Malayo na talaga ang narating ng combong Eraserheads mula nang minsang mapagtrip-an nilang irekord
sa isang garahe ang kanilang mga orihinal na kumposisyon noong 1991.
Biruin mo, mula Narra Residence Hall, hanggang....Odyssey sa SM City (hmmm...mga PhP 2.50 ring pamasahe yun)!
Sell-out? Nagpabenta? O Big-time? Well, ibansag n'yo na kung ano man ang gusto n'yo. Basta't
may commercially-released album na rin ang paboritong underground band ng Peyups (yep, totoo na talaga ito...
hindi na yung drowing na photo album).
Ultraelectromagneticpop!
Sa biglang tingin, napaka-wholesome, makulay (kumukutitap din ang plastic cover at presyo) at kuwela
ang dating ng teyp kober. Mapagkakamalan mo pa tuloy itong pantapat ng BMG sa Universal Motions (gaya
nung miss na pinagbilhan ko sa SM--hi nga pala!). Ngunit kung kikilatisin mo pa nang mas maigi
ay tsaka mo lang mapapansin na mga UP students lang pala ito na pinagsuot ng magagarang polo at Chuck Taylor.
'Di hamak na mas cute pa rin ang mga taga-Motions (sa pwet ko).
Ngunit huwag muna tayong huhusga. Ayon nga sa kasabihan ng mga kritiko, "Don't judge a tape by its wholesome
cover". Sa kasaysayan nga naman ng mga nag-mainstream na alternative acts ay hindi naman naging mapusok
ang Industriya-- kaagad.
Halimbawa'y hindi naman naging selektib ang WEA sa mga awitin ni Joey Ayala nang i-release nila ang tatlong album nito noong
1991, bagama't ang ilan sa mga awitin nito'y tumutuligsa sa istruktura ng lipunan. Gayundin
naman sa kaso ng Lokal Brown (BMG, 1991) at ni Binky Lampano (Dyna, 1992).
Kaya lang, nagkataluhan pa rin pagdating sa image packaging at exposure: naikahon si Joey sa imaheng
"save the earth", si Binky sa "Hallelujah I just Love Her so", samantalang manaka-naka namang pinagbigyan ang
Lokal Brown sa airwaves bagama't pumatok naman ang "This is not Amerika" nang ilabas ito noong 1989.
Sa madaling salita, sadyang pinipigil pa rin ang paglago para sa alternatibong musika kahit na sabihin
mo pang unti-unti nang bumubuka ang Industriya para dito.
Kung kaya naman nakalulungkot ding isipin na inedit na nila kaagad ang classic UG tune na "pare ko"
para lang pumasa sa kriterya ng mainstream. Thus the milder version, "walanghiyang pare ko" sa side two -- "walanghiya"
dahil sa ito ang ipinalit sa "tang-ina" at "naiinis na" sa "nabuburat na". Ito rin ang bersyong pinatutugtog ngayon sa
FM radio (actually, isang istasyon pa lang ang nagpapatugtog nito, 'yung LA 105.9).
Sa isang banda, puwede mo rin namang tingnan ito bilang ang "gender-friendly" version ng awit, tutal nama'y nasa side one
pa rin naman ang unscatched version nito.
Pero, hindi pa rin, eh.
Kasama rin sa teyp na ito ang klasiko ding "tindahan ni aling nena" na nagmula pa rin sa kuwelang
kukote ni Ely Buendia. Bukod dito'y may siyam na iba pang cuts sa album. Simple lang naman ang mga tema. Masaya, creative,
may kaunting angst, at mababaw lang tutuusin (pero ganun na naman ang pagkakakilala natin sa Eraserheads di ba?).
Medyo malaki ang ipinagkaiba nito sa demo tape nila two years ago na may pagka-Punk pa ang asta:
"adolescent existentialism, nihilismo, at corrupted" (Bomen's rebyu, 1991). Mas marami din ang mga lirikong Pinoy dito,
bukod pa sa siyempre'y mas pulidong recording.
Trip ko dito ang "toyang" na kung saa'y pinaglabu-labo ang iba't ibang folk songs, "Too Young" ni Dee at Lipman,
at "Silly Love Songs" ni McCartney. Tungkol ito sa mga hassles ng pag-aasawa nang maaga. Okey din ang wit at guitar licks sa "ligaya"
na kung saa'y nag-attempt ding mag-vocalizations ang grupo-- passable naman, pero ewan ko lang kung magagawa nila ito nang live.
"Clash"-ic namn ang tunog ng ska at reggae beats sa maraming awitin, tulad sa "easy ka lang" at "maling akala" (may
sexual undertones ang isang ito). Maikli ngunit suwabe ang tama ng "ganjazz" (ganito siguro mag-jazz ang kargado ng ganja) at ang
rockabilling "honky toinks granny" (isa na naman ito sa 'di matapus-tapos na grandma-complex ni Marcus).
Kung nangangamba kayo kung nakalimutan na ng Eraserheads ang "Manhid" at "Para sa 'yo bagong Isko" days nito,
UPng-UP naman ang dating ng "shirley":
Sa "combo on the run" naman ay tipikal na angst ng isang banda kung paano nilalason ng glam rock ang utak ng Pinoy audience (Manileņo, Cebuano, or otherwise):
Ngunit bumigay na nga bang talaga ang Eraserheads sa teyp na ito? Hindi ko masasagot yan. Pero parang sinagot na rin naman nila ito sa "shake yer head":
So 'yun.
Pero panahon pa rin ang makapagsasabi. Kahit nga ako'y di sigurado kung balang araw ay magrerebyu din ako ng Universal Motions sa isang Pop na songhits.
Such is the ultraelectromagnetic power of purchase. 'Tang-nang sistema talaga 'to. Nakakaburat.