APO Hiking Society

Ewan
Panalangin
Pumapatak Ang Ulan


Ewan

Hindi ko alam kung bakit ka ganyan
Mahirap kausapin at di pa namamansin
Di mo ba alam ako'y nasasaktan
Ngunit di bale na basta't malaman mo na...

Chorus
Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Ngumiti ka man lang sana ako'y nasa langit na
Mahal kita, mahal kita, hindi ito bola
Sumagot ka naman 'wag lang ... ewan.

Sana naman itigil mo na 'yang
Kakasabi ng ewan at anong bola na naman 'yan
Bakit ba ganyan, binata'y di alam
Na ang ewan ay katulad na rin ng oong inaasam

Repeat Chorus

Sumagot ka naman, wag lang ewan
(Sumagot ka naman, wag lang ewan)
Sumagot ka naman, wag lang ewan.


Panalangin

Panalangin ko sa habang buhay
Makapiling ka, makasama ka
Yan ang panalangin ko
At hindi papayag ang pusong ito
Mawala ka sa 'king piling
Mahal ko, iyong dinggin.

Chorus:
Wala nang iba pang mas mahalaga
Sa tamis na dulot ng pag-ibig nating dal'wa
At sana naman makikinig ka
Kapag aking sasabihing minamahal kita.

Repeat the verse

Repeat Chorus


Pumapatak Ang Ulan

Pumapatak na naman ang ulan sa bubong ng bahay
Di maiwasang gumawa nang di inaasahang bagay
Laklak ng laklak ng beer nang magdamagan
May kahirapan at di maiwasan
Mabuti pa kaya, matulog ka na lang
At baka sumakit ang tiyan.

Ang araw ko'y nabubusisi, ako ang nasisisi
Bakit ba sila ganyan
Ang pera ko ay di magkasya, hindi makapagsine
At ayaw namang dagdagan
Ubos na rin ang beer kaya kape na lang
Lahat sinusubukan kahit walang pulutan
Ang buhay ng tamad, walang hinaharap
Ni konting sarap man lang.

Refrain:
Radyo, TV at mga lumang komiks
Wala nang ibang mapaglibangan
At kung meron kang tatawagan
Trenta sentimos, ika'y makakaltasan.

(Ah-hah)

Umiindak ang paa sa kumpas ng tugtuging bago
Hanggang kumpas ka na lang at di mo na alam ang tono
Sa paghinto ng ulan, ano ang gagawin
Wag nang isipin at walang babaguhin
Mabuti pa kaya, matulog ka na lang
Matulog na nang mahimbing.

Coda
Pumapatak na naman ang ulan.




Songs Index Home

This page hosted by:

Get your own Free Home Page