May tibok sa dakong silangan!
'minulat ko ang aking mga mata
sa pandinig ng pagbubuklod.
'di ko mawari sa 'king pag-iisip
ang tulog na ingay ng da'ygdig.
Nakatatangan ba't nakasasakop?
Sumilay na kasi ang araw!
'winaksi man ng dating pagkakawatak,
ang gunita ko'y sa pag-ibig;
'pagka't tumingas sa 'kin ang dambana
kung kaya't umagos ang dugo.
'di na ba magbabalik ang karimlan?
Dito't doon ang paghahasik!
'pinugay ko ang aking mga labi
sa isang saksing pagsasama.
Ako'y nagbango't tulig sa pangarap:
mandi'y pumipintig ang ugat.
Ito kaya'y sandali ng paghamon?