Subject: Our Sariaya outing was my 'Mauban in the New Millennium'
 

The Villa del Prado Beach and Pool Resort was practically ours!
There was space and opportunity to be alone so you can imagine how much I
enjoyed it.

We left NFA at 8 am. Papunta pa lang, katakut-takot na kainan na ang ginawa
sa bus!

We arrived at 12:30 pm. Ate lunch at 1 pm. Nakikain sa mga baon ng madla--
sugpo, itlog na maalat, mangga, bagoong, adobo, pinakbet, at ang dessert ay
fruit salad.

May naligo na sa dagat, may nag-mahjong.
Ako ay naglatag ng kutson sa isang bahay kubo at natulog hanggang breaktime.

Pagkagising, bihis para maglublob sa dagat.

Nag-overcast skies, nag-showers, and we were treated to a double rainbow! Ganda!
Nag-swimming hanggang nangulurot ang mga daliri at ginawin!

Ngayon lang yata ako nakakita ng jellyfish na kulay midnight-blue! Hinuli ng
mga kasama namin at hinayaang mamatay dun sa sand. Pinanood namin ng mga
bata hanggang sa kahuli-hulihang pagkibot.

Ahon muna. Kain ng puto na dala ng taga-Lucena NFA ofice. Nakitagay sa
Fundador ng 50th birthday celebrator namin. (Sabi ko nga, blue ang brand ko
at hindi iyon.)

Balik pa uli sa dagat hanggang dumilim. Dalawa nag tinuruan kong mag-float,
isang bata at isang adult.

Ang boys, nagsipag-ihaw ng isang kahong panga ng tuna, na ibinigay nung
isang executive ng General Santos. (Dinaanan namin iyon sa may Magallanes
earlier.)

Habang iniaayos ang masaganang hapunan, nakipag-kuwentuhan muna ako sa
Administrative Officer ng Lucena office, who even brought a cooler filled
with blocks of ice and one handyman to help in the ihaw, in addition to the
birthday puto.

Isang istorya: Last weekend ay pumunta sa Quezon si President  GMA.
Nag-helicopter. Pagkalapag, ang unang instruction ay i-erase daw yung 'ERAP'
dun sa roof ng isang warehouse. He, he, he! Na-overlook, kasi, di naman
nag-he-helicopter ang provincial staff!

Ang sarap ng hapunan! Inihaw na panga ng tuna, talong,  and steamed talbos
ng kamote (my favorite!) Nadisgrasya pa nga earlier yung prepared sawsawan
na sukang timplado ng sili at spices, natabig at nabasag ang bote. The
substutite toyo was okay.

Hindi ako sumali sa mga nag-inuman right after dinner.

Habang maingay pa ang mga nag-vi-videoke (walang sinabi dun sa harana sa
atin nung ngongo), naglakad-lakad at nagpahangin ako sa beach. Low tide na.
Ang ganda ng clear sky! May falling star pa (hindi ako ang nakakita kundi
ang kausap ko.) Nag-shine ang watermelon slice of a moon, ang ganda ng
reflection sa water. It was so serene at the beach.

Later, I took some carton boxes, naglatag at nahiga dun sa beach. I
remembered all the stargazing nights at the golf course in Diliman.

I don't understand why the others spent their time on the videoke, pool, and
mahjong!
Disappointed nga ang majority kasi walang signal ang celfones, at ang isang
nagdala pa ng TV ay hindi rin nakapanood, wala ring signal!

Doon ako natulog sa bahay kubo with Ojie. Priority ang mga Nanay at mga anak
sa beds ng cottages. Kulambo lang ang kulang (may lamok). Dala namin ang
unan, kutson, blanket, and of course my bonnet and blindfold.

At 4 am, may nagbisikletang nagtitinda ng hot pandesal Typical sa
probinsiya, may potpot, tapos nakalagay sa malaking lata yung pandesal.
Nag-almusal na ako while the rest slept on.

Tulog uli.

Maliwanag na! Bangon. Ligpit.  May mga arrivals nang mag-o-occupy nung mga
bahay kubo!

May nakapamangka na pala sa kabilang ibayo at nakabili na ng mga sariwang isda!

Bihis ng pampaligo. Inom ng kape. Lusong sa dagat. Ay, kababaw ng tubig. Ahon.
Lakad, barefoot, sa sand. Dun sa malayo. Walang katao-tao. Write messages in
the sand.
Sayang, walang bote at pangsulat. Naka-send sana ng 'Message in a Bottle'!

Eto na si Ojie, may dalang pagkain. Kuwentuhan kami sa beach.

Mainit na. Sunog na kami. Balik sa cottage. Tulog sa real bed.

Tanghalian na raw. More inihaw treats. May nanghingi ng pandagdag na funds
sa 'for the boys' daw. Bakit walang for the girls? Ibinili kami ng softdrinks.

Dumating uli ang taga-Lucena. May dala uli- isang kahong puto, niluto nung
handyman. Sarap!

After lunch, nagyayaan nang umuwi. Mabagal daw ang driver, baka gabihin sa
traffic.

Aba e halos maubos ang tubig sa dagat at sa swimming pool sa ginawang
languyan! Kaya kaphit paano ay nagsawa na rin lahat!

We left at exactly 1 pm. Nag-stop lang sa San Pablo for pasalubong shopping.
Ang sarap nung
El Mare buko pie!

Tahimik sa bus, lahat tulog most of the way. We were at the office shortly
before 6 pm.

Ang sarap ng tulog ko Saturday night!

Yesterday I went to a concert at the Quezon Memorial Circle. Filipino songs,
classical and pop, ang kinanta nung soprano who is wearing an eyepatch.
Naalala ko si Loida.

Na-negate ko and sensory overload sa videoke the night before.

Folks, we should go outing this summer! Ano'ng say ninyo? Puede ba tayo sa
Puerto Azul?
Sino na nga ang may accommodations doon?