Weekend Libot (Travel)

 

Kapag Sabado at Linggo

Naglilibot ako sa bahay ko

Ito ang travel na pinaka-relaxed ako

Bumabangon sa tulog na ika nga'y inin

 

Kumakain kung kailan gutumin

Ano kaya ngayon ang nais kong kainin?

Trellis sisig, o kaya'y crispy pata?

Kowloon sausage, pancit o siomai

Better yet, mamili na lang kaya

Ng healthy lulutuin sa Eunilane?

 

UP Coop tanghalian walang katulad

Daig kahit ano pa man fastfood take-out

Subukan din ang bagong Kentucky Fried Chicken

Konting lakad lang sa Matalino Street ang kailangan.

 

Pagdidilig at paglilinis ng mga halaman

Paliligo hangga't ginawin at kiligin

Paglalaba hanggang rayumahin

Mga gawaing may kinalaman sa tubig

Napakainam magpatalas ng pag-iisip

 

Ang ginawang mga sulat sa kaibigan at kamag-anak

Pag inihulog sa buson ng Quezon City Hall

Dumadaan na rin sa Quezon City library

Bumabasa ng diyaryo't magasin

na lahat ng klase'y naroon

 

Pag bandang hapon hanggang dumilim

Busy na sa kutingting at butingting

lalo't photo album ang nahawakang buklatin

Kaya't ang ayos at linis laging nabibitin

Dahil pag napagod, higa ang gagawin

 

Minsan, indulging in my hobby photography

Naroong kunan ng retrato ang sarili

O lumabas at maglakad-lakad sa kapitbahayan

Humanap ng subject na bulaklak at halaman

 

Ang pananahi sa makina man o kamay

Iba ang naidudulot na kasiyahan

Ang kaban ng telang tahiin at damit na aayusin

Mababawasan pag inspirasyon doon ay nabaling

 

Magagandang panoorin sa telebisyon

Bukod sa nakalilibang, kinapupulutan pa ng aral

Napagkukunan ng ideyang bago sa buong mundo

Tila ang tao ay lalong tumatalino at malilikhaing totoo

 

Masasayang alaala ang aking kapiling

Kaya ang pagtulog ay laging mahimbing