Congen Ling Comes to Town: October 21 - Nov 6, 1999

 Subject: Pinoy Sunday with Linglingay: October 24, 1999

Returned call to Ling as soon as I woke up yesterday.
Mag-ti-tiangge daw kami sa Greenhills.
Took bath and breakfast, then took taxi to fetch her sa White Plains.
Bagong bukas pa lang ang mga stalls when we got there sa Greenhills. Bili
muna ng kastanyas, para may kinakain habang naglilibot.
Christmas decorations muna ang tiningnan. Maraming magaganda!
Tinandaan ang mga babalikan. Kailangan munang ma-decide ang motif ng decor.
Nadako sa mga footwear. Nakabili ng hostess slippers, in gold, silver and
flower design (as in, tatlo). Tig-$7 lang naman!
Naliko sa mga antiques. Admire, admire ng mga jars, Vigan furniture,
Orientalia. Upo sa mga silya, himas ng mga wood-narra, molave, elm, maple,
etc. Kuha ng mga calling cards. Babalik na lang.
He, he, he! Ang mga nagsisipag-shopping, walang cash! Amex ang dala, hindi
valid sa tiangge!
Sandals and slippers na naman. Wow, mga Pradang fake, tig-$6 lang! Sukat,
pili, sukat, pili. Pati ako nakabili ng Korean chunky slippers. Nakabili pa
uli ng tatlo si Ling. Talo ang Imeldific. Isinuot na ang bagong purchases,
ipinabalot ang luma.
Bags, wow! Tunay ang mga fake Louis Vuitton, down to the packaging! Aliw na
aliw kami! Nakapili ng maganda, walang pambayad. Babalik kami, paki-tabi ang
napili.
Nagutom ang mga lakwatsera. Kakain ng halo-halo. Nadaan sa Odyssey. Teka,
mangungutang muna ng pera sa kapatid. Wala sa bahay. Hindi siguro meant na
makabili ng red Prada bag.
Punta na lang sa Sandosenang Halo. Binged on goto and tokwa't baboy and
siopao and halo-halo! Halos hindi makatayo sa busog pagkatapos. Ang dami
ninyong nakain, sabi ng friendly waitress.
Balik sa Odyssey. Tawag sa Nanay. Nasa bahay ang pera, walang driver na
maghahatid. Sorry na lang talaga ang bag.
Took cab to SM Megamall. Punta sa Art Galleries Wing. Sinilip ang exhibit ni
Pacheco, the finger painter. Nagtanong about commission work  of a painter
in one gallery. Pumunta pa sa several antiques shops.
Opps! Dumadami na ang tao sa Megamall. Lipat naman sa Shangri-La Plaza.
Hanip ang mall-hopping!
 Wala na ang ibang familiar shops sa Shangri- La Plaza! Ikot-ikot.
Nag-browse ng libro ni Felice (Visions of the Possible) sa bookstore. Nakita
rin ang hinahanap na antiques shop.
Pumasok din sa Malu Veloso shop at nagtingin ng mga jusi creations. Ang
gaganda! Tanong ng presyo, hingi ng calling card.
Sumakit finally ang mga paa. Baba sa Food Court. Kain ng binatog (Wilma, may
utang pa ako nito sa iyo!) with iced tea and fries.
Napaupo, siempre, nagka-chismisan at length.
Gabi na pala. Paglabas, aba, umulan pala. Naku, ang mga signature footwear,
naputikan konti! Madali naman nakakuha ng cab, Salamat Po!
We were still giggling on the way home. Imagine, window shopping till we
dropped!
I was amazed that I woke up early today! Even before the alarm clock sounded!

So, folks, the mini-reunion will be on Thursday dinner, in Makati na raw. At
huwag naman daw sana nagmamadaling umuwi nang maaga ang mga classmates! Si
Hector, di pa raw nakikita ni Ling.


Subject: Reunion with Linglingay and Hector at Dad's : October 28, 1999

Natabunan na ng kuwento ng 57th wedding anniversary dinner  nina Mommy at
Daddy Asperilla last Friday ang kwentong ito.

I wish that all of you folks will get to celebrate your 57th wedding
anniversary just like them! (Ako, kahit magpakasal ngayon din, e ni hindi
aabot sa 50th wedding anniversary!)

Maraming  hindi na puedeng ikuwento about the reunion, kasi nga congen na si
Ling. Undiplomatic nang mag-broadcast sa net ng pagdiga ni Hector for Jimmy
habang nakabantay sa every word si Noel, who still can recite Ling's address
and telephone number way back in the 60's.
Ano ang plate number ng kotse? hamon na tanong ni Jimmy.

Basta si Luis ay inip na inip sa pagdating ni Jimmy. Ano ba naman iyan na
pinakatatagal-tagal pa, he kept saying. Siempre, nang dumating na nga ay
humahagikgik na siya nang tawa!

By the way, alam ba ninyo kung bakit nagpapapayat si Luis lately? (Ang clue
sa tamang sagot ay matutunghayan sa Nov 1 issue ng Philippine Daily Inquirer!)

Ang Prada bag sa Greenhills tiangge, nang balikan ay ubos  na!

Nag-breakfast pala si Ling with Ruth and Girlie nung Wednesday at natuto daw
mag-stoop and gather (pleats ba, o shirrings?) sa pagsukat nung mga binili nila.

Kinakantiyawan si Maripaz ng golden birthday blowout. May pag-asa, kaya
hihintayin natin kung kelan ang imbitasyon niya, at iyon na rin daw ang
ating Christmas party!

Mahabang usapan ang pag-semi-finalize ng millennium reunion.
Naabutan ng closing time sa buffet ng Dad's. Basta sa period Aug 1-15, 2000 daw.

Next time, mas gusto ko nang mag-6750 Starbucks (mocca frapuccino) kesa
mag-coffee sa Shangri-La lobby. Hindi na nga ako pinatulog, lasang sapal pa
yung malabnaw na cappuccino! Siempre yung ambiance nga ang hinahabol doon.
Mas maagang umalis si Jimmy (ang manok ko) kaya maligaya si Noel na nasolo
si Ling.

itutuloy pa ito pag naka-buwelo na sa lakwatsa

Natabunan pa uli ng outing with a friend home from Guam.
Take note: We had pancit palabok at Jollibee Glorietta, then sat cozily at
the 2nd floor lobby of Shangri-La Manila, talking about her forthcoming
wedding, then had mocca frapuccino and ensaymada at 6750 Starbucks! It
doesn't take much money to have a great time with a friend!

>
>