Mark, mark my words. He he, it rhymes ah. Cool ng kotse man, `la pa kong nakikita na ganyan dito. Gimmick tayo bukas, test ride nating yang wheels mo. Ahhhh!! I almost forgot, pare!! Hinahanap ka ni Lindsay! Nagkita kami kanina sa canteen, kasama niya yung barkada niya. Sabi niya, i-meet mo raw siya sa may soccer field mamaya, may pag-uusapan daw kayo. Natatagalan na yata sa diskarte mo, asar na eh.
CASEY: X-FILES SA THURSDAY. BE THERE.
“Sino yon?”
Ibinulsa ni Mark ang pager niya, “Wala, kaibigan ko lang.”
Tumaas ang kilay ni Lindsay, walang sinabi pero ang mga mata ay waring nagtatanong. Hindi na lamang niya pinansin iyon at hinayaang magsawa si Lindsay sa kakatingin bago ito muling nagsalita.
“Ay, yah. Nagyayaya si Jenny na Mag-Enchanted sa Sabado, sama tayo, ha.”
TAYO. Wala na lamang siyang nagawa kundi tumungo, para ano pa ang tumanggi, eh sinagot naman niya ang tanong niya...kung nagtanong nga ba siya.
“Magdadala ba ako ng sasakyan?” Pakiramdam niya ay obligado siyang magtanong, dahil mukhang alam na niya king anong gusto nitong mangyari.
“Oo. Sira yung van eh;tapos yung kina Chatty naman hinaram. “
“ahh”
“Besides, it would be better kung may dala kang sariling car, we can leave whenever we want.”
Ayun na nga. Naisipan niyang tumanggi, idadahilan na lang sana niya yung exams niya sa linggo na yon, pero naalala niyang nanliligaw siya. Kailangan bigyan niya ng atensiyon ang bawat gusto ni Lindsay at subuking ibigay ito, kundi maaari siyang mapasagot ng iba...at marami pang iba.
Si Lindsay, maganda, matangkad, mayroong peaches and cream complexion. Unang tingin pa lang, ay alam mo nang habulin ng mga lalake, lalo na kung nasilayan mo ang magaganda nitong mga mata. Sa ngayon, ay siya lamang ang pinapansin sa ubod ng dami na nitong manliligaw.
At bakit naman hindi. Nasubukan na rin niyang tumingin sa salamin ng ibang tao, at hindi niya mapagkakaila na siya ay may ipagmamayabang. Marahil ay sinuswerte, o guwapo lang siyang talaga, kung alin sa dalawa ay hindi niya alam.
“Gosh, you’re the perfect pair!!!” ang sabi ng isa niyang kaibigan ng makita silang dalawa na magkatabi sa isang party “Super, magkamukha na kayong dalawa!!!”
At yun na nga yung simula ng panliligaw niya. Matagal na niyang napapansin si Lindsay, hindi lang dahil sa maganda ito, ngunit dahil ito ay matalino rin. Masipag mag-aral, matataas ang grades, Dean’s Lister. Siya man ay nabansagan din’g matalino, pero ni minsan ay hindi niya naisip ma makapasok sa Dean’s List (at iyon nga siguro ang tanging dahilan kung bakit wala siya doon).
“Hey, pansinin mo naman ako!!!”
“Hh-ha?” nagulat na sinabi ni Mark, naudyok sa kanyang malalim na pag-iisip at hindi alam ang isasagot, o kung tinatanong nga ba siya “Hh-ha?...Uh..Oo?”
Natawa na lamang si Lindsay, at tahimik siyang nagpasalamat sa Diyos na hindi ito naasar.
“Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah, baka you’d like to tell me what’s on you’re mind”
Bago siya makasagot ay may tumigil na babae sa tapat ng bench na kinauupuan nila, katamtaman ang taas, maputi, at medyo maputla ang labi.
“Grace!” napatayo siya ng makita niya ang kaibigan. Alam niyang hindi magkasundo ang dalawa; hindi pa nakakaupo si Grace ay ninenerbiyos na siya. Hindi niya lubos maisip kung ano nag maaring mangyari kung nagtagal silang magkasama, lalo na ngayon siya ang nasa gitna.
“Uh, Linds, this is Grace, friend ko”
Napatitig si Lindsay, matagal ito bago nagsalita “I remember you”
“Uh, Gracie--”
“Hi, Linds” masayang bati ni Grace sa likod ng isang pilit na tawa
Nararamdaman na niya ang pagkulo ng dugo ng kaibigan niya, at ang lamig ng titig mula sa kabila. Marunong magtimpi si Grace, ngunit si Lindsay ay may pagka-pranka. Hindi niya gustong manatili dito kung may sumabog sa isa.
“Sorry to bother you, Mark, but there’s been a problem with the paper”
“What is it?”
“May delay with the printer’s part, nasira daw yung presses nila at mukhang hindi maayos ngayon. “ ang mabilis na sabi ni Grace “So I don’t think we can distribute the papers tomorrow.”
Napabuntong hininga siya “That’s alright; I mean, what else can we do?”
“In the mean time, I thought we could sneak in some revisions. You know, a few modifications here and there.”
Tiningnan niya ang mga papel na inilabas ni Grace sa backpack niya, at nakita ang dami ng trabaho. Hindi siya nagreklamo; siya ang editor ng Literary Journal, gusto man niyang humindi ay hindi pupuwede. Alam rin niya na marami siyang gustong idagdag, at ito na nag pagkakataong magawa niya iyon.
“I think it’s fine just the way it is, pinapahirapan niyo na lang ang sarili niyo.” Pasingit na sabi ni Lindsay
Nakita niyang nanlaki ang mga mata ni Grace, puno ng inis at galit. Tumayo na lamang ito at ibinilin ang mga papel sa kanya.
“I have to go” ang gigil na sabi nito
“Sige, babay!!!” ang sabi ni Lindsay “Nice to see you again”
“I’ll just leave the papers to you, ha Mark? You can go over them tonight, then give them to Case tomorrow.” Dumaan ang mga nanlilisik nitong mata kay Lindsay “Besides, mukhang makabubuti para sa `yo ang mag-isip”
Hinintay niya muna’ng makalayo si Grace bago niya pinakinggan ang reaksiyon ni Lindsay. Naiwan itong naka-tanga sa sinabi ni Grace.
“I--i...” ang pasimulang sabi nito “I don't like her”
Napatawa na lamang siya. Naipit nanaman sa gulo, kawawang gago. Wala siyang gustong salihan ng panig, at naiintindihan naman ito ni Grace...pero si Lindsay???
“I don’t know why you put up with her” ang bugtong ni Grace “She is so insensitive!”
Nahalata niya na mas maganda si Lindsay ng nakasimangot, isang bagay na hindi pangkaraniwan sa mga babae. Nakaramdam siya ng matinding pagananasa, at napakalaking pagkalungkot dahil kahit anong mangyari, ay hindi niya magawang maipagkasundo ang dalawa niyang kaibigan.
“Masama lang ang araw ni Grace” dahilan niya
“HEL-LO!” ang sigaw nito “Ewan ko ba kung bakit pilit niyang isinisingit ang sarili niya dito! Feeling close.”
“Yun na nga eh” Hindi na gusto ni Mark pinatutunguhan ng usapan na ito “Ako ang kaibigan niya, hindi ikaw.”
Oy pare, heard what you did! Man, bawas sa pogi points yon ah. Ingat ka lang, baka mag-bago isip no’n!!! He he, sige ka, marami pa kami dito! Ha! Di bale, willing naman yata siyang mag-forgive. Kita ko yung roses na ibinigay mo, lover boy ka nga talaga!!!
Umaga pa lang ay nasa school na si Mark. Papasikat pa lang ang araw, at pingagmasdan niya ang mabagal na pag-akyat nito sa Silangan, mga ginintuang sinag kumakaway sa Main Building. Ito ang paborito niyang parte ng araw, ito at ang dapit-hapon. Ang paglalapit ng gabi sa umaga, at ang pagsulyap ng mga butuin sa papadilim na langit.
Naupo siya sa isang bench, hindi niya gustong mamalagi sa kotse at magsayang ng baterya. Dito niya inilapag ang baon niyang almusal. Hindi na siya kumakain sa bahay; maaga pa lang ay umaalis na siya para hindi siya maabutan ng traffic. Tulog pa ang lahat ng tao ay nasa daan na siya.
Nais rin niyang mapag-isa, hindi lang dahil sa nangyari sa kanila kahapon ni Lindsay, kundi dahil sa maraming bagay. Kailangan lang siguro niyang makapag-isip. Ang school, ang bahay, ang panliligaw niya kay Lindsay, mga kaibigan, ang bago niyang kotse, at ang mga darating na oras; lahat iyon ay naglaro sa kanyang isipan. Kung titinganan ay wala siyang dapat na problemahin, hindi lang niya alam kung bakit siya naguguluhan.
Napatingin siya sa istatwa ni Benavides, ang kamay ay nakaturo sa langit, ang bibig ay may bahid ng isang ngiti, nakatayo sa isang pedestal. Napakaswerte, walang iniisip, nakakainggit.
Natabunan ng dilim ang kanyang paningin. Dalawawang malalambot na palad ang ang dumiin sa kanyang mga mata; nakilala niya ang pabango bago pa man niya nakita ang kanyang biglang bisita.
“Casey?”
Binuksan niya ang kanyang mga mata; nakatindig ang kanyang kaibigan sa harapan niya, at kunwa’y naiinis pero nagpipigil ng isang tawa.
“Ang aga mo!” ang reklamo nito “Akala ko pa naman mauunahan kita!”
“Baka kasi traffic eh” ang sabi niya, sabay usog sa kanyang upuan “Kumain ka na ba?”
Naupo ito sa tabi niya “Hindi pa nga eh. Umiiwas din ako sa traffic”
Inabutan niya ito ng sandwhich at isang tetra pack ng Mango Juice “Eto, sabayan mo na `ko; nakakalungkot na ang kumain mag-isa”
Kinuha nito ang pagkain, nagpasalamat, sabay tumitig sa istatwa ni Benavides.
“May problema ka ba, Mark?”
Napatingin siya kay Casey, panandaliang nagdalwawang isip.. Matagal na silang mag-kaibigan, alam niyang wala siyang maitatago sa kanya.
“Wala naman, nasa mood lang akong mag-isip. Ba’t mo naman nasabi yon?”
“Kasi kanina, bago kita nilapitan, parang ang lalim ng iniisip mo. Umagang-umaga eh nakakunot na yang nuo mo.”
Napangiti na lamang siya. Ang totoo ay wala siyang maisagot, gulong-gulo ang utak niya ngayon. Nasa loob niya ang isang napakalaki at napakabigat na bato, na sa bawat galaw niya ay parang humahatak ito sa kanyang puso’t isipan. Nakakapagod, nakakagalit.
“Naiinggit lang ako kay Benavides.”
“Bakit?”
“Para kasing wala siyang problema; nandiyan lang siya, nakatayo, nanonood. Isang bayani na itinaas sa pedestal, masaya at nakangiti.”
“Isang konsepto ng iskulptor na may bulag na imahinasyon” ang sagot nito “Malay ba natin kung ang tunay na Benavides ay payat, kirat, at laging nakasimangot.”
“Hindi natin masasabi yo’n”
“Alam ko”
Tinapos nito ang kinakain sandwhich bago ito muling nagtanong.
“Ano bang mayroon kay Benavides at interesadong interesado ka dito?”
“Wala lang, gusto ko lang ngang mag-isip”
“Naku, masama yan” ang sabi nito, sabay iling ng ulo “Yan ang unang simptoma ng pagkabaliw”
“Ha ha. Bored lang ako, ano naman ang gusto mong gawin ko?”
“Magbilang ka ng puno!!!” ang mabilis nitong sagot
Tumawa na lamang siya sa sinabi ng kanyang kaibigan.
Anong magagawa niya, anong masasabi niya? Gusto niya mang magtapat ng kanyang mga problema ay hindi rin niya magawa. Ano ba ang problema niya? Iyon pa lamang ay hindi na niya masagot. Ang panliligaw? Ang pag-aaral? Ang papalapit niyang birthday? Ang school paper? Ano?
Ang mundong kanyang kinatatayuan ay mabilis na umiikot, at ang sagot na hinahanap niya ay nakabaon sa panahon--sa kahapon, marahil ngayon, at malamang bukas.
“Iyan na lang ba ang advice mo? Wala na bang iba?” ang pabiro na sabi niya
Binigyan siya nito ng mapait na ngiti “Iyon lang ang alam kong makakapaglimot ng problema mo”
Wild, pare! Napuyat ako kagabi, inabot kasi kami ng alas-tres sa daan. 12 na natapos yung concert eh, tapos, nag-bar hopping pa kami. Kasama namin si Macy, si Chatty nandoon din, tsaka si Irene, yung latest ni Jake. Sa linggo, mag-gogolf kami sa Valle Verde, sama ka? Nga pala dude, coding ako sa Tuesday, sabay naman oh?
“I read you’re editorial, and I thought it was great!” ang masayang sabi sa kanya ni Lindsay “I bet the Student Council will take action kaagad.”
Sana, ang bulong niya sa sarili.
Nagyaya nanaman ito na lumabas sa Linggo, golf daw kasama sina Chatty...si Macy, si Aaron, si Ledh, si Jake, at ang latest nito (kung sino, surprise na lang sa linggo).
Nagsasawa na siya. Kung maaari ay ayaw na niyang makakita pa ng isang Ledh, o Jake, o Aaron. Pati si Lindsay ayaw na rin niyang makita. Naririndi na siya sa ka-gigimmick, sa kakasulat, sa mga pahabol na trabaho ni Grace, pati na rin kay Casey.
Pero gununman, alam niyang hindi niya ito magagawang iwan. Di bale nang masuka siyang kaka-golf, nandiyan naman si Lindsay.
Si Linds. Pansamantala ay iniwan niya ito, nagsasalita, ewan niya kung siya yung kausap. Bayaan mo munang mag-isip.
4:30. Late nanaman si Casey.
Nilakad niya ang buong soccer field, paikot-ikot, pabalik balik. Pinagtitinginan na siya ng mga taong nakapaligid, kanina pa siya naglalakad. Naisipan niyang bumalik sa kotse, pero nagbago ang isip niya.
Mabuti na ang maglakad, makakapag-exercise na siya, ay makakapag-isip pa. Tumungo siya sa harap ng Main Building, doon na lang niya hihintayin si Casey.
Tumingin siya uli sa relo niya. Hapon na, baka maabutan na sila ng traffic. Nagsisimula na siyang maiinis ng naalala niya na alas-otso pa pala yung X-Files, marami pang oras.
Okay lang na maipit sila sa traffic, si Casey naman ang kasama niya eh.
Napadaan siya sa istatwa ni Benavides. Nakangiti pa rin ito, nawa ay nangungutya. Masaya at nakangiti pa rin ako. Nainis siya, pero naisip niya na mas nakakatakot kung nakita na lang niya itong sumimangot, lalo na kung sa harap niya. (Bahala na ang milagro, basta siya, tatakbo!)
Dapat sana ay sila ni Lindsay ang manonood, pero napagpasiyahan niyang sumama na lang kay Casey. Tutal, nag-backout naman ang boyfriend nito, at may extra ticket siya sa premiere.
Naglaro sa isipan niya ang dalawang babae. Isang morena, isang mestiza. Parehong matangkad at payat, pero hindi pareho ang taas ng kagandahan at katalinuhan.
Kung meron siyang nakitang babae na pinaghalo ang dalawa, siguro siya na ang pinakamasayang lalaki sa mundo.
Umihip ang malamig na hangin, ang unang bulong nga dapithapon. Nakita niyang nagpapaalam na ang araw, naghintay na lang sandali para sa dilim.
Great editorial! Patay nanaman ang Student Council sa `yo. This calls for a celebration! Limits tayo pare, mamayang gabi.
Pumwesto siya sa may tapat ng guwardya, dito sigurado na makikita niya si Casey pag-lumabas.
Bumubukas na ang ilaw ng eskuwelahan, simula na ang pangako ng langit. Tumingi siya sa gawing kanan, st tumama sa kanyang panigin ang Arc of Centuries, at ang nakatalikod na istatwa ni Benavides.
Alam niya na ito pa rin ay nakangiti.
Lumisan na ang araw, at sa mga sandaling iyon ay nakaramdam siya ng kasiyahan. Ang hapon. Ang paghalik ng kahapon sa bukas, ang pagtigil ng inog ng mundo, at sa katiting na oras na iyon, ay lumipad sa kanyang mga kamay ang isang hibla ng panahon.
Tumingin siya sa larawan ng buhay, sa kanyang sarili, sa papadilim na langit,
at sa pagbangon ng mga bituwin. Sa landas ng maghapon, doon niya
pa lang nakuha ang magbilang ng puno, at dumapo sa kanyang isipan ang isang
ngiti.