“Uy sorry talaga ha, naabala pa kita.”
“Ha?”
“Baka may gagawin ka pa kasi eh.”
Ang daming tao.
Kung bakit nga ba hindi magawang maiwan ang mga babae. Ewan ko ba,
pero kahit womens lib pa, in-born na yata sa akin to. Maghatid.
“Hindi, okey lang yo’n. Kaysa naman iwanan kitang mag-isang tumawid dito. Ang daming kayang loko diyan, lalo na ngayon, gabi na.”
Alas-otso na ah.
“Sure ka ha, na okey lang sa `yo?”
“Oo naman.”
Ang taas. Kita mo lahat ng kotse.
Lahat na siguro ng klase ng tao nasa labas ngayong gabi. Traffic na nga eh, ang dami pa ring sumusugod. Kunsabagay, kailan ba hindi naging traffic ang Espana.
“Sige, hihintayin na kitang sumakay.”
“`Wag na, Jon, baka hinahanap ka na sa inyo.”
Bait. Sana lahat sila nag-aalala sa akin.
“Hindi, okey lang yon.”
Sa seven million na population ng Pilipinas, three million ang nakatira dito sa Maynila. Kaya maraming ilaw, maingay. May kotse.
“Grabe’ng traffic no?”
“Hmmm?”
“Yung traffic. Hindi na yata umaandar eh.”
“Ah.”
Minsan iniisip ko kung bakit may mga taong tulad ni Rachel, yun bang walang paki-alam.
Hindi naman sa walang malasakit (laging may piso yan para sa Pasig), o manhid, yung tipo bang... guguho na lang ang mundo at nandoon pa rin siya. Nakaupo, nanood ng TV. Mamatay na siya bukas kaya kakain na siya ng ice cream.
Bagong Opel. Cool, apple green pa!
“Bakit ba commute ka ngayon?”
Nigiti. Smile lang siya. Hindi na nga gumagalaw yung mga sasakyan at naglalakad na ang kalahati sa papulasyon ng Maynila at nag-aabang parin kami.
“Coding ako eh, tapos late na kong nagising, mahirap nang mag-park, baka ma-late lang ako.”
Full moon pala ngayon. He he. Warewolf in Manila. Parang boxing.
Sabi nila, matalino ang tao. Magaling. Bibo. Intellectually advanced. Pero hanggang ngayon, wala pa rin silang niimbento para malutas ang traffic. Nakaimbento siya ng beeper, ng cell-phone. May Gameboy pa. (Para may magawa ka sa traffic.)
Pero ano’ng naimbento niyang panlaban sa traffic?
LRT. MRT. Tunnel. Fly-over. Underpass. Overpass.
Overpass! Ang taas!
Pero traffic pa rin.
“Kailan kaya mawawala ang traffic sa Espana?”
Siyempre, smile nanaman yang si Rache. “Nung Holy Week, maluwag.”
“I meant regular days, Rach.”
“Ahhhhhh. K. “ Tumungo na lang siya. “ Hindi na mawawala yan.”
“Ha?!”
“Hindi na mawawala yan” sagot niya, nakatingin pa rin sa linya ng kotse “Simula ng naimbento ang gulong, may traffic na.”
“Pa’no mo naman nalaman yon.”
“Simple”. Tumigil siya, for effect. Paimportante sa sasabihin. “Nung nagkaroon ng gulong, dumali ang transportation. Lahat gusto nang umalis. Parang ngayon. Lahat gustong nagng umuwi, lahat may kotse, at lahat sila stuck dito sa iisang daan.”
“Ah.”
Hindi nakakatuwang sagot yon ah. In fact, nakaka-buwiset.
Nag-quit pa naman akong mag-smoke, tapos sisinghot rin lang pala ako ng tambustso ng bus.
“Siguro, sa future, pag lumilipad na ang mga kotse, mawawala ang traffic.”
Tumitig ako sa kanya. Baka may impact.
As usual, wala pa rin.
Smile.
“Hmmm...I don’t think so”. Napatingin siya sa akin. “Kahit saan may traffic, kahit gaano pa kalaki yung lugar. Like now, yung mga eroplano nagsisiksikan na langit. Nagkakandarapa na yung mga air-traffic controllers mapaluwag lang nila yung mga ruta. Pa’no pa kaya kung mapapalitan ito ng sangkatutak na sasakyan. Imagine, ang bawat isa sa mga pasahero sa eroplano na yon,may sariling kotse...”
Tinamaan nanaman itong si Rachel.
Napatingin na lang ako sa traffic. Parang ang sarap mag-swimming, sabay talon sa diving board sa pool na walang tubig. (Mas mahirap ang mag-bitay.)
Siguro ang sarap ng hindi nag-iisip. Nandoon ka lang, sumusunod sa inog ng mundo, kasi, ganoon eh. Hindi mo na kailangang isipin yung bawat kilos mo. Kung makakasama ba ito. Kung kikita ba ako. Aksaya lang ba to. Sana lahat ng bagay na gagawin ko, tama.
I think, therefor, I exist.
Kasi yang isip, traffic yan eh. Pampabara. Lahat ng tao, nag-iisip. Buti sana kung ang iniisip niya eh kung yung gagawin ba niya ay makakabuti sa iba, pero hindi eh.
Kikita ba ako. Yayaman ba ako dito. Guwapo ba siya. Sisikat ba ako dito.
“Alam mo, masyado ka kasing nag-iisip.” Ang biglang singit ni Rachel.
Tingnan mo, pati ako, iniikot.
“Yang traffic, kalimutan mo na yan. Di na maalis yan. “
Ah, okey. So dapat di ko na isipin yon. Nine thirty na at may assigments pa ako at hindi ko dapat isipin yon. Nagyon na nakikita ko na ang daan, marahil ako rin ay hindi muna makakauwi. Kaya dapat, wag ko na lang iisipin yon. Kasi kahit mag-isip ako, hindi ko pa rin maitutulak ang mga sasakyan.
Wow pare, ganda pa la ng USTe sa gabi.
“Clear your mind. Masyado ng masikip. Tigil muna. “ ang tuloy tuloy na sinasabi niya “Makikita mo na lang sa harap mo ang sagot.”
Buti pa si Rachel, walang paki-alam. Ako, pati over-pass, pinag-iisipan ko. Pati traffic. VFA. NATO bombings. Bakit ginawang bilog ng diyos ang mundo at hindi cube, para korteng regalo.
“Pag lahat ng bagay iniisip mo, you lose track of what’s important, kasi, lahat nandoon.”
Sige Rache, hirit ka pa.
“You need to slow down, to examine everything. Masyado kang nagmamadali, hindi mo na alam.”
“Hindi aalis yung iniisip mo, nandiyan pa rin yan. Pero minsan, kailangan mo rin ng break. Kailangan mo rin mag-stop, to get rid of the excess. Pangit yung sabay-sabay at mabilis. Madalian ngang matatapos, pero dagdag ka uli ng iniiisip. Ganoon din “
“You need to look down on things, to pick out the right stuff, the important stuff, kasi kung sabay-sabay, hindi mo na alam kung sino ang dapat mauna, kaya lahat sila karera. Lahat sila, nagsisiksikan.”
Sabay hinga ng malalim.
Natapos din.
Henyo yan eh, si Rachel. Lahat ng problema ng mundo, may sulusyon yan, kahit na alam niyang walang nakikinig sa kanya. May direksiyon yan si Rachel, kahit na hindi niya alam kung saan siya pupunta. Basta ang alam niya, may pupuntahan siya. May direksiyon siya, kaya minsan nakakainis.
Bakit siya, meron, ako, nawawala.
Wow, overpass, ang taas. Kita mo lahat ng nasa baba.