Ingkong Logio


In this episode, Ingkong Logio falls in love.
 


    Nagpatuloy ako ng paninirahan sa Maynila at ang aking naging hanap buhay ay tagasulat (escribiente) sa Hukuman ng Tundo, na sinimulan ko noong a primero ng Noviembre ng taon ding yaon (1892) . Naglingkod ako sa hukumang ito hanggang buan ng Junio ng taong 1895.

    Akoy umalis sa hukuman sapagkat inialok sa akin ng kaibigan kong Mariano Vizcarra ang pagka- Sub-arrendador ng pamilihan sa dulong-bayan, na maaari kong pagkakitaan ng dalawa o tatlong piso isang araw, sanmantalang sa Hukumay anim na piso lamang isang linggo ang aking sinasahod, at kaunting pabuya.

    Makaraan ang isa o dalawang linggong pamamahala ko sa pamilihay nakilala ko ang isang dalagang nagngangalang Vicenta Espinosa, pamangkin ng isang may ari ng tindahan sa pamilihan ng Dulung Bayan. Ang dalagang ito ay liniligawan ng anak ng Verdugo (mamamatay ng taong naparusahan ng kamatayan) na nagngangalang Engracio Fernandez, binata.

    Palibhasa ako ay isang binata rin, ay naging isa rin ako sa mga namintuho at humanga sa kariktan  ni Vicenta.

    Bagamat si Engracio ay anak ng Verdugo at maituturing na siya (si Engracio) ang pinaka makisig sa mga binatang lumiligaw kay Vicenta, ay ako naman ang tinangkilik ng kapalaran. Si Vicentay umibig sa akin at siyay itinanan ko isang gabi at itinago ko sa isang silid ng entresuelo ng bahay ni G. Venancio Reyes Bautista sa Dulong Bayan.

    Nang malaman ni Engracio ang pagkawala ni Vicenta ay pinagharian siya ng matinding galit dahil sa kanyang pagkabigo, sapagkat siya pala ay namanhik na sa ale ni Vicenta at siya naman ay natanggap na at diumanoy may taning na ang pagkakasal nila ni Vicenta, at ang sabi pa ay hahanapin niyang pilit saan man humangga at di niya papayagang mahulog sa kamay ng iba kahit anoman ang mangyari.

    Makaraan ang ilang buan na kamiy wala ng anomang balita kay Engracio at sa kanyang mga bantang paghanap kay Vicenta, ay pinangahasan ko siyang ilinabas sa taguan, isang gabing maliwanag ang buan, ng buan ng Diciembre ng taon ding yaon (1895) upang manood ng Komedya sa Distrito ng Trozo.

    Nang matapus ang komedyang aming pinanood na marahil ay ikalabing-isa na ng gabi, ay omui na kaming dalawa ni Vicenta, kami ay masaya at walang anomang agam-agam, samantalang kami palay sinusundan ng mag pinsang Vicente at Engracio Fernandez. Ito ay nalaman ko matapos ang madugong pangyayari.

    Nang kamiy dumating sa bahay at halos hindi pa nakapagbibihis ng aming damit ay nagsipasok sa silong ng bahay si Engracio at si Vicente. Sa pagkakataong yaoy si Pedro Beluyang kasama namin sa bahay, na nagising ng kamiy dumating, ang nagsalita ng "Sino kayo?" Ang tanong na ito ay sinagot din ng tanong na "Nasaan si Vicenta?" Ang boses na ito ay nalalaman kong kay Engracio. "Manaog ka", ang wika ni Vicente kay Beluyang  nakatayo sa pintuan ng aming tirahan na hawak ng kanang kamay ang gulok naming panghiwa ng karne. Lumayas kayo rito, wika ni Beluya, mga tulisan, anya pa. Ako ng mga sandaling yaoy nasa aming silid, pagdakay kinuha ko ang aking punyal at akoy lumagay sa pinto ng silid, hawak ko ang punyal ng kanan kong kamay at ang kaliwa koy nakahawak naman sa panara ng pinto na de abaniko, ibinukas ko ang kalahati upang makita ko ang papanhik. Nakita kong si Vicente ay nilundag ang aming hagdan na may dalawang baitang lamang naman, ngunit sinagupa siya ni Beluya ng buong liksi at nabigian ng isang matinding ulos sa sikmura. Si Vicentey nahulog sa lupa, ngunit si Beluyay nahila ni Engracio at nahulog din sa lupa at nabigian niya ng ilang saksak si Beluya kaya hindi na nakabangon, kapagdakay linundag ni Engracio ang hagdan, ng makita ko itoy ibinukas ko pa ng malaki ang takip ng pinto, at ng makita ako ni Engracioy sinugud ako at akoy binigiyan ng isang mariing saksak, sinangga ko ng panara ng pinto, ang punyal niyay napako sa tabla ng panara at bago niya nabunot sa tabla ang kanyang punyal ay nabigyan ko na siya ng dalawang ulos sa tagilirang kaliwa. Sa palagay koy dinamdam ni Engracio ang kanyang mga sugat, kayat nagtangka siyang magtakbo ngunit pagdating niya sa may hagdanay siyay nabuwal at nahulog sa lupa.

    Sa aming katabing silid ng entresueloy may natutulog na isang babaeng buntis na asawa ng kutsero ay nagising sa kalabog ng pinto, na isinangga ko ng akoy saksakin ni Engracio, itoy nagbukas ng kanilang pinto at dumungaw sa lupa. Nang makita niya ang mga bangkay na nangakahandusay sa lupay napahiyaw siya at nagtatakbong umakiat sa bahay  at ginising sina Mang Venancio (ang may-ari ng bahay). nang magising si Mang Venancioy nanaog  at nag makita niya ang mga bangkay na nangakatimbuang sa lupa ay dali daling pumanhik, dumungaw sa bintana at pahiyaw na tumawag ng Veterana (ito ang mga sundalong katulad ng mga pulis ngayon sa Maynila). Samantalang nagaganap ang mga pangyayaring ito, na halos ay sa isang panahon lamang, ay kami naman ni Vicentay dali daling nagbalot ng aming mga damit at kamiy sumibad ng takbo, tinungo namin ang kabukiran ng San Lazaro, at nagtuloy kami sa bahay ng aking kaibigang Rufino Zafra sa lugal ng Angiyahan, ng gabing yaoy lubusang hindi ako nakatulog.

    Kinabukasang umagang umagay sinabi ko sa kaibigang Rufino Zafra na siya na ang bahalang mamahala sa pamilihang pinangangasiwaan ko sapagkat akoy aalis, ipinaliwanag ko sa kanya ang nangyari.
ako namay nagpaalam kay Vicenta  at ang sabi koy akoy pupunta lamang sa Cavite.


 

Next episode, Ingkong Logio assumes another person's identity.



 


This page created with Netscape Navigator Gold