For October, 2007

Tula ng pangungutang


Makinig kayo mga kaibigan
Mahigpit ang aking pangangailangan
Limampung libong piso ang dapat mapunan
Sa katapusan ng kasalukuyang buwan

Kaya't aking naisip
na sa inyo ay lumapit
Isandaang kaibigan na mauutangan
Tig-limandaan lang, problema masusolusyunan.

Sige na naman kayo na ay pumila
Limandaang piso pawalan na muna
Pangako ang bayad simula sa isang taon agad
Alam naman ninyo may isang salita ako

Sa BPI Kalayaan bangko na aking kapitbahay
Maaaring ideposito ang inyong limandaan
Tiyakin lamang na tama ang numerong paglalagakan
Savings Account # 1996 0882 97 po iyan.

Huwag lamang kalimutan na ako ay sabihan
Upang sa talaan ng pinagkakautangan kayo ay mabilang
Bawat linggo mula sa 2008 isa sa inyo ang babayaran
Kaya't sa dalawang taon, matatapos rin ang obligasyon.

Maraming salamat Po sa inaasahan
Na malaking tulong ninyo sa aming angkan
Hinding hindi po namin agad malilimutan
At langit na po ang susukli sa inyong kabutihan.

1