Pag-ibig: Mga Butil na Laglag sa Landas ng Buhay ni Eulogio V. Urbina

Sa kabilang dako'y mababasa natin
Wika ng bayaning bantog na Aladin
Ang bigat at sanhi ng sinta't pag giliw
Kung minsa'y ninira nitong isip natin

"At kung kay Florida iba ang umagaw
At di ang ama kong dapat na igalang
Hindi ko masabi kung ang pikung tangan
Bubuga ng libo't laksang kamatayan

Sa kuko ng lilo'y aking aagawin
Ang kabiyak niyaring kaluluwang angkin
Liban na kay ama ang sinoma't alin
Ay di igagalang ng tangang patalim

Oh pagsintang labis ang kapangyarihan
Sampung mag-aama'y iyong nasasaklaw
Pag ikaw ang nasok sa puso nino man
Hahamaking lahat masunod ka lamang

At yuyurakan na ang  lalong dakila
Katawa't kaluluwa'y ipanganganyaya
Buong katungkula'y wawaling bahala
Sampu ng hinga'y ipauubaya

Itong kay Alading sumbat s apagibig
Sa mag-amang Eula ay kapit na kapit
Nang sila'y dustain at bigyang pasakit
Ng kanikanilang minahal sa dibdib

At di lamang ito ang kinasapitan
Kundi niwasak na puri't karangalan
Ng diwang palalo't walang pakundangan
Pati ina nila ay linapastangan

Ang tanong ay bakit naparito iyan
Ipagawa sa kanya ang sagot naman
Ang tanong at sagot ay nababalutan
ng mithi't siphayo ng walang pitagan

Talinghagang ito'y hinugot sa dibdib
Ng may tampong puso't lumang hinanakit
Pagmamahal na di nasupil ng bait
At makasalang  labis na pagibig

Mga pagtitiis ay lubhang mapait
Ngunit namumunga ng lalong matamis
Ang ligaya namang galing sa paglupig
Ang ibinubunga'y kadustaa't hapis
 
 
 << back to homepage  << back to Butil na Laglag  << back to top  >> Ingkomg Logio