GUBAT
Sa kagubatan may liblib na
lugar
Nagkalat ang ahas tuklaw
ng kamandag
Naghanap ng landas nilakad
ang gubat
Araw ang lumipas 'di na
nakalabas
May mga bagay na nagbago
sa ating paglalakbay
Dating sigla at ligaya napawi
ng lumbay
Tumayong nagiisa hinihintay
ang wakas
Dito sa masukal na gubat
Yapak ang paa tuloy ang paglakad
Nagsugat sa talahib at damong
makamandag
Sa kagubatan maraming nawawala
Sanga-sangang daan saan
ka pupunta

|
LAKLAK
Nagsimula sa patikimtikim
Pinilit kong gustuhin
Bisyo'y nagsimulang lumalim
Kaya ngayon ang hirap tanggalin
Kabilib-bilinan ng lolo
'wag nang uminom ng serbesa
Ito'y hindi inuming pang
bata
Mag-softdrinks ka na lang
muna
Pero ngayon ako'y matanda
na
Lola pahingi ng pantoma
Ayan na nga... tumataas na
ang amats ko
Kasi laklak maghapon magdamag
(O nako nahihilo na ako)
(O d'yos ko... nasusuka
na ako)
Kasi laklak maghapon magdamag
Dibale nang hindi kumain
Basta may tomang nakahain
Ang sabi ng lasenggo sa
amin
Pare shumat ka muna
Laklak ka nang laklak
Mukha ka nang parak |