by: Joey Diego (MovieStar Magazine 01/13/99)

Noong 1998, tumaas ang level ni MARVIN AGUSTIN as an actor dahil sa maganda niyang portrayal sa miniseries na SA SANDALING KAILANGAN MO AKO. Aktor na raw si Marvin ayon pa sa mga humahanga sa kanyang kakayahan sa pag-arte. Nagtataka ang mga viewers kung saan hinuhugot ni Marvin ang kanyang pag-arte, lalo na sa parteng kinakailangan nitong magpatulo ng luha.

"Iniisip ko lang ang mga masasakit na nangyari sa buhay ko, marami naman 'yon at hindi ako nauubusan. Bukas na aklat naman ang naging buhay ko sa publiko kaya hindi naman siguro kataka-taka kung saan ako humuhugot ng emosyon para maging maganda 'yung acting ko kapag kinakailangan kong umiyak. Sa dami ng problemang dumating sa buhay ko, minsan nga hindi ko na kinakailangang mag-isip pa dahil kusang tumutulo 'yung luha ko."


JANUARY 1999