mahal kita...yeah 
Mahal kita...ahuh 
Mahal kita...yeah 
Mahal kita...ahuh 

Pag-ibig hinahanap-hanap kita... 

Pag-ibig yeah! hinahanap-hanap kita 
Uubusin ko ang aking oras matagpuan ka lang 
Lahat ay aking gagawin 
Lahat ay aking ibibigay 
At kung sa kabutihang palad ika'y matagpuan, 
Umasa kang hindi kita iiwan 

Pambababae ko ay kinalimutan ko na 
Mula pa noon na araw na nakilala kita 
Sa aking puso, hinding-hindi maalis 
Ang iyong halik na walang kasing tamis 
At ang tibok ay walang kasing tindi 
Nang halikan ko ang iyong kamay at pisngi 
Kaya't magmula ngayon magpakailan man 
Ikaw at ako... nagmamahalan 

CHORUS: 
Mahal kita...yeah 
Mahal kita...ahuh 
Mahal kita...yeah 
Mahal kita...ahuh 


----------------------------------
Source: pogi_pinoy@coolpinoy.com

Subscribe to Andrew E's Mailing List at Andrew_Espiritu-subscribe@egroups.com 


[Top][O.P.M. Page]