Red Light


    A little knowledge is bad...

        Aleli Vengua (my aunt)
 
 

       Mahirap maging matalino.  Mahirap maging guwapo.  Mas mahirap siguro kung guwapo ka na, matalino pa.  Dagdagan mo pa ng mayaman, tapos sikat.

      Gano'n si Mike.  Guwapo.  Matalino.  Sikat.  "Polo kid", hindi pahuhuli sa porma.

      Alam mo na.  Siguro naman lahat tayo may kakilalang gano'n.  Siguro, isa tayo du'n sa mga taong nagsasabing:

       "Tama yan, Mike said it eh", or "Si Mike pa!  Cool yon eh."

        Si Mike yan eh.  Of course, it's Mike.  Mike's always right.  Maporma.  Mapili.  Center of attention.    Class president.

        Si Mike. Si Mike. Si Mike. Si Mike.

        Nakakaininis ano?  Nakakainggit.

        Secured na siya.  Wala siyang problema.  Except siguro nung dumating na si Jen.

        Hindi ko alam kung kailan talaga nagkakilala yung dalawang yan.  Pero yung pinakasikat na version, eh yung sa party.

        Nasa party raw si Mike, and as usual, siya nanaman yung center of attention ng isang grupo ro'n.
Sa pagkakaalam ko (kasi hindi ako nakasipot sa party na yon), nagkukuwento raw siya tungkol sa nangyari sa kanya do'n sa Ethics class niya. Hindi ko alam yung exact details, pero in the middle of it all daw, may nagsalita na lang daw si Jen.

        "I don't agree with you"

        Lahat ng tao napatigil, including si Mike.  Wala pang nakakagawa no'n.

        Hindi naman kasi sa perfect si Mike, pero he's just so smart na akala na lang naming lahat eh tama siya.  Tapos he has this thing pa, this certain charisma, na hindi mo mahindiian.  It's not that he's always right, pero wala lang talagang nakaisip sa amin na he could also be wrong, because he was Mike.

        Maliban kay Jen.

        After that night, kilala na sa buong campus si Jen as "that girl who stood up after Mike".  Pagkatapos kasi nung memorable line niya na "I don't agree with you", eh nagdebate pa silang dalawa.   Lagalization of the sex trade pa naman si Mike, at ever the Business major, eh pro siya.  Of course babae si Jen, kaya anti yan.

        Lahat ng tao, tipong "sino ba yang Jen Salinas na yan, ha?"

        Ang alam ko, Psych major siya, Junior tulad ni Mike. Transfer student, kaya she had no inhibitions on doing what she did. Galing siya sa isang exclusive school na hindi ko na matandaan, tapos she owns that cherry red na Volkswagen.  Top Down.

        Pero ang reason siguro kung ba't naging sikat siya, besides standing up to Mike, is because Mike always hangs out with her.  Sabi  nila, nanliligaw daw si Mike.  Sabi ng iba (like yung mga may crush kay Mike), hindi.  Sabi ng classmate ko sa Math 53, na blockmate ni Mike, oo raw, kaya maraming galit sa kanya.

        Walang masama, di ba?  Sabi ko, baka mabait, pero sabi ng classmate ko, according dun sa sources niya, may ibang reason daw.

        Like I said, nobody does that to Mike.  Nasanay na siguro siya sa ganong sitwasyon, kaya nung nangyari yon, medyo naasar siya.  Most of all, na-insecure siya.

        Kung three years ka nang Big Man On Campus, mahirap na sigurong mag-adjust kung bigla kang napalitan.  I guess he figured na, if Jen was beginning to replace him, eh di let her be the "big girl on campus" while he retained his old status, gets mo?

        It's like, if you can't bet `em, join `em!

        First of all, mabait yang si Mike, pero super bruised siguro yung ego niya after that.  It's not that he became less popular, in fact, mas kilala pa nga siya, pero ngayon, it's not Mike anymore, Mike and Jen na!  He wanted to hang with her, not be tied to her!

        Anyway, trip lang siguro niyang gumanti ng konti, kaya minsan dinala niya to sa dark room.

        Normally, ang mga nagpupunta lang do'n yung mga sira at sikat na gustong mag-yosi, or those na may gustong gawin that requires a dark place.  Pero nung day na yon, solo nina Mike and Jen.  May assembly yata, kaya walang tao.

        Sinabi raw ni Mike na may meeting daw do'n yung club nila. (Basta club, ayaw ko nang mag-isip, nakalimutan ko na eh).  Eh si Mike yung VP, tapos hindi pa alam ni Jen na Dark Room yon, kaya sama naman siya.

        Eh pag-pasok nila, pinatay ni Mike yung ilaw.

        "What's that!"

        Of course madilim, eh di nag-panic si Jen.  Bigla na lang siyang napa-yakap kay Mike!

        "Ha, ha!  You trying to make a pass at me, Jen!"

        Uh-huh, batok siya tuloy.

        Bitaw naman si Jen, pero nakakapit pa rin.

        "Ano ba, para kang talaba!"

        "Mike, don't leave me here!!!!!"

        Malamang, nagwawala na si Jen, although hindi ko ma-imagine.  Tahimik yon eh, basa lang ng basa.

        Of course, si Mike natawa.

        "Relax Jen, c'mon, let go!"

        I guess kung deperado ka, lahat masasabi mo.

        Pero ayaw talagang bumitaw ni Jen.

        "Please Mike, don't leave me here!"

        Mas gusto siguro yun ni Mike.  By this point, siguro, iba na si Jen.  Nagsisisigaw na doon.  Paano, may nakapagsabi kay Mike na takot daw si Jen sa dilim.  (Desperado na siguro si Mike).

        So this was it.  This was what he wanted.  Yung magwala si Jen.  Yung magtatatalon siya do'n, humahagul-gol habang nakakapit kay Mike na parang bubuli.  Parang sadista, I know, pero para sa kanya, gantihan lang.

        He was just beginning to enjoy himself when nanahimik si Jen.

        I mean, if your with someone that's screaming one minute, and totally silent the next, malamang ninerbiyosin ka rin.

        "Jen....Jen....Uh, Jen, you okay?"

        Kung ako siguro, nasipa ko Mike.

        Pero okay lang, kasi, by this time, si Mike na yung malapit magwala.

        "Uh, yeah, I'm okay."

        Pero if you were Mike, would you trust her?

        "Mike..."

        "Yeah, Jen?"

        "Alam mo ba kung ba't ako tajot sa dilim?"

        "Uhhh, Jen..."

        Die Mike, die.  Talaga, if it were me, I'd sink to the floor and faint.

        "When I was a kid...I didn't use to be afraid of the dark.  In fact, I wasn't afraid of anything.  Bata ka eh, so matapang ka kasi wala ka pang alam.  Worse, super pilya ako no'n.  I played pranks on my sisters, and she got to be arachnophobic.  Until now, I think."

        "Uh, Jen, where are we going with this?"

        "Anyway, once, when I was around eight, I scared the wits out of my five-year old cousin.  I told her that if she didn't share her chocolates with me, an aswang would come and eat her.  Shake, Rattle and Roll 2 was just shown, and may aswang yon.  Sabi ko, they'd turn her into a stew."

        "She cried, and they all got angry with me.  Pero it was a joke, it was fun.  They didn't think anything was wrong."

        "Jen...."

        "Well, one night, sabi ng ate ko, just because of all those pranks, I would get punished.  Sabi niya, a ghost would come get me.  My uncle jumped in and said that the ghost of my Great-Uncle Juan would come and spank me, kasi I was naughty."

        "Bigla ka na lang hahablutin no'n, tapos hahatawin ka ng sinturon.  Ayaw no'n sa malilikot na bata.  Natatandaan ko pa yon nung maliit ako, napalo rin ako nu'n.  Hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimutan yung amoy ng tabako niya."

        "I thought it was all crap, you know, grown-ups trying to scare you. But one night, I was walking in the garage, and the lights came out."

        "Jen, your scaring me."  Of course, Mike was scared, who wouldn't be.

        "Shut up, you scared me.  Anyway, I didn't mind. I wasn't afraid of the dark.  Eh bigla na lang sumigaw si Ate "Mag-ingat ka, baka ngayon ka puntahan ni Lolo Juan!"

        "I should have figured it out then.  Stopped.  Pero matapang ako, kaya lakad pa rin.  Kahit madilim."

        "Then there was this red light, coming over me.  And I could smell smoke.  Nung una, hindi ako natakot.  Bakit ako natatakot, eh multo lang yon.  Pero nung lumalapit na siya...I don't know, I freaked. I thought, Si Lolo Juan na yata talaga to ah! Ayoko ngang mapalo.  Ang bata matapang, pero takot yang mapalalo."

        "So I yelled I'm sorry, please, sorry.  I won't do it again!  But that darn red light just kept coming at me.  I screamed my lungs out Please po!  Magpapakabait na po ako! I'll stop the pranks!"

        "Then the lights came on and my darn unlce was there with a lit cigarette."

        Whew.  haba no'n. "Yun naman pala eh, uncle mo lang naman, ba't natakot ka pa?"

        "Yeah, pero what if it wasn't?  I mean, after some time, I kept thinking about these stuff.  Like how I wasn't able to recognize my uncle kasi madilim."

        "It's the dark.  There's something about it.  I mean, tingnan mo yung isang bagay sa umaga, at tingnan mo to sa dilim.  Wala ka siyempreng nakikita, kaya iba na.  Parang bahay, nag-iiba ng itsura pag madilim.  It doesn't even look like the same house.  It's like there's this thing, in the dark, that changes everything."

        "Ang lakas ng loob ko, kasi walang nandoon.  Wala akong makita.  Then I realized that that was it, wala akong makita.  Malay mo ba kung anong nandoon, eh wala kang makita.  Pakiramdam ko eh wala akong dapat katakutan, kasi wala namang nandoon.  Eh paano ba akong makakasigurado, eh wala nga akong makita.  I'm the one that's at a disadvantage, I'm the vulnerable one.  I'm at it's mercy."

        "Kaya I respect the dark.  Kung alam niyang takot ako, hindi niya `ko sasaktan."

        Eh kung ikaw nga naman eh napunta sa dark room, tapos yung kasama mo ay nag-kukuwento ng ganito, anong gagawin mo?  Buti nga eh hindi nag-panic si Mike.  Pero sa tingin ko, malapit-lapit na rin no'n si Mike.

        "Jeez Jen, your beginning to get weird on me. No wonder your scared, tinatakot mo lang yung sarili mo! Let's just go."

        So they left.

        Alam ko yung kuwento, kasi a lot of people were curious kung anong nangyari sa kanilang dalawa sa dark rooom, at si Jen and Mike na mismo yung nagkalat na walang nangyari.

        Pero kay Mike daw kasi, meron.

        Ito tsika lang sa `kin ng friend ko, pero I heard that it's reliable.

        Nautusan daw si Mike ng mom niya.  After the incident na to.

        Ewan ko, pinababa raw siya sa basement para kumuha ng basket or something.  Whatever.  Anyway, bababa na raw sana si Mike, eh kaso nanakot yung ate niya na baka daw magparamdam  yung multo sa kanya.  Kaya daw pala walang bumababa sa basement.  May multo raw doon.(sabi ng iba, ipapasa daw niya dapat sa daddy niya yung trabaho, eh kaso wala)

        Malas naman siguro niya na sira yung ilaw, isa lang yung gumagana, yung yellow light sa dulo ng kuwarto.  Medyo mailaw naman daw sa may hagdanan, kaya hindi rin niya naisipang mag-flashlight.

        Hindi rin niya naisipang mag-utos na lang.  Guy siya eh, siyempre macho effect.  Ano siya, takot sa dilim?

        So bumababa raw siya, tapos madilim.

        Kinakabahan daw siya, kaya nung may naamoy siyang usok, medyo nag-flip na ng kaunti.  Pero ang akala niya, may nasusunog na wire.

        Tatakbuhin na sana niya yung switch sa kabilang side ng basement, pero may nakita siyang pulang ilaw.

        Sa tingin ko, karma yon eh.

        In any case, ninerbiyos na siya.  Kaya nag-hamon yung sirang gago.  Hindi raw siya takot.  Ano raw bang akala niya?  Padadala siya du'n sa pinagsasabi ni Jen?

        Eh kaso nandoon pa rin.  Lumalapit pa nga raw yung ilaw eh.  Naglalakit papunta sa kanya.

        Hindi pa rin daw siya takot!

        Pero nung mga two meters away na, nanahimik na siya.  At alam mo raw kung anong sinabi?

        "Sorry, I won't do it again.  Please, tama na. I admit it, takot ako, okay?"

        Tumigil daw yung ilaw.  Nandoon lang, tapos umusog daw ng kaunti.  After siguro ng five or ten minutes, tinakbo raw ni Mike yung ilaw.

        Imagine mo na lang yung reaction niya nung nakinta niya yung 12 year old cousin niya na nandoon, tapos may pack ng Marboro lights.

        "Hoy, anong ginagawa mo rito!"

        Siyempre nagsisisigaw siya, napahiya siya eh.

        "Wala lang!"

        "Ikaw, kaya pala hindi ka makita!  Kanina ka pa hinahanap ni Uncle!  Nandito ka lang pala! Isusumbong kita!"

        "Kuya Mike naman eh!"

        "Anong Kuya Mike!"

        "Hu!  Ikaw nga, ang ingay mo eh!"

        "Basta ikaw!  Umakyat ka na doon!  Ang bata-bata mo pa, naninigarilyo ka na!"

        "It naman oh! Hindi naman nakasindi eh!"