Paskong Tula
Damit. Sapatos. Laruan. Regalo.
Napapanood sa TV.
Nababasa sa diyaryo.
Naririnig sa radyo.
Tila wala roon ang diwa ng Pasko.
Pagmamahalan. Pagbibigayan.
Nakikita ko sa aming angkan.
Kapayapaan lagi naming mararamdaman.
Akalain ko ba, ang Pasko
Nandito lang pala sa puso ko!