Our Intramuros Evening: July 27, 2003

We were supposed to just have dinner at SM Megamall on that last night of Lut's visit. We were not to stay up late because we have an early next morning schedule to tour Malacanang with Debbie and other prepians 65. While I was preparing to go and meet them in SM Megamall, Ling's text came in. Sorry but due to security reasons, all Malacanang tours are cancelled till further notice. Opps! Thank Goodness for texting. Puede nang mag-Intramuros after Megamall, sabi ni Ojie. Sige, let's meet at the Manila Hotel Lobby at 7:30 pm. Ayos!

I called up Debbie. Gusto mong sumama sa Intramuros? Hindi puede, kasi may hihintayin siyang tao sa bahay. Sayang!

I took the Pier Luneta jeepney. Akala ko kasi Friday na, so I expected traffic in Quiapo. Tuesday nga lang pala, so the trip was a breeze. I was at the Manila Hotel at 6:20 pm. Wow, galing naman ng music sa lobby. Pumapalakpak akong mag-isa after each piece. Ganado ang mga matatanda nang musicians. I listened to the likes of "The Days of Wine and Roses", "Impossible Dream", and more.

Sana maabutan nina Ojie, I kept wishing. I texted Ling and invited her to join us sa Intramuros. Would love it, pero hindi siya puwede.

Maya-maya, may two ladies na nag-join dun sa seating where I was. Obviously to relish the music. But wait. They look familiar. Titigan nga kami. At halos sabay na bumati. "Do I know you from Centro Escolar University?" , tanong ko. Hindi nila ako nakilala dahil mataba na ako, pero nang sabihin ko ang pangalan ko, ayun na! Si Mrs. Carmina Catapang pala na pinuntahan ko pa about Nutrition research sa CEU last year, at si Miss Consuelo Aniag from Malolos! Nag-ki-kill daw sila ng time! E di kumustahang umaatikabo. Picture taking pa nga. At mas malakas ang palakpak for the musicians!

Mukhang nag-extend na nga ng performance yung musicians, kasi usually hanggang 7 pm lang daw iyon, ani Mrs. Catapang. Pero hindi inabot nila Ojie.

I introduced the Urbinas. Kuwentuhan. Si TJ would like to stay overnight at the hotel! Nag-inquire si Luz. Huwag ninyong ipahalatang balikbayan kayo, advice ni Mrs. Catapang. Next time na uuwi, ganoon ang gagawin. May isang overnight stay sa Manila Hotel. Okay naman pala ang rates for locals.

We were about to part ways na, when the musicians resumed. Sit and appreciate uli kami, until finally, they stopped and got their instruments na. Siguro pina-sample lang talaga ang mga balikbayan. Ayun, talagang babay na. Pumunta muna kami sa Tesoro's, tip ni Mrs. Catapang, where we got a small piggy and a limited edition jeepney.

Lumakad kami sa kanto. Mahirap sumakay. Puno ang mga taxi. Medyo lakad-lakad na. Naparahan din. Pina-ikot ni Ojie dun sa may Manila Cathedral at sa loob ng Intramuros na kami bumaba. Ang unang concern ay pakainin ako. Sila ay nakapag-early dinner na sa Megamall. Ako ay turon lang ang na-merienda.

Nag-fiesta kami sa bibingka, puto bumbong, sago and gulaman, Indian mango with spicy bagoong. Ano bang kombinasyon iyan? Nilantakan. Ang ganda ng sounds ng band on the upper level.

Next activity, caretela ride. Uy, ang cute sana nung pony with a mini-carriage, kaso hindi for rent. Service pala nung operator ng mga caretela.

Si Angelo ang kutsero, at si Richard ang kabayo ng aming authentic caretela. Ako ang unang pinasakay, sa likod, para daw balanse. Patatabihin pala sa akin si Luz. Mrs., umisod po kayo dito sa kanan. Miss pa po ako. Ay, sorry po Ma'am. Okay lang. Si TJ sa gitna, at si Ojie ang katabi ng kutsero sa harap.

Tour guide pala ang kutsero! Okay! Itinuturo ang mga buildings, itinatabi para mabasa namin ang mga markers, kinukuhanan kami ng pictures sa mga photo op sites. At nang mahalatang balikbayan ang kasama, nag-switch pa to English. Ngayon ko lang nalaman ang sites ng Ateneo, UST at San Juan de Dios Hospital inside Intramuros. May time na pinabilis niya ang takbo ng kabayo (exciting!) , at natawa kami nang bigla niyang sahuran ng timba ang restroom moment ni Richard. Inikot talaga ang buong walled city, tumawid pa sa Fort Santiago. And we came to the end of the ride, isa-isa pa kaming nag-pose na parang kutsero sa caretela. And the charge was only P50 per head! Incredible. (Yung carriage ride namin ni Ataboy sa Niagara-on-the-Lake nung 2001, $50 for 30 minutes.)

Made na ang evening ko after the caretela ride. Stroll naman sa Ifugao hut. Nakakatawa, galing na sila sa Baguio nung weekend, pero dun pa sa fake mini Rice Terraces sa Intramuros nag-pose! Nakabili rin ng shell necklace and bracelet dun.

O, stroll naman sa Maranao hut. Ang init ng kleig lights! Hindi nakabili ng mga batik at malong. On to the big tiangge tent. Pagod na ako, puyat pa kasi. Mga Palawan made products ang nabili.

Nagsasara na ang mga stalls. Uwi na tayo, gabi na. Lakad out to the Sta Lucia gate. Naka-pose pa with an authentic guwardiya sibil at the gate si TJ.

Sumakay sa unang jeepney na dumaan. Proj 2-3. Lumipat sa Fairview jeepney dun sa Manila City Hall. Magkano po from City Hall to Quezon City Hall? Eleven pesos each.

Tulog na si TJ sa jeepney. Kami nagkukuwentuhan at nagtatawanan pa. At ako nagugutom na. Walang problema, may Burger Machine dun sa harap ng apartment namin.

Pagbaba sa City Hall, bumili ng balut. Buti hindi nag-insist ng tricycle ride si TJ. Bili agad ng jumbo hotdog and drinks. Kuwentuhan hanggang alas dos nang madaling araw. Hay . . .