Rey Valera

Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko (sung also by Sharon Cuneta)
Kung Kailangan Mo Ako
Maging Sino Ka Man (sung also by Sharon Cuneta)


Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko

Kung tayo ay matanda na
Sana'y di tayo magbago
Kailan man
Nasaan ma'y ito ang pangarap ko
Makuha mo pa kayang
Ako'y hagkan at yakapin, ooh
Hanggang pagtanda natin
Nagtatanong lang sa iyo
Ako pa kaya'y ibigin mo
Kung maputi na ang buhok ko?

Pagdating ng araw
Ang 'yong buhok
Ay puputi na rin
Sabay tayong mangangarap
Ng nakaraan sa 'tin
Ang nakalipas ay ibabalik natin, ooh
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko.

Ang nakalipas
Ay ibabalik natin, hmmm
Ipapaalala ko sa 'yo
Ang aking pangako
Na ang pag-ibig ko'y laging sa 'yo
Kahit maputi na ang buhok ko...
Kahit maputi na ang buhok ko.


Kung Kailangan Mo Ako

Mayrong lungkot sa 'yong mga mata
At kay bigat ng iyong dinadala
Kahit di mo man sabihin
Paghihirap mo'y nadarama ko rin.

Narito ang mga palad ko
Handang dumamay kung kailangan mo
Asahan mong mayroon kang kaibigang
Laging tapat sa 'yo.

Chorus
At kung kailangan mo ako
Sa oras ng iyong pag-iisa
Kung naninimdim
Asahan mong ako ay darating
Kung kailangan mo ako
Sa sandaling bigo na ang lahat
Pusong kay tamis, kailanma'y di kita matitiis
Sa sandaling kailangan mo ako.

Repeat 2nd stanza

Repeat Chorus


Maging Sino Ka Man

Ang pag-ibig ay sadyang ganyan
Tiwala sa isa't isa'y kailangan
Dati mong pag-ibig, wala akong pakialam
Basta't mahal kita kailan pa man.

'Wag kang mag-isip nang ano pa man
Mga paliwanag mo'y di na kailangan
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man.

Chorus
Mahal kita, pagkat mahal kita
Iniisip nila ay hindi mahalaga
Mahal kita maging sino ka man.

Mali man ang ikaw ay ibigin ko
Ako'y isang bulag na umiibig sa 'yo
At kahit ano pa ang iyong nakaraan
Mamahalin kita maging sino ka man.

Repeat Chorus



Pinoy Songs Index Home

This page hosted by:

Get your own Free Home Page