Ang silya naming tumba-tumba
magaspang na sulihiya ang lala
may taklob na kumot iwas salubsob
upuang napaka-ginhawa
lalo na kung nakataas ang paa
ang sandalan nito salo ang ulo ko
kinse minutos pagka-upo
naghihikab, dinadalaw na ako ng antok
hindi pa tapos ang 'Totoy Bato' episode
nananaginip na 'ko dahil nakatulog