Lantern Parade: December 17, 1999

Dear Ataboy,

The office friend (hindi UP graduate) who takes me
along to concerts at Las Pinas Church, Philamlife
Auditorium and the CCP told me she is going to see the
lantern parade. Good, kahapon pa ako naghahanap ng
mayayaya, sabi ko. We agreed to meet at the UP
administration building at 5:30 pm.
        I left the office at 3:30 pm. Had to go home
first, to drop off an orchid plant given by an
officemate. Nahiya akong iwanan yung plant sa office
over the weekend, baka ma-hurt ang feelings ng
nagbigay.
        Hala, ang traffic na sa Quezon Memorial
Circle! I walked up to Philcoa na lang. Naka, closed
na raw ang University Ave, ayaw nang magsakay ang mga
UP jeepneys. Nag-umpisa na akong lumakad nang may
isang jeepney driver na nag-announce na bibiyahe daw
siya! Siempre, sunod ako, at unang nakasakay dun sa
instantly napuno na jeepney niya!  Suerte! Konti na
lang ang nilakad ko to reach the Administration
Building.

        Hindi ko na ma-locate ang ka-date ko in a sea
of people! Naalala ko, doon nga pala ang office ni
Gil. Tanong sa pulis. Dun daw sa basement. Ayaw pa nga
akong payagan ng bantay na Vanguards na bumaba sa
hagdan. Doon daw dadaan ang colors! Pinababalik pa ako
at sa gilid pinadadaan. Wala pa naman ang colors at
ayan na ang pupuntahan ko, pilit ko, kaya wala nang
nagawa ang bata. Pero alam ko nainis. ( May advantage
ang golden girl, he, he, he!)

        Wala si Gil sa office niya. Nasa parade daw.
As Vice Chancellor for Community Affairs, major ang
role niya sa parade.

        Pumunta ako sa grounds at nanghaba ang leeg sa
paghanap sa kausap. Suko na ang mata. Pumuesto na ako
ang upo sa damuhan. Maya-maya, pinaaalis kami ng
Vanguards. Dun lang daw sa elevated area allowed ang
crowd, kasi spillover area ng parade participants daw
yung inookupa namin. Naka, e puno na ang elevated
area!

        Balik ako sa office ni Gil. Nakiupo doon.
Ilang silip sa labas kung nandoon na ang parade.
Finally, nakiiwan na ako ng backpack, at pumuesto sa
may stairs. Una sa parada yung Administration
officials. Kaya nagkita agad kami ni Gil dun sa may
stairs. Hindi siya umakyat sa stage.

        Usap lang kami sandali (sinabi sa akin kung
saan ang strategic na puesto for the presentations and
the fireworks display) tapos bumalik uli siya sa
parade.

        Nagtiyaga muna ako sa  puesto-alis, puesto,
alis loop dun sa may stairs.
Nakakainis na! Sumimple akong pumunta dun sa may sound
system master sa may basement, sa ilalim ng stage,
parang orchestra pit baga. Ayos! Kumubli ako konti sa
mga filing cabinets na nakatambak doon. Nakatayo nga
lang, pero perfect ang view sa presentations.

        Okay ang participation sa parade! Huge ang
delegations ng groups. At talagang with gusto ang
presentations!

        I especially liked the Asian Institute of
Tourism fully decorated tourist bus. They put
stained-glass like parol decor on all the bus windows,
a Philippine flag design on the bus wall, lights all
around (like in that Coke Bus in the ads), and other
palawits pa.
The bus unloaded a group of Filipiniana-costumed
dancers, who, together with some more dressed in
modern dance attire, performed traditional and modern
dances, barefooted, on the grounds.

        The College of Music contingent had a full
marching band with it.
 
        The College of Engineering lantern was a
mechanical marvel, of course.

        The College  of Architecture had a globe that
was split in half, then lighted, to reveal a Filipino
design in the cross-section. Palakpakan ang mga tao!

        The College of Business Administration also
had a globe with a belen inside. Liked that one, too.

         May group na pala called UP Babaylan,
composed of mga bakla at lesbian.
They wore revealing attire at may nag-flash pa ng
puwet niya sa audience. They have grown in number over
the last five years, sabi sa akin ng katabi ko.
(Dumami yung nasa puesto ko as the spillover of parade
participants increased.)

        The Catholic and Protestant communities had a
joint participation. Liked that, too.

        There were versions of the Jeep ni Erap as
lanterns. Sa UP Student Council yung isa. Nakasulat pa
nga sa front: Banggain ang Jeep ni Erap!

        May giant walis tingting lantern yung
participant espousing recycling and environmental
concerns.

        May isang grupo na ang sigaw ay "Budget ng UP,
dagdagan!" Hindi ko alam kung iyon ang nanalo ng "Most
Spirited Presentation" Award.

        The UP College of Fine Arts, a Hall of Fame
awardee, had a participation that is a complete parade
in itself. The whole college population paraded in
costumes that reviewed the century that is about to
end. Bale may groupings like political figures, local
and international. Ang lakas ng booo sa carricatures
ni Marcos at Imelda. Pinalakpakan si Gandhi. Sa group
ng significant movies, merong Psycho saka Jaws. Inis
na inis ang mga bata sa emcee, kasi hindi ma-identify
nang tama ang participant. Eto na si Frankenstein,
sabi ng emcee. Hindi naman. Monster yata. Eto na yung
whale. Whale ba yan, sabi ng katabi ko, e may white
spots naman sa tail! Sa Disney set of characters,
hindi pa rin ma-identify ng emcee yung dwarfs na
sumusunod kay Snowhite! Lalo na po nang i-announce si
Voltes V daw.  Hindi si Voltes V iyan!! sigaw ng mga
bata. Ano ba 'yan!! Inis na inis talaga sila! (Sa
totoo lang, hindi ko rin kilala si Mazenger-Z!) Nung
bandang huli, sabi na ng emcee, Sino na nga ba iyan,
mga bata? Meron pang mga paintings. Nakita ko si Mona
Lisa, saka may Picasso-type din na isa.

Napagod rin ako sa katatayo. Later e umupo na rin ako
dun sa kahon ng sound system, kaso binawalan kami ng
sound master at baka raw makuryente! Sa cement floor
na ako sumalampak, tulad nang iba pang spectators.
 

Natapos ang parade at 9 pm. Pero may palabas pa sila
sa screen, evolution of the lantern yata. Panglibang
sa audience habang nag-ta-tally ng points ng judges
for the awards.
 
Bumalik ako sa office ni Gil. Nandoon siya sa labas,
locked out daw kami dahil wala pala ang susi niya sa
bulsa at umalis yung ka-officemate niya.

So, naupo kami doon sa bangketa at nagkuwentuhan.

One month pa lang siya sa pagka-Vice Chancellor for
Community Affairs. Hanip ang scope, sa kanya
nag-re-report ang security force (panay nga ang saludo
sa kanya ng mga pulis) at pati ang garbage ay kanya
rin. Gusto nga raw ng administration ay mag-maintain
siya ng residence sa campus. Ang gastos naman daw kung
may bahay na sa Marikina, magbabahay pa sa campus!!

Marami raw problema ang trabaho niya. Pupuntahan nga
raw niya si Luis, para madagdagan naman ang dalawang
karag-karag na sasakyan ng UP Security Force.
Meron pa raw silang findings na may  outside community
na nag-da-dump  pa ng garbage sa perimeter ng UP
compound.

Hindi ang academic community ang problema niya.

I saw more of the lantern parade than Gil did. Nung
i-announce ang mga winners, ako pa ang nag-describe sa
kanya kung ano ang participation nung nanalo.

Dun sa lull before the fireworks display, hindi na
kami locked out. So I got my backpack, at naka-CR sa
hindi portalet.

Sulit naman pala ang paghihintay sa fireworks display!
Ang ganda! We collectively ohhed and ahhed, at
pumalakpak pa. Ang babaw ng kaligayahan ng mga tao,
sabi ni Gil. Wala akong pakialam sa kanya, basta
pinalakpakan ko yung mga gusto kong fireworks.

Sayang nga at yung sinasabi ni Gil na may nakasulat
pang U.P. in fireworks, sa ground pa lang ay sumabog
na nang malakas. Hindi na napanood.

Polluted ang air, talaga!

Ready na akong lumakad pauwi, but Gil insisted that I
wait a little while at ipahahatid ako kahit hanggang
Philcoa lang daw. Sige.

Kaya naka-chismis pa ako nang juicy tungkol kay
Chancellor Roman. Kuwento ito ni Gil dun sa kausap
niya, na-eavesdrop ko lang.

It seems na after parading, umakyat na si Chancellor
Roman sa stage dun sa Administration Building. Tapos,
siguro, for a better view, niyaya niya ang guests niya
na umakyat pa dun sa may open balcony ng
Administration Building.

Ayaw daw i-open nung Vanguard yung closed gate ng
balcony! Nagpapakilala na raw siya, I am very sorry
Ma'am pa ang sagot! The chancellor was furious daw,
siempre napahiya sa mga bisita dahil ni hindi pala
siya kilala nung guwardiya. E second term na siya as
Chancellor!

Si Gil at kausap, tawa nang tawa, kasi the security
plan was executed very strictly, dapat daw i-praise
ang mga bata for a good job!

Nahatid ako sa Philcoa. Nadaanan namin ang parang
fiestang maraming naglalakad sa University Avenue.

P.S.

Ang ka-date ko talaga sa lantern parade,  minalas!
Naabutan daw niya yung ubod nang habang pila pagsakay
sa UP jeepney, naabutan sila ng closure ng University
Ave,, naglakad siya sa kahabaan ng University Avenue,
kaya na-indiyan ang kausap sa School of Economics,
dahil hindi na niya kayang lakarin pa pati UP Oval.
Hindi sila nagkita. At nang hindi rin niya ako nakita,
umuwi na siya nang maaga, para hind na maglakad!
Sayang nga, because she missed the best parts of the parade.